You are on page 1of 6

ISANG TAGAY PARA SA PILOSOPIYANG PILIPINO 51

Isang TTagay ara sa Pilosopiyang Pilipino


agay PPara

Beverly A. Sarza
Pamantasang De La Salle-Maynila, Pilipinas

Ang pagsasaliksik sa pilosopiyang Pilipino ay maaaring ituring na pausbong pa lamang sa gitna


ng kasaysayan ng umunlad ng mga pilosopiya sa mundo. Isa sa pamamaraan ng pagsasaliksik
dito ay ang paggamit ng natatanging kultura ng ating bansa na siya namang sumasalamin ng
hugis ng kaisipan o pag-iisip nating mga Pilipino.

Sa artikulong ito, layunin ng may-akda na gamitin ang isa sa mahalaga ngunit kadalasang
nakakaligtaang sangkap ng kultura ng ating bansa—ang inumang Pinoy. Sa paggamit ng
dalawang pamamaraan ng pananaliksik, ang pagsusuring metalinggwistiks at penomenolohiya
ng kaasalan, ipinababatid ng lathalaing ito na ang inuman ay nararapat lamang na ituring bilang
mahalagang elementong babalangkas at magpapalawig ng pilosopiyang Pilipino na maaaring
ihalintulad sa symposium ng lumang Griyego.

Ang salitang symposium ay hango sa Griyegong, at maging sa pulitika. Pangatlo, ang salu-salong ito
sympotein na ang ibig sabihin ay uminom nang may ay nagaganap lamang sa tahanan ng mga taong may
kasama o makipag-inuman. Kung tayo ay katungkulan sa lipunan o ng mga mahahalagang
magbabalik-tanaw, ang salitang symposium, na personalidad na nakaaangat sa buhay. Ang mga
ngayon ay nangangahulugang isang pormal na maaaring makilahok dito ay limitado lamang, walang
palitan ng kuru-kuro o ng mga ideya, ay batay sa lugar dito ang mga dukha at mga alipin. Sa
isang sinaunang masaya, maligalig, ngunit pagsasalarawang ito, hindi lamang ang pagkakahati
napakahalagang salu-salo na kadalasan ay may sa antas ng pamumuhay ang masasalamin, kundi
inuming nakalalasing. Ang symposium na ito ay pati na rin ang hindi pagkapantay-pantay ng
may natatanging katangian. Una, batay sa mga kasarian. Sa symposium, na mayroong samu’t
dalubhasa sa sinaunang kultura ng mga Griyego, saring palitan ng ideya at opinyon, hindi maaaring
ang alak sa naturang symposium ay kadalasang lumahok ang mga kababaihan na noon ay itinuturing
galing sa katas ng ubas (oinos ampelinos). na mababang uri ng nilalang. Kung susumahin, ang
Pangalawa, ayon na rin sa mga isinulat ni Plato, symposium ay ang salu-salong paghahabi ng mga
ang diskusyon sa loob ng isang symposium ay usaping intelektwal ng mga taong elitista at nagsilbing
kinatatampukan ng mga paksa ukol sa pilosopiya panulukang-bato sa pag-unlad ng pilosopiya.

MALAY
52 B.A. SARZA

Sa kabilang dako, ang pinakamalapit na nagiging ganap sa pamamagitan lamang ng wika.


kaganapan sa buhay ng isang Pilipino na maaaring At sa kadahilanang ito, inihayag ni Florentino
maihambing sa symposium ng mga Griyego ay ang Timbreza na “ang wika ang siyang pinakamahalagang
inuman. Ang inumang Pinoy ay may kaakibat na kasangkapan (instrumento) ng pag-iisip” (5).
samu’t saring pananaw at maaaring gawing paksa Alalaong baga, ang wika, bilang isa sa
sa iba’t ibang pagsusuri o pag-aaral. Nariyan na pinakamahalagang tagataguyod at tagabalangkas ng
ang pagturing dito bilang sentro na pinagmumulan sangkabansaang pag-iisip, ay nagsisilbing
ng maraming gulo o away sa ating lipunan at bilang panulukang-bato ng bawat kultura. Sa ganitong
sanhi rin ng maraming krimen. Ito ay maaaring kadahilanan, malinaw na naihahayag ng pagsusuring
gawin ding paksa sa medisina kung paano metalinggwistiks ang kasaysayan at maging ang
maiiwasan ang maraming sakit na idinudulot nito pamamaraan ng kultura na bumabalot sa bawat
at ang pag-iwas sa mga inuman bilang isa sa mga salita.
pinakamabisang paraan. Sa kabilang dako, sa mga Sapagkat ang pilosopiyang Pilipino ay
diskurso sa pilosopiyang Pilipino, ang paksang nagsisimula at nagtatapos din sa mga natatanging
inuman ay hindi ginagamit. At ito nga ang layunin karanasan ng mga Pilipino, ang riserts na ito ay
ng kasalukuyang artikulong ito, ang ipahayag ang gumamit ng eksistensyal na pamamaraan ng
isa sa mga nakaligtaang aspekto ng inumang pananaliksik: ang penomenologo ng kaasalan o
Pilipino—ang kahitikan nito sa mga simbolismo na phenomenology of behavior. Ito ay tungkol sa
lubhang mahalaga sa patuloy na pag-iral at paggamit ng mga natatanging kaasalan ng Pilipino
pagyabong ng pilosopiyang Pilipino. bilang mga pangunahing sangkap sa pagsasalarawan
Tulad ng symposium ng lumang Griyego, ang at sa paghahayag ng diwa (essence) ng nasabing
inumang Pilipino ay maaaring ituring na mahalagang karanasan. Ang mga datos ng kaasalang ito ay
sangkap sa pagkabuo ng diwa at kultura ng bibigyan ng penomenolohikong pagtingin na may mga
Pilipino. Ngunit hindi tulad ng symposium, ang katangiang tulad ng pagtingin sa kabuuan bago ang
inumang Pilipino ay mayroong mga katangiang pagsusuri sa mga bahagi ng kabuuang ito at
naiiba, na siya namang mahalaga sa pagpapayaman pagpapaliwanag sa karanasan ng tao nang hindi
ng pilosopiyang Pilipino lalo na sa aspektong gumagamit ng masaklaw na pahayag (induction) o
pangkultura. Para sa maayos na talakayan, ang ng masaklaw na batas ng ilang natatanging
pananaliksik na ito ay gumamit ng dalawang pangyayari (deduction) (Dy 23-24). Ang
pamamaraan: (1) pagsusuring metalinggwistiks at penomenolohikong pagtingin ay gumagamit ng
(2) penomenologo ng kaasalan. (Mercado 1974) pagsasalarawan, pagpapahayag, at pagpapaliwanag
Ang pagsusuring metalinggwistiks o kung ano ang nandoon. Kung susumahin, imbes na
metalinguistic analysis ay ang pagsusuri ng wika lumayo sa mismong buod ng bagay tulad ng
at ang pagkakaugnay nito sa kultura. Ang pananaw ginagawa ng siyentipikong pananaw, ang layunin ng
na ito ay nakaangkla sa dalawang paniniwala: na penomenolohiko ay ang “pagbabalik sa mga
ang wika ay (1) sumasalamin sa pag-iisip ng isang mismong bagay,” na siya winika ng ama ng
particular na kultura at (2) nagsisilbing batayan ng pamamaraan na ito na si Edmund Husserl (Dy 24).
paniniwala ng mga katutubong lumalang at unang
gumamit nito. Ano ba ang kaugnayan ng wika sa Inuman? Saan?
kultura? Ayon sa eksistensyalistang si Maurice
Merleau Ponty, “ang isang hagap sa isipan ay Ang salitang inuman, kung gagamitan ng
nabubuo sa tulong ng mga salita” [Thought seeks metalinguistic analysis ay makapaghahatid ng
the word for its completion] (Timbreza 5). Ang tatlong katangian. Una, ang hulaping an-han ay
bawat karanasan o bawat agihap na nababalangkas nagmumungkahi ng lugar o pinangyarihan at ang
sa pag-iisip ng bawat isang taong bumubuhay ng mismong pangyayari (Alegre 1992 798).
kultura ay nangangailangan ng kaakmaan at Halimbawa na lamang sa mga salitang kantahan at

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007


ISANG TAGAY PARA SA PILOSOPIYANG PILIPINO 53

pasukan Mula dito, ang hulaping “an/han” kapag Ngunit, sa puntong ito, natatangi ang Pilipino.
idinikit sa salitang ugat na inom ay nangangahulugang Sapagkat mas pinahahalagahan natin ang pangkat
pinangyayarihan ng kaganapan at ang kaganapan kaysa sa indibidwal. Ang pagpapahalaga ng Pilipino
mismo, ang pag-iinom. sa kapwa ay nakikita rin sa wika. Halimbawa na
Kung mga lugar ang pag-uusapan, dalawa sa lamang sa ating mga panghalip. Kapansin-pansin
mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan ang na mas maraming panghalip na tumutukoy sa
ipinagbunyi sa pamamagitan ng pagsasalu-salo at pangkat, tulad na lamang ng tayo, kami, at sila,
inuman. Bilang tanda ng ating kaasalan na pagiging ngunit kakarampot lamang ang tumutukoy sa sarili,
magiliw sa mga panauhin, ang mga katutubo ay tulad ng akin at ako.
naghain ng tatlong bagay: dalawang uri ng saging, May dalawang natatanging bagay na
dalawang niyog, sariwang isda, at higit sa lahat— maihahayag mula sa aspektong ito. Una, ang
isang tapayan na puno ng tuba. Ito ay nangyari sa inuman ay isa sa mga payak at kongkretong
isla ng Samar noong 16 March 1521 at ang bisita pagpapahayag ng Pilipino ng pakikisama at
ay walang iba kundi si Ferdinand Magellan. pakikipagkapwa-tao. Lubhang mahalaga ang
Labindalawang araw makalipas, isa muling pagkakaibigan para sa mga Pilipino. Kung sinabi
makasaysayang pangyayari ang naganap. ni Aristoteles sa kanyang Nicomachean Ethics
Inanyayahan ng hari ng Limasawa, sa isang isla sa (Book VII: 1) na “Kung walang mga kaibigan ay
Leyte, ang mga dayuhang Kastila para sa isang walang sinumang nagnanais pang mabuhay kahit
mahalagang salu-salo. Ang pagsasalarawan kung taglay niyang lahat ang kabutihan,” ang kasabihang
paano sila uminom ay inilarawan ni Pigafetta sa Tagalog naman ay nagwikang “Ang pilak mo man
kanyang aklat na Primo Viaggio Intorra al ay isang kaban; ang ginto mo man ay isang tapayan,
Mondo: “Itinaas nila ang kanilang kamao sa kung wala ka namang kaibigan ay wala ka ring
direksyon ng langit, tapos kinuha ang baso sa kabuluhan” (Timbreza, 87).
kanilang kanang kamay at iniabot ang kanilang Pangalawa, ang nasabing prinsipyong ito ay
kamay sa mga kasama” (Alegre 49). At mula dito, patuloy na isinasabuhay ng tagayan. Para kay
naganap ang kauna-unahan at natatanging Alegre, ang tagayan ay nasa pamamaraang sentral
panlipunang kasunduan (social contract) sa o centralized mode sapagkat lahat ay
pagitan ng dalawang magkaibang lahi na kung saan nagsisimulang mangyari sa gitna. Ang tagatagay ay
ang hindi pagtupad ng Espanya ang naging batayan siyang nagsisilbing tagapamahala ng pare-parehong
ng pilosopiyang rebolusyon ni Andres Bonifacio.1 sukat ng alak sa iisang basong umiikot sa mga
umiinom na nakapalibot sa lamesa. Dalawang
Tagay Pa, Pare at Mare! bagay din ang lumilitaw dito: (1) ang pagsasadula
ng konsepto ng siklo ng kalikasan sa pilosopiyang
Masasalamin ang kultura at maging ang pag- Pilipino at (2) ang pananaw ng mga Pilipino ukol
iisip ng ating bansa sa kung paano uminom ang mga sa pagkakapantay-pantay.
Pilipino. Sa dakong ito, kapag nilagyan naman ng Ang konsepto sa siklo ng kalikasan (cyclic
unlaping mag- ang salita, ito ay nangangahulugan concept of nature) o pabilog na kalikasan ng
ng isang paanyaya, tulad na lamang sa mga salitang katunayan (cyclic nature of reality) sa pahayag
magkainan at mag-sayawan (Alegre, 198). Kaya ni Timbreza ay nananalaytay sa “Lahat ng pag-
kung lalagyan ng mag- ang salitang inuman, ito ay unlad sa kalikasan, maging sa daigdig pampisikal
magmumungkahi ng isang paanyaya o paghikayat o kalagayang-tao” at ito ay may sinusunod na
upang makilahok sa isang salu-salo na may mga siklong kalakaran o disenyo ng paglitaw o
inumin. Ito ang pinakamahalagang aspekto ng pagkaparam, ng paglaki at pagliit, pagsilang at
inumang Pinoy, ang panlipunan o social na aspekto. pagkamatay” (16). Inilalarawan nito ang paniniwala
Sa dakong ito, maaaring igiit na Pilipino man o ni Juan de la Cruz na ang buhay ay parang isang
hindi, kailangang may kasama kapag umiinom. gulong na kung ikaw ay nasa ibaba at kasalukuyang

MALAY
54 B.A. SARZA

nakakaranas ng pagkabigo o kahirapan, darating At dapat niyang talasan ang kanyang


ang panahon na ikaw naman ay makalalasap ng pagmamasid sa nangyayaring kaganapan.
ginhawa kung ikaw ay pupunta na sa itaas. Ang Kung ang isa sa mga umiinom ay lasing na o
posisyon ng mga umiinom sa tagayan ay isang dili kaya naman ay tinatamaan na, maaari
metapora na sumisimbulo sa konseptong ito, at siyang pansamantalang tumanggi (Pass) at
habang nilulunod ang pagod ng maghapong ang baso ay ipapasa naman sa susunod na
pagtratrabaho, darating din ang araw na sila ay manginginom. Hindi nararapat para sa taga-
giginhawa, sapagkat sa bawat lumbay na tagay ang magbinbin ng tagay sa kahit sino
natatamasa ay mayrong ligayang naghihintay. man. Kailangang bigyan niya lahat kung ano
Sa paanyaya ng inuman, natatangi rin ang ang nararapat—bawat manginginom ay may
Pilipino sapagkat ang pag-ikot ng baso na may pagkakataon at ang baso ay may pare-
pare-parehong sukat ng alak ay simbulo ng parehong sukat ng alak sa bawat ikot. (51)
pagkakapantay-pantay—walang mayaman o
dukha at, higit sa lahat, wala ring diskriminasyon Samakatuwid, mahalaga at mataas ang tungkulin
sa kababaihan. Sa wika pa lamang natin, na ginagampanan ng isang tanggero. At sa Pilipinas,
masasalamin na ang pagturing sa kababaihan bilang ang papel na ito ay ginagampanan din ng
katuwang sa buhay at hindi isang mababang uri ng kababaihan. Isang pagpapatunay ng pagkilala sa
nilalang. Ang Filipino, hindi tulad ng mga wikang kababaihan bilang kapares, ang kababaihan sa
Kastila, Pranses, at maging Ingles ay hindi kumikilala bayan ng Hamoraon ay siyang nagsisilbing tanggera
ng kasarian. Halimbawa, ang ating mga panghalip ay sa inuman. Mula sa sanaysay ni Alegre (110),
walang panukoy sa lalaki o maging sa babae. Ang bukod sa pag-aalaga ng bata, pagtitinda sa
Ingles ay may his, her, he, at she. Ang mga wikang palengke, at iba pang mga gawaing bahay, ang mga
Kastila at Pranses, bukod sa mga panghalip na kababaihan sa bayan ng Hamoraon sa Camarines
panukoy sa dalawang kasarian, ay nagtatalaga rin Sur ay may mahahalagang posisyon sa pamamahala
ng kasarian maging sa mga bagay na walang buhay. ng bayan. Ang mga babae dito, at malamang na
Sa isang inuman, hindi mawawalan ng nangyayari na rin sa maraming parte ng bansa, ay
tanggero. Maaaring ihalintulad ang tungkulin ng mas malakas uminom kaysa sa mga lalaki at mas
isang tanggero sa inuman sa tagapamahala o tumatagal sila.
presidente ng isang bansa. Mula dito, lubhang Ayon kay Alegre ang inumang Pilipino ay
mahalaga ang tungkulin ng tanggero sa bawat mayroon ding nakapaloob na batas ukol sa pag-
tagayan. Ngunit ano nga ba ang mga katangian o uugali at ito ang nagsisilbing hamon sa bawat
kakayahan na dapat taglayin ng isang tanggero? manginginom: Hindi siya dapat malasing. Hindi
Ayon kay Alegre: kailanman naging katanggap-tanggap na dahilan
ang pag-inom bilang sanhi ng kaperwisyuhan sa
Siya ay dapat katanggap-tanggap sa sarili, sa kapwa, at maging sa kapaligiran. Ang
lahat. Kilala siya sa pagiging mahusay na hamong ito ay ipinapahayag sa kasabihan ng mga
tagapagpasya: hindi siya mandaraya, Tagalog na “Ang inumin ay nilalagay sa tiyan,
binabahagian niya ng pantay-pantay na dami at hindi sa ulo” (202). Kung si Platon ay
ang mga umiinom, at makatarungan at nagpahayag na ang utak ay siyang dapat mamuno
walang pagkiling ang kanyang pakikitungo sa ibang parte ng katawan ng tao, kasama na rito
sa lahat. Kung tutuusin, bihira lamang siyang ang tiyan kung saan dito niya itinalaga ang
uminom habang ginagampanan niya ang pinagmumulan ng pagnanasa o hilig (appetite) ng
kanyang tungkulin—mapagparaya siya, na sa mga tao, gayundin ang mga Pilipino na kung saan
isang inuman na siya ngunit hindi siya umiinom ang alak ay dapat inilalagak lamang sa tiyan at hindi
ng ganun kadami kung ihahambing sa iba. sa ulo, sapagkat ito ang siyang sentro ng pag-iisip.
Ang pokus niya ay kailangang nasa kapwa. Ito rin ay pinapahayag ng kasabihang Bikolano:

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007


ISANG TAGAY PARA SA PILOSOPIYANG PILIPINO 55

Tigsik ko si Antonio simpleng Juan de la Cruz ay madalas na itinuturing


Kun ika maginom day ipaglaog sa payo na “usapang lasing.”
Ta kun ika magperwisyo Bilang huling pananalita, ang inumang Pilipino
Segurado mabagsak mo sa priso. (Alegre 202) ay hindi isang walang saysay at walang katuturang
paglagok ng alak hanggang abutan ng liwanag at
[Ang tagay na ito ay para kay Antonio mawala sa tamang wisyo. Ang inumang Pinoy ay
Kung ikaw ay iinom, huwag mong pagsasalu-salo ng diwa at isip kung saan ang ako
hayaang umabot sa iyong ulo. ay nilulunod upang maging tayo, kami, at hanggang
Sapagkat ito ay magdudulot sa iyo maging atin. Hindi lamang isang paraan ito upang
ng kapahamakan. maibsan ang nanlulumong katawan mula sa
Ikaw ay maaaring makalaboso maghapong pagbabanat ng buto. Sa pag-ikot ng
o mabilanggo.] baso sa bawat lamesa ng tagayan, masasalamin ang
sentripetal na konsepto ng Pinoy ukol sa buhay na
Samakatuwid, hindi dapat lunurin ng alak ang pag- punung-puno ng pag-asa—sapagkat ang buhay ay
uugali at tamang wisyo. Hindi dapat maapektuhan parang isang gulong, maaaring nasa baba tayo
ng alak ang tamang pag-iisip. ngayon ngunit, dahil sa sipag, tayo ay uunlad din.
Ang mga manginginom ay dapat manatiling At dahil sa iisang sukat ng tagay, lahat ay pantay-
mahinahon at may respeto sa sarili at sa iba. Kaya pantay—dukha man o mayaman, babae man o
ang hamon sa bawat umiinom ay ang pagpapanatili lalaki. Ito ang isa sa mga natatanging pagsasabuhay
ng pagiging mahinahon at magalang. Sa madaling at paulit-ulit na pagpapalawig ng kulturang sariling
salita, sa gitna ng inuman, ang pinakamahalagang atin na nangyayari sa bawat umpukan sa ating bayan.
virtue ay ang kahinahunan (moderation) at Kaya, Pinoy, sapagkat bilog ang mundo, tagay pa!
pagtitimpi (temperance). Lahat ng kalabisan ay
hindi nagdudulot ng kabutihan. Ika nga ng mga
Bikolano: MGA TALA

Tigsik ko si Juan 1
Ang pilosopiya ng rebolusyon ni Bonifacio ay
Kun ika mainom day pakatodo-todo nakabatay sa pananaw niyang ang hindi
Ta kun ika magabuso pagtupad ng pamahalaang Espanya sa mga
Ang buhay mo makaag sa peligro. napagkasunduan ay ang dahilan ng pag-aaklas
(Alegre 202) at madugong rebolusyon (Gripaldo 2004). Ang
nasabing kontrata na ito ay ang pag-ayon ng
[Ang tagay na ito ay para kay Antonio dalawang bansa na magtulungan para sa
Kung ikaw ay iinom, huwag kang iinom kaunlaran ng dalawang panig. Ang bigong
ng labis pagtupad ng Espanya na nakita sa kanilang
Sapagkat kung ikaw ay umabuso, walang habas na pag-abuso at sa maling pagtrato
Ang buhay mo ay mamimiligro.] ng mga prayle sa mga Pilipino ang naging mitsa
para kay Bonifacio upang panigan ang madugong
Dagdag pa dito, dahil sa ang alak ay inilalagak rebolusyon kaysa sa iminungkahi ni Rizal na
sa tiyan lamang, malaya ang utak ng mga Pilipino asimilasyon at reporma lamang. Ang social
na pumili ng mga paksa¯mula sa kaganapang contract na ito ang kauna-unahan at sadyang
pang-araw-araw hanggang sa pulitika. Dahil na rin natatangi sapagkat ito ay ginawa sa pagitan ng
sa malaya ang pag-iisip at diwa sa espirito ng alak, dalawang magkaibang lahi, Pilipino at Kastila,
dito lumalabas ang pilosopikal na pahayag ng mga hindi tulad ng kasunduan nina Hobbes at Locke
Pilipino na hindi na nila halos namamalayan, kaya na sa pagitan lamang ng namamahala at
ang mga paksa at pahayag na pilosopikal para kay nasasakupan ng isang bansa o lipunan.

MALAY
56 B.A. SARZA

MGA SANGGUNIAN Approach Part I, Section 1. Manila: DLSU P,


2004.
Alegre, Edilberto N. Inumang Pinoy. Pasig: Anvil, Mercado, Leonardo. Elements of Filipino
1992. Philosophy. Tacloban City: Divine Word U
Dy, Manuel Jr. Magpakatao: Isang Babasahing Publications, 1974.
Pilosopiko. QC: AdMU , 1979. Timbreza, Florentino T. Pilosopiyang Pilipino.
Gripaldo, Rolando. Filipino Philosophy Traditional Rex, 1982.

TOMO XIX BLG. 3 ABRIL 2007

You might also like