You are on page 1of 9

1

Gabay Pampagtuturo sa FILIPINO 11

DLP Blg. ___ Asignatura: Komunikasyon at Baitang : 11 Kwarter: 1 Oras: 60 mins


Blg. ng Kasanayan: 6 Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino
Mga Kasanayan : Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng Koda: F11PT –Ic-86
wika sa lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday)

Susi ng Pag -unawa na Komunikatibong gamit ng wika sa lipunan


lilinangin
Domain: Kaalaman Pag-unawa: Malinaw na naipapaliwanag ang komunikatibong gamit ng wika sa
Paglinang ng lipunan: Instrumental, Regulatoryo, at Interaksiyonal.
Talasalitaan Kasanayan Pagbubuo: Nakapagbabalangkas ng isang liham (para sa inyong brgy. Capt.) na
layuning matukoy ang mga hakbang na ipinatutupad ng lokalidad sa isyu ng
proper waste management ng barangay gabay ang komunikatibong gamit sa
lipunan na tinalakay.

Kaasalan Pagsasabuhay: Naipapakita ang kaayusan sa pagbabalangkas ng


komunikatibong gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng binuong liham;
Pagpapahalaga Karakterisasyon: Nakapaglalahad ng pagpapahalaga at pagmamahal sa
kapaligiran sa binuong liham.

Nilalaman Gamit ng Wika sa Lipunan: Instrumental, Regulatoryo, Interaksiyonal

Mga kagamitang
Pampagtuturo Reference materials (aklat, internet source), Powerpoint presentation, laptop

Pamamaraan Metodo
Talking to learners / Conferencing, Panel discussion
4.1 Panimulang Picture Analysis
Paghahanda Gawain ( 2 Pagpapakita ng larawan at video clip: Si Tarzan: kanyang katangian at
mins.) pamamaraan sa pakikipag-usap
 Nagkaintindihan ba si Tarzan at ang mga hayop sa gubat? Bakit?
 Batay sa kwento ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika ?
 Kapag ang lipunan ba ay may iba’t ibang wikang ginagamit,
nagkakaunawan ba ang mga nainirahan ditto? Ipaliwanag ang iyong
sagot?
4.2 Mga Triad:
Gawain/  Pagpapangkatin ang klase sa tig-tatlong kasapi bawat pangkat.
Estratehiya
 Bawat grupo ay bibigyan ng kaugnay na teksto.
( 8 mins.)
Bakit hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating
Paglalahad lipunan?
Ano ang mga papel na ginagampanan ng wika sa lipunan?
Ayon sa mga awtor na nagbahagi, ano ang mga katangian at
tungkulin ng wika at mga taong bumubuo sa isang lipunan?
4.3 Pagsusuri Tanong:
(2 mins.) Mula sa nakalap ninyong sagot hinggil sa naunang Gawain, paano ninyo
binibigyang kahulugan ang paksaing barayti ng wika?
2
4.4 Pagtalakay Panel Discussion:
(12 mins.)  Limang mag-aaral (na kakatawan sa limang responsible teams) kasama
na ang guro ang tatayo bilang mga tagapagdaloy, ang mananatili sa
harap upang magsilbing mga panellist sa magaganap na panel
discussion.
 (Paalala: sa gawaing ito inaasahan na ang guro at mga mag-aaral na
tumatayo bilang mga panellist ay nagkaroon na ng paunang
kumeprensya hinggil sa Mga Gamit ng Wika sa Lipunan: Instrumental,
Regulatoryo, Interaksiyonal. Ito ay para masiguro ng guro na ang mga
kaalaman na kailangan na taglay na ng mga panellist sa paggaganap ng
panel discussion ay tumpak, sapat at nakabatay sa paksang
tatalakayin).
 Sa buong panahon ng Panel discussion ay inaasahan ang mga
katanungan na magmumula sa tagapakinig at taganood (mga mag-
aaral).
 Magtatakda ang guro ng mga katanungan na kinakailangang masagot
ng lahat sa pagtatapos ng Gawain. Kaya, kinakailangang magtanong ang
audience upang masiguro na masagot nila ng tumpak ang kasunod na
Gawain.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?Kapag ang
bata raw ay hinnakikipag-ugnayan sa iba, ano ang maaring
maging epekto nito sa pagkatuto niyang magsalita? Ipaliwang ang
sagot.
Kapag lumipat ang tao sa bagong lugar na gumagamit ng ibang
wikang hindi niya alam, ano ang kailangan niyang gawin upang
matutuhan niya ang wika ng mga taong naninirahan doon?
Ano-ano ang tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K.
Halliday? Sang-ayon kaba sa tinukoy niyang mga tungkulin?
Ipaliwanag?
Batay sa mga impormasyong natutuhan, para sa iyo, ano ang
tunay na halaga ng wika?
3
4.5 Paglalapat  Magkakaroon ng pagtalakay ang guro hinggil sa kahalagahan ng isang
(6 na minuto) liham at paano nito maaring mabigyang linaw at pagtibayin ang ating
layunin patungo sa kanyang nais maabot na kapwa.
 Ilalahad ng guro ang kasalukuyang sitwasyon sa lungsod hinggil sa
proper waste management at mga isyu na kinakaharap hinggil umano
sa hindi na nasusunod na mga pamantayan at pamamaraan ng
pagtatapon ng basura na nagiging pagsubok sa pagpapanatili ng
malinis at mayamang kapaligiran ng lungsod.
 Bilang mga mamamayan at kabataan na may pagpapahalaga at
pagmamahal sa kapaligiran, aatasan ang mga mag-aaral na bisitahin,
kumustahin at alamin ang sitwasyon ng proper waste management ng
sariling barangay sa pamamagitan ng isang liham na nakapangalan
punong-barangay o sinumang awtoridad na namumuno para sa
usaping nabanggit.
 Bibigyang puntos ang liham ayon sa sumsuunod na pamantayan:
Pamantayan 3 2 1
Katiyakan ng Layunin at Nilalaman:
Nabubuo ng tiyak na layunin sa liham na may kaugnayan sa pag-alam ng
mga hakbang ng barangay upang masunod ang ordinansa sa proper waste
management ng lungsod.

Kalinawan at Pagkakasunod-sunod ng Ideya:


Malinaw ang pagakaksunod-sunod ng ideya na may kaugnayan sa paksa at
layunin ng pagbubuo ng liham.

Mekaniks:
Nasusunod ang tamang pagbabantas at gramatika sa liham.

Legend:
3 – Mahusay
2 – Kakikitaan ng kahusayan
1 – Nanganagilangan pa ng pagpapa-unlad
4
4.6 Pagtataya Gawain:
(6 na minuto) Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o tungkulin ng
wikas sa pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
Maaring higit sa isa ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag.
1. Kamakailan ay inilabas ng Oxford English Dictionary (OED), ang pinakabagong
edisyon ng diksiyonaryo nito na naglalaman ng mga bagong salitang Ingles, bukod
pa sa dating terminong pinalawak ang kahulugan ayon sa magbabagong gamit
nito. Kabilang ditto ang apatnapung (40) salita mula sa Pilipinas na ahlaw sa
hilippine English.”Ilan sa mga ito ay ang presidentiable, gimmick, carnap, at
salvage, gayundin ang balikbayan, despedida, barkada, kikay, halo-halo, at KKB.
Ayon sa mga ulat, ito na raw ang pinakamalaking bilang ng mga salitang sariling
atin na sabayang kinikilala ng OED mula pa noong 1982 nang isama ng Oxford ang
abaca sa unang edisyon ng diksiyonaryo nito. Ano naman ang halaga nito sa atin?
- Senator Pia Cayetano
Gamit o tungkulin ng wika: _______________________________________
Kahulugan at paliwanag: _________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Hindi makaaasang magiging mahusay na mahusay ang mag-aaral kung hindi


mahusay na mahusay ang modelo - ang mga guro.” Ito ang opinion ni Ruth Elynia-
Mabanglo noong Agosto 2015, Kongreso ng Pagpaplanong Pangwika.
Gamit o tungkulin ng wika: _______________________________________
Kahulugan at paliwanag: _________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

4.7 “Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at
Paglalagom/ pagkakaunawaan.”
Panapos na
Gawain
Takdang-aralin Paghahanda Manaliksik:
para sa bagong Gamit ng Wika sa Lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday): Personal,
aralin Heuristiko, at Impormatibo.
Sitwasyon o nagaganap na peacetalks sa Mindanao sa pagitan ng
pamahalaan at rebeldeng grupo (ipaalalang mahalaga ito na
magagamit sa isang gawaing pangklase).
5. Mga Tala

6. Pagninilay Ang barayti ng wika’y mahalagang matutuhan, makatutulong


ito upang tayo’y higit na magkakaunawaan.

A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya


B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong
F.Anong suliranin ang aking naranasan sa solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor

Inihanda ni:

Pangalan: Paaralan:
5
Posisyon/Designation: Sangay:
Contact Number: Email address:
6
Gabay Pampagtuturo sa FILIPINO 11

DLP Blg. ___ Asignatura: Komunikasyon at Baitang : 11 Kwarter: 1 Oras: 60 mins


Blg. ng Kasanayan: 6 Pananaliksik sa Wika at Kulturang
(Day 2) Pilipino

Mga Kasanayan : Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng Koda: F11PT –Ic-86
wika sa lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday)

Susi ng Pag -unawa na Komunikatibong gamit ng wika sa lipunan


lilinangin
Domain: Kaalaman Pag-unawa: Malinaw na naipapaliwanag ang komunikatibong gamit ng wika sa
Paglinang ng lipunan: Personal, Heuristiko, at Impormatibo;
Talasalitaan Kasanayan Pagbubuo: Nakagagawa ng makabuluhan na impormal na debate na
DLP Blg. ___ nagtatalakay sa sumusunod na proposisyon: dapat bang ipagpatuloy ang
Blg. ng Kasanayan: 6 usapang pangkapayapaan o peacetalks laban sa mga rebeldeng grupo?

Kaasalan Pagsasabuhay: Nabibigyang patunay ang napiling paninidigan hinggil sa


paksang tinalakay nang may pagsasaalang-alang sa pagkamit ng pambansang
pagkakaisa;
Pagpapahalaga Karakterisasyon: Nakapaglalahad ng matibay na pananagutang panlipunan sa
pamamagitan ng pagababahagi nito sa gaganaping debate .

Nilalaman
Gamit ng Wika sa Lipunan: Personal, Heuristiko, Impormatibo

Mga kagamitang
Pampagtuturo Charts, Chalkboard, Meta-strips, Laptop

Pamamaraan Metodo
Obsebasyon, Debate

Paghahanda 4.1 Panimulang Panalangin


Gawain ( 2 Pagwawasto ng atendans
mins.)
Pagbabalik-tanaw sa naging talakayan sa nakaraang tagpo gamit ang
Pagsagot sa K (KNOW) – W (WANT TO LEARN) –
L (LEARNED) chart:
Para sa K (Know): Batay sa naging talakayan sa
nakaraang tagpo ano ang inyong nauunawaan kapag
sinasabing Barayti ng Wika ?

4.2 Mga Two-Thumbs-Up Review!


Gawain/  Gagawa ng karagdagan / at o panibagong Gawain na magpapalalim pa
Estratehiya sa taglay na kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa paksang nabanggit
( 8 mins.) gamit ang Two-Thumbs-Up Review:
 Magpapakita ng larawan at news clippings, larawan ng mga
Paglalahad
journals, mga halimbawang tesis hinggil sa mga pangyayari sa
ating lipunan (mga positibong impormasyon at mga pagsubok
na nangyayari o kinakaharap ng ating bansa).
 Kapag positibo o sa tingin nila makatutulong ito sa pag-unlad
ng bayan; ay itataas nila ang kanilang dalawang hinlalaki
(thumbs-up), bilang hudyat ng pagsang-ayon. Gagawin nila ang
kabaligtaran kung hindi sila sasang-ayon o hindi sila sumasang-
ayon.
7
4.3 Pagsusuri Mga Gabay na tanong para sa pagpapalalim ng naunang Gawain:
(2 mins.) Pansinin ang mga inilahad na larawan at news clippings, larawan ng
mga journals, mga halimbawang tesis hinggil sa mga pangyayari sa
ating lipunan, paano ginamit ang wika upang makapagpahayag ng
impormasyon?
Alin sa mga larawan o newsclippings ang nagpapakita ng opinion o
kuro-kuro? Maaring gamitin upang makakuha ng impormasyon?
Ipaliwanag ang sagot.
4.4 Pagtalakay Oral Presentation:
(12 mins.) Gamit ang nasaliksik na impormasyon hinggil sa gamit ng Wika sa
Lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday): Personal, Heuristiko, at
Impormatibo; sa diad ng mag-aaral, magkakaroon ng pagbabahagian
ng impormasyon hinggil sa mga barayti ng wika na nakatalagang
talakayin sa araw na ito.
Bibigyan ang mga mag-aaral ng panahon upang magtalakay sa loob ng
pangkat at makalipas ang itinakdang oras ay magkakaroon ng oral
presentation hinggil sa mahahalagang kaisipan na kanilang napag-
usapan sa pangkat.
Gagamiting gabay ang mga sumusunod na katanungan sa pasalitang
paglalahad:
 Ano-ano ang tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K.
Halliday? Personal? Heuristiko? at, Impormatibo?
 Sang-ayon ka ba sa tinukoy niyang mga tungkulin? Ipaliwanag?
 Balikan natin ang mga larawan na naunang ipinakita kanina sa
pagsisimula ng aralin at iugnay natin sa mga Gamit ng Wika na
tinalakay sa mga nakaraang tagpo at sa araw na ito. Sa tingin
ninyo, ano ang kailangang malaman ng mga gumagamit ng
wika sa pakikipagkapwa?
4.5 Paglalapat Nakapagsasagawa ng isang impormal na debate na magtatalakay ng kanilang
( na minuto) paninindigan sa sumusunod na proposisyon: Dapat bang ipagpatuloy ang
usapang pangkapayapaan o peacetalks laban sa mga rebeldeng grupo?
Debate:
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
Ipapaliwanag ng guro ang mga panuto at tuntunin sa gaganaping
impormal na debate.
Ang paksa / proposisyon na tatalakayin ay ang sumusunod: “Dapat
bang ipagpatuloy ang usaping pangkapayapaan o peacetalks laban sa
mga rebeldeng grupo?”
Mula sa mga paksa at usaping ginawan ng pagtalakay lalo na sa
nakamit na kaalaman sa mga Gamit ng Wika sa Lipunan, sa paanong
paraan napagbubuklod at napag-iisa ng wika ang isang lipunan?
Ipaliwanag ang sagot.

4.6 Pagtataya Magbigay ng sariling halimbawang sitwasyon para sa Gamit ng Wika sa Lipunan
(6 na minuto) Ayon kay M.A.K. Halliday:
Gamit ng Wika (M.A.K. Halliday)
Personal Heuristiko Impormatibo

4.7 Magtatanong muli sa mga mag-aaral ang sumusunod pahayag: hinggil sa


Paglalagom/ paksa. “Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa
Panapos na pagkakaisa at pagkakaunawaan,” na may pagsasaalang-alang sa mga bagong
8
Gawain kaalaman na natutuhan sa pagtatapos ng talakayan sa aralin

Takdang-aralin Pagpapalinang/ Pumili ng isang palabas (telenovela).


pagpapa-unlad Magtala ng limang pahayag mula sa palabas at tukuyin ang gamit ng
sa lasalukuyang wika at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.
aralin
Gumamit ng isang buong papel bilang sagutan.

5. Mga Tala

6. Pagninilay Ang wika ay dapat nating tingnan bilang bagay na ginagamit


sa pang-araw-araw na magsisilbing susi sa pagkakaisa’t
pagkakaunawaan sa lipunan.
A.Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B.Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
c.Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation
E.Alin sa mga estratehiyang pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong
F.Anong suliranin ang aking naranasan sa solusyunan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor

Inihanda ni:

Pangalan: Paaralan:
Posisyon/Designation: Sangay:
Contact Number: Email address:
9

You might also like