You are on page 1of 68

Aralin 6

PAGSASAAYOS
NG DATOS
Organisasyon ng mga nakalap na impormasyon
tungo sa mapanuring pagsulat.
 Ano ang mga paraan para
malahad ang mga datos nang
Layunin nito ng komprehensibo?
araling ito na
 Paano mabisang maoorganisa
masagot ang mga ang mga nakalap na datos?
sumusunod:
 Bakit mahalaga ang maayos na
datos sa mapanuring pagsulat?
Mga susing salita:
Datos
Organisa
Mapanuring pagsulat
Simulan natin!
Mula sa mga natutuhang paksa noon
hanggang sa mga bagong malalaman,
kailangan mong makabuo ng sariling
konsepto na makakaya mong malahad sa
isang sulatin.

At sa prosesong ito, hindi ka nag-iisa dahil


tutulungan kita sa mga epektibong paraan
para maipahayag mo ang mga ideya mula
sa mga kinolektang datos.
Maikling teksto at

1
Kung ikaw ay makikita agad ang ideya
papipiliin… at hinahanap mong
sagot.
Ano ang mas
gusto mong
2
Mahabang babasahin
basahin? para sa ilang mahalagang
impormasyon na
kukunin?
Kailangan mo rito ang kasanayan ng:
• Direktang sipi
• Pagbubuod
Ano man ang pinili mo… • Sinopsis o lagom
• Hawig
• Presi
• Sintesis
• Pagsasalin sa Filipino ng mga sipi.
Sinubukan mo na bang gumamit ng


pahayag o sinulat ng kilalang indibidwal
na may kaugnayan sa sinusulat mong
sanaysay?


Paano mo ito ginamit sa pasulat na
paraan? Ano ba wastong paraan sa
pasulat na paggamit ng quote o sipi?
Pag-ulit sa eksaktong salita na ginamit ng
tagapagsalita (speaker) o sumulat ng akda.

Ginagamitan ito ng bantas na panipi o Direktang


quotation mark (“ ”).
Halimbawa:
sipi
“May kuryente, walang kuryente, may libro, walang libro,
may transistor, walang transistor, may cellphone, ay mag-a-
adjust ang eskuwelahan basta lamang makapagpatuloy ang
pag-aaral ng mga bata,” pahayag ni Department of Secretary
Leonor Briones sa pagpupulong ng Gabinete.
Kailan gagamit ng direktang sipi?

1
Kung tumatak sa tagapakinig o
mambabasa ang pahayag ng tagapagsalita

4
o bahagi ng binasang teskto.
Kung bibigyang diin ang mga
salita o pahayag na sinabi ng

2
Kung nais mong panatilihin ang orihinal tagapagsalita.
na wika na ginamit

5 Kung nais analisahin ang

3
kinuhang sipi.
Kung kukunin ang eksaktong kahulugan
mula sa pinagmulan ng impormasyon
para masiguro na hindi magkakaroon ng
maling interpretasyon.
1. Maikling pagsipi Dalawang uri ng
– mas mababa sa 40 salita. Idugtong sa pagsipi gamit ang
sinusulat na sanaysay at ipaloob sa panipi ang estilong American
mga kinuhang pahayag at lagyan ng sipi, Psychological
parentetikal man o naratibo. Association (APA):
Halimbawa ng parentetikal na ayos:
 

Hindi maikakaila na “ang tao o ang sarili ay isang dinamikong


puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip nang kritikal o
mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at malayang magbago
at makapagpabago” (Constantino & Zafra, 2017, p.6).
Parentikal at
  naratibong pagsipi
Halimbawa ng naratibong ayos:

Ayon kina Constantino at Zafra (2017, p.6) “ang tao o ang sarili ay
isang dinamikong puwersa ng buhay na may kakayahang mag-isip
nang kritikal o mapanuri, maging mapanlikha at malikhain, at
malayang magbago at makapagpabago.”
2. Mahabang pagsipi Dalawang uri ng
– gumamit ng 40 o higit pang salita. pagsipi gamit ang
Gagawing pabloke ang pormat ng direktang estilong American
sipi na iyong isusualt. Psychological
Association (APA):
Halimbawa ng blokeng sipi gamit ang parentetikal na ayos:

Blokeng sipi
gamit ang
parentetikal na
ayos

Mula sa pananaliksik nina Alvaro et. Al (2014) na may paksang Saysay ng


mga Salaysay: Pagsusuri sa Pasulat na Diskurso ni Rogelio L. Ordoñez
ukol sa Wika Bilang Ambag sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
Halimbawa ng blokeng sipi gamit ang naratibong ayos:

Blokeng sipi
gamit ang
naratibong ayos

(p. 10).

Mula sa pananaliksik nina Alvaro et. Al (2014) na may paksang Saysay ng


mga Salaysay: Pagsusuri sa Pasulat na Diskurso ni Rogelio L. Ordoñez ukol
sa Wika Bilang Ambag sa Pagpapaunlad ng Wikang Filipino.
Kung wala namang pahina ang pinagkunan ng
impormasyon ilagay ang bilang ng talata kung saan
matatagpuan ang siniping pahayag.

Halimbawa:
  Walang bilang ng
Sa panayam ng ABS-CBN kay League of Provinces of the
Philippines (LPP) President at Marinduque Governor Presbitero
pahina….
Velasco Jr. hinggil sa pagbubukas ng klase hiniling nito na, "Kung
puwede po ay mga October, November na po ang start at maayos
na po sana ang sitwasyon patungkol sa COVID-19 at tuloy pa po
ang pagdagsa ng LSI at OFW hindi pa po clear na clear sa COVID-
19” (tala. 6).
Sa bawat sulatin, kailangan mong bigyang
pagkilala ang anumang ideya o pahayag na
kinuha mo mula sa iba. Kung hindi ito gagawin,
plagiarism o paglabag sa karapatang pang-ari
ang kalalabasan ng akda mo.
Nangyari na ba sa iyo na kailangan mong
ikwento nang buo ang isang pelikulang
napanood?

Paano mo ito dinetalye? Umabot ka rin ba sa


higit isang oras na pagkukuwento tulad ng oras
mo ng panonood ng aktuwal na pelikula?
Ito ang pagpapaikli sa mga pangunahing
ideya ng isang teksto o kwentong iyong
binasa.
Sinopsis/
Isinusulat nang hindi hihigit sa dalawang
pahina, habang ang iba ay pinapayo na hindi ito lagom
dapat na lumagpas sa 200 salita. Kabilang kasi sa
mahalagang tunguhin ng sinopsis ay
maipaliwanag sa mambabasa ang nilalaman ng
teksto sa maikling paraan pero madali pa ring
nauunawaan.
 Lalamanin ng sinopsis ang mga pangunahing
pangyayari sa kwento o plot at maging ang
wakas nito. Sinopsis/
 Matatagpuan din dito ang suliranin at lagom
resolusyon sa kwento, gayundin ang
pagbabagong naganap sa pangunahing
karakter.
Nagbigay naman sina Constantino at Zafra (2017), ng
tatlong pantulong na paraaan para maging mabisa ang
pagsulat ng synopsis:

1. Magsimula sa pangunahing tauhan at kanyang


pinagdaanan o problema.
Sinopsis/
2. Maglagay ng maikling diyalogo o sipi.
lagom
3. Ipaliwanag ang damdamin, mga problema, at
aksyon ng tauhan.
Nagbigay naman sina Constantino at Zafra
(2017), ng tatlong pantulong na paraaan para
maging mabisa ang pagsulat ng synopsis:

1. Magsimula sa pangunahing tauhan at


kanyang pinagdaanan o problema.

2. Maglagay ng maikling diyalogo o sipi.

3. Ipaliwanag ang damdamin, mga


problema, at aksyon ng tauhan.
Ito ang paraphrase sa Ingles.

Maisasagawa ang paghahawig gamit ang


sariling salita o ibang termino kumpara
sa ginamit ng orihinal na pahayag o
Hawig
teksto. Ginagamit ito para maiwasan ang
palagiang paggamit ng pagsipi.
Paliwanag nina Constantino at Zafra,
kumpara sa paglalagom mas detalyado
at dinamiko ang hawig kaysa sa
orihinal, pero hindi naman naiiba sa Hawig
Hawig
pangunahing punto ng may-akda
(2017, p.71).
Ito ang paraphrase sa Ingles.

Maisasagawa ang paghahawig gamit ang


sariling salita o ibang termino kumpara
sa ginamit ng orihinal na pahayag o
Hawig
teksto. Ginagamit ito para maiwasan ang
palagiang paggamit ng pagsipi.
Narito ang hakbang para sa mabisang
hawig mula sa Purdue Online Writing
Lab:

1.Basahin ang orihinal teksto hanggang


sa maunawaan ang kahulugan nito.

2. Itabi ang orihinal, at isulat ang iyong


hawig sa isang note card.
3. Maglista ng mahahalagang salita sa
ilalim ng iyong hawig para magkaroon
ng ideya paano mo ito isusulat. Sa itaas
ng note card, ilagay ang susing salita o
pahayag para matukoy ang paksa ng
iyong hawig.

4. Balikan ang orihinal at tingnan kung


naihayag mon ang wasto ang
mahahalagang impormasyon sa
bagong pormat.
5. Gumamit ng panipi sa mga
eksaktong termino o pahayag na iyong
hiniram mula sa orihinal na bersyon.

6. Itala ang pinagkunan o source sa


iyong note card para mas madali mo
itong mabigyan ng pagkilala.
1
ORIHINAL HAWIG
Sa payak na pagpapakahulugan ang Sa madaling salita, tumutukoy ang kultura sa paraan ng
kultura ay ang paraan ng pamumuhay.
Kung paanong ang isang pangkat ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar at kung paano sila
mga tao sa isang partikular na lugar ay nag-iisip sa mga pangyayari sa kanilang buhay (Mag-atas
nag-iisip; dumarami, nagrereak sa iba’t et al., 2008).
ibang mga pangyayari at penomenang
nakapaloob sa realidad ng kanyang SINOPSIS

2
buhay (Mag-atas et al., Komunikasyon
sa Akademikong Filipino, 2008, p.6). Ang kultura ay ang paraan ng pamumuhay at pag-iisip ng
mga taong nasa iisang lugar, kabilang ang kanilang
reaksyon, karanasan, (Mag-atas et al., 2008).

PLAGIARIZED NA BERSYON:
Sa simpleng kahulugan tumutukoy ang kultura sa paraan ng Dahil walang pagkilala
pamumuhay ng mga tao sa isang partikular na lugar at paano sa pinagmulan ng ideya,
naging plagiarized ito.
sila nag-iisip, dumarami o nagrereak sa mga pangyayari sa
realidad ng kanyang buhay.
Inaasahan na lahat tayo ay
nakapagbasa na Noli Me Tangere at
El Filibusterismo ni Jose Rizal sa
puntong ito.

Pero sino ba sa atin ang


nakapagbasa ng orihinal na bersyon
na nasa sa wikang Espanyol? O ng
bersyon ng unang nagsalin (nag-
translate) nito?
Sa haba ang panahong lumipas mula nang malimbag ang unang
nobela ni Rizal noong 1887, maraming bersyon ang nilabas at
binenta sa publiko batay sa mga salin nito sa iba’t ibang wika, hindi
lang sa Pilipinas.

At sa bawat muling paglimbag sa akdang ito, tila nagkakaroon ng


pagitan ang orihinal, sinalin, pinaikli o abridged, at binuod na
bersyon ng nobela.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-ND


Pero kung maayos ang
pagkakasulat, hindi mo
maitatanggi na
mauunawaan mo pa rin
ang isang kwento, kahit
pa halos ang haba nito
ay buod na ng iba pang
mga buod – ito ang
ginagawa sa pagsulat
ng presi.

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-NC-ND


Sangkap ng isang mahusay na pagsulat ng presi
ang pagiging maikli, malinaw, may kaisahan ang
ideya, lohikal, at taglay pa rin ang kompletong
kaisipan mula sa orihinal.
Presi

Orihinal vs presi
Mga proseso at dapat tandaan para
makasusulat ng presi
1 Hindi basta basahin, kundi unawain pa ang nilalaman ng akda.
Maglista ng mahahalagang kaisipan tulad ng pangunahing ideya,
2 argumento, suhestiyon at gayundin ang mga susing salita na ginamit
ng awtor.

3 Simulan ang balangkas ng binasang akda.


Mga proseso at dapat tandaan para
makasusulat ng presi
4 Mula sa balangkas at ilista mo ang mahahalagang salita,
bumuo ng buod.

5 Ipaliwanag paano pinaunlad ang pangunahing ideya pero isulat ito


sa kaparehong tono na ginamit ng awtor.

6 Balikan ang sinulat na presi saka basahin uli ang orihinal na tetsko.
Suriin kung pareho pa rin ang kahulugan nito sa orihinal.
Halimbawang
teksto:
Pangunahing ideya?
_____________________________________

Halimbawang
Mga susing salita:
teksto: _____________________________________

Tono ng pahayag:
_____________________________________
Paano niyo isusulat ang presi ng pahayag?
______________________________________

Halimbawang
teksto:
Kaiba sa sinopsis na
kailangan mong gumamit ng
sariling salita, sa presi
nakapokus ka lang sa
pangunahing ideya ng
pahayag at hindi na
sinasama ang hindi
mahahalagang detalye.
Tumutukoy ang sintesis sa nabuong ideya
mula sa iba’t ibang pinagkunan ng
impormasyon tulad ng pananaliksik,
Sintesis panayam, obserbasyon, sanaysay, balita,
artikulo, at iba pa na maaaring
nagpapaliwanag ng isang paksa o
naglalahad ng argumento o point of view.
Paliwanag nina Constantino at Zafra,

“Kabaligtaran ng analisis ang sintesis.


Sintesis Kung ang una ay paghihiwa-hiwalay ng
mga ideya upang suriin ang huli, ang
sintesis naman ay pagsasama-sama ng
mga ideya tungkol sa isang
pangkalahatang kabuuan” (2017, p.74).
Sa proseso ng pagsulat ng sintesis, pinag-uugnay mo ang mga datos na nakuha para
makabuo ng pangkalahatang ideya, kaiba ito sa analisis na mula sa mas malaking
paksa, hinihimay-himay o nagsasagawa ka ng breakdown sa mga bahagi nito.
Paano makasusulat ng sintesis?

Halimbawang paksa: Pinakamagandang pelikulang

1
Pilipino
Introduksyon
Paksang pangungusap:
Ilahad ang iyong paksang Walang makakapantay sa husay ng
pangungusap o thesis pagkakagawa sa pelikulang ‘Himala’ dahil sa
statement. Dito mo ipaliwanag ipinakitang talento ng mga aktor at direktor, bukod
ano ang layunin ng iyong pa ang mga parangal na tinanggap nito hindi lang sa
pagsulat. loob ng bansa.

Tatlong bahagi ng paksang pangungusap ang:


paksa, panig o opinyon, at dahilan.
Paano makasusulat ng sintesis?

2 Katawan

Ayusin ang mga


impormasyong nakalap,
minumungkahi ang
paggamit ng synthesis
grid. Gamit ang
talahanayan, maitatala mo ang mga impormasyon mula sa iba’t ibang sanggunian.
Paano makasusulat ng sintesis?

3 Konklusyon Batay sa mga datos na nakalap at


panayam na sinagawa sa mga eksperto,
nirerekomenda ng manunulat na pag-
Balikan ang iyong paksang pangungusap upang aralan pang mabuti ang pagpapatupad
wakasan ang sintesis, dito mag-iwan ng huling sa TV broadcast na ginagawa ng
mga salita para patunayan pa iyong argumento departamento upang maabot mapabuti
o kaya ang paliwanag sa isang paksa, pero ang kalidad ng nilalaman ng mga aralin
hindi na dapat sa tono na tila may pahabol pa. na mapapanood ng mga estudyante.

Maaari ka ring magbigay ng mungkahi o


rekomendasyon hinggil sa paksa.
Bakit mahalaga ng sintesis?

Sa mapanuring pagsulat, kinakailangan mo ng


iba’t ibang source o pinagkunan ng
impormasyon upang mapalakas ang iyong
ebidenya para sa iyong argumento.
Kinakailangan mo ng kasanayan para mapag-isa
ang mag impormasyong ito.
Naglalaman ang abstrak ng buod ng isang pananaliksik,
artikulo, disertasyon, at rebyu.Hanggang dalawang pahina
na may 100 hanggang 300 salita ang haba.

Binibigay dito ang sapat na


Abstrak impormasyon para magkaroon
Mga nilalaman
abstrak:
ng

ng ideya sa nilalaman ng papel Pamagat


nang hindi na binabasa ang Paksang pangu
ngusap
Layunin
kabuoan mula sa unang Metodolohiya
kabanata hanggang huli. Mga datos
Resulta ng pag
-aaral
Kritikal na disku
syon
Paano makasusulat ng abstrak?

1 2 3
Ilahad ang problema na Ipaliwanag ano ang lawak Ano ang mga ginamit
nais bigyan ng solusyon o at sakop ng iyong pag- mong metodo o paraan sa
kasagutan sa iyong aaral. paghahanap ng sagot?
pananaliksik. Ikonsidera
ang 5 Ws (who, what,
when, where at why).
Paano makasusulat ng abstrak?

4 5
Sa maiksing paraan, ipakita Sa huli ilahad ang
ang resulta ng ginawang implikasyon ng iyong
pag-aaral. ginawang pananaliksik.
Ibinigay na halimbawa nina Constantino at Zafra:

Konsepto ng Bayani sa akdang ‘Kapitan Sino’ ni Bob Ong


Camille L. Valdez

Ang bayani ay itinuturing na isang unibersal na karakter na binibigyang-buhay sa midya,


sining, at panitikan. Isa ang bayani sa mga sentral na tauhan kaya naman hindi kataka-taka na
maging laganap ang konseptong ito sa buong mundo Ang pokus ng pag-aaral na ito ay ang
akdang Kapitan Sino ni Bob Ong. Layunin ng pag-aaral na matuklasan ang konsepto ng bayani
at pagkabayani sa akda.

Gagamitin ang teoryang Arketipo ni Carl Jung at konsepto ng Political Unconscious ni


Fredric Jameson. Sa pamamagitan ng kolektibong memory ani Carl Jung at koletkibong
represyon ni Jameson, mabubuo ang isang pagbibigay-kahulugan sa konsepto ng bayano na
matatagpuan sa akda.
Mula sa kolektibong memorya, mabubuo ang isang simbolikong imahe mula sa pinagsama-
samang karanasan, mithiin, at kultura ng iba’t ibang grupo sa iba’t ibang panahon. Mula naman
sa kolektibong represyon, matutunghayan ang mga tunggalian sa lupunang hindi hayagang
makikita.

Ang dalawang konseptong ito ay patuloy na umiiral at nagigiit ng impluwensya sa kamalayan


ng bayan. Nagkaroon din ng historical na pagbagtas sa mga konsepto ng bayani na umiral sa
lipunan tulad ng mga bayani sa epiko at mga superhero sa komiks.

Sa pag-aaral, matutunghayang umaangkop si Kapitan Sino sa mga katangian ng isang bayani


sa teoryang Arketipo ni Jun. Mayroon siyang mga kalakasan at kahinaan. Batay naman sa
kolektibong epresyon, nabibigyang-linaw ang mga usapin sa lipunan ni Kapitan Sino.
Makikita ang kontradiksyon sa lipunan sa tunggalian sa pagitan ng naghaharing-uri at ng di-
naghaharing-uri. Ang namamayaning ideolohiya ay nagsisikap na matabunan ang ideolohiya ng
nakararaming api sa lipunan na naghahanap ng mga “bayani” na siyang kikilos nang sama-sama
upang maging kinatawan ng kanilang kolektibong mga mithiin.

Si Kapitan Sino ay nagsisilbing simbolikong resolusyon na inaasam ng mga taga-Pelaez na


hindi natatamo sa tunay na buhay. Ipinakita ni Kapitan Sino na ang pagkabayani ay hindi
nangangailangan ng iisang dakilang taong siyang magliligtas sa lahat, bagkus ang bayani ay nag-
uudyok sa mga taong kumilos at maging bayani din sa kanilang paraan.
Iba pang
halimbawa:
Pagsasalin ng sipi sa Filipino

Maraming pagkakataon na kakailanganin mong


mangalap ng mga impormasyon hinggil sa paksang
tinatalakay sa iyong mapanuring papel.

At hindi lang mga nasa wikang Filipino na pag-aaral o


akda ang magiging sandigan ng iyong mga argumento o
ebidensya.
Pagsasalin ng sipi sa Filipino
Kung isasalin ang isang sipi mula sa orihinal na teksto, maaari mo na itong
ituring na hawig o paraphrase saka sundin ang mga panuntunan sa pagsipi
nito na: may-akda, taon, pahina.
Gayunman may tatlong dapat na isaalang-alang:

Ilang salitang Pinoy na walang direktang


Kung walang eksaktong salin o translation ng salin sa Ingles: gigil, naman, baduy.

1
salita mula sa kinuhang pahayag, panatilihin
ang orihinal pero kailangang ipaliwanag sa Iba pang halimbawa:
mambabasa ang kahulugan ng terminong ito. 30 Filipino words with no English equivalent

Halimbawa:

2
Isulat sa italic ang salitang hiniram. Kung
gagamit pa rin ng direktang sipi, maaaring Kabilang sa pinakasikat na linya sa akda
ilagay ang sinaling bersyon. ni Antoine de Saint-Exupery ang,
“L'essentiel est invisible pour les yeux” o
hindi mata ang nakakakikita ng mga
mahahalaga.
Gayunman may tatlong dapat na isaalang-alang:

3
Kung ang pinagkunan ng impormasyon ay mula Halimbawa:
sa saling bersyon ng teksto, isama sa in-text
citation ang parehong taon ng publikasyon ng
orihinal at sinalin. Halimbawang in-text:
(Foucault, 1995/1977)
(Awtor ng orihinal, taon ng original
publication/taon ng translated text). Halimbawang reference citation:

Habang sa reference citation naman ay: Foucault, M. (1995). Discipline and


punish: The birth of the prison (A.
Awtor, inisyal. (Taon ng pagkalimbag ng salin). Sheridan, Trans.). Vintage Books.
Titulo. (Inisyal at apelyido ng nagsalin. (Orihinal na nalimbag 1977).
Publikasyon. (Orihinal na nalimbag taon)
Kung hindi ka pa rin sigurado kung paano
isusulat ang citation o sipi ng nakuha mong
impormasyon, tandaan na hindi lang sa
CoursePack na ito limitado ang kaalaman,
maaaring magsaliksik kung paano ito
isasagawa o basahin ang dagdag na materyal
na ibibigay sa inyong klase.

Laging may solusyon para maiwasan ang


plagiarism o paglabag sa karapatang pang-ari.
Paglinang ng kasanayan
GAWAIN 6.1.a
GAWAIN 6.1.b
Panuto: Basahin nang mabuti ang kolum ng manunulat na
si Joselito D. Delos Reyes na lumabas sa pahayagang GAWAIN 6.2
Abante noong Hulyo 5, 2020 at sumulat ng direktang sipi,
sinopsis, at hawig mula sa binasang kolum.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay sa pagsagot.
Ordinaryo GAWAIN 6.2

Madalas nating iniuugnay at binibigyan ng parehong kahulugan ang mga salitang


‘ordinaryo’, ‘normal’ at ‘karaniwan’. Ipinagpapalagay nating walang kakaiba sa tatlong
salitang ang ibig sabihin ay walang kakaiba.

Kabaligtaran ng tatlong salitang iyan ang espesyal, hindi pangkaraniwan,


abnormal, hindi inaasahan. Kung ordinaryo ang pangyayari, walang nangyaring hindi
inaasahan. Pupwedeng lahat ay nangyari batay sa plano o batay sa isang lumang
sistemang paulit-ulit nang nangyayari kaya nakasanayan na.

Pupwede ring sabihing ordinaryo ang isang tao. Ordinaryo kapag pumapasok ang
kaniyang pagkatao sa karaniwang inaasahan sa kinabibilangan niyang demographics;
kapag naihahanay na sa sterotypes o pagkakahon. Ordinaryo kapag sa Ingles ay
average person.
GAWAIN 6.2
Halimbawa, iniuugnay natin na kapag teenager pa lamang ay hindi pa masyadong
iniisip ang kinabukasan dahil puro kasiyahan pa sa buhay ang gusto, o kung may edad
na ang isang tao ay sakitin na. Halimbawa pa ang pagkakahon na kapag nag-aaral ng
engineering ay magaling sa matematika o kapag nag-aaral sa unibersidad na
pinagtuturuan ko, dahil pinamamahalaan ng mga relihiyoso, ay madasalin.

Kapag pumapasok sa itinakdang pagkakahon, nagiging ordinaryo dahil iyon ang


inaasahang bunga ng sistema, paniniwala, o tradisyon. At alinmang paglabag sa
ordinaryo ay masasabing espesyal o abnormal.

Palawigin pa natin. Ordinaryong guro kapag nagagawa ang inaasahan, ang


magturo; ordinaryong guro kapag makikita mo—lalo noong pre-COVID-19 era—na
maraming bitbit na papel-papel. Ordinaryong guro na maraming loan. Kaya naman
kapag may napabalitang gurong nanakit o gurong may ginawang malayong matawag
na guro, balita agad.
GAWAIN 6.2
Ganito rin sa ordinaryong kawani ng pamahalaan. Ordinaryo lalo kapag nagretiro nang
walang aberya, pumapasok at nagtratrabaho tulad ng inaasahan sa isang nagseserbisyo sibil.
Hindi ordinaryo ang nasasangkot sa katiwalian lalo ang naparusahan.

Kaya nga mahirap maging ordinaryong politiko. Parang paradox na matawag na


ordinaryong politiko dahil bawat politiko ay naghahangad maging kakaiba; iyong aangat ang
kanilang pangalan para hindi makalimutan hanggang sa susunod na eleksyon. Kaya nga may
mga politiko—at marami talaga na mistulang ordinaryo na!—na nakabalandra lagi ang
pangalan, ang mukha, saanmang sulok ng kanilang nasasakupan.

Ordinaryo na sa politiko ang hindi maging ordinaryo. Parang ordinaryo na rin sa mga
politiko ang masangkot sa katiwalian lalo’t ito ang madalas laman ng balita. Sabi nga ng isang
kakilala kong may edad, pare-pareho lang naman daw na corrupt. Ordinaryo kapag corrupt.
Sa ganitong pagkakahon sa mga politiko, para tuloy kakaiba at kinikilala ang politikong
naglilingkod nang maayos, nang walang pagkilala o pagbabandila sa kaniyang sarili. Sila ang
hindi kakaiba samantalang dapat ordinaryo nang maglingkod sila nang tapat at sapat.
GAWAIN 6.2

Mula ang salitang ordinaryo sa lumang salitang Latin na ‘ordo’ o kaayusan. Kaya nga may
salitang ‘order’ sa Ingles. Orderly o may kaayusan. Kaayusang inaasahan nang magdudulot ng
ordinaryo’t inaasahang bunga.

Ang maging ordinaryo kung gayon ay pagsunod sa kaayusan. Ang maging ordinaryong
tao ay iyong sumusunod sa itinakdang kaayusan. Bagay na hindi natin masasabi sa
ordinaryong politikong mistulang walang ibang hinangad kung hindi maging hindi ordinaryo.
Ano ang mga paraan para malahad ang mga datos nang
komprehensibo?

 Maaaring gamitin ang paraan ng sinopsis o lagom,


BALIKAN NATIN! direktang sipi, hawig, presi, sintesis, at pagsasalin sa
Filipino ng mga sipi.

Bakit mahalaga ang maayos na datos sa mapanuring pagsulat?

 Upang mabigyan ng pagkilala ang pinagkunan ng


impormasyon para sa isang mapanuring sulatin at maiwasan
na makagawa ng plagiarism.
Paano mabisang maoorganisa ang mga nakalap na datos?

 Sa pagsisipi kailangan na sundin ang orihinal na teksto o


pahayag.

BALIKAN NATIN!  Ang pagsulat ng sinopsis ay pagkuha ng mga pangunahing


ideya ng kabuoan ng teksto at pagsulat nito gamit ang
sariling salita.

 Sa paghahawig, mas espisipiko ang pagkuha ng impormasyon


at susulating muli gamit ang sariling salita.

 Sa presi, mahalaga lang ang pangunahing ideya at hindi ang


iba pang mga detalye.

 Gumawa ng sistema para maitala nang malinaw ang mga


datos na kakailanganin sa pagsulat ng sintesis.
APA Style, (n.d). Parenthetical Versus Narrative In-Text Citations.
https://apastyle.apa.org/style-grammar-guidelines/citations/basic-principles/pa
renthetical-versus-narrative

Baguisi, M. (2018). Si Kenkoy Bilang Kuwelang Ingles sa Komiks: Isang Pagdalumat


sa Karabaw English Bilang Instrumento ng Pagsulong ng Makabayang Diwa
sa Panahon ng Kolonyalismong Amerikano; 1929-1934. Daluyan, 24, 1-2.

Constantino, P. & Zafra, G. (2017). Filipino sa Piling Larangan. Rex Bookstore, Inc.

Nordquist, R. (2020a, February 5). Learn About Précis Through Definition and
Examples. https://www.thoughtco.com/precis-definition-1691655
Mga sanggunian
Nordquist, R. (2020b, February 11). Definition and Examples of Direct
Quotations.
https://www.thoughtco.com/direct-quotation-composition-1690461

Purdue Online Writing Lab. (n.d.). Paraphrase: Write It in Your Own Words.
https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/using_research/quoti
ng_paraphrasing_and_summarizing/paraphrasing.html

Purdue Online Writing Lab. (n.d.). Quoting and Translating.


https://owl.purdue.edu/owl/general_writing/academic_writing/using_for
eign_languages_in_academic_writing_in_english/quoting_and_translat
ing.html

You might also like