You are on page 1of 4

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao_1965@yahoo.com.ph

Course Code : FIL 1


Descriptive Title : PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK
Number of Units : 3 UNITS
Teacher : MR. LOVIE E. SIMANGAN
Contact Number : 09556619997
Course/Year : BEED 1

BATAYANG KAALAMAN SA WIKA AT KOMUNIKASYON

LAYUNIN:
a. Nakapagpapakita ng higit sa lahat ng antas ng kakayahang
komunikatibo sa akademikong Filipino;
b. Nasusuri ang katangiang panlipunan ng wika; at
c. Matutunan ng mga mag-aaral ang pagkakaiba ng akademiko at di-
akademikong wika.

KOMUNIKASYON
1. Itinuturing na sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at
kaalaman ng isang tao sa kapwa.
2. Paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya, karanasan at mga saloobin.
3. Ito’y prosesong daynamiko, tuloy-tuloy at nagbabago;
4. Ito’y mabisang paraan ng pakikipag-ugnayan/pakikipagunawaan.
5. Ito’y pasalita o pasulat na nagpapahayag o pagkabatid ng iniisip o dinarama sa isang
paraang mabisa at kalugod-lugod.

KATANGIAN NG KOMUNIKASYON
1. Isang patuloy at pagbabagong proseso.
2. May mahigpit na ugnayan ang mga elemento.
3. Ang mga pagbabago ng mga elemento ay instrumental sa pagbabago ng kabuuang proseso.
4. Bawat kasapi ay nag-iisip at kumikilos ayon sa isang tiyak na layon.

MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON


1. Magsilbing daan sa pagkakaunawaan.
2. Maipahayag ang tamang impormasyon.
3. Malinang ang pakikipag-ugnayan sa tulong ng pakikipagpalitan ng isipan.
4. Makatugon sa tungkuling panlipunan at mapahalagahan ang mga usaping kaugnay nito.
5. Mapanatili ang mataas na pagkilala sa sarili upang matunugan ang pang araw-araw na
pakikipag ugnayan at pakikisalamuha sa kapwa-tao.
6. Makaimpluwensya ng mga kaisipan (concept) at paniniwala.

MAG URI NG KOMUNIKASYON


1. Komunikasyong Berbal
2. Komunikasyong Di-berbal
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao_1965@yahoo.com.ph

KOMUNIKASYONG PANTAO
1. Interpersonal
2. Pangmadla
3. Intrapersonal

KOMPONENT NG KOMUNIKASYON
1. Konteksto
Limang dimensyon:
a. Kontekstong Pisikal
b. Kontekstong Sosyal
c. Kontekstong Historikal
d. Kontekstong Sikolohikal
e. Kontekstong Kultural
2. Tagapagsalita
3. Mensahe
4. Tagatanggap
5. Tsanel
6. Ingay
7. Pidbak

PARALANGUAGE
 Ang Paralanguage ay kinasasangkutan ng mga kinikilalang di-berbal na tunog.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
a. Pitch
b. Volyum
c. Bilis
d. Kalidad ng Tinig

WIKA
 Paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar para sa isang
particular na layunin para makapagpaliwanag.
 Maituturing na na behikulo ng pagpapahayag ng damdamin ng tao, isang instrument sa
pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan. (Constantino 2007)
 Isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo upang
maging daan sa pagpapabatid (Henry Gleason)

Mga Katotohanan Ukol Sa Wika


1. Ang wika ay intermediary
2. Gamit ang wika sa pagtatal at paglalarawan
3. Kaugnay ng lipunan at kultura
4. Gabay sa Realidad
5. Mula sa kamalayan at damdamin
6. Kasangkapan sa pagkatuto

Kahalagahan Ng Wika
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao_1965@yahoo.com.ph

1. Behikulo ng impormasyon at kaisipan.


2. Instrumento sa pagkamit ng kasanayang pangkomunikatibo.
3. Kasangkapan ng panitikan sa kagamitang makasining.
4. Tagapagbuklod sa mga lahi at lipunan.
5. Daan sa pagkakakilanlan ng kultura ng bansa.
6. Gamit sa pagbibigay kautusan.
7. Kakambal sa pagkatuto.

Katangian Ng Wika
1. Masistemang balangkas
2. Sinasalitang tunog
3. Isinaayos sa paraang arbitraryo
4. Ginagamit sa komunikasyon
5. Pantao lamang
6. Nakaugnay sa kultura
7. Natatangi
8. Nagbabago
9. Malikhain

Gamit Ng Wika
1. Maglebel at magtakda
2. Nagpapahalaga
3. Pagtalakay sa mga karanasang hindi pa napagdadaanan
4. Nagtatakda ng mga sinasaklaw na kahulugan
5. Nagsasaad ng pag-uutos
6. Nagbibigay impormasyon

Kalikasan Ng Wika
1. May mga Elementong Operasyunal
2. May Ispeling
3. Pinagsama-samang Tunog
4. May Etimolohiya
5. May istrukturang Pambalarila

Mga Teorya Hinggil Sa Pinagmulan Ng Wika


1. Tore Ng Babel
2. Teoryang Bow-Wow
3. Teoryang Dingdong
4. Teoryang Pooh-Pooh
5. Teoryang Yo-He-Ho
6. Teoryang Yum-Yum
7. Teoryang Ta-Ta
8. Teoryang La-La
9. Teoryang Tarara-Boom-De-Ay

LINGWISTIKA
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao_1965@yahoo.com.ph

 Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na LINGGWISTIKA.


 Malawak ang sinasakop ng pag-aaral na ito, tulad na rin ng lawak na taglay ng paksang pinag-
aaralan.

Ilan sa mga paksang pahahalagahan natin ay ang nauukol sa morpolohiya,


ponolohiya, sintaksis at semantika.
1. Ponolohiya
2. Morpolohiya
3. Sintaksis
4. Semantika

Mga Pilosopiyang Panglingwistika


1. Ronald Wardhaugh – tinukoy niya na ang wika ay nakasalalay sa kasarian ng gumagamit
nito. (sexism)
2. Bejamin Lee Whorf – ang wika ay nakasalalay sa mga ibinigay na pagpapakahulugan ng
mga tao sa kanyang kapaligiran.
3. Hudson – ang mga karaniwang karanasan ang siyang maging madalas na batayan ng wika.
4. Giambattista Vico – nagkaroon ng mga payak na salita dahil ang mga ito ang siyang
nagsisilbing tugon ng mga tao sa mga pangyayari sakanyang kapaligiran.
5. Noam Chomsky – ang husay at kakayahan ng tao sa proseso ng pakikinig ang siyang batayan
ng wika ng tao.
6. Basil Bernstein – ang uri ng lipunan ang siyang sangkalang pinagmumulan ng wika ng isang
bayan. (codes)

Mga Teoryang Panglingwistika sa Pagkatuto


1. Teoryang Behaviorist ni Skinner – ang paggamit ng mga pagganyak at pamukaw-siglang
ehersisyo ang naging daan upang mapangalagaan ang kaunlarang pangkaisipan.
2. Teoryang Kognitibo – ang pag-iisip at pagpapahalaga sa mga nakalap na impormasyon ay
mahalagang aspeto upang makabuo ng mga panibagong pahayag ukol dito. Itinuturing na
mahalagang salik sa pagkatuto ang paggawa o mga pagkakataong gumagawa ng mali.
3. Teoryang Innate – ayon kay Noam Chomsky, ang bata ay nagtataglay ng likas na
kakayahang matutunan ang wika.

You might also like