Professional Documents
Culture Documents
IPlan KOM-Q1-LC4
IPlan KOM-Q1-LC4
Pamamaraan Metodo:
Talking to Learners, Thing-Pair-Share
4.1 Panimulang Pagkatapos ng paunang Gawain (e.g. pambungad na dasal, pagwawasto ng atendans,
Gawain ( 2 atbp., magaganap ang sumusunod na Gawain:
Paghahanda
mins.) Spider Web:
Magbibigay ang mga mag-aaral ng kanilang ideya (maaring isang salita o parirala
lamang) na maari nilang iugnay sa katagang Barayti ng wika.
BARAY
TI
NG
WIKA
4.7 “Ano ang inyong damdamin hinggil sa ilang mga tao na nagagawang
Paglalagom/ pagtawanan o punahin ang paraan ng pananalita o punto ng pananalita ng
Panapos na kanilang kapwa dahil sa kaibahan ng pamamaraan ng kanilang
Gawain pananalita?”
Ang sagot ng mga mag-aaral sa nabanggit na katanungan ay sa
pamamagitan ng pagbuo ng kanilang sariling action plan o pansariling
hakbang na pupukaw sa kamalayan ng kapwa kamag-aral na tanggapin
at igalang ang iba’t ibang barayti ng wikang ginagamit ng iba’t bang tao
sa paligid.
Gagamitin ang kanilang dyornal.
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang
kasagutan.
Inihanda ni:
Pangalan: Paaralan:
Posisyon/Designation: Sangay:
Contact Number: Email address:
5
Mga kagamitang
Pampagtuturo Reference materials (aklat, internet source), Powerpoint presentation, laptop
Pamamaraan Metodo
Talking to learners / Conferencing, Panel discussion
4.1 Panimulang Picture Analysis
Paghahanda Gawain ( 2 Pagpapakita ng larawan at video clip: Si Tarzan: kanyang katangian at
mins.) pamamaraan sa pakikipag-usap
Nagkaintindihan ba si Tarzan at ang mga hayop sa gubat? Bakit?
Batay sa kwento ni Tarzan, nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika ?
Kapag ang lipunan ba ay may iba’t ibang wikang ginagamit,
nagkakaunawan ba ang mga nainirahan ditto? Ipaliwanag ang iyong
sagot?
4.2 Mga Triad:
Gawain/ Pagpapangkatin ang klase sa tig-tatlong kasapi bawat pangkat.
Estratehiya
Bawat grupo ay bibigyan ng kaugnay na teksto.
( 8 mins.)
Bakit hindi natin napapansin ang kahalagahan ng wika sa ating
Paglalahad lipunan?
Ano ang mga papel na ginagampanan ng wika sa lipunan?
Ayon sa mga awtor na nagbahagi, ano ang mga katangian at
tungkulin ng wika at mga taong bumubuo sa isang lipunan?
4.3 Pagsusuri Tanong:
(2 mins.) Mula sa nakalap ninyong sagot hinggil sa naunang Gawain, paano ninyo
binibigyang kahulugan ang paksaing barayti ng wika?
7
4.4 Pagtalakay Panel Discussion:
(12 mins.) Limang mag-aaral (na kakatawan sa limang responsible teams) kasama
na ang guro ang tatayo bilang mga tagapagdaloy, ang mananatili sa
harap upang magsilbing mga panellist sa magaganap na panel
discussion.
(Paalala: sa gawaing ito inaasahan na ang guro at mga mag-aaral na
tumatayo bilang mga panellist ay nagkaroon na ng paunang
kumeprensya hinggil sa Mga Gamit ng Wika sa Lipunan: Instrumental,
Regulatoryo, Interaksiyonal. Ito ay para masiguro ng guro na ang mga
kaalaman na kailangan na taglay na ng mga panellist sa paggaganap ng
panel discussion ay tumpak, sapat at nakabatay sa paksang
tatalakayin).
Sa buong panahon ng Panel discussion ay inaasahan ang mga
katanungan na magmumula sa tagapakinig at taganood (mga mag-
aaral).
Magtatakda ang guro ng mga katanungan na kinakailangang masagot
ng lahat sa pagtatapos ng Gawain. Kaya, kinakailangang magtanong ang
audience upang masiguro na masagot nila ng tumpak ang kasunod na
Gawain.
Mga Gabay na Tanong:
Bakit sinasabing ang pinakadiwa ng wika ay panlipunan?Kapag ang
bata raw ay hinnakikipag-ugnayan sa iba, ano ang maaring
maging epekto nito sa pagkatuto niyang magsalita? Ipaliwang ang
sagot.
Kapag lumipat ang tao sa bagong lugar na gumagamit ng ibang
wikang hindi niya alam, ano ang kailangan niyang gawin upang
matutuhan niya ang wika ng mga taong naninirahan doon?
Ano-ano ang tungkulin ng wika sa lipunan ayon kay M.A.K.
Halliday? Sang-ayon kaba sa tinukoy niyang mga tungkulin?
Ipaliwanag?
Batay sa mga impormasyong natutuhan, para sa iyo, ano ang
tunay na halaga ng wika?
8
4.5 Paglalapat Magkakaroon ng pagtalakay ang guro hinggil sa kahalagahan ng isang
(6 na minuto) liham at paano nito maaring mabigyang linaw at pagtibayin ang ating
layunin patungo sa kanyang nais maabot na kapwa.
Ilalahad ng guro ang kasalukuyang sitwasyon sa lungsod hinggil sa
proper waste management at mga isyu na kinakaharap hinggil umano
sa hindi na nasusunod na mga pamantayan at pamamaraan ng
pagtatapon ng basura na nagiging pagsubok sa pagpapanatili ng
malinis at mayamang kapaligiran ng lungsod.
Bilang mga mamamayan at kabataan na may pagpapahalaga at
pagmamahal sa kapaligiran, aatasan ang mga mag-aaral na bisitahin,
kumustahin at alamin ang sitwasyon ng proper waste management ng
sariling barangay sa pamamagitan ng isang liham na nakapangalan
punong-barangay o sinumang awtoridad na namumuno para sa
usaping nabanggit.
Bibigyang puntos ang liham ayon sa sumsuunod na pamantayan:
Pamantayan 3 2 1
Katiyakan ng Layunin at Nilalaman:
Nabubuo ng tiyak na layunin sa liham na may kaugnayan sa pag-alam ng
mga hakbang ng barangay upang masunod ang ordinansa sa proper waste
management ng lungsod.
Mekaniks:
Nasusunod ang tamang pagbabantas at gramatika sa liham.
Legend:
3 – Mahusay
2 – Kakikitaan ng kahusayan
1 – Nanganagilangan pa ng pagpapa-unlad
9
4.6 Pagtataya Gawain:
(6 na minuto) Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Tukuyin ang gamit o tungkulin ng
wikas sa pahayag at bigyang-kahulugan ang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan.
Maaring higit sa isa ang gamit o tungkulin ng wika sa pahayag.
1. Kamakailan ay inilabas ng Oxford English Dictionary (OED), ang pinakabagong
edisyon ng diksiyonaryo nito na naglalaman ng mga bagong salitang Ingles, bukod
pa sa dating terminong pinalawak ang kahulugan ayon sa magbabagong gamit
nito. Kabilang ditto ang apatnapung (40) salita mula sa Pilipinas na ahlaw sa
hilippine English.”Ilan sa mga ito ay ang presidentiable, gimmick, carnap, at
salvage, gayundin ang balikbayan, despedida, barkada, kikay, halo-halo, at KKB.
Ayon sa mga ulat, ito na raw ang pinakamalaking bilang ng mga salitang sariling
atin na sabayang kinikilala ng OED mula pa noong 1982 nang isama ng Oxford ang
abaca sa unang edisyon ng diksiyonaryo nito. Ano naman ang halaga nito sa atin?
- Senator Pia Cayetano
Gamit o tungkulin ng wika: _______________________________________
Kahulugan at paliwanag: _________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
4.7 “Mahalaga ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang susi sa pagkakaisa at
Paglalagom/ pagkakaunawaan.”
Panapos na
Gawain
Takdang-aralin Paghahanda Manaliksik:
para sa bagong Gamit ng Wika sa Lipunan (ayon kay M.A.K. Halliday): Personal,
aralin Heuristiko, at Impormatibo.
Sitwasyon o nagaganap na peacetalks sa Mindanao sa pagitan ng
pamahalaan at rebeldeng grupo (ipaalalang mahalaga ito na
magagamit sa isang gawaing pangklase).
5. Mga Tala
Inihanda ni:
Pangalan: Elaine B. Andoy Paaralan: Catigbian National High school
10
Posisyon/ Designasyon: SHST1 Sangay:
Contact Number: 09483720026 Email address: borretskie@gmail.com
11
Nilalaman
Gamit ng Wika sa Lipunan: Personal, Heuristiko, Impormatibo
Mga kagamitang
Pampagtuturo Charts, Chalkboard, Meta-strips, Laptop
Pamamaraan Metodo
Obsebasyon, Debate
4.6 Pagtataya Magbigay ng sariling halimbawang sitwasyon para sa Gamit ng Wika sa Lipunan
(6 na minuto) Ayon kay M.A.K. Halliday:
Gamit ng Wika (M.A.K. Halliday)
Personal Heuristiko Impormatibo
5. Mga Tala
Inihanda ni:
Pangalan: Elaine B. Andoy Paaralan: Catigbian National High school
Posisyon? Designasyon: SHST1 Sangay:
Contact Number: 09483720026 Email address: borretskie@gmail.com
15
Susi ng Pag -unawa Pagbibigay ng panimulang kaalaman sa pagtukoy ng mga angkop na salita at paraan ng
na lilinangin paggamit batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong
kinabibilangan
Kakayahang Pragmatik
Mga kagamitang
Pampagtuturo Video clips, meta-strips/cards, powerpoint presentation, laptop, atbp.
Pamamaraan Metodo
Talking to Video Analysis;
learners /
conferencing
Observation Role Play
Panalangin
Paghahanda Pagwawasto ng atendans
Pagbabalik-tanaw sa nakaraang tagpo at talakayan
16
4.1 HULA – whoops!
Panimulang Katulad ng sa sharades ang tuntuning susundin sa laro.
Gawain ( __
Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.
mins.)
Pagkatapos makapamili ng isang kinatawan ang bawat pangkat,
ay bibigyan siya ng 1 minuto upang iakto o i-arte para sa ka-
grupo ang set ng mga salita. Paramihan ng mahuhulaan sa loob
ng itinakdang oras.
Naging madali ba ang inyong pagtukoy sa tamang sagot o
salita sa laro? Ipaliwanag ang sagot.
Ang laro o Gawain ay may kaugnayan sa paksang tatalakayin sa araw na
ito.
4.2 Mga Magpapanood ng video clip
Gawain/ Pangkatang pagtatalakay:
Estratehiya
Tungkol saan ang clip?
( 8 mins.)
Ano-ano ang pagsubok na kinaharap ng pangunahing tauhan
Paglalahad (ofw) sa pag-uwi sa Pilipinas? Paano niya ito hinarap?
Bibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na talakayin ang
kani-kanilang damdamin matapos mapanood ang clip. Tatawag
ang guro ng ilang mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot
sa klase.
4.3 Pagsusuri Paano mo ilalarawan ang pagkatao ng pangunahing tauhan
(2 mins.) batay sa paraan ng kanyang pagharap at pakikitungo sa hindi
na nakakikilalang ina?
Ano kaya ang naging dahilan ng kanyang pagtatagumpay
laban sa pagsubok na kanyang kinaharap sa ina?
Ang sagot ng mga mag-aaral sa huling katanungan ang magiging batayan
o panimulang pagtalakay sa aralin.
5. Mga Tala
Inihanda ni:
Pangalan: Elaine B. Andoy Paaralan: Catigbian National High school
Posisyon? Designasyon: SHST1 Sangay:
Contact Number: 09483720026 Email address: borretskie@gmail.com