You are on page 1of 9

Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11 Komunikasyon

Linangin ( Ikalawang araw)

I. Layunin
Naihambing ang bilingguwalismo at multilinggwalismo gamit ang compare and
contrast map
A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang mga konsepto, elementong
kultural, kasaysayan at gamit ng wika sa lipunang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang
pinagdaanan at pinagdadaanan ng wikang pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayan sa Pagkatuto: Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga
konseptong pangwika

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Konseptong Pangwika
B. Domain: Paglinang ng Talasalitaan
C. Code: F11PT- Ia-85
D. Kagamitan: Video Clips, Laptop
E. Sanggunian: Komunikasyon sa Wika at Kulturang Pilipino
Pahina 7
III. Pamamaraan
A. Balik-Aral
Ano ang kahulugan ng wika at ano ang kabuluhan nito?
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Manood ng Video Clips tungkol sa mga teleserye na may usapang gamit ang
mga konseptong pangwika
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Ilahad ang sariling kaisipan batay sa vidyong napanood
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan
Paano naiiba ang uri ng pagpapahayag ng bawat indibidwal sa ibat-ibang
sitwasyon?
( Tatalakayin ng guro ang bilinggwalismo at multilinggwalismo)
E. Paglalahat
Batay sa talakayan, ano ang bilinggwalismo at multilinggwalismo?
F. Pagtataya
Ihambing ang kaibahan at pagkakatulad ng bilinggwalismo at
multilinggwalismo gamit ang compare ang contrast map

PAGKAKATULAD PAGKAKAIBA

Rubriks

Pamantayan sa pagmamarka

5 Puntos- maayos na maayos ang paghahambing


4 Puntos- maayos ang paghahambing
3 Puntos- Katamtamang ayos ng paghahambing
2 Puntos- walang nabuong paghahambing

IV. Tala
( Itatala ng guro kung nakamit baa ng layunin o hindi ng kaniyang aralin)

V. Pagninilay
A. Bilang ng mag aaral na nakakuha ng 5, 4, 3, 2
B. Bilang ng mag aaral na nangangailangan ng remediation
C. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Pagninilay ng guro sa istratehiyang pagtuturo
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11

Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagkasulat ng ibat-ibang anyo


ng sulatin na ginagamit sap ag-aaral sa ibat-ibang larangan.

I. Layunin
Nakasusulat ng piling anyo sulating teknikal bokasyunal sa diskripsyon ng
produkto.

II. Paksang- Aralin:


A. Paksa: Pagsulat ng piling anyo sulating teknikal bokasyunal ( diskripsiyon ng
produkto
B. Sanggunian:
C. Kagamitan:
III. Pamamaraan ng Pagtuturo

A. Panimulang Gawin
Panalangin, Pagbati, pagtala ng mga lumiban sa klase
B. Pagbabalik- Aral
Pahapyaw na babalikan ang nakaraang aralin
C. Pagbabasa ng layunin ng aralin
D. Pagganyak
Pagpapakita ng mga halimbawa ng produktong local
E. Paglalahad ng aralin
Pagpapaliwanag ng paraan ng pagsulat ng deskripsyon ng produkto
F. Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa 4 pangkat, bawat pangkat ay bibigyan ng isang produktong
local at sumulat sila ng mga diskripsyon ng produktong nakaatas sa kanila.
G. Pagbabahaginan ng bawat pangkat sa kinalabasan ng Gawain
H. Pagbibigay ng final input ng guro
Kahalagahan ng diskripsyon ng produkto.
I. Pagtataya
Panuto: Mag-isip ng iyong sariling produkto at isulat ang diskripsyon nito.

Rubiks:
4 puntos - Pagkamalikhain
6 puntos - Kaangkupan ng salitang ginamit
10 untos – Kabuuan

IV. Kasunduan

Alamin ang iba pang produktong local at ang mga gamit nito.
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Pagsusulat sa Piling Larangan ( Tech-Voc)

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng


pagsulat ng ibat-ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat-ibang
larangan
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng
ibat-ibang anyo ng sulatin
C. Kasanayang Pampagkatuto: CS_FTV 11/12EP-0d-f-42. Nakapagsasagawa ng
panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng ibat-
ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
D. Nakasusulat ng akronim ng salitang pananaliksik.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Panimulang Pananaliksik
B. Kagamitang Panturo
1. Sanggunian: Ibat-ibang internet site
https://www.emaze.com/@AIOILWCW/panimulang-pananaliksik
https://school.quipper.com/en-PH/courses/komunikasyon-at-pananaliksik-sa-
wika-at-kulturang-pilipino/pagsulat-ng-panimulang-pananaliksik.html
2. Iba pa: Board, Chalk, Cartolina, Marker

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin.


Isang maikling pagsusulit ang ibibigay ng guro sa klase hinggil sa ibat-ibang anyo
ng teknikal na sulatin.

Flyers 1. Isang paraan na maaring gamitin ng mga nagtataguyod


ng negosyo o organisasyon sa pagpapa advertise ng
produkto, serbisyo o kompanya
Menu 2. Isang uri ng sulatin na kinapapalooban ng listahan ng mga
maaaring orderin sa kahit saang kainan at mga kaakibat na
presyo ng mga ito
Naratibong Ulat 3. Isang uri ng sulatin na nagbibigay ng pagkakasunod sunod
na detalye ng isang kaganapan
B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pagganyak: Ipapangkat ang klase sa dalawahan, ipapakilala ng bawat isa
ang kanilang nakahiligang Gawain o hobby. Isusulat ang kanilang napag-
alaman sa ½ crosswise. Magtatawag ng ilan para sa presentasyon.
C. Pag uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Pagpoproseso: Ano ang mga hakbang na kanilang ginawa upang makapagbigay ng
makatas nap ag-uulat?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Panimulang pananaliksik ang tawag sa pananaliksik na naglalayong maghatid
lamang ng pag-unawa o kaalaman ukol sa isang paksa
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Paano nagagamit ng ibat-ibang sector ng lipunan ang panimulang pananaliksik?
Sa mga mag-aaral? Sa mga nagnenegosyo? Sa mga nag-oopisina? Sa isang
indibidwal?
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin
Sumulat ng akronim ng salitang pananaliksik gamit ang parehong pangkat sa ½
crosswise.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at memediation
IV. Mga Tala
V. Pagninilay
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman
Nauunawaan ang mga konsepto, elementong kultural, kasaysayan at gamit ng wika
sa lipunang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap
Nasusuri ang kalikasana, gamit mga kaganapang pinagdaanan at pinagdadaanan ng
wikang Pambansa ng Pilipinas
C. Kasanayang Pampagkatuto
F11PD-Ib-86. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanuod na
sitwasyon pangkomunikasyon sa telebisyon
D. Maipakita ang pagkakaunawa ng unang wika at pangalawang wika sa ibat-ibang
sitwasyon gamit ang piniling paraan ng presentasyon

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Konseptong pangwika: Unang Wika, Pangalawang Wika

B. Kagamitang Panturo
1. Sanggunian: Internet
http://www.slideshare.net/maestroailene/wika-at-linggwistiks
https://www.scribd.com/doc/139663150/Ang-Kabisaan-ng-Unang-wika
http://wika.pbworks.com/w/page/8021659/Filipino
2. Iba Pa: Board, Chalk, Cartolina, Marker, AV Presentation

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pagganyak: Ipapanood sa klase ang audio-visual presentation
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Pagpoproseso: Alin sa mga wikang alam ng mga batang pinakita sa video ang higit
at mas epektibo nilang nagagamit? Bakit kaya ito nangyari?
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Ang unang wika o L1 ay ang wikang natutunan ng isang tao mula ng kanyang
kapanganakan. Sang-ayoon kay Giron, ang unang wika ay ang wika ng bata sa
kanyang tahanan-ang kanyang pag-iisip ay naka encode sa wikang ito kung kaya
dahil ditto ang pagkatuto sa unang wika ay maghahanda sa bata upang maging
multilinggwal.
Ang pangawalang wika o L2 ay tumutukoy sa anuman wika natutuhan ng isang tao
matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kanyang sariling wika o ang
kanyang unang wika.
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
F. Paglinang sa Kabihasaan
G. Paglalapat ng araliin sa pang-araw araw na buhay
Pagngkatang Gawain: Magisip ng isang sitwasyon kung saan higit at epektibong
nagagamit ang unang wika at pangalawang wika. Pumili sa mga ibinigay na mga
mungkahi, a. role play, at b. poster at slogan.
H. Paglalahat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

IV. Mga Tala

V. Pagninilay
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Filipino sa Piling Larangan ( Teknikal-Bokasyunal)

I. Layunin

Nabibigyang-kahulugan ang teknikal-bokasyunal na sulatin


CS_FTV11/12PB-0a-c-105

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Sulating Teknikal


B. Kagamitang panturo: Projector, Lapel, Laptop, mga larawan
C. Sanggunian: www.scribd.com, www.hpisum.com, www.google.com

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain:
b. Panalangin, Pagbati, Pagtatala sa atendans, paalala
c. Balik-aral sa nakaraang aralin
B. Paghahabi sa layunin
Pagganyak: Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawang nakapaskil sa pisara

MGA LARAWAN MGA LARAWAN MGA LARAWAN

C. Paguugnay sa bagong aralin


Ipabanggit sa mag-aaral ang katawagan ng mga larawang nakapaskil sa pisara
gamit ang concept map. Ipalapat sa mga mag-aaral ang katangian at layunin ng
mga halimbawang uri ng Tek-bok na sulatin.

Flyers/ Leaflets

Naratibong Ulat Sulating Teknikal- Manual


Bokasyunal

Liham-Pangnegosyo

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Itanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Ano ang sulating teknikal?
2. Bakit mahalaga ang pagsulat nito?
3. Bakit kailangang pag-aralan ang sulating teknikal-bokasyunal?

E. Paglinang sa Kabihasaan
Tatalakayin ng guro ang Teknikal-Bokasyunal na sulatin
Ipoproseso ng guro ang mga sagot ng mag-aaral
1. Ano ang dapat na isa alang-alang sa pagsulat ng Teknikal-bokasyunal na
sulatin?
2. Magdagdag ng kaalaman ang guro na may kaugnayan sa paksa (Input)

F. Paglalapat
1. Gaano kahalaga nap ag-arala ng isang mag-aaral ang araling ito at ano
ang kaugnayan nito sa pang-araw-araw na pamumuhay?

G. Paglalahat ng Aralin
1. Ano-ano ang dapat tandaan ng isang indibidwal sa pag buo ng isang
Teknikal-bokasyunal na sulatin, magbanggit ng mgaa natutuhan sa
aralin?
H. Pagtataya
Hatiin sa dalawa ang klase. Gamit ang natutuhan sa aralin, gumawa ng akrostik
gamit ang sumusunod:

Pangkat A Pangkat B
T- B-
E- O-
K- K-
N- A-
I- S-
K- Y-
A- U-
L- N-
A-
L-
Pamantayan ng Gawain

Pamantayan Bihasa- (10 puntos) Mahusay (9 puntos) May kakayahan ( 8 puntos)


Mahusay ang Maayos ang Maayos ang komunikasyon
Kaangkupan
komunikasyon ng lahat at komunikasyon, may ngunit may kalabuan sa
ng salita
gamit ng wika sapat ang gamit ng wika ilang wikang ginamit
Nagtalaga ng mga kasapi Nagtalaga ng mga kasapi
Nagtalagang kasapi may
Disiplina na sinusunod ng subalit may kasapi na di
espisikong responsibilidad
kapamihan alam ang gagawin
Maayos ang
Lubos na napamahalaan May namumuno subalit
Kaisahan pamamahala ng lider at
ng lider at may pagkakaisa kulang sa pagkakaisa
may pagkakaisa

I. Takdang-Aralin
Alamin ang mga katangian, layunin, gamit at anyong teknikal-bokasyunal na
sulatin. Isulat sa inyong kwaderno o notbuk.

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

a. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng pasadong marka ____________


b. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng remediation __________
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Pagsulat sa Piling Larang (Tech-Voch)
Banghay Tuklasin – Day 1

I. Layunin
Nailalahad ang mga hakbang sa pang-akademikong pananaliksik
A. Pamantayang Pangnilalaman: Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng
pagsulat ng ibat-ibang anyo ng sulatin. Napag iiba-iba ang mga katangian ng
ibat-ibang anyo ng sulatin
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng
ubat-ibang anyo ng sulatin.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagsasagawa ng panimulang
panananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng ibat-ibang
anyo ng sulating teknikal-bokasyunal. CS_FTV11EP-0d-_____.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Kahulugan ng ibat-ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal


B. Sanggunian: TG______, LM______
C. Kagamitan sa Pagturo: Manila Paper, Pentel Pen, Pisara

III. Pamamaraan

A. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mga mananaliksik, pagpapatukoy
B. Pagtalakay sa Aralin
Nailahad ang Akademikong Pananaliksik
Mga hakbang sa Akademikong Pananaliksik
C. Paglinang sa Kabihasaan
Ano ang Akademikong Pananaliksik?
Ano-ano ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Akademikong Pananaliksik
D. Paglalahat ng Aralin
1. Ang Akademikong Pananaliksik
2. Mga hakbang sa pagsasagawa ng Akademikong Pananaliksik
E. Takdang-Aralin
Magsaliksik ng kahulugan ng ibat-ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal
gamit ang ibat-ibang sanggunian

IV. Mga Tala


Ang mga mag-aaral ay ___________________________________________________

V. Pagninilay
______________________________________________________________________
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Pagsulat sa Piling Larang (Tech-Voch)
Pangalawang Araw ( Day 2)

I. Layunin
Nakpagsasagawa ng maikling talakayan hinggil sa nasaliksik na mga kahulugan
ng ibat-ibang ano ng sulating teknikal-bokasyunal.

A. Pamantayang Pangnilalaman: Natutukoy ang kahulugan ng pagsulat ng ibat-


ibang anyo ng sulatin. Napag-iiba- iba ang mga katangian ng ibat-ibang anyo
ng sulatin.
B. Pamantayan sa pagkatuto: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng
ibat-ibang anyo ng sulatin.
C. Mga kasanayan sa pagkatuto: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng ibat-ibang anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal. CS_FTV11EP-0d- ______

II. Nilalaman

A. Paksa: Kahulugan ng iba-ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal


B. Sanggunian: TG: ________, LM: _____________
C. Kagamitan sa Pagturo:
1. Mga nasaliksik na kahulugan ng ibat-ibang sulatin
2. ½ manila paper
3. Pentel pen

III. Pamamaraan

A. Balik-Aral
Ano ang ibig sabihin ng salitang “saliksik”? anu-ano ang mga hakbang sa
pananaliksik
B. Pagbasa sa Layunin
C. Pag-uugnay ng bagong aralin sa nagdaang aralin
D. Aktibiti
1. Magtipon ang mga kasapi ng bawat pangkat na binuo kahapon
2. Pumili ng isang lugar sa isang sulok ng klasrum kung saan pwedeng
makapagtalakay nang masinsinan.
3. Isulat sa ½ manila paper ang mga naisaliksik ng lahat ng kasapi, nakalagay
ang depinisyon, awtor at pinagkuhaan ng nasaliksik.
4. Ipaskil sa dingding ang lahat ng output.

IV. Mga Tala

V. Pagninilay
Banghay- Aralin sa Filipino Grade 11
Pagsulat sa Piling Larang (Tech-Voch)
Banghay Linangin ( Day 3)

I. Layunin
Nakabubuo ng mga mungkahing kahulugan ng mga piling anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal batay sa ginawang pananaliksik ( CS_FTV11/12EP-0d-f-42).

A. Pamantayang Pangnilalaman: Natutukoy ang kahulugan at kalikasan ng


pagsulat ng ibat-ibang anyo ng sulatin. Napag iiba-iba ang mga katangian ng
ibat-ibang anyo ng sulatin.
B. Pamantayan sa Pagganap: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng
ibat-ibang anyo ng sulatin
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto: Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan at katangian ng ibat-ibang anyo ng sulating
teknikal-bokaysunal. CS_FTV11EP-0d- _____.

II. Paksang-Aralin

A. Paksa: Kahulugan ng mga ibat-ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyunal


B. Kagamitan: Internet, pentel pen, ginupit-gupit ng mga papel
C. Sanggunian: _______________________________________

III. Pamamaraan

A. Pagbabalik-aral
Ano ano ang ibat-ibang sulating teknikal-bokasyunal
B. Pangkatang Gawain
Nakabubuo ng mga mungkahing kahulugan ng mga piling anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal batay sa kanilang ginawang pananaliksik.
C. Presentasyon
Iulat ang mga nabuong mungkahing kahulugan ng mga piling anyo ng sulating
teknikal-bokasyunal
D. Paglalahat ng Aralin
Ano ang iyong natutunan sa ating aralin?
Ano-ano ang mga nabuong mungkahing kahulugan sa mga sulating teknikal-
bokasyunal?

IV. Mga Tala

V. Pagninilay

You might also like