You are on page 1of 4

Etimolohiya ng Wika (Unang Linggo)

Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ang pinagmulan ng wika.
2. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa wika.
3. Nauunawaan ang konseptong pinagmulan ng wika.
4. Naisasalaysay sa sariling pangungusap ang pinagmulan ng sariling lugar.
Unang Araw: Kahulugan ng Etimolohiya at Mekanismo sa Pagbuo ng Bagong
Salita (Panghihiram)
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG1.1]: ‘’Makilala Mo Kaya?’’Simulan ng guro ang talakayan sa isang paunang
gawain. Kikilalanin ng mag- aaral ang kanilang pangalan kung ano ang kahulugan at
naging batayan ng kanilang mga magulang sa pagbuo ng kanilang pangalan. Magtawag
ng ilang mag- aaral upang ibahagi ang kanilang sagot.
II. Facilitated Learning
[GP1.1]: Tatalakayin ng guro ang kahulugan ng etimolohiya at ang unang mekanismo
sa pagbuo ng bagong salita (Panghihiram). Maaaring gamitin ng guro ang lunsarang ito,
ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx (slideshare.net)

Ano ang etimolohiya?


Ang etimolohiya ay masasabi nating isang pag- aaral ng kasaysayan ng
mga salita, ang pinagmulan nito, at kung paano nabuo at nagbago ng kahulugan sa
pagdaan ng panahon.
Mga Mekanismo sa Pagbuo ng Bagong Salita
a. Panghihiram
a.1. hiram na salita sa sa ponolohiya at baybay ng mga bansang nanghihiram
a.2. kahawig ngunit ibang kahulugan ang isang hiniram na salita
a.3. pseudo- anglicism

III. Formative
[FA1.1]: Matapos ang unang bahagi ng talakayan, papalawakin ng guro ang
kaalaman ng mag- aaral sa pamamgitan ng pagsagot sa mga katanungan.
Pagpapalawak ng Kaisipan!
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Ipaliwanag ang sagot.
1. Mahalaga bang pag- aralan ang kasaysayan ng isang wika? Bakit?
2. Bilang isang mag- aaral, gaano kaya kahalaga ang pag- aaral ng wika?
3. Bakit kaya umabot sa puntong kailangan ang mekanismong panghihiram na salita
sa ibang wika?

Pangalawang Araw: Mekanismo sa Pagbuo ng Bagong Salita (Pagbuo ng Salita at


Simbolismo ng Tunog
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG1.2] Balikan Natin: Sa pagpapatuloy ng talakayan, magtatanong ang guro ng
ilang mag- aaral kung ano ang kanilang naunawaan tungkol sa naunang talakayan.
(Gagawa ang guro ng mga gabay na tanong para sa pagbabalik- aral)
II. Facilitated Learning
[GP1.2]: Ipagpapatuloy ng guro ang ikalawang bahagi ng talakayan tungkol sa
mekanismo sa pagbuo ng mga salita. Maaaring gamitin ulit ang lunsarang ito, ARALIN 1
ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx (slideshare.net)

b. Pagbuo ng Salita
b.1. sa pamamagitan ng paglalapi
b.2. sa pamamagitan ng pagtatambal ng mga salita
b.3. sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita o clipping
b.4. sa pamamagitan ng akronim
c. Simbolismo ng Tunog
May mga salitang hinango mula sa tunog na nililkha ng mga bagay.

[GP1.3] Magbibigay ang guro ng isang gawain sa mga mag- aaral upang mas lalo nilang
maunawaan ang kahulugan ng wika. Bago pa man ang gawaing ito, nasabihan na dapat
ng guro ang mag- aaral na magdala ng anumang materyales sa paggawa ng islogan
Pagsulat ng Islogan: Bibigyan ng limang minuto (5) ang mag-aaral sa paggawa ng
islogan tungkol sa wika at kulturang Pilipino gamit ang mekanismo sa pagbuo ng salita
tungo sa isang wika. Upang markahan ang mag- aaral, tinganan ang pamantayan sa
ibaba.
Halimbawa ng islogan:
‘’FYI, wika ang bosena ng masa, Kapitbisig tayo ay aarangkada!’’
Pamantayan sa Pagmamarka
Malinaw ang isinulat na 25 puntos
pagpapakahulugan ng wika at kultura
Orihinal ang desinyo at konsepto 15 puntos
Malikhain at nakakaakit ang desinyo 10 puntos
Kabuoan 50 puntos

Pangatlong Araw: Ang Etimolohiya ng Pangalan ng mga Lugar sa Carmona,


Cavite
Oras: Isang Oras (60 minuto)
I. Pre- Assessment
[UG1.3] Maghahada ang guro ng isang bidyu na nagpapakita ng wika at kultura ng
Carmona, Cavite. Pagkatapos ay panuorin ito ng buong klase.
Tuklasin Natin! Panuorin ang isang bidyu na nagpapakita ng kasaysayan at kultura ng
Cavite. Itala sa kwaderno ang mahahalagang detalye, pagkatapos ay pumili ng isa
hanggang tatlong mag- aaral upang ibahagi ang kanilang hinuha tungkol sa bidyu.
Maaaring ito ang gamitin ng guro para sa klase: https://youtu.be/alAkioFEEag
II. Facilitated Learning
[GP1.4] Tatalakayin ng guro ang etimolohiya ng pangalan ng mga lugar sa Carmona,
Cavite. Maaaring gamitin ng guro ang lunsarang ito, ARALIN 1 ETIMOLOHIYA NG WIKA.pptx
(slideshare.net)

Ang etimolohiya ng pangalan ng mga lugar sa Carmona, Cavite:


a. Carmona
b. Baryo Cabilang Baybay
c. Baryo Bancal
d. Baryo Maduya
e. Baryo Lantik
f. Baryo Milagrosa
g. Baryo Mabuhay
III. Formative
[FA1.2] Pagkatapos ng talakayan, ibibigay ng guro sa mag- aaral ang gawain na nasa
aklat, pahina 4 (MTCGS Module)
Gawain: Isa- isahin ang mga lugar sa bayan ng Carmona, Cavite. Sa isang
pangungusap, isulat ang pinagkunan ng pangalan ng bawat baryo.

IV. Personalized
[PLA: L1] Bago matapos ang oras, ibibigay ng guro ang gagawin ng mag- aaral para
sa naging unang linggo ng talakayan.
Story Time! Gumawa ng isang write- up tungkol sa kasaysayan ng iyong komunidad.
Ito ay binubuo lamang ng tatlo hanggang limang talata.

You might also like