You are on page 1of 4

MASUSING GABAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO 11

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

NILALAM Gamit ng Wika sa Lipunan: Regulatori


PAMANTAYANG Nauunawaan ang mga konsepto, elementong
PANGNILALAMAN cultural, kasaysayan at cultural, kasaysayan at gamit
ng wika sa lipunang Pilipino.
PAMANTAYANG SA Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang
PAGGANAP pinagdaanan at pinagdaraanan ng wikang
Pambansa ng Pilipinas.
MGA KASANAYANG Ang mga mag-aaral ay inaasahang;
PAMPAGKATUTO a. nabibigyang kahulugan ang mga
komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(ayon kay M.A.K Halliday)
b. natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa
lipunan sa pamamgitan ng napanood na
palabas sa telebisyon at pelikula (Hal. Be
careful with my heart, Got to Believe, Ekstra,
On the Job at Word of the Lourd)
c. nakasusulat at nakapaglalahad ng isang tiyak
na panregulatoryong gawain.
KALABASAN NG Sa katapusan ng aralin, ang mag-aaral ay
ESPISIPIKONG inaasahang:
PAMPAGKATUTO a. nakapagtatanghal ng isang pagpupulong o
patalastas sa loob ng klase.
ORAS NA INILAAN 60 minuto

BALANGKAS NG ARALIN:

1. Panimula (Gawain) : Pagbabalik-aral at pagbibigay ng mahahalagang


tanong tungkol sa bagong aralin

2. Pagganyak : Pangkatang Gawain:


- Larong Pagpapasunod
- Letrang ididikit sa pisara (REGULATORI)
- (ibang pang mungkahi)

3. Paglinang sa : Tungkulin at gamit ng Wika sa Lipunan:


Bagong Aralin Regulatori

4. Pagsasanay : Indibiduwal na Gawain : Panuto ko, Sunod


Mo!
- Kronolohikal (Mga pagtatala ng mga Tula ni
Dr. Rizal)
- Prosidyural (Pagsunod sa preskripsyon ng
Doktor)
- Sikwensyal (Pagtala ng mga resipe)
5. Pagpapalawak : Pangkatang Gawain: Nakapagsasagawa ng
patalastas

6. Pagtataya : Indibiduwal na Gawain: Panonood ng video


clip at ang itala ang mga sumusunod na

KAGAMITAN Powerpoint Presentation, Laptop, LCD Projector


SANGGUNIAN Sermolan, Teresita P. 2010. “Lingguwistika: Isang
Panimulang Pag-aaral.” Lungsod Iligan, CASS,
MSU-IIT.”

HAKBANG TUGON SA PANGANGAILANGAN NG


MGA MAG-AARAL
I. PANIMULA (Lecture method)
Pagbabalik-aral
1. Pagpapakilala sa mga
kasanayang pampagkatuto. Mga
layunin ng aralin ayon sa
kasanayang K hanggang 12:
a. Nabibigyang kahulugan ang
mga komunikatibong gamit
ng wika sa lipunan (ayon kay
M.A.K Halliday)
b. Natutukoy ang iba’t ibang
gamit ng wika sa lipunan sa
pamamagitan ng napanood
na palabas sa telebisyon at
pelikula (Hal. Be careful with
my heart, Got to Believe,
Ekstra, On the Job at Word
of the Lourd)
c. Nakasusulat at
nakapaglalahad ng isang
tiyak na panregulatoryong
gawain bilang tungkulin ng
wika.
d. nakapagtatanghal ng isang
pagpupulong o patalastas sa
loob ng klase.
2. Pagbanggit ng mahalagang
katanungan kaugnay sa
paksang tatalakayin.
a. Bakit mahalaga ang wika sa
lipunan o komunidad?
b. Ano ang saysay ng wika
ayon sa panregulatoryong
gamit?
c. Sa anong paraan ito
magagamit sa pang-araw-
araw na pakipagtalastasan?
II. PAGGANYAK (Simulative Activities
using ICT)
1. Ang larong ito ay pinamagatang
Larong pagpapasunod:
a. Ang klase ay hahatiin sa
Tatlong pangkat.
b. Ang bawat pangkat ay pipili ng
lider.
c. Gagawa kayo ng senaryo sa
pamamagitan ng mga
Palatandaan/simbolong
ipapakita.
d. Bawat pangkat ay bibigyan ng
isang minuto sa paghahanda
at isang minuto naman para
sa pagtatanghal.
(Cooperative-Based Group)
III. PAGLINANG SA BAGONG ARALIN
1. Tungkulin ng wika: Regulatori
kumukontrol/gumagabay sa kilos
o asal ng iba.
halimbawa:
    pasalita: pagbibigay ng
direksyon
    pasulat: panuto
(Lecture-Discussion)
Paglinang ng mga kaalaman batay sa
tinalakay: (Oral Recitation)
1. Ano ba ulit ang regulatori?
2. Ano ang tungkulin nito sa lipunan?
3. Batay sa napanood ninyong video
clip, ano ang mga nakikita ninyo
doon?
4. Nakararanas na ba kayo nang hindi
pagsunod sa mga panuto o kahit
anong paalala man iyan?
IV. PAGTATAYA: Isahang Gawain
Kronolohikal (Mga pagtatala ng
mga Tula ni Dr. Rizal)
V. Prosidyural (Pagsunod sa
preskripsyon ng Doktor)
Sikwensyal (Pagtala ng mga resipe)
VI. PAGPAPALAWAK: Pangkatang
Gawain: Aktwal na Demonstrasyon
Magkakaroon ng demonstrasyon ang
mga mag-aaral sa loob ng klase:
1. Hahatiin ang klase ng Tatlong
pangkat.
2. Ang mga paksa ay ang mga
sumusunod:
- Kronolohikal
- Prosidyural
- Sikwensyal
3. Bibigyan ng Tigdadalawang
minuto ang bawat pangkat sa
pagtatanghal
VII. PAGTATAYA: Pangkatang Gawain:
Pagtatanghal ng isang
Pagpupulong (Cooperative Based
Group)
Ang mga mag-aaral ay magkaroon
ng isang pagtatanghal ayon sa mga
sumusunod:
- Bilang Guro
- Bilang Pulis
- Bilang Doktor
a. Hahatiin ang mga mag-aaral sa
Tatlong pangkat, at bawat
pangkat ay bubuo ng iskrip gamit
ang regulatoryong wika.
b. Bibigyan ng Tatlong minuto ang
bawat pangkat sa pagtatanghal.
c. Ang pagmamarka ay nakabatay
sa pamantayan.

Inihanda nina:

John Rey M. Martinez- Surigao del Sur


Jackielyn P. Almedilla- Tandag City
Francis P. Mecompal- Agusan del Norte

You might also like