You are on page 1of 11

URI AT REALIDAD, WIKA AT SENSmILIDAD

Maria Stella S. Valdez

Madaling isipin kung bakit napasok ang edukasyon sa sigalot na bumabalot


sa wika ngayon. Imposibleng magkaroon ng makabuluhang edukasyon kung
walang nauunawaang midyum sa pagtuluro. Para sa karamihan sa atin, ang
paglilipat at pagpapalitan ng ideya ay pinamamagilanan ng mga salita. Maging sa
mga may kapansanan sa tainga at mala, salita pa rin ang ginagamit sa pagtuturo sa
kanila-hindi nga lamang naririnig ng mga bingi ngunit kanilang nakikita, at hindi
nga lamang nakikita ng mga bulag ngunit kanila namang nasasalat at naririnig. Nag-
ibayo ang silakbo ng isyu dala ng Artikulo 14 na nakapaloob sa Konstitusyon ng
1987na nagsasabing Filipino ang Pambansang Wika. Nag-alsa ang Cebu nang
ipag-utos ng dating ministro ng Edukasyon na Filipino ang gagamiting midyum sa
pagtuturo sa lahat ng paaralan, sa lahat ng rehiyon. Alam ng lahat na noong 1974,
nagsimulang ipatupad ang Bilingual Education Policy.
Ayon kay Andrew Gonzalez, sa isang daang batang papasok sa elementarya,
animnapu't pito lamang ang makakalapos ng Grade Six. Sa animnapu'y pito
lamang ang makakatapos ng haiskul (Gonzalez 1984). Base sa ganito ring
prodyeskyon, sa bawat latlong estudyameng mag-eenrol sa kolehiyo, isa lamang
ang makakatapos. Sa isangsurvey na isinagawa ng DECS para sa schoo/year 1989-
1990, 9,972,571 ang naka-enrol sa elcmentarya, 3,737,104 ang naka-enrol sa
haiskul at 1,308,000 ang naka-enrol sa kolchiyo. Noong schoo/year ding iyon,
227,118 ang nagtapos sa kolehiyo at 269,011 ang nakapaglapos sa mga programa
ng Livelihood Skills Development (DECS Statistical Bulletin, SY 1989-90). Dahil
hindi naman nag-iiba ang prodyeksyon at reysyo, maaaring gamitin ang isang
kumpletong survey na isinagawa noong schoo/year 1987-88 at 1988-89. Makikita
na sa elementarya, lalampas nang kaunti sa 4% ang bilang ng mga pribadong paa-
ralan. Pagdating sa haiskul, halos 50% na ang bilang ng mga paaralang pribado.
Tuwirang nabaligtad ang proporsyon pagdating sa kolehiyo, dahil ang bilang ng
mga pribadong paaralan sa antas na iyon ay 67% na (DECS Statistical Bulletin, SY
1990).
Isang malinaw na tala ang nakapaloob sa mga numerong nabanggit. Habang
papataas ang antas ng edukasyon, papababa ang bilang ng mga eskwelahang
tinutustusan ng gobyemo, at habang papataas ang antas ng pag-aaral, papababa ang
bilang ng mga nagsisipag-aral. Itnbes na pagtalunan at usisain sa pagkakataong ito

You might also like