You are on page 1of 17

Annex 2B.1 to DepEd Order No. 42, s.

2016
Paaralan Cantilan National High School Baitang 12
Guro JOEGIE MAE C. CABALLES Asignatura Filipino sa Piling Larang (Akademik)
MASUSING Petsa at Oras ng Enero 31- Pebrero 9,2024 Kwarter 1
BANGHAY- Pagtuturo
ARALIN 3:35-4:20-TVL COOKERY MAKADIYOS Linggo 1 -2

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Nauunawaan ang kalikasan ,layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng slating ginagamit sap ag-aaral sa iba’t ibang
Pangnilalaman larangan
B. Pamantayan sa
Nakabubuo ng manwal ng isang piniling sulating teknikal-bokasyunal
Pagganap
C. Mga Kasanayan sa
1. Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin.(CS_FA11/12PB-0a-c-101)
Pagkatuto (Isulat ang 2. Nakikilala ang iba’t ibang teknikal-bokasyunal na sulatin ayon sa:
code ng bawat a.) Layunin b.) Gamit c.)Katangian d.) Anyo e.) Target na gagamit (CS_FTV11/12PT-0a-c-93)
kasanayan)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aara ay inaasahang;
D. Layunin 1.Nabibigyang-kahulugan ang teknikal at bokasyunal na sulatin;
2.Nakabubuo ng pagsusuri sa alinman sa mga teknikal bokasyunal na sulatin batay sa layunin, gamit, katangian at anyo;
3.Napapahalagahan ang teknikal bokasyunal na pagsulat sa pamamagitan ng pagbuo ng isang repleksiyon.
II. NILALAMAN Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
A. Paksa Kahulugan ng Teknikal at Bokasyunal na Sulatin
Layunin, Gamit, Katangian at Anyo ng Tek-bok na Sulatin
III.KAGAMITAN SA
PAGTUTURO

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay


ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Mga Karagdagag https://drive.google.com/file/d/1BUwl111XpYq0AV86JSD3iluE7EJOBJ-J/view
Kagamita sa portal ng
learning Resource (LR)
B. Iba pang Kagamitang Laptop, pentel pen, cut out words, cellphones, crayons, bond papers at manila papers
Panturo
MYERKULES
(Pre-Test at Motibasyon, Paghahabi ng mga layunin ng Aralin )
III. PAMAMARAAN Paunang Gawain
● Panalangin

● Pagbati sa klase
● Pag-tsek ng atendans

● Pagpapa-alala sa Mga Panuntunan ng Klase 3M’s


1. Makinig
2. Makilahok
3. Makiramdam
B. Balik-Aral sa nakaraan Motibasyon *DECODING IMAGE*
aralin at/o pagsisimula  May ipapakitang ang larawan ang guro. Gamit ng larawan ay kunin ang nakatagong kaisipan. Hint: Bigkasin sa Ingles,
ng bagong aralin Unang pantig kunin at baybayin sa Filipino!

TIC-TAC-TOE NICKEL CALCULATOR BOW CASHEW SHOW NULL

TEKNIKAL-BOKASYUNAL
Gabay na katanungan:
1. Anong ang tawag ng mga larawang ito sa ingles?
2. Ano ang mga unang pantig ng mga larawan?
3. Anong kaisipan ang nakatago sa mga larawang ito?
Kapag nakuha na ng mga mag-aaral ang nakatagong salita ay ipapakilala ng guro ang bagong aralin .
C. Paghahabi ng mga
● Ipapakita at Ipapabasa ng guro ang layunin ng aralin sa klase. Bibigyang-diin ng guro ang pagkamit ng mga layuning ito
layunin ng aralin
upang mapagtagumpayan ang pagkatuto ng aralin.
● Pagkatapos ng pagbabasa ng mga layunin ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral kung handa na ba silang matuto sa
bagong aralin at kung handa na ay ipasagawa na ang mga gawain.
HUWEBES
(Pagpapa-alala sa mga layunin,Pagsasagawa ng mga Gawain , Presentasyon at Analisis)
D. Paglalahad ng mga
● Ang guro ay magpapasagawa ng gawain para sa bagong aralin.
halimbawa para sa
bagong aralin ● Hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat.
(ACTIVITY ) Narito ang mga gampanin ng mga myembro ng bawat pangkat.

Lider Ang mamumuno sa pangkat


Kalihim Ang taga-sulat ng pangkat
Taga-pagbalita Ang maglalahad ng awtput ng pangkat
Taga-bantay Ang magbabantay ng itinakdang oras sa gawain
Myembro Ang mga magtutulungan para sa katagumpayan ng mga
gawain

 Bibigyan ng guro ng isang minuto ang mga mag-aaral sa pagpili ng kanilang magiging gampanin sa gawain. Pagkatapos,
ilalahad ng guro ang Rubriks para sa pagtataya ng awtput ng mga mag-aaral.

Pamantayan 10 8 6
Kaagapan Natapos ng pangkat Natapos ng pangkat Natapos ng pangkat
ang gawain sa loob ang gawain isang ang gawain tatlong
o bago matapos ng minuto matapos minute o mahigit
itinakdang oras. ang itinakdang matapos ang
oras. itinakdang oras. .
Pagtutulungan Ang lahat ng May (1) isang May (2) dalawa o higit
(Bagyuhang Pag- myembro ng myembro ng na myembro ng
iisip) pangkat ay pangkat ang hindi pangkat ang hindi
nagtutulungan sa tumulong sa tumulong sa
pagsasagawa ng pagsasagawa ng pagsasagawa ng
gawain. gawain. gawain.
Pag-uugali Ang lahat ng mag- May (1) isang mag- May (2) dalawa o higit
aaral ay kakikitaan aaral ang pang mag-aaral ang
ng magandang- nakikitaan ng hindi nakikitaan ng hindi
asal/pag-uugali magandang-asal/pa magandang-asal/pag-
habang g-uugali habang uugali habang
isinasagawa ang isinasagawa ang isinasagawa ang
gawain. gawain. gawain.

Gawain : Alamin Mo!


Pangkat 1:
Panuto: Suriin ang prosesong nakapaloob sa kahon. Sagutin ang mga tanong sa ibaba

Hakbang sa Paggawa ng Manwal

May siyam na hakbang na kailangan sundan upang maging mabisa ang


ginagawang manwal.
1. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano,
kailan, saan, bakit, at paano.
2. Kolektahin ang impormasyon mula sa mga eksperto.
3. Uriin at ayusin ang impormasyon.
4. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
5. Gumawa ng isang script o balangkas.
6. Isulat ang manwal.
7. Ipakita ito sa mga taong maaring gumamit o sa iyong editor.
8. Ilathala ang manwal.
9. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.

1. Anong uri ng sulatin ang mabubuo sa mga hakbang na nakapaloob sa kahon sa itaas?
2. Madali ba itong gawin? Ibigay ang iyong ganting galaw.
3. Sino-sino ang gumagamit ng ganitong sulatin? Bakit?

Gabay na tanong sa presentasyon:

1.Bakit mahalagang matutunan ang pagsulat ng anyong ito ng teknikal bokasyunal na sulatin?

Pangkat 2:
Panuto: Suriing mabuti ang mga larawang ipinakita. Tukuyin kung anong uri ng sulatin ang ipinakita, layunin, gamit at katangian
taglay nito. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.
Anyo Layunin Katangian Target na gagamit

Gabay na katanungan sa presentayon

1.Paano nakatutulong sa mga mambabasa ang sulating ito?

Pangkat 3:
Panuto: Suriin ang isang halimbawang teknikal-bokasyunal na sulatin batay sa tsart sa ibaba. Maaring gumamit ng elektronikong
kagamitan sa pangangalap ng mga impormasyong hinihingi.

https://bit.ly/3grOWri

Uri ng Teknikal na Sulatin

Gamit Katangian
Target ng Gagamit

Gabay na katanungan para sa presentasyon:


1.Anong uri ng teknikal na sulatin ang ipinakita?
2. Ano ang gamit at katangian ng sulating ito?
3. Sino ang target na gagamit ng sulating ito?
4. Mahalaga bang matutunan ang sulating ito? Bakit?

Pangkat 4
Panuto: Mula sa inyong iskema ay bigyang pagpapakahulugan ang mga terminong nasa loob ng bilog ng. Gamitin ang concept map
sa ibaba.

Bokasyunal
Bok
Teknikal
Gabay na katanungan sa presentasyon
1. Ano ang ibig sabihin ng teknikal?
2. Ano ang ibig sabihin ng bokasyunal?
3. Ano ang ibig sabihin ng teknikal bokasyunal na sulatin?
4. Sa tingin mo , kailangan bai tong matutunan ng mga mag-aaral? Bakit?

 Bibigyan ang bawat pangkat ng limang (15) minuto para maisagawa ang gawain. Maaring gumamit ng elektonikong
kagamitan sa paghahanap ng impormasyon.
 Pagkatapos ay magkakaroon ng isang (1) minutong presentasyon ang bawat pangkat.
 Mamarkhan ng guro ang gawain ng mga mag-aaral pagkatapos ng kanilang presentasyon batay sa Rubriks nito.
E. Pagtalakay sa bagong Pagkatapos ng pagmamarka ay magkakaroon ng mga katanungan ang guro batay sa gawain bilang proseso ng kanilang pagkatuto.
konsepto at pagsasanay Ang guro ay magtatawag ng mga mag-aaral ng random. Kung ang sagot ng mag-aaral ay nangagailangan pa ng pagpapaliwanag
sa bagong kasanayan ay maaaring magtawag ng ibang mag-aaral na handa sa pagsagot. Kung hindi naman maintindihan ng mag-aaral ang katanungan
ay uulitin ito ng guro ng simple.
ANALYSIS
1. Ano ang nararamdaman ninyo habang isinasagawa ang gawain?
2. Ano ang problemang kinaharap ninyo habang isinasagawa ang gawain?
3. May mga estratehiya ba kayong ginamit upang matapos ninyo ang gawain sa itinakdang oras?
Paano ito nakatulong upang mapagtagumpayan ang inyong gawain?
4. Sa isinagawang presentasyon ng bawat pangkat, anong sulatin ang mga binanggit?
5. Ano nga ba ang ibig sabihin ng teknikal bokasyunal na sulatin?Para saan ito?
6. Bakit napakahalagang matutunan ng mga mag-aaral ang pagsulat ng tekbok na sulatin?
7. May pagkakaiba bas a mga sulating isuri? Ano ito?
8. Bakit kailangan natin malaman ang pagkakaiba ng mga sulating ito?
9. Paano nakatutulong ang mga sulating ito sa buhay ng mga tao?
10. Sa tingin mo, paano natin hahasain ang ating kakayahan sa pagsulat upang makasulat ng isang
makabuluhang sulatin?
11. Paano makakatulong ang kahusayan sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin sa buhay ng
tao?
Pagkatapos ng pagproseso ng mga katanungan para sa pagkatuto ng mga mag-aaral ay sisimulan ng guro ang pagtalakay ng
bagong aralin.
BIYERNES
(CATCH UP FRIDAY)
LUNES
(Pagpapa-alala sa mga Layunin ng Aralin, Pagtalakay ng Aralin)
9. Pagpapatulog ng  Ang guro ay magsisimula ng magtalakay ng aralin.
talakayan tungo sa
pormatibong pagtataya Teknikal-Bokasyunal na Sulatin
Ayon kay Renzo Martin (June 30, 2016),ang Teknikal-Bokasyonal na Sulatin ay isang komunikasyong pasulat sa larangang
ABSTRACTION may espesyalisadong bokabularyo tulad ng isang agham, inhenyera, teknolohiya, at agham pangkalusugan. Karamihan sa gamit
nito ay upang makalikha ng teksto na mauunawan nang malinaw. Maliban dito ang teknikal na pasulat ay tiyak at tumpak lalo na sa
pagbibigay ng panuto. Ito ay payak dahil sa hangarin. Ito ay kailangang maging malinaw, maunawaan at kumpleto ang binibigay na
impormasyon. Kailangan ding walang maling gramatikal, walang pagkakamali sa bantas at may angkop na pamantayang kayarian.
Layunin ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
 Upang magbigay alam.
 Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
 Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
 Impormatibong pagsulat o expository writing
 Malikhaing pagsulat
 Mapanghikayat na pagsulat o persuasive writing
Gamit ng Teknikal-Bokasyonal na Pagsulat
 Upang maging batayan sa desisyon ng namamahala
 Upang magbigay ng kailangang impormasyon
 Upang magbigay ng intruksyon
 Upang magpaliwanag ng teknik
 Upang mag-ulat ng natamo (achievement)
 Upang mag-analisa ng may suliraning bahagi (problem areas)
 Upang matiyak ang pangangailangan ng disenyo at Sistema
 Upang maging batayan ng pampublikong ugnayan
 Upang mag-ulat sa mga stockholders ng kumpanya
 Upang makabuo ng produkto
 Upang makapagbigay ng serbisyo
 Upang makalikha ng proposa
Katangian ng Teknikal-Bokasyonal na Sulatin:
 May espesyalisadong bokabularyo
 Tiyak
 Tumpak
 Malinaw
 Nauunawaan
 Kumpleto ang impormasyon
 Walang kamaliang gramatikal
 Walang kamalian sa bantas
 Angkop na pamantayang kayarian
 Di-emosyonal
 Obhetibo

Anyo ng Tek-Bok na Sulatin:


 Naratibong ulat
 Feasibility Study
 Promo materials
 Deskripsyon ng produkto
 Paggawa ng Manwal

Target na gagamit ng Teknikal-Bokasyunal na Sulatin


 mga organisasyon
 mga paaralan at iba’t ibang institusyon
 iba’t ibang uri ng teknikal bokasyunal na trabaho
 atbp.
MARTES
( Pagpapa-alala sa mga layunin ng aralin, Pagpapasagawa ng Pagsasanay Tungo sa Pormatibong Pagtataya)
10. Pagsasanay sa Gawain: Alam ko!
Kabihasaan A. Panuto:Ibigay ang inyong natutunan sa kahulugan ng teknikal-bokasyunal na sulatin sa pamamagitan ng pagbibigay-
Formative Practice kahulugan ng bawat titik ng salitang TEKNIKAL.

T-
E-
K-
N-
I-
K-
A-
L-

B. Panuto: Mula sa inyong natutunan sa mga impormasyong inilahad, sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
1. Mahalaga ba sa isang Tech-Voc na sulatin ang pagiging mapanghikayat?Patunayan.
2. Bakit mahalagang malikhain ang pagsulat ng Tech-Voc na sulatin?
3. Maliban sa nabanggit sa itaas, sino-sino pa sa tingin mo ang target na gagamit ng Tech-Voc na
sulatin? Bakit?

MIYERKULES
(Pagsasagawa ng Paglalapat, Paglalahat ng Aralin at Pagtataya)
11. Paglalapat ng Aralin sa Gawain: Indibidwal na gawain
pang-araw-araw na Gawain: Pagsulat ng Repleksyon
buhay
Panuto: Bumuo ng isang maikling repleksyon kaugnay sa mga kaisipan na iyong nakuha tungkol sa teknikal-bokasyunal na sulatin
APPLICATION at kahalagahan nito sa mapipiling larangan. Lagyan ito ng sariling pamagat at bubuuin ng tatlong talata na may tiglilimang
pangungusap. Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagsulat ng iyong sanaysay.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG REPLEKSYON
Nilalaman .............................................................45%
Kaugnayan sa Paksa ............................................30%
Paggamit ng Salita ...............................................25%
Kabuuan ............................................................100%

HUWEBES
(Pagpapa-alala sa mga Layunin ng Aralin, Paglalahat ng Aralin, Pagsasagawa ng Pagtataya)

12. Paglalahat ng Aralin Ang guro ay magtatawag ng mag-aaral upang sagutan ang katanungan ito, “Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng isang
teknikal bokasyunal na sulatin?
13. Pormatibong Pagtataya Maraming Pagpipilian
FORMATIVE ASSESSMENT A-Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat lamang ang letra ng tamang sagot.

1. Tumutukoy ito sa mga sulating bunga ng mga iba’t ibang pag-aaral, mahabang iginugol na pananaliksik at bunga ng mga
eksperimentong ulat.
A. referensyal C. jornalistic
B. akademiko D. teknikal

2. Ito ay ginagamit bilang pakikipag-ugnayan na nasa isang organisasyon.


A. Liham-Pangangalakal C. Liham Pangkaibigan
B. Liham Pagbati D. Liham Paanyaya

3. Ang mga sumusunod ay mga layunin ng teknikal bokasyunal na pagsulat maliban sa isa.
A. Upang magbigay alam.
B. Upang mag-analisa ng mga pangyayari at implikasyon nito.
C. Upang manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
D. Upang magbigay aliw

B- Panuto: Suriin kung anong uri ng sulatin ang ipinapakita ng mga larawang nasa ibaba. Isulat lamang ang titik ng tamang sagot.

4. 5.

A. Promo Materials B. Anunsiyo C. Manwal D. Feasibility Study


BIYERNES
CATCH UP FRADAY
5. Mga Karagdagang Bilang isang mag-aaral sa SHS na nabibilang sa TVL, ano angiyong maibabahagi sa iyong espesyalisasyon na maaaring
gawain para sa pakinabangan nang higit sa nakararaming mag-aaral?
paglalapat at
remediation

IV. MARKA

V. REPLEKSYON

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailan ng
karadagang gawain at
remedyal.
C. Napagtagumpayan ba
ang aralin sa remedia?
Bilang ng mag-aaral
nakaintindi sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng
pagpapatuloy ng
remedyal
E. Aling estratehiya ng
pagtuturo ang epektibo?
Bakit?
F. Ano ang mga
kahirapang aking
natamasa na maaring
matulungan ako ng
aming punongguro o
supervisor?
G. Anong inobasyon o
kagamitang panglokal
ang aking ginamit
/nadiskubre na gusto
kong maibahagi sa
kaguruan?

Prepared by: Checked and Validated:


JOEGIE MAE C. CABALLES SAPHIRRA D. ORZALES
Teacher- II Master Teachers I

You might also like