You are on page 1of 3

Register, Barayti at Baryasyon ng Wika (Pang-apat na Linggo)

Tiyak na Layunin:
 Natutukoy ang pinagmulan ng wika.
 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika.
 Nakapagbibigay ng mga salitang nauso at nauuso sa kasalukuyan at naibibigay
ang kahulugan nito.

Unang Araw: Register, Barayti at Baryasyon ng Wika (Mga Teoryang Pinagmulan


ng Wika)
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG4.1]: ‘’Ano Say Mo?’’ Simulan ng guro ang talakayan sa isang paunang gawain.
Magtatanong ang guro sa mga mag- aaral kung ano ang napapansin nila sa tuwing sila
ay nakikipag- usap. Ang guro ay maaaring magtanong ng 10 pataas na mag- aaral para
magbahagi ng obserbasyon.
II. Facilitated Learning
[GP4.1]: Tatalakayin ng guro ang barayti at baryasyon ng wika. Ano ang kahulugan ng
mga terminong ito? Talakayin din ang mga teoryang nagpapaliwanag tungkol sa
pagkakaiba- iba ng wika. Hikayating magbigay ng mga halimbawa ang mag- aaral para
sa bawat teorya.

III. Formative
[FA4.1] Maikling Pagtataya: Matapos ang unang bahagi ng talakayan, papalawakin
ng guro ang kaalaman ng mag- aaral sa pamamgitan ng pagsagot sa mga
katanungan.
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa hinihiling na katanungan.
1. Ito ay ang huling teorya na tumutukoy sa pagmumula ng wika sa mga ritwal.
2. Ang pangunahing teorya sa pinagmula ng wika sa mundo.
3. Paniniwalang may sariling tunog na kumakatawan sa lahat ng bagay sa
kapaligiran.
4. Ito ay ang pangagaya ng mga tao sa tunog ng kalikasan.
5. Mga pwersang may kinalaman sa romansa ang nagtulak sa mga tao na maghabi
ng mga salita para sa tula at awit.
6. Tunog na naibubulalas ng mga tao dahil sa kanilang masidhing damdamin.
7. Ito ay melodiya at tonong pag- await ng mga sinaunang tao.
8. Nagmula raw ang mga tunog at wika ng tao sa pisikal na mga gawain.
9. Pagtugon ng tao sa pamamgitan ng pagkumpas o pagpapakita ng aksyon.
10. Sakitang Pranses na nangangahulugang paalam.

Pangalawang Araw: Register, Barayti at Baryasyon ng Wika (Dimensyon ng


Baryalidad ng Wika)
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG4.2] Balikan Natin: Bago pagpapatuloy ng guro ang talakayan, ay
magkakaroon muna ng pagbabalik- aral tungkol sa naunang talakayan sa unang
araw.
II. Facilitated Learning
[GP4.2]: Tatalakayin ng guro ang mga dimension ng baryalidad ng wika: (a) ayon sa
dimensyong heograpiko, (b) ayon sa dimesnyong sosyal. Talakayin din ang mas
malawak pang kahulugan ng diyalekto, idyolek, sosyolek at rehistro ng wika.
III. Formative
[FA4.2] Maikling Pagtataya: Matapos ang talakayan, papalawakin ng guro ang
kaalaman ng mag- aaral sa pamamgitan ng pagsagot sa mga katanungan.
Panuto: Pag- usapan ang iba’t ibang diyalekto na nasa ibaba. Ibigaya ang akmang
kahulugan nito.
1. Sige, Salamat. Yayao na ako. Malayo pa ang aking uuwian.
2. Ibayad mo na ako sad yip. Kulang ang aking pamasahe.
3. Nakain na ba kayo ng pating?
4. Mabuti naman at nalakad na si tatay.
5. Nabili na ako ng isang kilong rambutan. Aba, ay mura.

IV. Personalized
[L4] Takdang Aralin: Magtala o maglista ng mga salitang nauso at nauuso sa
kasalukuyan. Ibigay ang kahulugan ng bawat salitang nailista. Ang salita ay hindi baba
sa sampu.
Halimbawa: Petmalu- ito ay salitang binaliktad na ‘’malupit’’
Pangatlong Araw: Ang Etimolohiya ng Pangalan ng mga Lugar sa Carmona,
Cavite
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG4.3] I- uugnay ng guro at mag- aaral ang mga teorya at mga kaugalian sa mga
nakikita sa araw- araw na pakikisalamuha sa kapwa.

II. Facilitated Learning


[GP4.3]
a. Iwawasto ng guro ang inihandang takdang- aralin ng mag- aaral. Bigyan ng 10
puntos pataas ang may pinakamaraming salitang naibigay. Limang puntos naman para
sa may kakaunting naibigay.

b. Pagkatapos ng pagwawasto ng takdang aralin, ang guro ay magbibigay ng indibidwal


pang gawain para sa mga mag- aaral upang mas lubos pa nilang matutuhan ang
naging aralin para sa linggong ito.
Mathesian Henyo: Maghahanda ang guro ng mga salitang nabanggit sa talakayan o
kaya ay mga halimbawa ng bawat teorya. Magbubunot ang mag- aaral mula sa salitang
inihanda ng guro. Pagkatapos ay huhulaan niya ito sa harap ng kaniyang mga kaklase
na magsisilbi namang tagasagot ng ‘’Oo, Pwede at Hindi’’. Ang humuhula ay bibigyan
lamang ng tag- iisang minuto para hulaan ang salita.

You might also like