You are on page 1of 2

Milagrosa, Mary Joy Z.

BSEd 2

Pinaikling Banghay-Aralin

I. Mga Layunin

1. Malalaman ng mga gurong mag-aaral ang iba't ibang gawain na maaaring ibigay sa
mga mag-aaral upang mapagsalita ang mga ito.

2. Makapagbibigay ng mga halimbawa sa bawat gawain upang lubos na maunawaan


ang pagsasagawa o pagsasabuhay ng mga ito.

3. Inaasahang maibibigay ang mga gawain na nakapaloob sa bawat uri ng teksto sa


mga mag-aaral upang magsilbing instrumento sa paghahasa ng kasanayang
pagsasalita.

II. Paksang-aralin

1. Paksa: Mga Gawain sa Pagsasalita na Kailangang Ituro

2. Sanggunian: Kabanata 13: Ang Pagtuturo ng Pagsasalita

3. Kagamitan: cellphone, PowerPoint presentation, papel, atbp.

III. Pamamaraan

1. Pagtatalakay

1.1 Nabibigyang-paliwanag ang proseso ng pagsasalita kaugnay sa pagsasabuhay nito


sa pakikipagtalastasan.
1.2 Tatalakayin ng guro ang paksang-aralin na may kalinawan at bibigyang-diin ang
mga gawain na maaaring ilapat sa mga mag-aaral.

1.3 Makapagbibigay ng mga halimbawa kaugnay sa mga gawain na nakalakip sa bawat


uri ng teksto.

1.4 Sa pagpalalawig ng talakayan, magtatanong ang guro ng mga sariling karanasan ng


mga mag-aaral sa mga gawaing nakapaloob sa paksang-aralin.

2. Paglalapat

2.1 Magbibigay ng pagtataya na kung saan ay ibabahagi ng ilang gurong mag-aaral ang
sa tingin nila'y pinakaepektibong gawain na mailalapat sa mga mag-aaral upang
mapagsalita ang mga ito.

3. Pagbabahagi

3.1 Magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang natutunan sa paksang-aralin na


tinalakay ng guro.

4. Paglalagom

4.1 Magbibigay ang guro ng buod bilang panapos na pananalita kaugnay sa paksang-
aralin.

IV. Pagtataya

Sagutin ang katanungan:

Bilang gurong mag-aaral sa kasalukuyan, sa iyong palagay, alin sa mga uri ng teksto na
natalakay (kabilang na ang mga gawain sa pagsasalita na nakapaloob dito) ang
pinakamabisang gamitin sa mga mag-aaral upang mahasa ang makrong kasanayan na
pagsasalita? Ipaliwanag ang iyong sagot.

You might also like