You are on page 1of 6

Learning Area FILIPINO

Learning Delivery Modality Modular Learning Modalities

Paaralan Baitang Walo (8)


Lodlod Integrated NHS
Guro Camille P. Lique Asignatura Filipino
Tala sa Pagtuturo Petsa 2nd Week Markahan Una
Oras Bilang ng Araw Apat(4)

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ng pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular
Pangnilalaman sa kulturang Pilipino
B. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa
Pagganap pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)
C.
Pinakamahalagang
Kasanayan sa
Pagkatuto Nagagamit at ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat
(Kung mayroon, ng balita, komentaryo, at iba pa. (PU)
MNagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
isulat ang komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). (WG)
pinakamahalagang
kasanayan
sapagkatuto o
MELC)
D. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon,
isulat ang Naisusulat ang talatang binubuo ng nagpapahayag ng sariling palagay o
Kaisipan nagpapakita ng simula, gitna, wakas
pagpapaganang
kasanayan)

Estratehiya sa pangangalap ng mga ideya gamit ang mga salita sa impormal na


II. NILALAMAN
paraan ng pakikipagkomunikasyo
III.KAGAMITANG
PANTURO
A. Mga
Sanggunian
a. Mga Pahina MELC FILIPINO 8 Q1, PIVOT BOW R4QUBE, K to 12 Curriculum Guide
sa Gabay MODULE/CLMD4A_FilipinoG8
ng Guro
LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:
b. Mga Pahina
sa
Kagamitang
Pangmag-
aaral
c. Mga Pahina
sa Teksbuk
d. Karagdaga
ng
Kagamitan
mula sa Learning Resource Portal sa https://lrmds.deped.gov.ph/k_to_12
Portal ng
Learning
Resource
B. Listahan ng
mga Kagamitang
Panturo para sa
mga Gawain sa • kagamitang pampagkatuto
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV.PAMAMAMAR
AAN
A. Panimula
Panimulang Gawain.

Basahin ang maiksing usapan sa messenger.

Sagutin
ang mga sumusunod na katanungan mula sa usapang nabasa sa itaas.

Sino ang dalawang nag-uusap sa itaas?________________________________

LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:
Saan sila nag-uusap? ______________________________________________

Ano ang kanilang pinag-uusapan? ____________________________________

Itala sa kahon ang mga salitang may diin mula sa usapan sa itaas.

Ano ang iyong napansin sa mga salitang nasa kahon? ___________________

_______________________________________________________________

B. Pagpapaunlad
Paunlarin natin ang iyong kaalaman. Narito ang pagtalakay sa mga estratehiya
sa pangangalap ng mga datos at mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon

Iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga datos o Impormasyon sa Pagsulat.

1. Obserbasyon – ginagawa sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-


bagay, tao o pangkat at pangyayari.
2. Pakikipanayam o Interbyu - Harapang pagbabato ng tanong sa taong Malaki ang
karanasan at may awtoridad sa paksang hinahanapan ng impormasyon.
3. Pagtatanong o Questioning - Paglalatag ng tanong na kinapapalooban ng 5W’s
at 1H (what, when,where,why,who at how.
4. Brainstorming - Malayang pakikipagtalakayan sa maliit na pangkat hinggil sa
isang paksa.
5. Pagsasarbey – pangangalap ng impormasyon hinggil sa isang paksa sa
pamamagitan ng questionnaire.

Mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon


1. Balbal – mga salitang tinatawag na Ingles na slang at mga salitang
kanto/salitang kalye. Halimbawa: erpat – tatay, lispu – pulis, tsekot – kotse
2. Kolokyal – mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Halimbawa: ewan , nasan, pista
3. Banyaga – salitang mula sa ibang wika na walang salin sa wikang Filipino. Tulad
ng mga salitang mula sa matematika, siyensya at teknikal na salita.
Halimbawa: toothpaste, shampoo, keyboard

Mula sa iyong kasagutan sa Panimulang Gawain sagutin ang mga katanungan:


Anong uri ng estratehiya sa pangangalap ng mga datos ang ginamit ng guro sa
kanyang mag-aaral? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Muling itala ang mga salita sa kahon sa panimulang Gawain at kilalanin kung
LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:
anong uri ito ng salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon

Salita sa Kahon
Uri ng salitang ginamit sa impormal na komunikasyon
1.
2.
3.
4.
5.
6.

C. Pagsasanay 1 : Bilugan ang letrang tumutukoy sa estratehiya sa pangangalap ng


Pakikipagpalihan mga datos o Impormasyon na ginamit sa pangyayaring nasa bawat bilang.
1. Nagbato ng mga katanungan ang mag-aaaral sa isang doktor tungkol sa
mga paksang may kinalaman sa propesyon nito gayundin, naglahad ng mga
kasagutan ang doktor.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
2. Namahagi ng mga papel si Anna na may mga set ng katanungan para sa
mga taong kabahagi ng isang paksang kanyang bibigyang komentaryo.
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey
3. Magsusulat si Juan ng isang balita tungkol sa pandemya. Bumuo siya ng
mga tanong nagsisimula sa ano, paano, bakit, saan, kalian at sino. Anong uri ng
estratehiya ang kanyang ginamit?
A. Brainstorming C. Obserbasyon
B. Pagtatanong o Questioning D. Interbyu
4. Pumunta ang magkakaibigang Jose, Flor at Ina sa parke upang magmasid
ng mga pangyayaring nabago matapos ang pandemya.
A. Pagsasarbey C. Obserbasyon
B. Interbyu D. Pagsasarbey
5. Nagsagawa ng isang pagpupulong ni Anton upang pag-usapan ang
kanilang gagawing pananaliksik para sa kanilang pagbabalita
A. Interbyu C. Obserbasyon
B. Brainstorming D. Pagsasarbey

Pagsasanay 2: Punan ng pahayag ang blangkong bahagi ng usapan gamit ang


mga salitang ginagagamit sa pakikipagkomunikasyon.

Estudyante 1: Tropa, tapos ka na ba sa pagsagot sa modyul?


Estudyante 2:
_______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Pano na kaya ang mangyayari sa susunod na taon ng pag-aaral?
Kakayanin pa ba natin?
Estudyante 2:
LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:
_______________________________________________________________.
Estudyante 1 : Ano nga palang gadget ang gamit mo at paano mo ito ginagamit sa
klase?
Estudyante 2:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Estudyante 1 : Ganun pala ang ginagawa mo, ang husay mo naman. Bigyan nga
ako ng payo sap ag-aaral tropa.
Estudyante 2:
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
D. Paglalapat

Gawain 1: Magtala ng mga katanungan na maaari mong gamitin sa pangangalap


ng impormasyong ilalagay sa isang balita o komentaryo na may kinalaman sa
Pandemya. Pumili ng isang estratehiya bilang gabay sa iyong magiging
talatanungan.
Estratehiya: _______________________________________
Mga katanungan:
1. _______________________________________________________________?
2.________________________________________________________________?
3.________________________________________________________________?
4.________________________________________________________________?
5.________________________________________________________________?

Gawain 2 : Basahin at unawain ang maikling sanaysay.


Pandemya
Dati ay papel, ballpen, tropa at baon mula kay ermat ay sapat na upang
masabing ikaw ay nag-aaral. Ngayon?, laptop, headphone at sariling pagsisikap sa
pag-aaral ang kailangan upang makapasa, hindi na rin uso ang barkada. Ito ang
epekto ng pandemya sa ating lipunan. Merong online class at modyular na pag-
aaral sa sistema ng edukasyon upang ipagpatuloy ang pag-aaral, dahil ika nga nila,
“No student left behind” o walang mag-aaral ang mapag-iiwanan pagdating sa
pagkatuto.
Magtala ng dalawang salita sa bawat impormal na komunikasyon na ginagamit sa
maikling sanaysay na binasa.

LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:
BALBAL KOLOKYAL BANYAGA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang masukat ang iyong mga kaalamang natamo sa
V. PAGNINILAY aralin. 
Panuto: Isulat ang TAMA kung tama ang inilalahad ng pahayag at kung mali ay bilugan ang salitang
nagpamali at ilagay ang angkop na salita sa inilaan na espasyo sa unahan bago ang bilang. 
____________________1. Pumunta si Anton sa isang parke upang magsagawa ng obserbasyon sa
mga batang naglalaro rito sa pamamagitan ng interbyu.
____________________2. Nagbrainstorming sina Jose, Riza at Mike tungkol sa kanilang ulat sa
Filipino.
____________________3. Gumawa ng interbyu ang mga mananaliksik para sa kanilang
pagsasarbey.
_____________________4. Ang batayang tanong sa pagtatanong ay Ano, Sino, Paano, Saan, Kailan
at Bakit.
_____________________5. Interbyu ang ginagawa sa tuwing ikaw ay naghahanap ng trabaho.

AWPUT Bilang 2:
Panuto: Sa paraang pasulat, bumuo ng isang maiksing usapan (iskit) sa pakikipanayam o pag-
iinterbyu na ginagamitan ng mga salitang ginagamit sa impormal na pakikipagkomunikasyon. Gawin
ito sa  isang buong papel.

VI. REFLECTION Buuin ang pahayag sa ibaba.


Naunawaan ko na  ________________________________________________________.
Nabatid ko na  _____________________________________________________________.
Magagamit ko ang kaalaman sa araling ito sa _______________________________.

Inihanda ni: Binigyang pansin ni:

CAMILLE P. LIQUE JEFFREY C. SANTANDER


Guro sa Filipino 8 Punongguro II

LODLOD INTEGRATED
NATIONAL HIGH SCHOOL
Lodlod, Lipa City
Tel No.: (043) 757-2913 Lifting Integrity and Nurturing Holistic Society
Email add:

You might also like