You are on page 1of 16

Annex 2B.1 to DepEd Order No. 42, s.

2016
Paaralan Cantilan National High School Baitang 12
Guro JOEGIE MAE C. CABALLES Asignatura Filipino sa Piling Larang (Akademik)
MASUSING Petsa at Oras ng Pebrero 12-23,2024 Kwarter 1
BANGHAY- Pagtuturo
ARALIN 3:35-4:20- TVL COOKERY MAKADIYOS Linggo 3-4

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nauunawaan ang kalikasan ,layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng slating ginagamit sap ag-aaral sa iba’t ibang
Pangnilalaman larangan
B. Pamantayan sa
Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal-bokasyunal
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (Isulat ang Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay sa kahulugan, kalikasan at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
code ng bawat teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12EP-Od-f-42)
kasanayan)
Sa pagtatapos ng aralin ay inaasahang ang mga mag-aaral ay:
1.Natutukoy ang anyo ng teknikal bokasyunal na sulatin (Manwal, Flyers at Liham Pangnegosyo);
D. Layunin 2. Nakakapagsaliksik ng kahulugan,kalikasan at katangian ng iba’t ibang sulatin ng tekbok; at
3. Napapahalagahan ang kasanayan sa pagsulat nang may pagtitiyaga sa sulating tekbok..

II. NILALAMAN Iba’t Ibang Tek-bok na Sulatin


A. Paksa Iba’t Ibang Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal: Kahulugan, Kalikasan, at Katangian
III. KAGAMITAN SA
PAGTUTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay


ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Mga Karagdagag https://drive.google.com/file/d/15VvYjwpTfwucTdOgERZQUip0ye15-Y2z/view
Kagamita sa portal ng
learning Resource (LR)
B. Iba pang Kagamitang Laptop, pentel pen, cellphones at manila papers
Panturo
LUNES
(Pagsasagawa ng Motibasyon, Paghahabi ng mga layunin ng Aralin at Pagsasagawa ng mga Gawain)
IV. PAMAMARAAN Paghahandang Gawain
● Panalangin

● Pagbati sa klase
● Pag-tsek ng atendans

● Pagpapa-alala sa Mga Panuntunan ng Klase 3M’s


1. Makinig
2. Makilahok
3. Makiramdam
A. Balik-Aral sa nakaraan Balik-Aral
aralin at/o pagsisimula  Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral upang magbigay ng sintensis sa nakaraang aralin.
ng bagong aralin Gabay na tanong:
1. Sino ang makapagbigay ng sintensis sa nakaraang aralin? (Kung walang magtataas ng kamay ay
magtawag ng mag-aaral ng random)
 Kapag nakikinita ng guro na handa na ang mga mag-aaral para sa susunod na aralin ay magsasagawa ng paunang gawain
ang guro para sa panibagong aralin.

Motibasyon *TUKUYIN MO KO!*


Panuto: Tukuyin ang mga larawang ipinakita upang mahinuha ang paksang tatalakayin.

Flyers Manwal

Sagot: Tekbok na Sulatin


Gabay na katanungan:
1.Anong anyo ng sulatin ang ipinapakita sa larawan ?
2.Ano ang tawag sa mga sulating ito?
3. Nakapagsulat na ba kayo ng ganito uri ng sulatin?
 Ipapakilala ng guro ang bagong aralin kaugnay sa iba’t ibang anyo ng teknikal bokasyunal na sulatin.
b. Paghahabi ng
● Ipapakita at Ipapabasa ng guro ang layunin ng aralin sa klase. Bibigyang-diin ng guro ang pagkamit ng mga layuning ito
mga layunin ng
aralin upang mapagtagumpayan ang pagkatuto ng aralin.
● Pagkatapos ng pagbabasa ng mga layunin ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung handa na ba sila sa bagong
aralin at pagsasagawa ng mga gawain..
B. Paglalahad ng mga
● Ang guro ay magpasasagawa ng gawain para sa bagong aralin.
halimbawa para sa
bagong aralin ● Hahatiin ng guro ang klase sa tatlong pangkat.
(ACTIVITY ) Narito ang mga gampanin ng mga myembro ng bawat pangkat.

Lider Ang mamumuno sa pangkat


Kalihim Ang taga-sulat ng pangkat
Taga-pagbalita Ang maglalahad ng awtput ng pangkat
Taga-bantay Ang magbabantay ng itinakdang oras sa gawain
Myembro Ang mga magtutulungan para sa katagumpayan ng mga
gawain

 Bibigyan ng guro ng isang minuto ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang magiging gampanin sa gawain. Pagkatapos,
ilalahad ng guro ang Rubriks para sa pagtataya ng awtput ng mga mag-aaral.
Pamantayan 10 8 6
Kaagapan Natapos ng pangkat Natapos ng pangkat Natapos ng pangkat
ang gawain sa loob ang gawain isang ang gawain tatlong
o bago matapos ng minuto matapos minute o mahigit
itinakdang oras. ang itinakdang matapos ang
oras. itinakdang oras. .
Pagtutulungan Ang lahat ng May (1) isang May (2) dalawa o higit
(Bagyuhang Pag- myembro ng myembro ng na myembro ng
iisip) pangkat ay pangkat ang hindi pangkat ang hindi
nagtutulungan sa tumulong sa tumulong sa
pagsasagawa ng pagsasagawa ng pagsasagawa ng
gawain. gawain. gawain.
Pag-uugali Ang lahat ng mag- May (1) isang mag- May (2) dalawa o higit
aaral ay kakikitaan aaral ang pang mag-aaral ang
ng magandang- nakikitaan ng hindi nakikitaan ng hindi
asal/pag-uugali magandang-asal/pa magandang-asal/pag-
habang g-uugali habang uugali habang
isinasagawa ang isinasagawa ang isinasagawa ang
gawain. gawain. gawain.

Gawain : Isaliksik Mo!


Pangkat 1
Panuto: Isaayos ang mga letrang naka-jamble. Isaliksik ang kahulugan , katangian, at kalikasan nito. Magbigay din ng isang
halimbawa ng sulating ito. Maaring gumamit ng elektronikong kagamitan sa pagsasaliksik. Sa presentasyon ay ilahad ito sa paraan
ng pagbabalita.
ANAMWL
Gabay sa presentasyon:
a.Ibigay ang kahulugan, kalikasan at katangian nito.
b. Magbigay ng isang halimbawa.
c. Sagutan ang katanungan.
1. Bakit isinasagawa ang pagsulat ng sulating ito?

Pangkat 2
Panuto: Tingnan ang mga halimbawang flyers. Suriin ang nilalaman na nakapaloob sa flyers gamit ang nakalaang pormat.Sa
presentasyon ng gawa ay pumili ng isang representante ng pangkat . Gawin ang presentasyon sa paraan ng pananalumpati.
Gabay na katanungan sa presentayon

1.Ano ang maitutulong ng sulatin ito sa buhay ng tao?

Pangkat 3
Panuto: Basahin ang isang halimbawang liham pangnegosyo. Tukuyin ang kahulugan, katangian, at mga bahagi nito sa
pamamagitan ng pananaliksik at pagsusuri. Kopyahin ang inihandang pormat para sa gagawing pagsusuri. Sa presentasyon ng
gawa ay pumili ng isang representante ng pangkat . Gawin ang presentasyon sa paraan ng pagkanta.
Liham Kahilingan
(Letter of Request)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagsasaka
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig

860 Quezon Avenue, Lungsod Quezon, Metro Manila 1103


Tel.No. 372-50-57 • 372-5042
FaxNo. 372-50-48 • 372-50-61

4 Mayo 2004

Kgg. ELISEA G. GOZUN


Kalihim Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Visayas Avenue, Diliman
Lungsod Quezon

Mahal na Kalihim:

Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH” ngayong Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa Pilipinas (PFDA) at
Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na maging punong-abala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

Ang aming tanggapan ay naghahanda ng ilang gawaing lalahukan ng mahahalagang tauhan sa larangan ng industriya ng agri-
aqua—ang mga magsasaka at mangingisda. Tampok sa mga gawain bukod sa iba pa ay angdemonstrasyon sa pagluluto ng
isda, sa paglulutong tilapia fillet, paghuling tilapia sa tangke, karera ng hito, at paligsahan sa karera ng 150 alimango (mudcrab).
Magsasagawa rin ng mga Lektyur/Seminar/Fisheries Clinique sa aquaculture, pagdaragdag ng halaga pagkaani, at mga teknik sa
pangingisda.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang isang bahagi ng lugar sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife, gayon din ang Gazebo
Reception Hall para sa mga binanggit sa itaas na gawain sa North Avenue, Lungsod Quezon sa 19 Mayo 19, 2004, 5:30 nu–6:00
nh.

Malaki pong karangalan sa aming pagdiriwang ang inyong pagdalo bilang isa sa aming mga panauhing pandangal. Mataimtim
kaming umaasa na ang aming kahilingan ay bibigyan ninyo ng paborableng aksiyon. Maraming salamat sa pabor na ito at sa mg
MARTES
( Pagpapaala sa Layunin, Presentasyon ng mga Gawain , Analisis)
C. Pagtalakay sa bagong Pagkatapos ng pagmamarka ay magkakaroon ng mga katanungan ang guro batay sa gawain bilang proseso ng kanilang pagkatuto.
konsepto at pagsasanay Ang guro ay magtatawag ng mga mag-aaral ng random. Kung ang sagot ng mag-aaral ay nangagailangan pa ng pagpapaliwanag
sa bagong kasanayan ay maaaring magtawag ng ibang mag-aaral na handa sa pagsagot. Kung hindi naman maintindihan ng mag-aaral ang katanungan
ay uulitin ito ng guro ng simple.
ANALYSIS
1. Ano ang nararamdaman ninyo habang isinasagawa ang gawain?
2. Ano ang problemang kinaharap ninyo habang isinasagawa ang gawain?
3. May mga estratehiya ba kayong ginamit upang matapos ninyo ang gawain sa itinakdang oras?
4. Bakit naging mabisa ang estratehiyang ito?
5. Paano ito nakatulong upang mapagtagumpayan ang inyong gawain?
6. Sa isinagawang presentasyon ng bawat pangkat, may pagkakapareho ba o pagkakaiba ang mga
anyong nabanggit?
7. Bakit kailangan nating malaman ang katangian, at kalikasan ng iba’t ibang anyo ng tekbok na
sulatin?
8. Ano sa tingin mo ang mas madaling isulat na anyo ng tekbok sulatin? Bakit?
9. Paano ninyo magagamit ang kaalaman sa mga anyong nabanggit?
10. Sa tingin niyo ba mahalagang matutunan ang mga anyo ng tekbok na sulatin? Bakit?
11. Paano naman nakakatulong ang kaalamang ito sa buhay ng mag-aaral?
12. Nakakatulong din ba ang kaalaman sa pagsulat ng iba’t ibang anyong sulatin sa tekbok sa ating
pamilya at komunidad? Paano?
13. Gaano nga ba kahalaga ang pagkatuto ng iba’t ibang tekbok na sulatin sa buhay ng tao?

Pagkatapos ng pagproseso ng mga katanungan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay sisimulan ng guro ang pagtalakay ng
bagong aralin.Sisiguraduhin ng guro na maayos ang transisyon o daloy ng paglalahad tungo sa pokus na aralin.

MIYERKULES
(Pagpapa-alala sa mga Layunin, Pagtalakay sa mga Konsepto, Pagsasanay sa Natutunan)
D. Pagpapatuloy ng  Ang guro ay magsisimula na sa pagtalakay sa pokus ng aralin.
talakayan tungo sa Mga Anyo ng Sulating Teknikal-Bokasyunal
pormatibong pagtataya 1. Manwal
Karaniwang naglalaman ang isang manwal ng iba’t ibang impormasyon hinggil sa isang produkto, kalakaran
ABSTRACTION sa isang organisasyon o samahan o kaya’y mga detalyeng naglilinaw sa proseso, estruktura, at iba pang mga
detalyeng
nagsisilbing gabay sa mga magbabasa nito. Komprehensibo ang nilalaman ng isang manwal dahil naglalayon itong
magpaliwanag at maglahad ng mga impormasyon tungkol sa isang bagay o paksa. Kalimitang nakaayos nang
pabalangkas ang mga nilalaman ng isang manwal na makikita sa talaan ng mga ito at pormal ang ginagamit na wika.

Maaari din namang magtaglay ng mga larawan o di kaya’y tsart ang isang manwal upang maging higit na
maliwanag ang paglalahad ng mga impormasyon, gayundin ng mga salitang teknikal kung hinihingi ng
pangangailangan. Dagdag pa rito, maaari ding magtaglay ng apendise o indeksang mga manwal.

Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:


 Ang manwal ay isang libro ng impormasyon o mga tuntunin.
 Sa pagsulat ng manwal, mahalagang panatilihin ang pagiging tiyak sa kung para kanino ang manwal, kung
sino-sino ang mga gagamit nito.
 Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal
upang maiwasan ang kalituhan ng mga mambabasa.
 Mahalagang bigyang-halaga ang nilalaman ng manwal, kung ano ang pangunahing paksang tinatalakay
nito.
 Kalimitang binubuo ang manwal ng pamagat nito na siyang maglilinaw kung tungkol saan ang manwal.
Mayroon din itong talaan ng nilalaman kung saan nakalahad ang mga nilalaman ng manwal. Kadalasang nagtataglay
rin ito ng panimula upang

2. Liham-Pangnegosyo
Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa
sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan.
Katulad ng iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong-sulat, petsa, patunguhan, bating
pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at lagda. Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon
sa pangangalakal katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan at liham pag-uulat.
Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham. Maaari ring magtaglay ng kalakip ang mga nasabing
halimbawa.
Mahalaga ring tandaan ang mga sumusunod:
Ang liham o sulat ay nagtataglay ng mga impormasyon para sa patutunguhan. Isinusulat ito ng isang
indibidwal na may nais iparating sa pagpapadalhan ng liham.
Nag-iiba-iba ang paraan ng pagkakasulat ng liham batay sa kung ano ang layunin nito kung kaya’t maraming
iba’t ibang uri ng liham. Isa na rito ang liham-pangnegosyo.
 Sa pagsulat ng liham-pangnegosyo, mahalagang tiyakin kung ano ang layunin nito
Maaari itong maging isang liham kahilingan, liham pag-uulat, liham pagkambas,subskripsiyon, pag-aaplay,
pagtatanong, atbp.
Mahalagang bigyang-halaga ang nilalaman ng liham-pangnegosyo at ang iba’t ibang bahagi nito.
 Kalimitang binubuo ang liham-pangnegosyo ng ulong-sulat na siyang nagtataglay ng ahensiya o institusyong
pagmumulan ng liham; petsa kung kailan isinulat ang liham;patunguhan o kung kanino ipadadala ang liham;bating
pambungad para sa pagbibigyan ng liham; katawan ng liham na siyang naglalaman ng pinakapunto ng liham; bating
pangwakas para sa padadalhan ng liham; at lagda ng nagsulat ng liham.
Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng liham-pangnegosyo at maaaring kakitaan ng mga salitang
teknikal na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

3. Flyers/leaflets at promo materials


Kalimitang ipinamumudmod ang mga flyers/leaflets at promo materials upang makahikayat sa mga
tagatangkilik ng isang produkto o serbisyo. Bukod pa rito, nagbibigay impormasyon din ang mga materyales na ito
para sa mga mamimili o kung sinumang makababasa ng mga ito. Kapansin- pansin din ang pagiging tiyak at direktang
mga impormasyong nakasulat sa mga ito. Hindi maligoy ang pagkakasulat at impormatibo sa mga mambabasa. Ilan
sa mga kadalasang nilalaman ng mga flyers/leaflets at promo materials ay mga katanungan at kasagutan hinggil sa
produktoo ang mga batayang impormasyong may kinalaman dito. Karaniwan ding nagtataglay ng mga larawan ang
mga ito upang higit na makita ang biswal na katangian ng isang produkto, makulay rin ang mga ito na posibleng
makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot sa mas
nakararami. Posible ring makita ang ilang mga detalyeng may kinalaman sa pagkontak sa mga taong nasa likod ng
pagbuo ng mga nasabing materyales gayundin ang kanilang logo. May mga pagkakataon ding pumapasok ang
paglalaro sa mga salita at iba pang pakulo sa paglikha ng mga flyers at promo materials upang higit na tumatak sa
mga mamimili ang pangalan o kaya’y iba pang impormasyon hinggil sa isang produkto o serbiyo. Makikita ito
halimbawa sakanilang mga tag line.
E. Pagsasanay sa Gawain: Sagutan Mo Ako!
Kabihasaan Panuto: Ibigay ng tatlong anyo ng teknikal bokasyunal na sulation.Gawan ito ng Venn Diagram upang makita ang pagkakaiba at
Formative Practice pagkakapareho ng mga anyong ito.

HUWEBES
(Pagsasagawa ng Paglalapat, Paglalahat ng Aralin at Pagtataya)
F. Paglalapat ng Aralin sa Gawain: ISAGAWA MO!
pang-araw-araw na Panuto: Pumili ng isa sa mga nabanggit na anyo ng teknikal bokasyunal na sulatin. Bumuo na sariling sulatin batay sa binigay na
buhay kalikasan at katangian nito.

APPLICATION
Pamantayan sa Pagsagot
A. Nakakasunod sa teknikal na kombensiyon na pagsulat- 20
B. Kaangkupan ng nilalaman- 20
C. Wastong baybay ng mga salita 10
Kabuuan: 50
G. Paglalahat ng Aralin Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral upang sagutan ang katanungan ito, “Ano ang magandang maidudulot sa pagsasanay
sa kasanayan ng pananaliksik ng iba’t ibang anyo ng tekbok na sulatin?
H. Pormatibong Pagtataya Maraming Pagpipilian
FORMATIVE ASSESSMENT Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba. Piliin ang tamang kaisipan na kukumpleto sa bawat pangungusap. Isulat
ang titik ng tamang sagot .
1. Mahalaga ring panatilihin ang pagiging payak, maiksi, at tiyak ng pagkakabuo ng mga ilalagay sa manwal upang maiwasan ang
___________________.
A. kalituhan ng mga mambabasa
B. kaguluhan sa isip ng mga mag-aaral
C. kakulangan sa impormasyon
D. karaniwang pagkakamali

2. Karaniwang nagtataglay ng mga larawan ang mga flyers upang higit na makita ang ______________________. Makulay rin ang
mga ito na posibleng makatulong na makahikayat sa mga potensyal na gagamit o susubok sa isang bagay na iniaalok o ipinaabot
sa mas nakararami.
A. pagiging matibay ng isang produkto
B. biswal na katangian ng isang produkto
C. logo na ginagamit ng isang produkto
D. kakaibang branding ng isang produkto

3. Karamihan sa mga teknikal na pagsulat ay tiyak at tumpak lalo na sa pagbibigay ng ________________.


A. impormasyon
B. panuto
C. detalye
D. gabay

4. Katulad ng iba pang uri ng liham, ang mga sumusunod ang tinataglay na mga bahagi ng isang liham pangnegosyo maliban sa
isa.
A. bating pangwakas
B. lagda
C. katawan ng liham
D. dagdag sulat

5. Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay naglalayong magbahagi ng impormasyon at manghikayat sa ______________.


A. manonood
B. mambabasa
C. mag-aaral
D. mananaliksik

BIYERNES
CATCH UP FRADAY
I. Mga Karagdagang
gawain para sa
paglalapat at
remediation

V. MARKA Pebrero 14-15- In-house Training , walang pasok ang mga mag-aaral.
Pebrero 19-21- Provincial Meet 2024- walang pasok ang mga mag-aaral
VI. REPLEKSYON

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailan ng
karadagang gawain at
remedyal.
C. Napagtagumpayan ba
ang aralin sa remedia?
Bilang ng mag-aaral
nakaintindi sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
pagpapatuloy ng
remedyal
E. Aling estratehiya ng
pagtuturo ang epektibo?
Bakit?
F. Ano ang mga
kahirapang aking
natamasa na maaring
matulungan ako ng
aming punongguro o
supervisor?
G. Anong inobasyon o
kagamitang panglokal
ang aking ginamit
/nadiskubre na gusto
kong maibahagi sa
kaguruan?

Prepared by: Checked and Validated:


JOEGIE MAE C. CABALLES SAPHIRRA D. ORZALES
Teacher- II Master Teachers I

You might also like