You are on page 1of 3

Kagawaran ng Edukasyon

Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralang Sangay
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum
PAGMAMASID AT PAGHAHATID NG KURIKULUM SA FILIPINO
Maynila

MUNGKAHING LUNSARAN SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO


( Sekundarya- SHS, Baitang 11-12 )

Guro: Candelaria C. Santos_________________ Paaralan: Mataas na Paaralang Manuel G. Araullo_


Baitang at Pangkat: ____11_________________ Asignatura: Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto
Petsa: ____________________ Tungo sa Pananaliksik__________ Paksa ng Aralin:
_________________________
Markahan: ___Ikatlo______________________
Linggo: ________________________________

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nasusuri ang iba’t ibang uri ng binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at
daigdig.
B. Pamantayan sa Pagganap
Nakasusulat ng isang panimulang pananaliksik sa mga penomenang kultural at panlipunan sa bansa. C.
Kasanayang Pampagkatuto
Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
(F11PB-IIId-99)

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Tekstong Persweysib


Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto:
1. Kognitibo
Nakapaglalahad ng ideya, opinion ukol sa isang paksa.
2. Apektibo
Maingat na nakapagbibigay-reaksyon sa mga bagay-bagay na nakikita at naririrnig sa kapaligiran. 3.
Saykomotor
Nakagagamit ng mga salitang panghikayat sa mga pahayag.
B. Sanggunian
C. Kagamitan
D. Pagpapahalaga
E. Integrasyon ng mga Kasanayan, Isyu at Kalakaran: Kultura sa Tahanan, sa Pamayanan, Suliranin sa Basura,
Pampublikong Pagsasalita, Pisyolohiya, at iba pa

III. PAMARAAN

A. Panimulang Gawain

1. Paunang Pagtataya/Panimulang Pagsubok:


1-5 aytem na pagsubok sa mga konseptong ukol sa persweysib
2. Balik-aral/Tukoy-alam:
S3-SIPAT-SURI-SABI
Pagpuna, pagsuri, at pagbabahagi sa klase ng mga naisip batay sa larawan ng inang may hawak na walis
tingting at naglilinis ng bakuran. Makikita rin sa larawan ang bukana ng bahay na may ilang bagay na
panlinis tulad ng walis tambo, bunot, basahan, at iba pa. (Ang pagsipat-suri at sabi ay pagbabahagi ng
maikling tekstong iikot sa tekstong impormatibo, deskriptibo, o naratibo.

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak: ‘VOTE FOR ME Strategy’


Pagtawag sa dalawang mag-aaral sa harap ng klase upang magbigay ng talumpati hinggil sa nararapat gawin sa
problema ng basura sa kanilang barangay. Boboto ang mga kaklaseng tagapakinig sa pagitan ng dalawang kamag-
aral pagkatapos nilang magtalumpati.
Pagtalakay sa paunang kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa:
(1) Ano ang isyung tinalakay ng dalawang mag-aaral?
(2) Paano sila nagpahayag?
(3) Ano ang naging saloobin sa bawat tagapagsalita?
(4) Ano-ano ang mga pananaw ng mga nagtalumpati na nakatawag-pansin?
(5) Paano dapat humikayat ng paniniwala ng ibang tao?

2. Pagtalakay sa Aralin (Pagmomodelo/Pagbibigay-input ng Guro)


A. Pagbabahaginaan tungkol sa tekstong persweysib
B. Pagtalakay sa depinisyon, katangian, at kakaniyahan ng tekstong persweysib
C. Pagbibigay-diin sa mga konseptong dapat tandan sa pagsulat ng tekstong persweysib
D. Pagbibigay-sintesis

3. Ginabayang Pagsasanay (Panggitnang Pagtatasa)


Padayad na pagbabasa ng isang maikling Tekstong Persweysib. Susuriin ito batay sa nilalaman at
pananalitang ginamit ng manunulat. Pagkatapos ay ibabahagi sa klase ang nasuri.

4. Pangkatang Gawain/Pagsasanay (Pagpapalalim)


Pagbuo ng isang “Billboard” ng isang Responsableng Kabataang Pilipinong Tagapagpahayag

C. Paglalahat (Panghuling Pagtatasa)

1. Pagninilay/Sentisis
Padayad na pagguhit ng “Human Torso” at paglalagay rito ng mga simbolong kakatawan sa mga katangiang
nakikita sa isip para sa isang Pilipino kapag nagpapahayag
2. Isahan o Malayang Pagsasanay o Pangwakas na Pagtataya (Panghuling Pagtatasa)
Pagsagot sa 1-5 aytem na Panghuling Pagsusulit

D. Karagdagang Gawain
-Panimulang Pananaliksik (Limahang Pagpapangkatan-magkakalugar o magkakalapit ang bahay)

Magmasid sa sariling komunidad/baranggay ng mga sitwasyon o pangyayari na nagpapakita kung saan at paano
ginagamit ng mga kalugar ninyo ang pagsasalitang nanghihikayat. Itala sa dyornal (notbuk o anumang sulatan)
ang mga datos na namasid o naobserbahan. Igawa ito nang pasulat na ulat batay sa mga bahaging ito:

I. Introduksyon/Panimula (Pagpapakilala sa paksang sinaliksik, kalakaran ng pagpapahayag sa lugar na


pinagdausan ng pananaliksik, at ang maaaring maiambag ng pananaliksik na ginawa sa buahy ng mga
kabaranggay)

II. Metodolohiya
2.1 Ginamit na pamaraan sa pangangalap o paghahagilap ng mga datos, paano isinagawa ang pangangalap ng
datos
2.2 Instrumentong ginamit sa Pananaliksik (Mga bagay na naging kasangkapan para makakuha ng mga
datos)
2.3 Mga Kalahok ng Pag-aaral (Mga taong pinili para obserbahan ang pamaraan ng pagpapahayag. Tukuyin
ang eksaktong bilang ng pinili at paano sila pinili, ilahad ang mga batayan sa pagpili.)

III. Paglalahad at Pagbibigay-interpretasyon sa mga Datos


(Gagamitan ng istratehiya sa paglalahad at pagbibigay-intrpretasyon sa mga datos)

Pangalan at Lagda ng Guro: Candelaria C. Santos Posisyon Dalubguro II Pangalan at Lagda ng Nagmasid: Posisyon:

ERM-karapatang-sipi

You might also like