You are on page 1of 8

UGNAYAN NG WIKA, KULTURA AT LIPUNAN

MALA-MASUSING BANGHAY-ARALIN
TUNGKOL SA
WIKA AT URING PANLIPUNAN

INIHANDA NI
BELLEZA, MA. YESHIA L.
2-A3 BSED MEDYOR SA FILIPINO
PANGKALAHATANG LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Naipaliliwanag ang mga uri ng gamit ng wika at naiiugnay ito sa sarili.


 Natutukoy ang pagkakaiba ng mga uri ng gamit ng wika at ang kahalagahan nito.
 Nabibigyang kahulugan ang speech community at socio-linguistic.
PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO

Aralin: Wika at Uring Panlipunan


Kagamitang Panturo: PowerPoint presentation, Telepono at Laptop, Bond paper

Daloy:
A. Panalangin
Awit 68:11
“Purihin ang Panginoon na nagpapasan araw-araw ng aming pasan, sa makatuwid baga’y ang Diyos
na siyang aming kaligtasan”
Sa Ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
Salamat Panginoon sa araw na ito, sa hiram na buhay at patuloy na pagbibigay ng mga
pagpapala. Pinupuri namin ang kadakilaan mo. Sumasampalataya kami sa iyong kabutihan nang
buong puso sa gitna ng lahat. Patawad sa mga kasalanang aming nagagawa. Ngayon ay hinihiling
namin na mag silbi kang gabay at sentro sa aming umaga ngayong klase. Bigyan mo kami ng
katalinuhan, bukas na isip, at puso upang maunawaan ang aming mga tatalakayin ngayong araw. ‘Yun
lamang ang aming samo’t dalangin sa matamis na pangalan mo Jesus, Amen.
B. Pagbati

Magandang Umaga with action

Taga pag-ulat: Mapagpalang araw klase!


Mga estudyante: Mapagpalang araw sainyo Bb. Yeshia, mapagpalang araw sainyo aking mga kaklase,
magandang araw, salamat sa buhay, Diyos ay papurihan!

C. Pagtatala ng liban

Sa pagtatala ng liban, papangkatin ang mga estudyante base sa linya ng upuan na kanilang kinabibilangan.
Magtatalaga ng mga lider na mag bibilang kung sino ang liban sa kanilang hanay. Sila ang tutugon sa taga pag-
ulat kung meron, ilan, o wala bang liban sa kanilang linya.

D. Pagbabalik-aral
Sa pagbabalik-aral ay tatawag ang taga pag – ulat ng mga mag-aaral upang mag bahagi ng kanilang
natutunan sa nagdaang aralin.

E. Pagganyak

PAMAGAT: TUKUYIN MO AKO!


1. Magbibigay ang tagapag-ulat ng mga kahulugang babasahin nya sa buong klase. Magpapakita rin siya
ng mga litrato na magsisilbing clue.
2. Mag-iisip ang mga estudyante kung ano ang tinutukoy ng mga pahayag at ng mga larawan.
3. Mag tatawag ang tagapag-ulat ng ilang estudyanteng sasagot nito.

F. Paghahawan ng Balakid
Ang bawat isa ay hihingan ng ideya tungkol sa mga salita na kanilang sinagot. Matapos makapag lahad
ng kani-kanilang mga ideya, inaasahan na masisimulan na ang pagtalakay sa aralin upang mas mapalawig at
malinawan sa gaganaping talakayan.

G. Pagtalakay:

WIKA AT URING PANLIPUNAN


NILALAMAN
Ang papel na ito ay naglalayong ipaliwanag kung ano ba ang komunikasyon. Layon din nitong linawin
ang gamit ng wika sa lipunan at isa-isahin ang tatlong uri ng komunikasyon. Bibigyang diin din sa papel na ito
ang ugnayan ng wika sa ating lipunan, at pagpapalawig sa kahulugan na binigay ng mga dalubwika patungkol
sa speech community.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


Komunikasyon

 proseso ng pagbigay at pagtanggap ng mensahe


 pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga
simbolo
Interaksyonal

 ito ang nag-uugnay sa tao at sa kanyang kapiligiran o kapwa


 kaugnayan at pakikisalamuha ng tao

Nakikipagtalastasan ang mga tao dahil mayroon silang layunin na gustong matupad, tulad ng pagpapahayag ng
opinyon, pag-uutos, pag-aliw at atbp

TATLONG URI NG KOMUNIKASYON


1. Intrapersonal

 Ito ay komunikasyon pansarili. Kasama dito ang pag-iisip, pag-aalala, pagdama atbp.
 Ang sarili ang nagbibigay ng mensahe at siya rin ang tumatanggap
 Nangyayari ng patuloy habang tayo ay buhay at nag-iisip
2. Interpersonal

 Nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang tao sa maliit na pangkat


 Ito ay isa sa pinakamadalas gamitin na uri ng komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay dahil ito ang
Ginagamit upang magpahayag at makipaghalubilo sa ating kapwa.
3. Pampubliko

 Nag-aabot ng mensahe sa malaking pangkat ng tao


 Kasama na dito and telebisyon, radyo, pahayagan at iba pang midyang pangmasa

Ugnayan Ng Wika at Lipunan


Ang wika, pasalita man o pasulat ang instrumentong ginagamit ng mga tao sa loob ng lipunang ito upang
makapag-ugnayan sa isa’t isa (Sapir, 1949).
Ang lipunan ay malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya, saloobin, at
namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isag yunit (UP Diksyunaryong Filipino).

ANO NGA BA ANG UGNAYN NG WIKA AT LIPUNAN?


Ang wika at lipunan ay magkaugnay dahil ang wika ay isang mahalagang bahagi ng kultura at identidad ng
isang lipunan. Ang wika ay naglalarawan ng karanasan, tradisyon, at pagpapahalaga ng isang grupo ng tao. Sa
pamamagitan ng wika, nagkakaroon ng pagkakaroon ng komunikasyon at pag-unawa sa loob ng lipunan. Ang pagbabago sa
wika ay maaaring magdulot ng pagbabago rin sa lipunan, at ang lipunan naman ang nagiging bahagi ng pagpapaunlad at
pagbabago ng wika.

Speech Community
Ang pangkat ng mga tao sa loob ng lipunan na may tiyak na wikang gamit ayon sa kanilang antas ng pamumuhay,
lahi, kasarian, gulang, hanapbuhay, interes at iba pang panlipunang sukatan. Ang sosyolinggwistika ang larangan ng
pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-ibang lenggwahe sa istruktura ng lipunan (Paz, 2003) (Wood, 2004).
Sa patuloy na pakikipag-usap o interaksyon ng mga grupo o komunidad, nagkakaroon ng mga katangian ang salita
nila na naiiba sa mga myembro ng ibang grupo. Nagbubunsod ito ng mga pagkakaroon ng iba’t-ibang komunidad ng
tagapagsalita o SPEECH COMMUNITY.

Sosyolinggwistika o Socio-linguistic
Ang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-iba ng lenggwahe sa istruktura ng lipunan.

William Labov
Nagkakaroon ng isang Speech Community kung may isang pangkat ng mga taong nagkaunawaan sa layunin at
istilo (salita, tunog, ekpresyon) ng kanilang pakikipagtalastasan sa paraang sila lamang ang nakakaalam at hindi
nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa kanilang pangkat.

Moreno Ocampo
Ang pananalita ay isang panlipunan pagkakakilanlan. Ginagamit ito, sadya man o hindi para tukuyin ang
pagkakabilang sa iba’t-ibang panlipunang pangkat o iba’t-ibang komunidad ng tagapagsalita o Speech
Community(2002).
Constantino
Dahil sa anumang pahayag, pagkilos o salit ang isang indibidwal ay nagiging makabuluhan lamang kung ito ay
nakakonteksto sa loob ng lipunan at ibinabahagi sa iba pang indibidwal o grupo.

Dell Hymes
Unang nagbigay ng depenisyon kung ano ang speech community. Ayon sa kaniya ito raw ay pangkat ng mga
taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi nababatid din nila ang patakaran at
pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing pangwika.

H. TANONG-SAGOT

1. Paano mo masasabing epektibo ang isang komunikasyon?


-Kapag naipahahayag mo ng malinaw ang iyong mensahe at naiintindihan naman ng taga pakinig ang
nais mong iparating. Dagdag pa rito ay kapag nakapag bibigay ng feedback ang taga pakinig. Sa
madaling salita, kapag mayroong pagkakaintindihan sa naganap na talastasan.

2. Bakit mahalagang pag-aralan ang gamit ng wika sa ating lipunan?


-Mahalagang pag-aralan ito sapagkat naglalayon itong makatulong satin upang magkaroon tayo ng
malinaw na pagkaunawa sa depenisyon at kahalagahan nito sa mga mamamayan at sa lipunang kanilang
kinabibilangan.
3. Ano sa tingin mo ang nagiging benepisyo o pakinabang ng pagkakaroon ng speech community?
-Bukod sa mas napapadali nito ang pagkakaintidihan ng mga tao sa isang pangkat, napagbubuklod-
buklod din nito ang mga mamamayan sapagkat ito ay sumasalamin sa kanilang pagkakakilanlan bilang
miyembro ng pangkat na kanilang kinabibilangan.

I. INDIBIDWAL NAGAWAIN

Panuto: Gumawa ng word web na kinapapalooban ng mga natutunan mo sa ating aralin. Ang ilalagay mong
iyong natutunan ay tanging mga salita lamang. Gamit ang mga salita na ilalagay mo ay bumuo ka ng buod ng
lahat ng iyong natutunan.

Hal.

RUBRIK
PAMANTAYAN 10 PUNTOS 8 NA PUNTOS 5 PUNTOS

Nilalaman Komprehensibo, malinaw Di gaanong komprehensibo, Walang maayos na


na naiugnay ang nilalaman at di gaanong naipaliwanang pagpapakita ng mensahe at
ng word web, at mahusay ng malinaw ang natutunan. hindi akma ang mga salita sa
na naipahayag ang nagging aralin.
natutunan.

Pagka- malikhain Napakalinis at Malinis at malikhain ang Hindi gaanong malinis at


napakamalikhain ang pagkakagawa. malikhain ang pagkakagawa.
pagkakagawa.

Kaangkupan May malaking kaugnayan May kaunting kugnayan sa Hindi malinaw ang kaugnayan
sa paksa ang inilagay na paksa ang ginawang simbolo sa paksa.
mga salita at natutunan. at tagline o kasabihan.

Kalinisan at Kaayusan Malinis na malinis ang Malinis ang pakakabuo. Hindi gaanong malinis ang
pagkakabuo pagkakabuo .

J. PAGTATAYA

TEST I.

Panuto: Suriin at intindihing mabuti ang mga pangungusap na nasa ibaba. Lagyan ng salitang “NA-DALI MO!”
Kung tama ang pinahahayag ng pangungusap at kung mali naman salungguhitan ang mali at ito ay iyong i-
tama.

1. Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon.


2. Ang tatlong uri ng komunikasyon ay Interaksyonal, Interpersonal at Pampubliko.
3. Ayon sa (UP Diksyunaryong Filipino), Ang wika, pasalita man o pasulat ang instrumentong ginagamit ng
mga tao sa loob ng lipunang ito upang makapag-ugnayan sa isa’t isa.
4. Speech Community ang larangan ng pag-aaral ng wika na nagsusuri sa pagkakaiba-iba ng lenggwahe sa
istruktura ng lipunan.
5. Si Dell Hymes ang unang nagbigay ng depenisyon kung ano ang speech community. Ayon sa kaniya ito
raw ay pangkat ng mga taong hindi lamang gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan kundi
nababatid din nila ang patakaran at pamantayan kung paano ginagamit at nauunawaan ang mga gawaing
pangwika.

TEST II.
Panuto: Bumuo ng repleksyon hinggil sa natutunan mo sa ating natalakay. Ito ay buo-in ng mayroong 10
pangungusap. (10 PUNTOS)

NILALAMAN AT ORGANISASYON 5

GRAMATIKA 5

KABUUAN 10

A. SUSING SAGOT

TEST I.

1. NA-DALI MO! 4. SPEECH COMMUNITY-


2. INTERAKSYONAL- ITRAPERSONAL SOSYOLINGGWISTIKA O SOCIO-
3. UP-DIKSYUNARYONG PILIPINO- SAPIR LINGUISTIC
1949 5. NA-DALI MO!

B. SANGGUNIAN
Modyul- WIKA AT URING PANLIPUNAN
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-ugnayan-ng-wika-kultura-at-lipunan

TAGAPAG ULAT (PROPAYL)


Pangalan: Ma. Yeshia L. Belleza

Edad: 19

Kaarawan: Pebrero 2, 2004

Tirahan: Lalud, Calapan City, Oriental Mindoro

Email: bellezayeshia@gmail.com

You might also like