You are on page 1of 16

lOMoARcPSD|16476281

WLP L1 - Daily Lesson Plan in Filipino 11 (Komunikasyon at


Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Filipino 11 (Alaminos City National High School)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)
lOMoARcPSD|16476281

Republic of the Philippines


Department of Education
Kuwarter: REGION I
Baitang 11
 Linggo: 1 Asignatura:
SCHOOLS DIVISION OFFICE FilipinoOF
11-Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
ALAMINOS CITY
MELC/s: Natutukoy ang mga kahulugan at ALAMINOS CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
kabuluhan ng mga konseptong pangwika (F11PT-1a-
POBLACION, ALAMINOS CITY, 2404 Pangasinan, Philippines
85)
 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga LINGGUHANG PLANO NG PAGKATUTO
napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa
radyo, talumpati, at mga panayam F11PN – Ia – 86

Araw Layunin Paksang Aralin Gawaing Pangsilid-aralan


LUNES HOLIDAY (National Heroes Day)
MARTES 1. Natutukoy ang  Ang Kahulugan at I. Panimulang Gawain
mga kahulugan ng kahalagahan ng wika a. Panalangin
wika b. Pagpapaalala sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa silid-aralan
2. Naipaliliwanag at c. Pagtatala ng lumiban
nagagamit ang mga d. Saglit na “kumustahan”
kahulugan at
kahalagahan ng
II. Pagganyak/Balik-aral
wika.
3. Nabibigyan ng “Kumusta ang wika mo?”
pagpapahalaga ang Panuto: Magtala ng 10 na salita gamit ang iyong Unang wika at isalin naman ito sa iyong
mga kahulugan ng Pangalawa at Ikatlong wika. Gamiting halimbawa ang nasa unang hanay.
wika.
UNANG WIKA PANGALAWANG WIKA IKATLONG WIKA
(L1) (L2) (L3)

Hal. Bahay (Tagalog) Balay (Iloko) Abong (Pangasinense)

1.

2.

3.
4.

III. Gawain

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Panuto: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo. Maaari pang magdagdag ng
bilohaba. Tingnan ang una bilang halimbawa: (10 puntos)

Midyum ng
komunikasyo

WIKA

!. Ano-ano ang kahalagahan ng wika sa buhay ng Tao? Ano kaya ang mangyayari kung
mawawala ang wikang binibigkas at nauunawaan ng mga tao sa isang pamayanan o kultura?

IV. Pagsusuri
Tunghayan ang Round Table Discussion ng ilang mag-aaral tungkol sa paksang mga
konseptong pangwika: Wika, Wikang Pambansa, Wikang Panturo, Wikang Opisyal (PPT)
V. Paghahalaw/Paglalahat
Ayon sa aklat ni Magdalena O. Jocson sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino na ang pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika,kailangan
ang literal na kahulugan nito na maaring kunin sa diksyunaryo o iba pang babasahing
pangwika.Maaari rin ito sa pamamagitan ng panayam sa mga taong eksperto sa larangan
ito.Higit sa lahat ang karanasan ng mga taong gumagamit ng wika o nagpapahalaga rito na
gamit sa aktuwal na buhay sa araw-araw na pakikisalimuha sa iba’t ibang tao,ay maaaring
batayan din sa pagtukoy sa kahulugan ng mga konseptong pangwika.Sa araling ito
natutunghayan ang kahulugan ng ilang konseptong pangwika(wika,wikang
pambansa,wikang panturo,at wikang opisyal).
Mayroon iba’t ibang kahulugan ng wika mula sa mga dalubwika tulad ng:
Wika ay binubuo ng tunog at sagisag na ginagamit ng mga tao sa pakikipagkomunikasyon
upang magkaunawaan. Wikang Pambansa naman ay pinagtibay ng pambansang

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

pamahalaan at ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnaya sa mamamayan. Wikang


panturo ang ginagamit upang magtamo ng mataas na antas ng edukasyon. Tinatawag
naman na wikang opisyal ang principal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan at sa politika,sa komersiyo at industriya .☺

VI. Paglalapat
Gumuhit ng isang puso sa papel pagkatapos ay isulat ang sariling pagpapakahulugan sa Wika.
Lagyan ng pamagat na “Ang Nilalaman ng Aking Puso Ukol sa Kahulugan ng Wika”
Pagkatapos ay isulat sa ibabang bahagi ng puso ang mga dapat mong pahalagahan sa mga
konseptong pangwika (Maaari ring sabihing paano mapahahalagahan ang mga konseptong
pangwikang natutuhan)

Miyerkole I. Panimulang Gawain


s e. Panalangin
f. Pagpapaalala sa mga protocol sa kalusugan at kaligtasan sa silid-aralan
g. Pagtatala ng lumiban
h. Saglit na “kumustahan”

II. Pagganyak/Balik-aral

Bagama’t wala pang nakakaalam kung kailan at kung saan talaga nagmula ang wika, ang
tao’y likas na mapaghanap ng mga sagot sa kanyang mga katanungan hinggil sa wika.
Samu’t saring mga teorya ang nabuo na nagpapaliwanag sa pinagmulan nito.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Sanggunian: https://philnews.ph retrieved June 29, 2020


Pamprosesong Tanong:
1. Ano-anong mga teorya ang binangbanggit sa ilustrasyon?
2. Tungkol saan ang mga teoryang ito?
3. Sa iyong palagay may katotohanan kaya sa mga teoryang ito?
4. Nakatutulong ba ang mga teoryang ito sa pag-intindi at pagpapaliwanag ng mga
konseptong pangwika?

III. GAWAIN
Pagtalakay sa
Kahulugan at
kahalagahan ng wika.
Ang wika ay isang
masistemang
balangkas.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

1. Ano ang unang basehan ng pagkakabuo ng isang salita?


2. Bakit tinawag na masistema o may sistema ang pagkakabuo ng isang pahayag?
3. Paano inilarawan ang masistemang balangkas ng wika?
4. Paano nabubuo ang isang pahayag base sa ilustrasyon?

Paksa 1: Kahulugan, Katangian at Kahalagahan ng Wika


Ayon kay Henry Gleason, ang WIKA ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na
pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang
kultura.
Malawak na larangan ang wika. Hitik na hitik ito sa kaalaman at karunungang dapat natututuhan
o natutuklasan sa patuloy na paggamit nito sa ating pang-araw-araw na buhay.
Pagpapakahulugan sa Wika ayon sa mga dalubwika/Lingguwistiko
Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wika sa ating pakikipagkomunikasyon.
Nagiging instrumento ito upang maging maayos ang ating pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan. Upang lalong maintindihan kung ano ang wika, ang
sumusunod na mga dalubwika ay nagbigay ng kanilang pagpapakahulugan sa wika.
Dalubwika Pagpapakahulugan
Noah Webster Ang wika ay kalipunan ng mga saiitang
ginagamit at nauunawaan ng isang maituturing
na komunidad.
Ponciano Pineda Wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa
paglikha ng kanyang sining. Karaniwa’y di
totoong mahalaga kung anuman ang wikang
iyon. Ang higit na mahalaga’y kung paano
ginagamit ng maguniguning manunulat ang
wikang kasangkapan.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Alfonso Santiago Ang wika ay kasangkapan na ginagamit at


nabubuhay lamang habang patuloy na
ginagamit. Kapag nawalan na ito ng silbi sa
lipunan ay tuluyan na ring mawawala.
Jose Villa Panganiban Ang wika ay parang tubig. Ang hugis ng tubig ay
kung ano ang hugis ng sisidlan. Ang sisidlan ng
wika ay bayan – taumbayan.
Vilma Resuma Ang wika ay kaugnay ng buhay at instrumento
ng tao upang matalino at episyenteng
makalahok sa lipunang kinabibilangan.
Austerio et al. 2002 Ang wika ay daluyan ng anumang uri ng
komunikasyon na nauukol sa lipunan ng mga
tao. Mula sa patuloy na karanasang panlipunan
nalilikha ang wika.

Batay ang wika sa:


a. ponema – makabuluhang tunog
b. ponolohiya – pag-aaral ng makabuluhang tunog
c. morpema – makabuluhang yunit ng isang salita
1. salitang-ugat
2. ponema
3. Panlapi
d. morpolohiya – pag-aaral ng makabuluhang
yunit ng salita
Ang wika gaya ng mga tao at ng iba pang mga bagay sa mundo ay nagtataglay rin ng mga
katangian o kalikasan.

KATANGIAN NG WIKA
1. Sinasalitang tunog
2. Pinipili at isinasaayos
subconscious at conscious - komong wika
3. Arbitraryo
esensya ng wika ay PANLIPUNAN

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

4. Ginagamit
5. Nakabatay sa kultura
6. Nagbabago o dinamiko
7. May antas ang wika
a. Pormal
1. pang-edukasyon
2. pampanitikan/panretorika
b. Di-pormal
3. pambansa/lingua franca
4. panlalawigan – tinatawag din itong wikain
5. kolokyal -
6. balbal/panlansangan
8. Natatangi/Kagila-gilalas
9. Makapangyarihan ang wika
10. May politika
11. Sumasabay sa teknolohiya at komunikasyon

KAHALAGAHAN NG WIKA
 Instrumento ng Komunikasyon
Nag-iingat at nagpapalaganap ng kaalaman
 Nagbubuklod ng bansa
 Lumilinang ng malikhaing pag-iisip.
IV. PAGSUSURI
Gawain: Sanay, suri!

Ang Wikang Filipino sa Pambansang Pagpapaunlad


Ni Dr. Ponciano B.P. Pineda
Matalik na magkaugnay ang wika at kultura. Taglay ng wika ang kultura ng
lipunang pinag-ugatan ng wikang iyon. Ang isang kultura’y maipapahayag ang
katapat sa wikang kakambal ng naturang kultura. Subuking ilipat ang isang wika sa
lupaing dayo. Ihasik at palaganapin ang wikang iyon, at makikitang kasamang
sisibol at yayabong sa naturang wika ang kulturang kakambal.
Ang wika ay kasangkapan ng pakikipagtalastasan. Tunay ngunit hindi

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

kasangkapan mekanikal lamang. Higit dito ang kalikasan at kagamitan ng isang


wika. Ito’y tagapagdala ng mga ideya. Iniimpluwensiyahan nito ang ugali ng tao,
ang kaniyang isip at damdamin. Ang wika’y intrumento sa paglikha ng
makabuluhan at malikhaing pag-iisip. Samakatuwid upang magamit sa sukdulan
ang wika, dapat itong hawakan nang buong husay, angkining ganap.

Halaw sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino,
Batayang Aklat ng Department of Education
Ni: Magdalena O. Jocson

1. Ano ang paksang tinatalakay sa talata?


2. Paano iniugnay ng may-akda ang wika sa kultura?
3. Bakit nararapat na angkinin ng mga mamamayan ang kanilang sariling wika?

Politika ng Wika, Wika ng Politika


Ni Randolf S. David

Pikit-mata kong tinanggap ang imbitasyong ito sapagkat naakit ako sa


pamagat ng ating kumperensiya: Politika ng Wika, Wika ng Politika. Akala ko alam
ko na ang kahulugan ng mga katagang ito, hanggang sa mapag-isipan kong mabuti.
Ngayon, nagsisisi akong kung bakit ako pumasok sa masalimuot na lunggang ito.
Pero, bahala na.

Politika ng Wika
Kailanma’y hindi naging neutral o inosenteng larangan ang wika… Ang
politika ng wika ay isang perspektiba na sumusuri sa mga epekto sa wika ng
tagisan ng kapangyarihan. Angkop na angkop ang ganitong perspektiba sa pag-
unawa ng patakaran ng wika sa sitwasyong kolonyal. Ipinakikita nito, halimbawa,
ang mga malalalalim na motibong politikal na nakakubli sa mga pinaka-inosenteng
desisyon tungkol sa mga patakarang pangwika. Na ang mga ito’y hindi lamang
simpleng pagsunod sa lohika ng mabisang komunikasyon, kundi manipestasyon ng
isang malawak na estratehiya ng paglupig o dominasyon.
Marami nang pag-aaral ang naisulat ayon sa pananaw na ito. At marahil
kalabisan nang ulitin ang mga ito sa pagkakataong ito. Mas gusto kong bigyang
pansin ang mga kahulugang ipinahihiwatig ng mga salitang “Wika ng Politika”, ang
kabilang pisngi ng ating tema.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Halaw sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,


Batayang Aklat
Ni: Magdalena O. Jocson
[ CITATION Dav16 \l 13321 ]
1. Base sa tekstong binasa, ano ang kaugnayan ng Politika sa Wika?
2. Anong pahayag sa loob ng teksto ang nagpapahiwatig ng kapangyarihan ng
wika?
3. Paano binigyang halaga ang wika sa talata?
Politika ng Wika, Wika ng Politika
Ni Randolf S. David
Kaiba ang naging papel ng Tagalog, na mabilis kumalat dahil sa komiks,
pelikula, magasin, at radio. Ang mundong binuksan nito ang nagbigay ng mga
modelo sa mga Filipino sa lahat ng sulok ng kapuluan kung paano umibig,
mangarap, at mabuhay. Hindi ipagtataka kung ganoon na hindi lamang sa
Pampanga kundi sa maraming lalawigan ng bansa, ang mga love letter ay sa
Tagalog isinusulat, hindi sa Ingles o Kapampangan at marahil hindi rin sa Cebuano
o Ilokano. Hindi dahil sa kulang sa damdamin ang ating pangrelihiyong wika, kundi
dahil Tagalog ang nagkataong naitampok ng pang masang kultura.

Halaw sa Komunikasyon at Pananaliksik


sa Wika at Kulturang Pilipino,
Batayang Aklat
Ni: Magdalena O. Jocson

1. Ano ang ideyang nakapaloob sa tekstong binsa/


2. Paano binigyan diin ang papel ng wikang Tagalog sa tekstong binasa.
3. Ano ang epekto ng Tagalog sa buhay nating mga Pilipino?

V. PAGLALAHAT
Ang Pagkakabuo ng Wikang Pambansa

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Sapagkat isang 1. Natural na wika –


Noong Agosto 5, wikang buháy, ito ang lingua franca
2013 ay pinagtibay ng mabilis itong sa Metro Manila na
bagong Kalupunan pinauunlad ng araw- lumaganap sa mga
ng KWF ang araw at iba’t ibang rehiyon sa
Kapasiyahan Blg. 13- paggamit sa iba’t pamamagitan ng
39. Isang rebisadong ibang pook at radyo, telebisyon,
depinisyon ito ng sitwasyon at pahayagan at
wikang “Filipino” at nililinang sa iba’t maging sa aktuwal
ipinahayag ang ibang antas ng na paggamit nito.
saliksik at talakayang 2. Buhay na wika –
sumusunod na
akademiko ngunit sa ito ang wika ng
pakahulugan: paraang maugnayin
“Ang Filipino ay ang kasalukuyang
at mapagtampok sa panahon at
katutubong wika na mga lahok na umaagapay sa mga
ginagamit sa buong nagtataglay ng mga pagbabago at pag-
Pilipinas bílang wika malikhaing katangian unlad sa lipunan.
ng komunikasyon, sa at kailangang
karunungan mula sa 3. Egalitaryan –
pabigkas at sa pasulat ginagamit at
mga katutubong wika
na paraan, ng mga sa bansa.” nagagamit ng mga
pangkating katutubo tao anuman ang
sa buong kapuluan. istatus sa lipunan
4. Wika ng
Slideshare:/Macar pagkakaisa – napag-
Slideshare:/Macara anas 2013 isa-isa nito ang isip
nas 2013 at damdamin ng mga
tagapagsalita

Opinyon mo’y may halaga!


Magtanong-tanong sa mga kakila kung alin para sa kanila ang mas mabisang wikang
panturo sa paaralan.
Magtanong tanong sa mga kakilala kung alin sa dalawang wikang opisyal ang mas
mabisa para sa kanila sa pag-intindi sa mga aralin?

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Kaibigan Kapatid/Kapamilya Kaklase Guro

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naramdaman pagkatapos mabasa ang mga sagot sa iyong mga
katanungan?
2. May nabago ba sa iyong pananaw pagkatapos gawin ang mga aktibidad?
3. Paano ka matututulong sa komunidad sa lalong pagpapalawig ng pagtangkilik sa
wikang Filipino?

Layunin Paksang Aralin Mga Gawaing Pangtahanan


Huwebes
(MODYULAR)
Punan ng tamang salita ang bawat katanungan sa ibaba. Ilagay ang sagot sa nakalaang
patlang bago ang bilang.

Kailan ginagamit ang ating


wikang pambansa?

_________________________________________________________________________

Bakit dalawang wika ang


itinuturing na mga wikang
opisyal ng bansang
Pilipinas.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

_________________________________________________________________________

Maari bang
_________________________________________________________________________
makaapekto ba sa
pagtuto sa aralin ang
Gawain 9: Mulat ng
paggamit sa Katotohanan
Ingles at
Bilang isang mag-aaral
bilang wikang panturo? dapat bang pag-aralan mo ang iba’t ibang konsepto ng Wika?
Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Sa iyong palagay, ano-ano pa ang mga paraan upang magamit nang wasto ang wikang
Filipino sa pagtuturo ng mga aralin?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Biyernes (MODYULAR)
A. Maraming Pagpipilian. Piliin ang pinakatamang sagot. Isulat ang napiling titik sa
inyong sagutang papel.
1. Alin sa sumusunod na mga ideya ang hindi tumutukoy sa Wika?
A. Sinasalitang tunog
B. Kalipunan ng mga kaugalian, nakagawian, tradisyon atb.
C. Idyolek
D. Pidgin

2. Ito ay ang kakayahang umunawa ng higit pa sa dalawang wika.


A. Kakayahang komunikatibo
B. Kakayahang Multilingguwal
C. Kakayahang Bilingguwal
D. Kakayahang Sosyal

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

3. Ang Wikang pambansa ng mga Pilipino.


A. Ingles
B. Ilocano
C. Tagalog
D. Filipino

4. Dalawang wikang itinadhana ng batas upang maging wikang opisyal ng Pilipinas.


A. Filipino at Tagalog
B. Ingles at Filipino
C. Ilokano at Kapampangan
D. Cebuano at Tagalog

5. Isang mahalagang kaganapan noong Agosto 5, 2013 na pinagtibay ng bagong


Kalupunan ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 13-39.
A. Pagkakabuo ng Wikang panturo.
B. Pagkakabuo ng Wikang Opisyal
C. Pagkakabuo ng Wikang Pambansa
D. Pagkakabuo ng Wika ng Pamahalaan
6. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Pang-edukasyon
B. Lalawiganin
C. Balbal
D. Salitang kanto
7. Ayon kay Dr. Ponciano B.P. Pineda, ano ang kaugnayan ng wika at kultura sa buhay ng
mga mamamayan?
A. Makikitang kasamang sisibol at yayabong sa naturang wika ang kulturang
kakambal.
B. Makikitang magkatulad ito sa pamamaraan ng paggamit.
C. Maihahalintulad ito sa tubig na kung ano ang hugis ng sisidlan ay siya ring hugis
nito.
D. Magkarugtong ito sa lahat ng aspeto.
8.

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

B. Tukuyin kung Tama o Mali ang mga pahayag sa ibaba hinggil sa mga konseptong
Pangwika. Isulat ang T kung wasto, isulat naman ang tamang salita sa nakalaang patlang
nang may pagsasaalang alang sa nasalungguhitang salita kung ito mali.
9. ______________ Ang artikulo XXV sa 1987 Kontitusyon ang nagsasabing Filipino ang
ating Wikang Pambansa?
10. ______________ Ang wikang panrehiyon ay pantulong sa mga wikang opisyal sa mga
rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo roon.
11. _____________ Ginagamit ang Ingles sa pagsulat ng memorandum at
iba pang komunikasyon mula sa pamahalaan.
12. _____________ Ayon kay Ponciano B.P. Pineda, ang wika ay kalipunan ng mga
saiitang ginagamit at nauunawaan ng isang maituturing na komunidad.
13. ____________ Noong Agosto 5, 2013 ay pinagtibay ng bagong Kalupunan ng KWF
ang Kapasiyahan Blg. 13-39.

Karagdagang Gawain

Ooops, bilang pangwakas na aktibidad sa modyul na ito, isagawa ang susunod na gawain.

Gawain 10: Wika mo’y gamitin upang kalikasan ay bumuti!


Makapangyarihan ang wika! Sa dami ng pagbabagong nagaganap sa ating kalikasan dapat
gamiting natin ito sa pagbuo ng mga adbokasiyang magtataguyod sa pangangalaga ng
kalikasan. Gamit ang temang “Go Green for Grin”, bilang isang mag-aaral bumuo ng simpleng
Islogan na naglalayong itaguyod ang paggamit ng ating pambansang wika upang himukin ang
sambayanan na makisangkot sa nagbabagong panahon ngayon.

ISLOGAN: _____________________________________________________________

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)


lOMoARcPSD|16476281

Malugod na Pagbati! Ngayong sapat na ang iyong kaalaman at pag-unawa sa iba’t


ibang konsepto ng Wika at ang kahalagahan nito sa iyo bilang mag-aaral. Maaari ka nang
tumungo sa susunod na aralin.

Inihanda ni:
LOVELIE V. VERCELES, PhD Sinang-ayunan ni:
Dalubguro I-Filipino

JOSE RAMIL A. SIBUN


OIC-Asst. Principal II in Academics

Loveliev.verceles1@deped.gov.ph

Downloaded by Antonette Dublin (antonette.dublin@deped.gov.ph)

You might also like