You are on page 1of 4

Unibersidad ng Pilipinas Manila

Departamento ng Arte at Komunikasyon


Wika 1 – Wika, Kultura, at Lipunan

GABAY SA PAG-AARAL: IKALAWANG LINGGO (4 oras)

INTRODUKSIYON

Nilalayon ng mga gawain ngayong linggo na kilalanin ang mga batayang konseptong kakailanganin
tungo sa mas malalim na pag-unawa ng mga susunod pang paksa.

MODYUL 1: MGA BATAYANG KONSEPTO SA PAG-AARAL NG WIKANG FILIPINO

MGA BABASAHIN (2.3 oras)

Modyul 1

Almario, V. (2014). Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa (pp.6-24)

Ocampo, N. (2012). Varayti ng Wika mula sa Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino (pp. 18-39)

Paz, C. (2005). Ang Filipino Bilang Linggwa Frangka mula sa Wikang Filipino Atin Ito (pp. 17-26)

Layunin

Nilalayon ng mga babasahing ito na magsilbing introduksiyon sa pamamagitan ng pagtatalakay ng mga


batayang konsepto patungkol sa Wikang Filipino.

Pagsasagawa

1. Basahin muna ang Modyul 1 bilang gabay at paghahanda sa mga susunod na babasahin.
2. Matapos nito, basahin ang mga babasahin at bigyang-pansin ang mga sumusunod:
a. na ang wika ay nagtataglay ng gramatika na nahahati sa ponetika, ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, at semantics;
b. na walang wikang hindi naghihiram at patunay pa nga ito ng pagiging dinamiko nito;
c. na may iba’t ibang gamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo, wikang opisyal,
at wikang pambansa bilang siyang lingua franca; at
d. na may iba’t ibang anyo o varayti ang wikang Filipino na maaaring base sa iba’t ibang
mga salik gaya ng heograpikal na lokasyon (dayalek), panlipunang salik (sosyolek),
sitwasyon (register), at maging sariling varayti (idyolek).
3. Pag-isipan: Naging malinaw ba sa iyo ang pagkakaiba ng wika at dayalek? Ano-ano sa palagay
mo ang mga salik na nakaapekto sa iyong sariling varayti ng wika o idyolek? Tandaan muna
ang mga ito bilang paghahanda sa mga gawain.

PAREHANG GAWAIN (1 oras)

S(Feel) the (Varay)TEA: Paggamit ng mga Varayti ng Wika

Layunin

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)


Sa pamamagitan ng gawaing ito, nilalayon na magkaroon tayo ng mas malawak na kaalaman patungkol
sa paggamit ng iba’t ibang varayti ng wika.

Pagsasagawa

1. Panoorin ang mga bidyong ito:


a. GMA Network. (2017 Oktubre 06). Bubble Gang: Gay lingo interpreter [Bidyo].
https://www.youtube.com/watch?v=Bnkl_kZ_-iU
b. NescafePH. (2018 Hunyo 14). Ang pagbangon ni Erwin Macua | NESCAFE CLASSIC |
Nestlé PH [Bidyo]. https://www.youtube.com/watch?v=P2zEJgA7j7k&t=2s
2. Pag-isipan ang mga panahong gumamit ka ng iba’t ibang varayti ng wika. Paano mo ilalarawan
ang paggamit sa mga ito (dayalek ng isang wika, conyo, jejemon, datkilab, atbp.)? Isama rin
ito sa pagsusuri.
3. Suriin ang mga ito batay sa mga nalaman mula sa mga babasahin:
a. Ano-anong varayti ng wika ang nasaksihan sa mga halimbawa?
b. Ano o ano-ano ang mga gamit (1-3) ng wikang Filipino ang makikita sa mga
halimbawa? Ipaliwanag.
c. Sagutin sa loob ng tatlo hanggang limang (3-5) pangungusap: Ano ang mahihinuha mo
patungkol sa wikang Filipino mula sa iyong pagsusuri?
4. Humanap ng kapareha at talakayin ang iyong mga kasagutan at pagsusuri sa blg. 2.
Pagsamahin ang inyong mga kasagutan sa loob pa rin ng nakatakdang mga bilang ng
pangungusap.
5. Pumili ng magpapasa sa Canvas (o iba pang mapag-uusapang platform) ng iyong mga
kasagutan. Maaaring page (text), doc, o pdf ang ipapasa. Ilagay ang pangalan ng bawat
miyembro sa pinakataas na bahagi [PALAYAW APELYIDO 1, PALAYAW APELYIDO 2, …].
Paalala: Gawin din ito para sa mga susunod na gawain.

Bibigyan ng marka ang gawain ayon sa mga sumusunod na batayan:

30 Kabuuang Nilalaman

Titingnan kung maayos ba ang naging pagsusuri, kung nasagot ba ang lahat ng
katanungan, at kung naibigay ba ang lahat ng kinakailangang impormasyon.

10 Pagkamalikhain

Susuriin kung naisagawa ba ang gawain sa malikhaing pamamaraan.

40 Kabuuang Puntos

Mga opsyon at paalala para sa mga estudyanteng walang koneksyon sa internet at/o gadget:

 Gawin nang indibiduwal ang gawain. Kung walang gadget para makita ang mga bidyo,
gawing batayan ang mga sumusunod. Para sa 1.b: malamang ay may komersyal nang nakita
kung saan ginamit ang isang dayalek o ‘di kaya naman ibang wika sa Pilipinas. Ibatay ang
pagsusuri rito. Gayundin sa 1.a; ibatay na lamang ang pagsusuri sa paggamit ng gay lingo ng
iyong mga kakilala. Maaaring gamitin ang template ng sanaysay (File Name: Wika
1_E_Sanaysay_APELYIDO_02A). Ipasa sa loob ng Course Pack sa dulo ng semestre.

GAWAIN (0.5 oras)

Id(you)lek: Pagsusuri sa mga Varayti ng Wika

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)


Layunin

Ipinakilala sa atin ng mga babasahin ang ilang katangian ng wika at iba’t ibang varayti nito, pati na rin
ilang bahagi ng kasaysayan ng wikang Filipino na mas bibigyang-pansin sa susunod na modyul.
Karamihan sa mga Pilipino ay may alam na higit sa isang wika, at kung minsan, marunong din ng iba’t
ibang varayti ng mga wikang ito. Nilalayon nating siyasatin ang mga varayting ito ng wika tungo sa mas
malalim na pag-unawa sa mga ito.

Pagsasagawa

1. Pumili ng isa o higit pang varayti ng wika na alam mo. Maaaring dayalek o sosyolek (conyo,
jejemon, datkilab) ng wikang Filipino.
2. Sumulat ng isang diary entry gamit ang (mga) varayting ito ng wika.
3. I-post sa Discusssion Forum.
4. Magkomento sa hindi bababa sa dalawang (2) post ng ibang kaklase. Maaaring lumagpas sa
dalawa ngunit opsyonal na ito.
5. Ipasa sa nakatakdang assignment ang mga sumusunod:
a. screenshot ng iyong post;
b. screenshots ng iyong mga reply.

Bibigyan ng marka ang gawain ayon sa mga sumusunod na batayan:

20 Kabuuang Nilalaman

Titingnan kung naisagawa ba nang maayos ang gawain ayon sa panuto (hal. kung
maayos bang nagamit ang iba't ibang varayti ng wika).

10 Kaayusan ng Daloy

Susuriin kung organisado ba ang pagkakalahad ng mga idea.

10 Pagkamalikhain

Susuriin kung naisagawa ba ang gawain sa malikhaing pamamaraan.

40 Kabuuang Puntos

Mga opsyon at paalala para sa mga estudyanteng walang koneksyon sa internet at/o gadget:

 Maaaring gamitin ang template ng sanaysay (File Name: Wika


1_E_Sanaysay_APELYIDO_02B). Dahil sa kawalan ng access, hindi na kinakailangang gawin
ang blg. 4. Ipasa sa loob ng Course Pack sa dulo ng semestre.

LEARNING LOG (0.2 oras)

Sagutan ang Learning Log para sa linggong ito at ipasa sa Canvas (o iba pang alternatibong mapag-
usapan sa klase). Ilagay sa dulo ang apelyido at bilang ng linggo (Wika 1_D_Learning Log_BASCO_0X).

Mga opsyon at paalala para sa mga estudyanteng walang koneksyon sa internet at/o gadget:

 Gawin ang learning log gamit ang dokumentong “Wika 1_D_Learning Log”. Ipasa sa loob ng
Course Pack sa dulo ng semestre.

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)


Matapos alamin ang mga batayang konsepto sa pag-aaral ng wika, sa susunod na linggo naman ay
bibigyang-tuon ang ‘di berbal na komunikasyon at ang kasaysayan ng wikang Filipino.

Mga Materyal at Babasahin

Almario, V. (2014) Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. Komisyon sa Wikang Filipino (pp.
6-24). http://kwf.gov.ph/wp-content/uploads/2015/12/FAQ_2.4.15-1.pdf

Basco, J. M. (2020d). Wika 1_D_Learning Log. Materyal na nilikha para sa kursong Wika 1 (Wika,
Kultura, at Lipunan) Unang Semestre, 2020-2021. UP Manila.

Basco, J. M. (2020e). Wika 1_E_Sanaysay_APELYIDO. Materyal na nilikha para sa kursong Wika 1


(Wika, Kultura, at Lipunan) Unang Semestre, 2020-2021. UP Manila.

GMA Network. (2017 Oktubre 06). Bubble Gang: Gay lingo interpreter [Bidyo].
https://www.youtube.com/watch?v=Bnkl_kZ_-iU

Modyul 1 (w.p.). Mga Batayang Konsepto sa Pag-aaral ng Wikang Filipino.

NescafePH. (2018 Hunyo 14). Ang pagbangon ni Erwin Macua | NESCAFE CLASSIC | Nestlé PH [Bidyo].
https://www.youtube.com/watch?v=P2zEJgA7j7k&t=2s

Ocampo, N. (2012). Varayti ng Wika. Sa Peregrino, J., Constantino, P., Ocampo, N., at Petras, J., (Mga
Editor), Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Filipino (pp. 18-39). Sentro ng Wikang Filipino.

Paz, C. (2005). Ang Filipino Bilang Linggwa Frangka. Wikang Filipino Atin Ito (pp. 17-26). Sentro ng
Wikang Filipino.

Inihanda ni: Jessalyn Martinez Basco (DAC, CAS, UPM)

You might also like