You are on page 1of 4

ST. MARY’S ACADEMY OF CARAGA, INC.

(Formerly Holy Family Academy)


Caraga, Davao Oriental

LEARNING PLAN
Subject Area: KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK Date: Ika-13 ng Agosto, 2019

Unit Topic: TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON Unit #: 2 Lesson: 5 Semester: UNA

Transfer Goal:

The students on the long run on their own will be able to:

Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan na nakapagbibigay ng


mabisang pang-unawa sa bawat pahayag at mungkahing nababasa, napanonood at naririnig na may
pagkakaroon ng pag-uunawaan tulad ng pang-unawang ibinibigay sa mga salita ng Diyos.

Essential Understanding:

The students will understand that….

Ang wika ay nagkakaroon ng iba’t ibang gamit sa lipunan at kung paano ito ginagamit ng isang indibidwal
tungo sa mabisang komunikasyon. Nagkakaroon ng pagkakaiba ng layunin sa paggamit ng wika na
naaayon sa pangangailan ng pagkakataon.

Essential Questions:

1. Paano naging mahalaga ang komunikasyon bilang isang mamamayan sa isang lipunan?

I. Preliminaries

Pre-assessment/Review:

 Bakit nga ba nagkakaroon ng Barayti ng wika?


 Ano ang mga salik ng barayti ng wika?

Focus:

Gamit ng wika sa lipunan: Instrumental, Regulatoryo, Interaksyonal, Personal, Hueristiko,


Representatibo

Unlocking of Difficulties: bigyang kahulugan ang mga pangunahing termino

Motivation: (15 minuto)

A. Magpapakita ng mga larawan na nagpapakita ng iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan.

B. Maglalahad ang bawat mag-aaral ng kanilang mga sariling pang-unawa sa mga larawang
napanood.

Gabay na tanong:

1. Ano ang layunin ng wika na ipinapakita sa bawat sa larawan na inilahad? (pagbibigay


kaugnayan sa paksang-aralin)
APK: Sagutan ang K-W-L chart

II. Lesson Development

A. Objectives:

1. Natutukoy ang kahulugan iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng mga larawang
nagpapahayag ng kaligiran nito.

2. Nabibigyang halaga ang mabisang pamamaraan sa paglalahad ng mungkahi at impormasyon sa


pamamagitan ng gamit ng wika sa lipunan.

3. Nakagagawa ng organisadong pagkatuto gamit ang isang pangkatang gawain.

B. Activities (practice) (25 minuto)

1) Magkakaroon ng pangkatang gawain, hahatiin ang buong klase sa anim (6) na grupo upang
magkaroon ng isang Panel Discussion.

2) Ang bawat pangkat ay bibigyan ng paksang kanilang pag-aaralan at iuulat bilang


presentasyon gamit ang K-W-L chart. (5 minuto)

PAKSA: Gamit ng Wika sa Lipunan

Pangkat 1- Instrumental

Pangkat 2- Regulatoryo

Pangkat 3- Interaksiyonal

Pangkat 4- Personal

Pangkat 5- Hueristiko

Pangkat 6- Representatibo

3) Ilalahad ang mga napag-usapan at pagkakaisa ng mga ideya batay sa nakaatas na paksang
tatalakayin ng bawat pangkat gamit parin sa pagtatalakay ang K-W-L chart. (3 minuto
bawat grupo)

4) Magbibigay ng pagkakataon upang magbigay ng mga tanong sa bawat pangkat para sa


paglilinaw ng talakayan. (2 minuto)

5) Bibigyan ng marka ang bawat pag-uulat ayon sa pamantayan:

RUBRIC
10 8 5
PAMANTAYAN PUNTOS PUNTOS PUNTOS

NILALAMAN: maayos at malinaw ang


paglalahad ng mga salita

BISA NG WIKA: malikhain at nahihikayat


ang gamit ng wika

KAISAHAN: may kaisahan ang pangkat at


hindi magulo
C. Broadening of Concept:

Bilang isang mag-aaral, ano ang kahalagahan ng pag-aaral ng gamit ng wika para sa pang-araw-araw na
buhay?

Integration:

1. Ignacian Core/ related values: Excellence/ integrity

Sa anong pagkakataon mas nasasabi nating mas naging makabuluhan ang wika sa pang-araw-araw?

2. Social Orientation: Engaged Citizenship

Sa papaanong paraan nagagamit ang wika upang maging instrumento sa mabisang komunikasyon at
pakikipagkapwa-tao tungo sa malayang pagpapahayag ng damdamin.

3. Lesson across Discipline: English/ Verbal and Non-Verbal Communication

Ano-ano ang mga halimbawa ng di-berbal na komunikasyon na masasabing mabisa pa ring gamitin sa
pagkakaunawaan?

4. Faith/Biblical Reflection: 1 Corinto 14:3

“Sa kabilang dako, ang nagpapahayag naman ng mensaheng mula sa Diyos ay nagsasalita sa mga tao
upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila’y aliwin.”

III. Evaluation/Assessment: (15 minuto)

 Pangkatang gawain pa rin sa anim na grupo


 Magtatagisan ng pagkatuto ang bawat pangkat nang may pagkakaisa sa bawat pangkat.
 Magpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa gamit ng wika sa lipunan, isasagot kung
anong uri ng bagay o pangyayari ito at sa anong uri ng gamit ng wika sa lipunan ito napabibilang.
 Pagkatapos ng mga pagsagot ay magkakaroon ng rasyonalisasyon ang bawat pangkat.

IV. Summary/Action : Tableau (15 minuto)

1) Pangkatang presentasyon, maghahanda ng isang angkop na halimbawa para sa nakaatas na


paksa sa bawat pangkat.

 2 minuto para sa paghahanda (lahat ng pangkat)


 2 minuto para sa presenatasyon na may pagpapaliwanag (bawat isang pangkat)
 Magbibigay marka batay sa pamantayan.

RUBRICS

NAPAKA- MAHUSAY KULANG


HUSAY NGUNIT MAY
PAMANTAYAN KULANG

NILALAMAN: mahusay na nailahad ang nilalaman ng paksa 20 15 10

BISANG WIKA: nagagamit ng mahusay ang wika sa pamamaraang 20 15 10


wasto at organisado.

HIKAYAT: nakahihikayat ang presentasyon sa mabisang pag-unawa 10 8 5


sa paksa.
V. Purposive Assignment: Pakinggan o panoorin ang sumusunod na mga programang panradyo o
pantelebisyon, kumuha ng limang programa at tukuyin ang gamit ng wika sa lipunan ito napabibilang.

Reference:

Pinagyamang Pluma (2016)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Alma M. Dayag, et al.

Instructional Materials/ Visual Aids:

Laptop, LCD, Aklat, Larawan, Construction Paper, Chalk.

Prepared by: Checked by: Noted by: (Optional)

ELLA JANE B. MANOLOS MS. LEAHFE D. MOCAM

Date: August 12, 2019 Date: Date:

STATUS OF IMPLEMENTATION: MODIFICATION/S

______Implemented _____________________________________

______Partially Implemented _____________________________________

______Not Implemented _____________________________________

Remarks: Observed by: Remarks:

____________________ ________________________ _________________________

Date:_______________ ________________________ _________________________

You might also like