You are on page 1of 1

18A Molave St. Brgy.

Pinagsama, Taguig City 1630


09270530896
Agosto 20, 2019
Bb. Chin Hituma
Chief Executive Officer
Trip Trip Lang Travel Company
Bonifacio Global City, Taguig City

Bb. Chin Hituma,

Ako si Chinita Ann O. Dela Cruz, at ako ay sumusulat sa inyo upang mag-aplay sa posisyon ng
Travel Agent. Ako po ay naniniwala na magagampanan ko ang posisyong ito dahil ako po ay
may pagnanais na matuto at magbagagi ng aking kaalaman at serbisyo sa pamamagitan ng
inyong kumpanya.

Ako po ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Tourism sa Jose Dela Rosa University. Ang
kurso na kinukuha ko ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng kaalaman patungkol sa
pagiging Flight Attendant, Kami rin po ay nagkaroon ng iba’t ibang pagsasanay o On- the- Job
Training sa pagiging Flight Attendant, Ako rin po ay sumubok na maging Travel Agent sa isang
sikat na Travel Agency. At naniniwala ako na lahat ng aking kasanayan na nakuha ay sapat na
upang maging handa para sa trabahong aking ina-aplyan.

Pinili ko ang inyong kumpanya dahil nakikita ko ang sarili ko na umunlad kasama ng ninyo at ng
inyong kumpanya.

Lubos po ang aking kasiyahan kung ako ay isa sa mabibigyan ng pagkakataon na maging parte
ng inyong lumalaki at lumalagong pamilya.

Kalakip po ng sulat na ito ang aking kurikulum-bita upang ako’y inyo pang makilala.

Sumasainyo,

ChinitaAnn Dela Cruz

You might also like