You are on page 1of 10

SeniorHIGH

SENIOR HighSCHOOL
School
Baitang
Baitang11
11

Filipino: Ikalawang Semestre


MODYUL SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG
IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
Ikalawang
Ikaapat Kwarter-Ikalawang
na Kwarter – Unang LinggoLinggo (Aralin
– Aralin 1 2)

Pagsulat ng Pananaliksik
(Pagpili ng Paksa)

ng Kulturang Popular)

Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay
sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Filipino - Baitang 11
Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Pagpili ng Paksa
Unang Edisyon, 2021

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng mga paaralan ng
Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitan na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan nang walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon,
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na
ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino


Writer: Blesilia R. Mahometano, Kattie C. Tagud
Rhyne Mae S. Gales
Illustrators: Roel S. Palmaira, Eladio J. Jovero
Althea C. Montebon
Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor
Rhyne Mae S. Gales
Division Quality
Assurance Team: Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan
Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon
Nelson A. Cabaluna, JV O Magbanua
Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Novelyn M. Vilchez
Dr. Ferdinand S. Sy, Dr. Azucena T. Falales
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay
Dr. Marites C. Capilitan

Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay
sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto tungo sa Pananaliksik, Baitang 11.

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto tungo sa


Pananaliksik ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo.
Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at ang mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng modyul na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang pagkatuto


ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang malinang at makamit ang panghabambuhay na
mga kasanayan habang sinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking maging malinaw sa
mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o sasagutan ang mga gawain
sa kagamitan na ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Pangunahing
layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan ang
nakakaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitan na ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.
Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na
papel.

Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik


Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay
sa layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Pagpili ng Paksa
Maligayang araw sa iyo kaibigan!
Noong nakaraang aralin iyong napag-aralan ang mga iba’t ibang uri ng teksto.
Napakalaki ng naitulong ng pagkilala sa mga iba’t ibang uri ng teksto dahil nagawa
nating uriin ang mga ito at nagagamit nang wasto sa pang-araw-araw na buhay ng mga
kasanayan sa pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto.
Upang masukat at masuri natin ang iyong kaalaman at kasanayan, nilalayon ng
araling ito na iyong matutuhan ang mga sumusunod na kompetensi:
• nasusuri ang ilang halimbawa ng pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit,
metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Pagkatapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahan na matatamo mo ang mga
sumusunod na tiyak na layunin:
• nakabubuo ng isang makabuluhang paksa;
• naisasaalang-alang ang mga salik sa pagpili ng paksa; at
• nagagamit ang mga gabay sa pagpili ng paksa.
Handa ka na ba, kaibigan? Simulan nang sagutin ang mga sumusunod na gawain.

Panuto: Suriin ang larawan at isa-isahin ang mga isyu o suliraning nakita sa inyong
paligid, napanood o narinig sa radyo at telebisyon. Sagutin ang mga kasunod na
tanong.

1. Ano-anong mga paksa ang maaring mahinuha mula sa larawan?


2. Paano magagamit ang mga ito bilang paksa sa pananaliksik?
3. Paano masasabi kung ang isang paksa ay mainam gawan ng pananaliksik?
1
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Alam mo ba?

Ang sulating pananaliksik ay malalimang pagtalakay sa isang tiyak at naiibang paksa.


Hindi ito basta pagsasama-sama ng mga datos na nasaliksik mula sa iba’t ibang primary at
sekundaryang mapagkukunan ng impormasyon kundi taglay nito ang ang obhetibong
interpretasyon ng manunulat sa impormasyong nakalap. Ang interpretasyong ito ang
pinakamahalagang elemento ng isang tunay na sulating pananaliksik ( Spalding, 2005).
Ayon kina Constantino at Zafra (2010), ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, lagay, tao at isyu at iba pang ibig
bigyang-linaw, patunayan o pasubalian.
Bago makabuo ng isang mabisang pananaliksik kinakailangang maisaalang-alang ang
mabusising pagpili ng paksa. Isa sa pinakamahamong bahagi ng pagsulat ng pananaliksik
ay ang ang pagpili ng paksa.
Ang pagpili ng mabisang paksa ang magsisilbing pundasyon ng isang pananaliksik.
Kung mag-iisip at magiging mapanuri ang mananaliksik ay marami pang maaaring
mapagkunan ng paksa, isang bago at naiibang paksa na tiyak na makatutulong sa
mambabasa dahil maaaring gamitin ang nagging resulta ng pananaliksik. Makikita sa ibaba
ang ilan sa mga ito:
• Internet at Social Media – nagging bahagi na ng buhay ng tao ang internet at
social media. Hindi matatawaran ang kontribusyonng naihatid nito sa tao, mula sa
pangyayari sa loob at labas ng bansa ay maaaring makita rito. Ito ang karaniwang
tinitingnan mula sa paggising sa umaga hanggang bago matulog sa gabi.
Napakaraming impormasyong taglay ang internet kung magiging mapanuri.
• Telebisyon – maliban sa internet, ang telebisyon ay isa pa samga uri ng media
nalaganap lalo na sapanahon ng cable at digital television. Sa panonood ng mga
balita, mga programang pantanghali, teleserye, talk shows at iba pa ay maaaring
mapagkunan ng paksang maaaring gawan ng pananaliksik.
• Diyaryo at Magasin – pag-ukulan ng pansin ang mga nangungunang balita,
maging ang mga opinion, editoryal at mga artikulo. Suriin at baka naririto ang mga
paksang aakit sa iyong atensyon.
• Mga Pangyayari sa Paligid – ang pagiging mapanuri sa mga pangyayari o
bagong kalakaran sa paligid ay maaaring maging paksa ng pananaliksik.
• Sa sarili – kung may tanong kang naghahanap ng kasagutan subalit hindi mo
naman maihanap ng kasagutan. O kaya’y may interes ka o mga bagay na
“curious” ka at gusto mo pang mapalawak ang iyong kaalaman kaugnay nito.
Maaaringmula sa mga tanong na ito mula sa iyong sarili ay makbuo ka ng
makabuluhang paksa.
• Interes at kakayahan – dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na
pagsasagawa nito, mahalagang gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan

2
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
sa hilig mo ang paksang nais saliksikin. Sa ganitong paraan mas mabilis ang daloy
ng pagsasagawa ng pananaliksik dahil gusto mo ang iyong ginagawa.

• Mahalagang masuri ang pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na


sanggunian. Kahit gaano man kaganda ang napiling paksa, mahirap pa ring
maisakatuparan dahil sa kakulangan ng materyales na gagamitin bilang
sanggunian.
• Isaalang-alang ang kabuluhan ng paksa. Magagamit ba ito sa hinaharap? O
maaari bang maging daan upang magkaroon ng panibagong pananaliksik?
• Isaalang-alang ang kakayahang pinansyal. Sapagkat ang pananaliksik ay hindi
gawang biro bukod sa kahandaan ng mananaliksik sa pagsusuri at pangangalap
ng mga tala ay kinakailangan handa rin ang pinansyal na aspekto para matapis
ang isinagawang pananaliksik.
Hangga’t maari iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:
• Mga usaping may kinalaman sa relihiyon at moralidad na mahirap hanapan ng
obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
• Mga kasalukuyang kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal
na magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
• Mga paksang itinuturing nang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik.
Paano Bumuo ng Paksa sa Pananaliksik?
Narito ang mga gabay na tanong upang makatulong sa pagbubuo ng paksa.
• Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
• Ano ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
• Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
• Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang
ipinapakita o kaugnay na paksa?
• Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
• Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
• Paano ko ipahahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
• Paano ko pag-uugnayin at pagsunud-sunurin ang mga ideyang ito?
Mga Hakbang sa Pagpili ng Paksa
• Alamin kung ano ang inaasahan o layunin ng susulatin
Isa sa mga bagay nakinakailangang isaisip bago simulan ang pagpili ng paksa
ay ang pag-alam sa layunin sa pagbuo ng sulating pananaliksik nang sa gayun ay
maihanay o maiugnay mo sa mga layuning ito ang iyong mga gagawin.
• Pagtatala ng mga posibleng maging paksa para sa sulating pananaliksik
Ang mga paksang mapipili ay kinakailangang nakaugnay sa layunin. May
mga pagkakataon na ang guro ang magbibigay ng mga paksa ngunit kung
sakaling wala kang magustuhan mula sa mga paksang pagpipilian ay maaari
kang magtala ng mga paksang ayon sa iyong interes. Tandaan na kinakailangang
iugnay ito sa iyong layunin sa pagsulat ng paksa.
• Pagsusuri sa mga itinalang ideya
Suriin at isa-isahin ang mga isinulat mong ideya.
Piliin ang mga paksang kawili-wiling gawin o saliksikin, interesado kang
talakayin at mga paksang alam na alam mo na at nais pang palawakin. Isaalang-
alang ang kagamitang mapagkukunan ng impormasyon at tayain ang angkop sa

3
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
iyong antas at kakayanan na matapos sa takdang panahon ang isinasagawang
pananaliksik.
• Pagbuo ng Tentabong Paksa
Muli, tingnan at suriing mabuti ang mga napili, magdesisyon ka at itanong ito
sa sarili.
Alin kaya sa mga ito ang pinakagusto ko o pinakamalapit sa aking puso,
pinakamadali kong maihahanap ng kasagutan, pinakamadaling maiugnay
salayuunin at tiyak na matatapos ko sa limitadong oras naibinigay para tapusin
ang gawain?
Batay sa sagot na ibibigay mo sa tanong na ito ay mapipili mo na ang
tentatibong paksa. Handa ka na sa pagbuo ng paksa.
• Paglilimita ng Paksa
Hindi maiiwasan na sa una’y malawakang paksa ang mabubuo mo kaya
kinakailanganin mong limitahan ito upang magkaroon ng pokus ang gagawin
mong pananaliksik.Tandaang hindi dapat maging masyadong malawak o
masaklaw ang paksa na sa dami ng impormasyong gusto nitong patunayan ay
hindi matatapos sa takdang panahon.
Tandaan na sa pagpili ng paksa nararapat na isaalang alang ang mga sumusunod:
1. Nakahihikayat na paksa.
2. Napapanahon at maaaring mapakinabangan ang kalalabasan ng pananaliksik
3. May sapat na mapagkukunan ng impormasyon
4. Interesado ka sa paksang iyong tatalakayin.
5. Iwasan ang masyadong malawak na paksa ganun din ang mga paksang
limitado.

Panuto: Magtala ng sampung (10) ideyang malapit sa iyong puso o mga bagay na
interesado ka na maaaring pagmulan ng mga tentatibong paksa para iyong sulating
pananaliksik.

________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Panuto: Basahin at suriin ang mga sumusunod na halimbawang mga paksang maaaring
________________________________________________________________________________
gamitin sa pagsulat ng sulating pananaliksik mula sa pangkalahatang paksa sa
________________________________________________________________________________
nilimitahang paksa at lao pang nilimitahang paksa.

Paglimita ng Paksa
Suriin ang dalawang sisidlan. Ibigay ang obserbasyon tungkol sa mga ito. Paano
maihahambing ang dalawang sisidlan sa paglilimita ng paksa para sa pananaliksik

Nakapili ka na ba ng paksa? Kung oo, lilimitahan naman natin ito para hindi
maging masyadong malawak ang ating pag-aaralan.
4
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Narito ang ating pwedeng pagbatayan sa paglilimita ng ating paksa:
Halimbawang Paksa: Droga – Epekto ng Droga
• Paglilimita ng Panahon – sa paglilimita ng panahon, pipili tayong taon kung
hanggang saan lamang ang sakop ng ating pag-aaralan
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga noong taong 2017-2018.
• Kasarian - lalaki o babae ang target na respondent ng iyong gagawing pag-
aaral
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga sa kalalakihang nakagamit nito.
• Edad – edad ng mga gagawan mo ng pag-aaral
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga sa mga kabataang may edad na 15-
18.
• Tiyak na uri o anyo
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga sa kalusugan.
• Lugar – saan isasagawa ang pananaliksik
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga sa Unibersidad ng Manila.
• Propesyon o grupong kinabibilangan
➢ Nalimitahang paksa: Epekto ng Droga sa mga mag-aaral
Kombinasyon – para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maaari pa nating
pagsama-samahin ang mga batayan.
Halimbawa:
•Paksa + Pangkat + Lugar + Panahon
Epekto ng Droga sa mga mag-aaral ng Unibersidad ng Manila sa taong 2017-
2018

Basahin at suriin ang mga sumusunod na halimbawang mga paksang maaaring


gamitin sa pagsulat ng sulating pananaliksik mula sa pangkalahatang paksa sa nilimitahang
paksa at lao pang nilimitahang paksa.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


• Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral
Nilimitahang Paksa:
• Mga Dahilan sa Labis at Madalas na Pagpupuyat ng mga Mag-aaral at ang
Epekto nito sa Kanilang Gawaing Pang-akademiko
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
• Mga Dahilan sa Labis at madalas na pagpupuyat ng mga Mag-aaral sa
Ikasampung Baitang ng Heneral Gregorio Del Pilar High School at ang epekto
Nito sa Kanilang Gawaing Pang- akademiko

5
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Malawak o Pangkalahatang Paksa:
• Persepsiyon sa mga taong may tattoo sa katawan
Nilimitahang Paksa:
• Persepsiyon ng kabataan sa mga taong may tattoo sa katawan
Lalo Pang Nilimitahang Paksa:
• Persepsiyon ng kabataang nasa edad 13-19 sa mga taong may tattoo sa katawan
Sa paglilimita ng paksa, iwasang maging lubha namang limitado na halos wala ka
nang pagkakataon upang mabuo ito bilang isang sulating pananaliksik.

Panuto: Ngayon ay masusubukan mo namang maglimita ng malawak o pangkalahatang


paksa. Sa sumusunod na mga kahon ay mababasa mo ang ilang malawak o
pangkalahatang paksa. Limitahan mo ang mga paksa upang mas madaling
matugunan sa sulating pananaliksik.

Malawak o Pangkalahatang Paksa:


Epekto ng online games sa mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa: ______________________________________________________
Lalo pang Nilimitahang Paksa:______________________________________________

Malawak o pangkalahatang Paksa:


Epekto ng blended learning sa mga mag-aaral
Nilimitahang Paksa:______________________________________________________
Lalo pang Nilimitahang Paksa:______________________________________________

Malawak o pangkalahatang Paksa:


Teknolohiya at kabataan
Nilimitahang Paksa:______________________________________________________
Lalo pang Nilimitahang Paksa:______________________________________________

Sarili mong malawak o pangkalahatang Paksa:


Nilimitahang Paksa:______________________________________________________
Lalo pang Nilimitahang Paksa:______________________________________________

Magaling kaibigan! Nawa’y nakintal sa iyong isipan ang mga araling napag-aralan.
Sukatin naman natin ang iyong mga natutuhan.

6
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
layunin, gamit, metodo, at etika sa pananaliksik (F11PB-IVab100).
Kompetensi: Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa
Baitang 11-Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
7
Susi sa Pagwawasto
Pagpili ng Paksa
Tuklasin Natin!
A.
• Iba-iba ang sagot
Global warming
Kalagayan ng mga kabataan/ Depresyon
Pandemya/COVID 19
Ito ang magsisilbing batayan sa pagpili ng paksa dahil ang mga ito ay tuwirang nakikita, nararanasan at nababasa.
Masasabing mainam ang isang paksa kapag napapanahon, maaaring makatugon sa isang umiiral nasuliranin
nakinakailangan bigyang katugunan. Kapag maraming mga materyales na magagamit sapagkalap ng mga
impormasyon o datos.
Gawain A
• Iba-iba ang sagot.
Teknolohiya
Online games
Droga
Pagbaba ng marka
Pagliban sa klase
Pagiging epektibo ng pangkatang gawain sa loob ng klase
Modular learning
Face to face vs. modular learning
• Paglilimita ng paksa
Iba-iba ang sagot
Linangin Natin!
Alamin Natin
• Iba-iba ang sagot
• Ang malapad ngunit mababaw na sisidlan ay tulad ng isang malawak na paksa. Marami kang maaring
sabihin tungkol sa iyong napiling paksa dahil malawak ang nasasakupan nito kaya Malaki ang posibilidad din na
magiging mababaw ang pagtalakay dahil wala itong tiyak na dapat pagtuunan ng pansin. Samantala ang sisid lan
na makitid subalit malalalim ay katulad din ng paksang nalimitahan. Ang paksa ay ispesipiko, higit namay lalim ang
pagtalakay ditto sapagkat tiyakang pagtutuunan ng pansin at tatalakayin.
Pagyamanin Natin!
• Iba-iba and sagot
Epekto ng Social Media sa mag-aara
Epekto ng Social Media sa mag-aaral ng Leonora S. Salapantan National High School
Epekto ng Social Media sa mag-aaral sa ikapitong baiting ng Leonora S. Salapantan National High School
ka na pagsulat ng tentatibong balangkas.
naaangkop na paksang gagamitin mo sa pagsulat ng iyong pananaliksik. Ngayon ay handa
Binabati kita kaibigan! Nawa’y naging gabay sa iyo ang araling ito upang mapili ang
ang mga batayang napag-aralan mo sa araling ito.
Panuto: Sumulat ng dalawang (2) maaaring maging paksa sa pagsulat ng pananaliksik gamit

You might also like