You are on page 1of 36

Linggo 1 Araw 1

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.CS_FA11/12PB-0A-c-
101

I. Tiyak na Layunin:
1. Naitatala ang mga gawaing pambahay, pang-eskwelahan at pangkomunidad.
2. Napag-uugnay-ugnay ang mga nabanggit na gawain upang matanto ang
kahulugan ng akademikong gawain.
3. Natutukoy ang mga tekstong pang-akademiko.

II. Paksang Aralin: Akademik


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Rex Bookstore,Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: BALIK-TANAW

Sa iyong pag-aaral ng K12, paano mo napag-iiba ang mga gawain sa


bahay, eskwelahan, at komunidad? Pangkatin ang klase sa tatlo at itala sa
kalahating bahagi ng manila paper ang mga gawaing nakatalaga sa bawat
pangkat.

Pangkat 1 : Gawain sa Bahay


Pangkat 2 : Gawain sa Eskwelahan
Pangkat 3 : Gawain sa Komunidad

Ipaskil sa pisara ang manila paper ng bawat grupo upang makabuo ng


isang graphic organizer.

1
Gawain sa Gawain sa Gawain sa
Bahay Eskwelahan Komunidad

B. Analisis:

1. Ano-anong pangkalahatang katangian na pinagkakaiba ng


mga ito sa isa’t isa?
2. Dapat bang paghiwalayin ang mga ito sa iyong mga
Gawain? Ipaliwanag.
3. Makakatulong ba ang mga gawain mo sa eskwelahan sa
mga ginagawa mo sa bahay at sa komunidad? Ipaliwanag at
patunayan.
4. Anong mga pagpapahalaga ang pinauunlad sa bawat isa?
Magbigay ng halimbawa.
5. Kung bubuo ng isang sulatin gamit ang mga naitalang
konsepto, sa bawat Gawain, maituturing ba itong
akademiko?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Akademikong Pagsulat - ito ay isang pagsulat na


naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral
kaya ito tinawag na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang tesis, term paper, lab report at iba pa.
Akademikong Pagsulat – ito ay may sinusunod na
partikular na kumbensyon. Layunin nito namaipakita ang
resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na ginawa.
Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit
na mataas na antas ng mga kasanayan.Kailangang malinang
at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng
sintesis, at pagtataya.

Ayon kay KARENGOCSIK (2004)1. Ang akademikong


pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar.
Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa
at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad.
Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng
importanteng argumento.

2
C. Abstraksyon:

Paano malalagom ang kahulugan ng akademikong sulatin batay sa


isinagawang talakayan.

lumilinang ng
kaalaman ng mag-
aaral.

sumusunod sa
partikular na
kumbensyon.
Akademikong
Sulatin
mataaas na antas ng
kasanayan.

nakalaan sa mga
paksang
kinagigiliwan ng
komunidad.

D. Aplikasyon:

Humanap ng kapareha at basahin ang mga halimbawang tekstong


ipakikita ng guro gamit ang powerpoint. Suriin at tukuyin kung ang teksto ay
akademikong sulatin. Bigyan ng patunay.

Batay sa kasalukuyang kaalaman,may dalawang paraan ng pag-clone ng mga


mammal. Ang unang pamamaraan ay maituturing na artipisyal na pagkakambal.
Sa sistemang ito, ang mga cell na bumubuo ng isang murang embrion ay
pinaghihiwalay upang maging dalawa o higit pang indibidwal. Sa ganitong uri ng
proseso, kinakailangan munang maganap ang fertilisasyon, nagsasagawa ng
teknolohikal na interbensiyon ang mga siyentista upang gawing kambal (o higit
pa) ang nabuong embrion. Ang proseso ay walang ipinagkaiba sa pagkakabuo
ng kambal na natural na nangyari sa kaso ng identical twins. Kaya lamang
gumagamit ang tao ng ganitong uri ng cloning ng interbensiyong teknolohikal ay
upang mapuwersa ang pagkakambal.

Mula sa: “Cloning Paglikha ng Kopya, Pagkopya ng Nilikha” ni


Leonardo O. De Castro, (1998)
Patunay:
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__________________

3
Pahalikan ito sa barnis bago ipiit
sa apat na sulok ng sinalaminang kahoy
saka ikabit sa dingding
upang tingalain
habang marahang dinadapuan
ng sampal ng alikabok,
paminsan-minsanng alalahaning
alayan ito ng dampi ng mamasa-masang basahan

Mula sa “Leksyon sa Pagpipinta” ni Piya C. Constantino


(2003-2004)
Patunay:
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__________________

E. Ebalwasyon:

Panuto: Suriin kung ang mga sumusunod ay umaayon sa


kahulugan at konsepto ng akademikong pagsulat. Isulat sa notbuk
ang U kung umaayon at DU kung di umaayon.
1. Ang akademikong pagsulat ay isang komprehensib na
kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan at
retorika
2. Ang akademikong pagsulat ay isang masinop at
sistematikong pagsulat ukol sa karanasang panlipunan.
3. Ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng higit na
mataas na antas ng mga kasanayan.
4. Kailangang malinang at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip,
pagsusuri, paggawa ng sintesis, at pagtataya sa
akademikong pagsulat.
5. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng
importanteng argumento.

4
Susi sa Pagwawasto:
1. U
2. U
3. U
4. U
5. DU

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Magsaliksik at itala sa inyong jornal ang mga halimbawa ng pamagat ng


mga sulatin. Suriin ang mga pamagat kung ito ay kabilang sa akademikong
sulatin.

5
Linggo 1 Araw 2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.CS_FA11/12PB-0A-c-
101

I. Tiyak na Layunin:
1. Nauunawaan ang konseptong nakapaloob sa akademikong pagsulat
2. Nasusuri ang bawat sitwasyon at nakapagbabahagi ng kahalagahan ng
paglinang ng kakayahan sa akademikong sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), Rex Bookstore,Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKO
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro,
2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pagsagot sa Tseklist. Pandalawahang Gawain

Kopyahin sa kalahating bahagi ng papel ang tseklist na ipapakita ng


guro sa powerpoint presentation.
Mga aytem Madalas Paminsan- Hindi
minsan
1. Nauunawaan ko ang halaga ng paglinang ng
kasanayan sa akademikong pagsulat.
2.Naiintidihan ko ang mga layunin at konseptong
nakapaloob sa akademikong pagsulat.
3. Natutukoy ko ang kaibahan ng akademikong
pagsulat sa iba pang larangan.
4. Naipaliliwanag ko ang kahulugan ng
akademikong pagsulat

6
Aktibiti 2: Sagot ko Problema mo.

Suriin ang bawat sitwasyon at magbahagi ng mungkahing solusyon.


1. Nais kong maging miyembro ng Sorosoro Ibaba Development
Cooperative (SIDC) sapagkat nalaman kong makatutulong ito sa aking
paghahayupan at pagsasaka. Subalit, hinihingan ako ng nasabing
kooperatiba ng isang ulat sulatin na naglalarawan ng aking
pamamaraang ginagamit sa paghahayupan at pagsasakahan. Inaamin
ko na hindi ako mahusay sa pagsulat at hindi ko alam kung paano ito
sisimulan at pagsusunud-sunudin ang aking ideya. Ano po ang aking
gagawin?

2. Kasalukuyan po akong nagtatrabaho bilang administrative aid ng aking


paaralan. Bahagi po ng aking Gawain ay magsumite ng buwanang ulat
na naglalaman ng mga natapos na Gawain. Ang problema kop o ay
wala akong sapat na kumpiyansa sa sarili na gawin ito. Sa tingin kop o
ay wala akong mataas na antas ng kasanayan sa pagsulat. Ano po ang
maipapayo ninyo sa akin?

B. Analisis:

Batay sa binasang talata,


1. Tukuyin ang mga suliranin ng bawat sitwasyon. Ano ang mga
kahinaang ipinakita ng bawat talata?
2. Sa paanong paraan mo matutugunan ang kanilang suliranin?
3. Paano mo ipapaliwanag ang halaga ng pagkakaroon ng kasanayan sa
akademikong pagsulat?

C. Abstraksyon:

Itala ang mga kahalagahang matatamo sa pagkakaroon ng


kasanayan sa akademikong pagsulat.

Akademikong
Pagsulat

nagkakaroon lumalawak
lumilinang ng natatamo ang
ng tiwla sa ang
kaalaman mga adhikain
sarili kasanayan

D. Aplikasyon: Clash of Clans

Pangkatin ang klase sa dalawa. Bawat isang grupo ay hayaang


magbigay ng kahalagahan ng paglinang ng kakayahan sa akademikong

7
pagsulat. Ang grupong hindi agad makakapagbigay sa loob ng 5 segundo
ay kukuhanan ng kabilang grupo ng sinumang kamiyembro upang maging
miyembro ng kanilang grupo.

E. Ebalwasyon:

Ang buong klase ay makikiisa sa pagpuno o pagkumpleto ng


semantic web sa ibaba: Isusulat ng guro ang graphic organizer sa pisara.

Sulating Kahalagahan
Kahulugan
Pang-
akademiko

Kakayahang
Nalilinang

IV. Kasunduan:

Gumawa ng learning log sa inyong notbuk. Gumawa ng apat kolum. Isulat


ang paksang pinagtalakayan sa unang kolum, kasanayang natutunan sa
ikalawang kolum, natuklasang kahinaan ukol sa paksa sa ikatlong kolum at
planong aksyon sa ikaapat na kolum.

Paksang Kasanayang Natuklasang Planong


pinagtalakayan natutunan kahinaan Aksyon

8
Linggo 1 Araw 3

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANGAN - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.CS_FA11/12PB-0A-c-
101

I. Tiyak na Layunin:
1. Natutukoy ng mag-aaral ang kalikasan ng akademikong sulatin
2. Nailalahad ang pagkakaiba ng kalikasan ng akademikong sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Rex Bookstore,Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pagsusuri ng Pamagat ng Sulatin

Indibidwal na Gawain: Bawat isang mag-aaral ay bibigyan ng halimbawa


ng pamagat ng sulatin at ikakategorya ito ng mag-aaral kung ang sulatin ay
halimbawa ng akademikong pagsulat o hindi. Ididikit nila ang sulatin sa pisara
sa tapat ng may metastrip na AKADEMIKO o HINDI AKADEMIKO

1. Mag-enjoy sa swimming pool.


2. Pagbabago sa Antas ng Pamumuhay ng 4P’s resipient.
3. Mabuhay ng Masaya
4. Kahulugan ng diskurso
5. Obserbasyon at Reaksyon sa pagpapatupad ng “Curfew”

9
B. Analisis:

1. Ilahad ang naging batayan mo sa pagkakategorya ng


sulatin.
2. Bigyan ng patunay ang pagkakategorya upang
mapagpasyahan na ang sulatin ay pang-akademiko.
3. Bakit ang akademikong sulatin ay nangangailangan ng
pormalidad?
4. Saang aspeto nagkakaiba ang akademiko sa pang-
akademikong sulatin?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Akademiko vs. Di-akademiko


Ang salitang akademiko o academic ay mula sa mga wika
ng Europeo (Pranses: academique, Medie al Latin:
academicus) noong gitnang bahagi ng ika-16 siglo. Tumutukoy
ito o may kaugnayan sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon, o
larangan ng pagaaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa, pagsulat,
at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na gawain.
(www.oxforddictionaries.com)

Hindi na bago sa mga akademikong institusyon ang


salitang akademik o akademiko, bagamat halos nakatuon ito
sa mataas na edukasyon sa kolehiyo. Isa itong pangalan na
tumutukoy sa tao (halimbawa, “Nagmiting ang mga akademik.”).
Kung minsan ginagamit na rin ang salitang akademisyan bilang
katumbas nito. Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain,
(akademikong aktibidad) at bagay (akademikong usapan at
institusyon). Halos katumbas din ng akademikong institusyon
ang akademiya.

Sa akademya nalilinang ang mga kasanayan at natutuhang


mga kaalamang kaugnay ng larangang pinagkakadalubhasaan.
Kasanayan sa pagbabasa, at pagsulat ang napapaunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis,
panunuring kritikal, pananaliksik, eksperimentasyon ang mga
isinasagawa dito.
Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga, katotohanan,
ebidensya, at balanseng pagsusuri. Sa kabilang dako, ang di-
akademikong gawain ay ginagabayan ng karanasan,
kasanayan at common sense.

10
C. Abstraksyon:

Paano mapapakita ang pagkakaiba ng akademiko sa di-


akademikong sulatin.Narito ang pagkakaiba ng akademiko at di-
akademiko.
Akademiko Di-akademiko
Layunin Magbigay ng ideya at Magbigay ng sariling opinion.
impormasyon.
Paraan o Obserbasyon, pananaliksik, Sariling karanasan, pamilya
batayan ng at pagbasa at komunidad
Datos
Audience Iskolar, mag-aaral, guro Iba’t-ibang publiko
(akademikong komunidad)
Organisasyon Planado ang ideya, may Hindi malinaw ang
ng ideya pagkakasunod-sunod, may estraktura, hindi kailangang
pagkakaugnay ang mga ideya magkakaugnay ang mga
ideya

Pananaw Obhetibo, hindi direktang Subhetibo, sariling opinion,


tumutukoy sa tao, damdamin pamilya, komunidad ang
kundi sa mga bagay, ideya, pagtukoy, Tao at damdamin
facts. Nasa pangatlong ang tinutukoy. Nasa una at
panauhan ang pagkakasulat. pangalawang panauhan ang
Hindi direktang tumutukoy sa pagkakasulat.
tao at damdamin, at hindi
gumagamit ng pangalawang
pangunahin.

F. Aplikasyon: “Copy Paste”

Pangkatin ang klase sa 5 at hayaang bumuo ang bawat grupo ng


talata ukol sa pamagat. Isusulat ang talata sa manila paper at babasahin
at susuriin ang mga ginawang akademiko at di-akademikong sulatin.

Pangkat 1: Mag-enjoy sa swimming pool.


Pangkat 2: Pagbabago sa Antas ng Pamumuhay ng 4P’s resipient.
Pangkat 3: Mabuhay ng Masaya
Pangkat 4: Kahulugan ng diskurso
Pangkat 5: Obserbasyon at Reaksyon sa pagpapatupad ng ng “Curfew”.

11
Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Kategorya Napakahusay Mahusay Katamtamang Kailangan pang
10-9 6-7 Husay Husayin
6-5 4-1
Kaangkupan sa Ang mga Angkop ang May mga Lahat ng inilahad
Task/Layunin datos/gawain ay datos/gawaing datos/gawain ay higit na
inilahad ay inilahad na hindi nangangailangan
nagpapakita ng gaanong ng kaangkupan sa
kaangkupan nagpapakita gawain.
ng
kaangkupan
Kalinawan ng Napakahusay ng Mahusay ang Maliwanag Hindi malinaw ang
Presentasyon ginawang ginawang ang ginawang ginawang
pagpapaliwanag/ pagpapaliwana pagpapaliwan pagpapakita ng
pagkakabuo ng g/ pagkakabuo ag/ mensaheng nais
mensaheng ng mensaheng pagkakabuo ipabatid
ipinababatid. ipinababatid ng
mensaheng
ipinababatid
Kooperasyon Ang lahat ng May Dalawa sa Halos lahat ang
miyembro ng pagkakaisa at miyembro ng miyembro ng
pangkat ay pagtutulungan pangkat ay pangkat ay walang
nagkakaisa at ang bawat hindi maayos disiplina. Hindi
respeto sa isa’t- miyembro. na nakikilahok maayos ang
isa. napakaayos Maayos ang sa gawain. presentasyon.
ng kanilang ipinakitang Maayos ang Nangangailangan
ipinakitang presentasyon ipinakita ng disiplina at
presentasyon ng bawat isa. nilang respeto sa bawat
dahil lahat ng presentasyon isa. kailangan lahat
miyembro ay at may ng miyembro ay
kumikilos sa respeto sa nikikipagtulungan
gawaing bawat isa. sa gawain.
nakaatang sa
bawat isa.
Pagkamalikhain Napakamalikhain Malikhain at Maayos na Walang buhay ang
/ Kasiningan at napakahusay mahusay na napalutang ipinakitang
ng pagpapalutang ang ideya na pagpapalutang ng
pagpapalutang sa nais n nais ipabatid. mensahe at ideya
sa nais ipabatid ipabatid na
na mensahe/impor
mensahe/imporm masyon
asyon

D. Ebalwasyon :

Tukuyin ang mga sumusunod na tema kung akademikong sulatin o


di akademikong sulatin. Isulat sa notbuk ang AS kung akademiko at DS
kung hindi.
1. Panukala sa pagnenegosyo
2. Paglalahad ng lakbay -aral
3. Pagsasalaysay ng unang kabiguan
4. Pagsulat ng replektibong sanaysay
5. Pagtatala ng katitikan ng pulong

12
Susi ng Pagwawasto
1. AS
2. AS
3. DS
4. AS
5. DS

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Itala sa jornal ang mga posibleng akademikong sulatin na naaayon sa


mga track ng STEM, ABM, at GAS. Humanda sa talakayan sa susunod na
pagkikita.

13
Linggo 1 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.CS_FA11/12PB-0A-c-
101

I. Mga Tiyak na Layunin:


1. Naiikategorya ang mga gawaing pampaaralan bilang akademiko at di-
akademiko.
2. Nakapagbabahagi ng mga patunay na makapaghihiwalay sa pagkakaiba
ng akademiko at di-akademikong gawaing pampaaralan.
.
II. Paksang Aralin: Akademik
Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
http://www.slideshare.net/allancapulong1/pagsulat-akademik-shs-ppt
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III.Hakbang sa Pagkatuto
A. Aktibiti 1: Kasahog….Kalahok

Kolabarasyong Gawain: Magbabahagi ang bawat mag-aaral ng mga


gawaing pampaaralan na kanilang nilalahukan. Maari itong pang-klasrum o
ekstra kurikular na aktibiti. Ikakategorya ng mga mag-aaral ang naitalang
gawaing akademiko at gawaing di-akademiko sa paaralan.

Gawaing Akademiko Gawaing di-akademiko

14
B. Analisis:

1. Paano mapapatunayan ang kabisaan ng isinagawang pagkakategorya?


2. Ilahad ang mga konseptong napatunayan mula sa pagkakategorya.
3. Ano ang mga kasanayang nalilinang sa mga gawaing akademiko at di-
akademiko sa paaralan?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Ang mga gawaing akademiko sa paaralan ay lumilinang ng malalim na


kaalaman. Nakatuon ito sa mga teorya, pilosopiya at konseptong magiging
batayan ng tao sa kanyang paglikha, paglinang at pagpapasya.
Samantala, ang gawaing di-akademiko sa paaralan ay nadedebelop ng
kasanayan ng mag-aaral na magiging sandata sa kanyang pangkabuhayang
gawain.

C.Abstraksyon:

Batay sa isinagawang pagtalakay, paano malilinang ang


kasanayan ng mag-aaral sa akademikong pagsulat gamit ang mga pang-
akademikong gawain sa paaralan.

1. Makilahok sa mga paligsahan gaya ng pagsulat ng sanaysay, paggawa


ng dyaryo at iba pang pang-akademikong patimpalak.
2. Magkaroon ng kawilihan sa mga gawaing pananaliksik na
makapaglilinang ng kasanayan sa pag-oobserba at pag-aanalisa ng
datos.
3. Patuloy na maGsanay sa pagsulat ng mga liham korespondensya,
katitikan ng pulong at memorandum.

D. Aplikasyon: Roleta

Ibahagi ang sagot ang gamit ang inihandang ilustrasyon ng guro na


nakapaskil sa pisara. Maglista ng tig-limang

AKADEMIKO DI-AKADEMIKO
. A

15
E. Ebalwasyon:

Tukuyin ang bawat isang gawaing pampaaralan kung


akademiko o di-akademiko. Isulat sa notbuk ang A sa
akademiko at DA kung di-akademiko.
1. Pagsulat ng balitang pangkalakalan
2. Pagtatanghal ng isang dula.
3. Pag-awit ng kundiman
4. Pagtatala ng kapulungan ng Grupong kabataang
Pantanghalan.
5. Pagbuo ng sanaysay ng mga lugar na pupuntahan

Susi ng Pagwawasto
1. A
2. DA
3. DA
4. A
5. A

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:

Gamit ang diksyunaryo o elektronikong sanggunian, hanapin


at itala sa notbuk ang makakalap na kahulugan ng mga
sumusunod na akademikong sulatin.
1. Abstrak
2. Sintesis
3. Talumpati
4. Posisyong papel
5. Lakbay-salaysay
6. Bionote
7. Panukalang Proyekto
8. Katitikan ng Pulong
9. Replektibong Sanaysay
10. Pictorial Essay
Magdala ng 1/8 na illustration board.

16
Linggo 2 Araw 1 - 2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang
anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat.
CS_FA11/12PB-0A-c-101 -

I. Mga Tiyak na Layunin:


1. Naiisa-isa ang mga halimbawa ng akademikong sulatin.
2. Natutukoy ang katangian at kahulugan ng mga akademikong sulatin.
3. Naiuugnay ang mga akademikong sulatin sa mas madaling maunawaang
salita.

II. Paksang Aralin: Akademik


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1:Hula..hula kapag may Time!

Indibidwal na gawain: Lahat ng mag-aaral ay bigyang instruksyong


hawakan ang illustration board at chalk na ibibigay ng guro. Tutukuyin ng
mag-aaral ang terminong ipinapahayag ng pangungusap na babasahin ng
guro. Isusulat ng mag-aaral ang sagot sa hawak na board. Ang magkakamali
ay hindi na makakatuloy sa susunod na aytem. Ang matitira ang siyang
tatanghaling panalo.
Isusulat ng guro sa pisara ang mga sumusunod na halimbawa ng
akademikong sulatin.

17
1. Abstrak 6. Bionote
2. Sintesis 7. Panukalang proyekto
3. Talumpati 8. Katitikan ng pulong
4. Posisyong Papel 9. Replektibong sanaysay
5. Lakbay Sanaysay 10. Pictoral essay

B. Analisis:

1. Pamilyar ba kayo sa mga halimbawa ng akademikong


pagsulat? Bakit oo/hindi?
2. Saang larangan kalimitang ginagamit ang mga nabaggit na
akademikong sulatin?
3. Bakit kailangang paghusayin ng mag-aaral ang kanilang
kasanayan sa akademikong pagsulat? Ano ang kaugnayan
nito sa piniling track?
4. Kung susulat ka ng isang akda na nakapokus sa iyong
komunidad, ano ang iyong magiging paksa at sa mga naisa-
isang halimbawa ng sulatin, alin ang gagamitin mo?

Pagbabahagi ng karagdagang input.

Akademikong Sulatin Katangian


Abstrak Makatotohanan at organisado ayon sa
pagkakasunod-sunod. Nakabatay sa mga
pananaliksik.
Sintesis Maliwanag at organisado ayon sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari sa kuwento. Nagtataglay ito
ng kabuuan ng akda sa mas maikling teksto
Talumpati Obhetibo at maayos ang daloy ng ideya. May
layunin itong maibahagi ang sariling pasya gamit
ang mga ebidensya.
Posisyong Papel Nararapat maging pormal at organisado
pagkakasunod-sunod ng ideya. Naglalayang
maibahagi ang sariling pasya gamit ang mga
ebidensya
Lakbay Sanaysay Personal at kalimitang nakapang-akit ng
mambabasa. Nakabatay ito sa mga lugar na
nabisita na magiging makabuluhan.
Bionote Makatotohanan ang impormasyon
Panukalang Proyekto Simple klaro ang datos at nakakapanghikayat.
Katitikan ng Pulong Organisado ayon sa pagkakasunud-sunod ng
mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Replektibong Sanaysay Ito ay kalimitang personal at nasa anyong tuluyan.
Pictorial Essay Ito ay kadalasang personal, simple at epeketibo.

18
C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, paano mo iuugnay ang mga


akademikong sulatin sa mas madaling maunawaang salita?

abstrak pananaliksik bionote talambuhay

panukalang
sintesis buod proyekto
manghikayat

katitikan ng
talumpati opinyon pulong
pagpupulong

posisyong replektibong
ebidensya sanaysay
pananaliksik
papel

lakbay pictorial
lugar larawan
sanaysay essay

D. Aplikasyon: Kolum-Tsart

Papangkatin ang klase sa limang grupo at aatasang gumawa ng


graphic organiser ng kahulugan at katangian ng akademikong sulating
ilalaan sa bawat pangkat. Isulat sa manila paper at iulat sa klase.

Pangkat Akademikong sulatin

1 Abstrak at Bionote
2 Sintesis at Panukalang Proyekto
3 Talumpati at Katitikan ng Pulong
4 Posisyong Papel at Replektibong Sanaysay
5 Lakbay Sanaysay at Pictorial Essay

E. Ebalwasyon:

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang sagot sa notbuk.


1. Pagbabalik-tanaw sa mga konseptong natutunan mula sa isang
pagtatalakayan.
A. Bionote
B. Replektibong Sanaysay
C. Pictorial Essay

19
2. Pagtatala ng mga agenda, reaksyon, suhestiyon ng
mga taong kabilang sa isang miting.
A. Pictorial Essay
B. Panukalang Proyekto
C.Katitikan ng Pulong

3. Paglalahad ng detalyadong deskripsyon at proseso ng


paglulunsad ng isang bagong proyekto.
A. Panukalang Proyekto
B. Bionote
C. Replektibong Sanaysay

4. Isang maiksing tala ng personal na impormasyon ukol


sa isang awtor.
A. Pictorial Essay
B. Bionote
C. Katitikan ng Pulong

5. Nakatutok ang pagsulat na ito sa isang tema na


madalas personal at maaaring maging isang
epektibong paraan upang lumikha ng isang personal
na mensahe upang ibahagi sa pamilya, mga kaibigan
o kahit na para sa publikasyon.
A. Bionote
B. Replektibong Sanaysay
C. Pictorial Essay

Susi ng Pagwawasto
1. B
2. C
3. A
4. B
5. C

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:
Magsaliksik ng iba’t ibang mga kahulugan ng pagsulat na
matutunghayan sa internet. Ipasulat/Ipatala ang website, tao o
artikulong pinagkunan. Siguraduhing mailista nila ang
mgasanggunian na kanilang pinagkunan ng mga kahulugan ng
pagsulat.Maaring puntahan ang link na ito:
http://www.academia.edu/5641061/PAGSULAT

20
Linggo 2 Araw 3

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK
Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian, at anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90

I. Tiyak na Layunin:
1. Nauunawaan at naipapaliwanag ang layunin, gamit, katangian at anyo ng
iba’t ibang akademikong sulatin.
2. Naipapakita ang layunin, gamit, katangian at anyo ng iba’t ibang
akademikong sulatin sa pamamagitan ng isang pag-uulat.
3. Natutukoy ang anyo ng akademikong sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore,Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Hambingan!

Pandalawahang Gawain: Humanap ng kapareha at paghambingin ang


larawan gamit ang Venn Diagram. Isulat ang sagot sa isang bond paper.
Ibahagi sa klase ang sagot.

21
B. Analisis:

1. Bakit makabuluhan sa tao ang dalawang larawan?


2. Saang aspeto nagkakaiba at nagkakatulad ang dalawang
larawan?
3. Ano ang layunin at gamit ng mga ito sa buhay ng tao, sa
iyong propesyon, at sa iba pang larangan?
4. Kapag nagsasagawa ka ng pagsulat, ano ang layunin mo
at sa anong larangan mo ito ginagamit?

Pagbabahagi ng Karagdagang Input

Akademikong Sulatin

Layunin at Gamit

Abstrak Sintesis Talumpati Posisyong Papel Lakbay Sanaysay

Sulating
Ginagamit sa Naglalayong Sanysay na hindi
Ginagamit sa manghikayat,
pagbubuod ng mga maipaglaban kung lamang sa
pagbubuod ng tumugon,
akademikong papel ano ang alam mong paglalakbay kundi
tekstong naratibo mangatwiran at
tulad ng tesis,papel tama. aNgtatakwil maaari ring tungkol
tulad ng maikling magbigay ng
siyentiko at teknikal, ng kamalian na hindi sa natuklasan o
kwento. kabatiran o
lektyur at report. tanggap ng nalaman ng
kaalaman.
karamihan. manunulat ukol sa
lugar na
napuntahan.

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, sagutin ang mga


sumusunod na katanungan: Ilahad ang bawat isang layunin
at gamit ng mga halimbawa ng akademikong sulatin. Saang
mga larangan ginagamit ang bawat isang halimbawa ng
akademikong sulatin?

D. Aplikasyon: Pag-unawa sa Talakayan

Pangkatin ang klase sa limang grupo at hayaang


magbahagi ang bawat isa ng layunin, gamit, at katangian at
kaibahan ng mga halimbawa ng akademikong pagsulat na
nakatalaga sa bawat grupo.

22
Unang pangkat: Abstrak at Bionote
Ikalawang pangkat:Panukalang Proyekto at sintesis
Ikatlong pangkat: Talumpati at Katitikan ng Pulong
Ikaapat na pangkat: Posisyong Papel, Replektibong Sanaysay
Ikalimang pangkat: Pictorial Essay at Lakbay-sanaysay

Inaasahang gagamit ng powerpoint presentation ang bawat isang grupo


at humanda sa pagpapaliwanag sa sunod na araw. Ang pag-uulat na
isasagawa ay tatayahin gamit ang sumusunod na batayan.

PANUKATAN PUNTOS
I. Kaangkupan sa paksa 5 pts.
II. Kaisahan ng mga datos 5 pts.
III.Pagbibigay-diin sa paksa 5 pts.
IV. Pagkakaugnay-ugnay 5pts.
Kabuuan 20 pts.

E. Ebalwasyon:

Tukuyin ang anyo ng akademikong sulatin ng mga sumusunod na


halimbawa. Isulat ang sagot sa notbuk.
1. Antas ng kamalayan ng mag-aaral sa Social Media
2. Posisyon ng mga Anti Marcos sa pagkalibing kay Marcos sa libingan ng
bayani
3. Pagbisita sa Makasaysayang Lugar sa Batangas
4. Pagpupulong ng mga Kawani ng Kooperatiba
5. Natutunan ko sa pilosopiyang realism

Susi ng Pagwawasto
1. Abstrak
2. Posisyong Papel
3. Lakbay Sanaysay
4. Katitikan ng Pulong
5. Replektibong Sanaysay

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan
Ipasa sa lahat ng miyembro ang kopya ng powerpoint presentation
gamit ang messenger. Hayaang magbigay ng komento ang bawat
miyembro.

23
Linggo 2 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang
larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang
uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin, gamit,
katangian, at anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90

I. Tiyak na Layunin:
1. Naagbabahagi ang inihandang powerpoint ukol sa layunin, gamit at
kaibahan ng mga akademikong sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,
powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016
Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Paguulat

Pangkatang Gawain: Pag-uulat ng bawat grupo ng layunin, gamit,


katangian, at anyo ng iba’t ibang akademikong pagsulat gamit ang
powerpoint presentation.

Pangkat Paksa
Una Abstrak at Bionote
Ikalawa Panukalang Proyekto at Sintesis
Ika-tatlo Talumpati at Katitikan ng Pulong
Ika-apat Posisyong Papel at Replektibong Sanaysay
Ika-lima Pictorial Essay at Lakbay Sanaysay

24
B. Analisis:

1. Paano hahatihatiin ang mga gawain? Ano ang unang hakbang na


gagawin?
2. Paano magiging makabuluhan at maganda ang video na isasagawa?
3. Saan makakakuha ng sapat na impormasyon bilang karagdagang input sa
gagawing video presentation?

C. Abstraksyon:

Paglalagom ng mga nabuong plano ng bawat pangkat at


pagkakaroon ng kasunduan na di maaaring /ulitin ang signipikanteng lugar o
pamayanan na nakuhanan na ng ibang grupo.

D. Aplikasyon: Kolaborasyong Gawain

Pagsasagawa ng pinal na plano para sa isasagawang video


presentation

E. Ebalwasyon :

Bawat grupo ay tatayahin batay sa resulta ng kanilang isinagawang


pagpaplano. Maaring gamitin ang rubrik sa ibaba.

PANUKATAN PUNTOS
I. Kooperasyon ng bawat miyembro 5 pts.
II. Kalinawan ng nabuong plano 5 pts.
III.Pagbibigay-diin sa konsepto 5 pts.
IV. Oraganisasyon 5pts.
Kabuuan 20 pts.

IV. Kasunduan:
Ipasa ang video sa bawat miyembro ng grupo sa pamamagitan ng
gmail/yahoomail o facebook upang mabigyan ng puna at makapaghanda para
sa presentasyon.

25
Linggo 3 Araw 1

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang
larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang
uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa layunin,
gamit, katangian, at anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90

I. Tiyak na Layunin:
1. Naipapakita ng video na tumatampok sa mga signipikanteng
lugar sa sariling baranggay o komunidad
2. Natutukoy ang organisasyon ng tekstong ginagamit sa
akademikong sulatin.
3. Naiibahagi ang kaibahan ng akademikong sulatin sa malikhaing
sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang
biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016
Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Panoorin natin

Pangkatang Gawain: Ibahagi at panoorin sa klase ang mga


video na nakalap mula sa pagbisita sa mga signipikanteng lugar o
personalidad.

B. Analisis:

1. Sa mga ipinalabas na video, ano ang layunin ng bawat


grupo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Anong organisasyon ng teksto ang ginamit ng grupo? Sila ba

26
ay naglarawan, nagsalaysay, naglahad o nangatwiran?
3. Ipaliwanag ang layuning ipinababatid ng bawat isang
organisasyon ng teksto.

Pagbabahagi ng karagdagang Input.

ang teksto ay nagbibigay-


linaw/nagpapaliwanag
hinggil sa proseso, isyu,
Paglalahad (ekpositori) konsepto, o anumang
paksa na
nararapat na alisan ng
pag- aalinlangan.

kung ang teksto ay


bumubuo ng isang imahe
Paglalarawan
sa pamamagitan ng
(deskriptiv)
paglalantad ng mga
katangian nito.

Paraan ng Pagpapahayag

kung ang teksto ay


nagkukwento ng mga
Pagsasalaysay (narativ)
magkakaugnay na
pangyayari.

kung ang teksto ay may


layuning manghikayat at
Pangangatwiran magpapaniwala sa
(argumentativ) pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason
at ebidensya.

C. Abstraksyon:

Ang akademikong pagsulat ay lumilinang ng kasanayan ng larangang


pinagkakadalubhasaan. Ang analisis, panunuring kritikal, pananaliksik at
eksperimentasyon ay mga kasanayang ang karaniwang batayan ng datos ay
sariling karanasan, pamilya at komunidad.
Batay sa isinagawang talakayan, isa-isahin ang mga sumusunod na
oraganisasyon at susing salita ng tekstong ginagamit sa akademikong
sulatin.
1. Paglalahad – nagpapaliwanag
2. Paglalarawan – bumubuo ng imahe
3. Pagsasalaysay – nagkukwento
4. Pangangatwiran – naninindigan

27
D. Aplikasyon:Akademiko vs Malikhain

Itanong sa mga mag-aaral: “Sa inyong palagay, may


malaking pagkakaiba ba ang paraan ng pagpapahayag sa
akademikong pagsulat sa malikhaing pagsulat (halimbawa,
maikling kwento, tula, nobela, na inyong binasa noong grade
10)? Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng
kanilang mga sagot.

Learning Log: Ang bawat isang mag-aaral ay maggagawa


ng learning log kung saan itatala ang mga nilalaman at
kasanayang pampagkatuto. Sa katapat nito ay isusulat ang
kanilang kalakasan, kahinaan at planong gawain sa pagtugon
sa kahinaan.

E. Ebalwasyon:

Tukuyin at isulat sa notbuk ang mga sumusunod bilang


akademiko o malikhain.
1. Nobela
2. Tesis at disertasyon
3. Siyentipikong ulat
4. Tula
5. Aksyon Riserts

Susi ng Pagwawasto
1. Malikhain
2. Akademiko
3. Akademiko
4. Malikhain
5. akademiko

Index of Mastery
SEKSYON Blg. Ng Mag-aaral INDEX

IV. Kasunduan:
Magsaliksik ng isang halimbawa ng mga teksto, at uriin
ang mga ito kung naglalahad, naglalarawan, nagsasalaysay, o
nangangatwiran, at humandang patunayan. Ipaprint ang kopya
at idikit ito sa inyong notebook. Ipasa ito sa guro kinabukasan.

28
Linggo 3 Araw 2

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng
sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan, kalikasan, katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-0a-c-39

I. Tiyak na Layunin:
1. Nauunawaan ang mga hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin.
2. Nakapagtatala ng maraming terminong may kaugnayan sa pinakasentro o
pokus ng sulatin

II. Paksang Aralin: Akademik


Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,
powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik),
Rex Bookstore,Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Mind Mapping

Kolaborasyong Gawain: Ang bawat isang mag-aaral ay inaasahang


makapagbigay ng salita na makatutulong upang mabuo ang mind-mapping.
Maaari pang madagdagan ang mga linya.

29
B. Analisis:

1. Ilarawan ang damdamin habang isinasagawa ang


aktibiti na ito. Naging mahirap ba o naging napakadali
sa iyo?
2. Paano makakatulong ang gawaing ito sa pagsisimula
ng sulatin?
3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng malawak na
bokabularyo sa paghahanda ng sulatin?
4. Ano ang mga yugto na dapat pagdaanan sa pagsulat
ng akademikong sulatin?

Pagtalakay sa malawak na yugto ng sulatin

30
C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, ipaliwanag ang mga dapat gawin sa


bawat isang yugto ng pagsulat ng akademikong sulatin.

D. Aplikasyon: Pagtala sa Jornal

Indibidwal na Gawain: Itala sa jornal ang mga mahahalagang


kaisipan/teoryang napakinggan sa talakayan. Gumamit ng angkop na
graphic organizer sa pag-oorganisa ng mga kaisipan. Ipasa ito sa guro
para sa ebalwasyon.

PANUKATAN PUNTOS
I. Istilo/Disenyo 5 pts.
II. Organisasyon 5 pts.
III.Nilalaman 5 pts.
IV. Kawastuan 5pts.
Kabuuan 20 pts.

E. Ebalwasyon:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. (5 puntos bawat isa)


1. Isa isahin at ipaliwanag ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng
paksa.
2. Talakayin ang kahalagahan ng balangkas at burador sa pagsulat.

IV. Kasunduan:

Saliksikin at isulat sa notbuk ang kahulugan ng mga sumusunod:


1. Balangkas
2. Burador
3. Pagrebisa
4. Proofreading
5. Pag-eedit

Gamit ang mga nakalap na kahulugan, humanda sa pagbabahaginan


sa klase.

31
Linggo 3 Araw 3

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng
iba’t ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang
larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t
ibang uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng
kahulugan , kalikasan, katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating
akademiko. CS_FA11/12EP-0a-c-39

I. Tiyak na Layunin:
1. Napapahalagahan ang pansariling interes ng kamag-aaral
bilang paksa ng sulatin.
2. Natutukoy ang mga kalikasan sa bawat yugto ng proseso sa
pagbuo ng sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang
biswal, powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan
(Akademik), Rex Bookstore, Manila,2016.
http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PAGSULAT
Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016
Edisyon.

III. Hakbang sa Pagkatuto


A. Aktibiti 1: Pakikipanayam

Pandalawahang Gawain: Puntahan ang napiling kapareha at


kapanayamin siya. Gawing batayan ang sumusunod na
tanong. Ibahagi ang resulta ng panayam sa klase.
1. Ano ang nais mong paksa ng sulatin?
2. Bakit ito ang napili mong paksa?
3. Sino ang target mong tagabasa?
4. Paano mo sinisimulan ang iyong sulatin?
32
Aktibiti 2: “Anong ‘sa ‘yo”

Itanong sa mga mag-aaral kung bakit mahalaga ang isang gabay para
sa mga arkitekto, inhinyero, pintor, manunulat, at iba pa. Tumawag ng mga
mag- aaral na magbabahagi ng kanilang mga ideya.

B. Analisis:

1. Ilarawan ang karanasan sa isinagawa mong panayam? Naging kawili-wili ba


ang gawaing ito sa iyo. Bakit?
2. Paano makakatulong ang isinagawang panayam sa pagsisimula ng iyong
sulatin.
3. Bakit mahalaga ang paggawa ng gabay sa pagsisimula ng sulatin?
4. Ano-ano ang mga maaaring kahinatnan kung sila ay hindi susunod sa mga
gabay na kanilang inihanda? Ano kaya ang epekto nito sa kanilang mga
proyektong ginagawa?
5. Paano iniuugnay ang pagbuo ng gabay, partikular ang pagbabalangkas sa
proseso ng akademikong pagsulat?

Pagbabahagi ng Karagdagang Input.

Paggawa ng
balangkas
Pagkuha ng
Ideya
Pagsulat ng
burador
Mga Yugto
Pagsulat
ng Pagsulat
Pag-eedit at
pagrerebisa
Paglalathala
Proofreading

C. Abstraksyon:

Batay sa isinagawang talakayan, sagutin ang mga sumusunod na


katanungan: Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng akademikong sulatin.
Ilahad ang mga kabutihang dulot ng pagsunod sa proseso ng pagsulat

D. Aplikasyon: Pagtukoy sa Paksa

Pangkatang Gawain: Pangkatin ang klase sa apat na grupo at itala sa


manila paper ang mga posibleng paksa ng akademikong sulatin batay sa
isinagawang panayam. Ipaskil ito sa board at pumili ng isang miyembro
upang ipaliwanag ang mga nabuong paksa.

33
E. Ebalwasyon :

Ang bawat isang grupo ay magbibigay ng kanilang pidbak sa


mga naitalang paksa ng grupong nagpaliwanag. (Peer Evaluation)

IV. Kasunduan:

Magsaliksik sa Internet tungkol sa mga paksang may


kinalaman sa Pilipinas. Pumili lamang ng isa sa mga paksa.
Humanda sa talakayan at pagbabahaginan kinabukasan
.
1) Simbahan sa Quiapo
2) Mga Katutubong pag- unawa sa sakit o karamdaman
3) Kultura ng Milenyal na kabataan
4) Industriya ng call center sa Pilipinas
5) Masamang epekto ng paglalaro ng Video Games
6) Facebook sa Pilipinas at iba pa.

34
Linggo 3 Araw 4

Banghay ng Aralin sa Filipino


FILIPINO SA PILING LARANG - AKADEMIK

Pamantayang Pangnilalaman:
Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t
ibang anyo ng sulating ginagamit sa pag-aaral sa ibat’ ibang larangan.

Pamantayan sa Pagganap:
Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan,
kalikasan, katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko.
CS_FA11/12EP-0a-c-39

I. Tiyak na Layunin:
1. Naibabanghay ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat.
2. Nakalilikha ng organisadong mapa ng katangian, layunin at paraan ng iba’t
ibang anyo ng sulatin.

II. Paksang Aralin: Akademik


Mga Kagamitan: Laptop, marker, projector, kagamitang biswal,
powerpoint
Sanggunian: Zafra, Galileo S. Filipino sa Piling Larangan (Akademik), Rex
Bookstore,Manila,2016.http://www.academia.edu/ANG_AKADEMIKONG_PA
SULAT Filipino sa Piling Larang (Akademik): Patnubay ng Guro, 2016 Edisyon.

III.Hakbang sa Pagkatuto
A. Aktibiti 1: Paglinang

Indibidwal na Gawain: Mula sa napiling paksa sa kasunduan ng nakaraang


araw, gumawa ng isang balangkas na may dalawang pangunahing paksa. Una ay
kahulugan at ikalawa ay kalikasan. Gamitin sa pagtatalakayan ng nakaraang
lingo. Isulat ang balangkas sa typewriting. Pumili ng mag-aaral upang magbahagi.

B. Analisis:

1. Paano mo inorganisa ang iyong balangkas? Ano ang iyong naging batayan?
2. Kung bibigyan ka ng pagkakataong maging tagapagsalita, paano mo
ipapaliwanag ang kahulugan at kalikasan ng akademikong sulatin?

35
3. Sa paanong paraan mo mapapanatili sa iyong isipan ang mga
natutunang kahulugan at kalikasan ng akademikong sulatin?

C. Abstraksyon:
Batay sa isinagawang talakayan, anong pangunahing
kaisipan ang maibabahagi ukol sa kahulugan at kalikasan ng
akademikong sulatin?

D. Aplikasyon: Mind Mapping

Kolaborasyong Gawain: Gamit ang inihandang mind map ng


guro gamit ang computer at projector bumuo ng isang
organisadong mapa ng katangian, layunin at paraan ng iba’t
ibang anyo ng sulatin..

E. Ebalwasyon

Bumuo ng isang sanaysay gamit ang balangkas at mind


mapping na nalinang. Gagamitin ang pamantayan sa
pagmamarka sa ibaba.

Tanong Oo Hindi
1. Kawili-wili ba ang pangunahing ideyang
inilahad ko sa burador?
2. Malinaw ba ang pag-uugnayan ng mga
ideyang inilahad?
3. Nasisiyahan ka na ba sa aking
panimula/pagwawakas?
4. Wasto ba ang naging pagpili ko sa mga
salita?
Pangalan at Lagda ng Ebalweytor:

36

You might also like