You are on page 1of 9

Ang Pilipino sa Makabagong Panahon

Sa isip sa puso sa salita at sa gawa tayo ay tunay na Pilipino


Menu
Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa

Wikang Filipino

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Naisip mo na ba minsan kung saan, kung paano tayo nagsimulang magkaroon ng wikang
pambansa? at nahinuha mo na rin ba kung ano ang magiging kalagayan natin kung wala
tayong wikang pambansa? Gaano ba kahalaga ang isang wika sa isang bansa? at kailan
ito maituturing na wikang pambansa?maraming katanungan na hinahanapan ng kasagutan
at ngayon ay hinahanapan ng kasagutan.

Kahit tayo ay nakatira sa iisang bansa, hindi parin sapat na dahilan upang
tayo ay magkaintindihan dahil hindi natin maikakaila na sa ating bansa ay may
mahigit 80 dialekto na ginagamit dito. Paano magkakaintindihan ang kapwa Pilipino
kung sa dialektong ginagamit nito ay hindi magkapareho? dito na papasok ang
kahalagahan ng wikang pambansa. Isang wika na tuturinging wikang pambansa na siyang
gagamitin ng lahat ng sa ganoon ito ang magsisilbing tulay ng komunikasyon upang
magkaintindihan ang bawat isa.

Kung titingnan natin ang kasaysayan ng wikang pambansa, ito ay nagsimula


bilang Tagalog , naging Pilipino at ngayon ay naging Filipino. Sa katunayan noong
disyembre 30, 1937 iprinoklama ang wikang tagalog na magiging batayan ng wikang
pambansa. Pinagtibay naman ng pambansang asambleya noong hunyo 7,1940 ang batas
komonwelt blg. 570 na ang wikang pambansang Pilipino ay isa ng wikang opisyal noong
Hunyo 4, 1946.

Pinaikli naman ang nakasanayang Wikang Pambansang Pilipino st ito ay naging


Pilipino na lamang na isinaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 ni Kalihim Jose B.
Romero ng Edukasyon noong 1959.

Muli namang binago ang konstitusyon noong 1987 sa ilalim ng dating Pangulong
Corazon C. Aquino kung saan nakasaad sa artikulo 14 seksiyon 6 na: "Ang wikang
pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO samantalang nililinang ito at dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at iba pang wika.

Tunay na hindi madali ang pinagdaanan bago naisakatuparan ang ating


pambansang wika, maraming pagtatalo, pagtutol, pag rebisa, pagbabago at
pagpapayabong sa ating wika. Ikanga sa tanyag na kasabihan ng ating pambansang
bayani na si Dr. Jose Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mahigit pa
sa malansang isda". madaling sabihin ngunit karamihan ay hindi binibigyang halaga
ang naturang kasabihan.

Alinsunod sa Proklamasyon Blg. 1041 na nilagdaan ni dating Pangulong Fidel V.


Ramos. Ipinahayag nito ang taunang pambansang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang
Pambansa tuwing agosto.Dagdag pa nito, ang dating Pangulong Manuel L. Quezon na
itinuturing na ama ng wikang pambansa ay isinilang noong ika-18 ng Agosto 1878 sa
bisa ng proklamasyong ito, nangunguna ang komisyon ng wikang pambansa sa
pagsasagawa ng mga makabuluhan at napapanahong mga programang may kinalaman sa wika
at kulturang Pilipino.

Kaya tuwing sasapit ang buwan ng agosto, tayo ay nagbibigay pugay at halaga ng
ating wika at ibinabandera ang ating pagka-Filipino. Sa puso , sa isip, sa salita
at sa gawa.

Tunay na mahalaga ang ating wikang pambansa, sa tulong ng mga taong naglakas
loob ipaglaban ang nararapat na sa atin at maipasa ang wikang gagamitin sa buong
bansa. Ang pagkakaisa ng bawat isa ang siyang susi ng pagkakaintindihan natin.

Magising sa katotohanan, pahalagahan at patunayan na tayo nga ay tunay na


Pilipino . Paka isipin na tayo ay isinilang na Filipino at mamamatay na Filipino
kaya habang tayo ay nabubuhay pa , gawing makabuluhan ang buhay , pahalagahan ang
wikang pambansa at ipakita at ipadama na tayo ay mga Pilipino.

Agosto: Buwan ng Wika

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Buwan ng wika ang Agosto at ang pagdiriwang ay alinsunod o batay sa proklamasyon


no. 1041 na nilagdaan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 13,1997 na
nag-aatas na ang agosto ay buwan ng wika at nasyonalismo. Sa bisa ng nasabing
proklamasyon sa pangununa ng Komisyon sa Wikang Filipino ay nagsasagawa ng mga
makabuluhang programa na may kinalaman sa wika at kulturang Pilipino. Bawat taon ay
may nakalaang tema na siyang pagbabatayan ng lahat ng gawain sa buwang ito.

Tuwing buwan ng wika, ang mga paaralan mula kindergarten,elementarya at


sekondarya sa mga pribado at pampublikong paaralan hanggang kolehiyo at pamantasan
ay inilulunsad ang mga gawain at programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng buwan
ng wika. Isang natatanging gawain na nagpapatingkad upang maipakita ang pagmamahal
sa wika ng ating mga ninuno at mga bayani .

Ayon kay Pangulong Manuel L. Quezon na kinilala na ama ng wikang pambansa na


ang kanyang kaarawan ay ginugunita at ipinagdiriwang tuwing ika-19 ng Agosto, ang
wikang pambansa ay ang isa sa mga katibayan na dapat taglayin ng bawat mamamayan sa
bansa. Dahil dito, nagsisikap tayo hindi lamang patungo sa pagpapayaman nito upang
maging mabisa ang kasangkapan sa pagpapalawak ng diwa at pagpapalaganap ng kultura.
Ang ating pagka-Pilipino sa isip,salita, gawa, damdamin at sa wikang nagpapahayag
ng kabuuan ng disiplinang Pilipino ang kailangan ng mga mamamayan lalo na ng mga
naglilingkod sa bayan.

Sa pagdiriwang din na ito kadalasang nakikita ang mga mag-aaral at pati na ng


mga guro na nakasuot ng tradisyonal na mga kasuotan na nagpapakita ng iba't ibang
kultura ng bansa, maliban diyan ay naipapakita rin sa mga iba't ibang gawain gaya
ng pagtatanghal ng mga katutubong sayaw, poster making , balagtasan at marami pang
iba. Ang pinaka punto dito ay ang paggamit sa pambansang wika natin.

Kahit tayo ay nasa makabagong panahon na , ang nabanggit na pahayag ng ating


ama ng wikang pambansa at mga paalala ng ating mga bayani ay madama at maunawaan
upang lubos na payabungin ang wikang ating kinagisnan at pinaghirapan.

Programang K to 12: isang biyayang maituturing

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Isa sa pinag-uusapan sa ating lipunan ay ang programang K to 12,


kahit saan ka man pumunta ay hindi maiiwasang ito ay mapag-usapan. Hindi maikakaila
na marami ang tumututol sa programang ito sa kadahilanang dagdag taon at gastusin
na naman, nagkulang ang pamahalaan sa mga paghahanda sa pag implement nito , may
iilang nagsabi na kulang parin ang mga aklat na akma sa bagong kurikulum na
gagamitin ng mga mag-aaral ngayon, bagamat inamin ng kagawaran ng edukasyon na
naantala ang pagpapadala ng mga kagamitan sa mga ibang pampublikong
paaralan.Problema ng paaralan, pasanin sa mga magulang. Iilan lamang ito sa mga
pananaw ng mga mamamayan ngunit kahit ganoon paman ,pagtuunan naman natin ng pansin
ang layunin at kabutihang maidudulot nito.

Ang programang K to 12 ay sinimulang ipatupad ng pamahalaan noong 2012, na


naglalayong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa. Sa buong asya tanging
ang Pilipinas na lamang ang mayroong sampong taon ng basic education, kaya naman
ipinatupad ng pamahalaan at ng kagawaran ng edukasyon ang k-12 kurikulum, sa
programang ito ginawang mandatory ang pagpasok ng mga bata sa kindergarten,
nagkaroon din ng junior high school (grade 7-10)

at senior high school

(grade 11-12).

Layunin ng K to 12 na pataasin ang kalidad ng edukasyon at paunlarin pa ang


ekonomiya ng bansa. Layunin din nito na mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho
kapag natapos ang mga kabataang ito sa hayskul, nasa sapat na silang gulang(18
taong gulang) at sapat n a kakahayan upang maghanap ng magandang trabaho, junior
high school pa lamang ay maaari na silang makakuha ng certificate of competency
level 1, basta makumpleto nila ang requirements ng TESDA at maipagpatuloy ito sa
senior high school upang kapag sila'y makapagtapos, maaari na silang makakuha ng
trabaho at ito ang nakakaganda sa programang ito. Para sa mga kabataang walang
panustos sa pagpapatuloy ng kolehiyo nakatutulong rin ito sa mga kabataan upang
masespecialize ang kursong nais nila.

Iba iba man ang pananaw natin sa programang ito, negatibo o positibo man
ito , maituturing pating biyaya ang programang ito dahil ipinatupad ito para sa
kapakanan rin nating mga Pilipino. Tunay nga na Kabataan ang pag-asa ng bayan kaya
habang maaga pa ay hubugin na sila sa kung ano man ang maging sila sa hinaharap.
dahil malaking tulong sila sa ating lipunan kinabukasan kaya sa kabila ng
negatibong pananaw sa programang ito, biyaya parin ito.

Ang Adbentahe at Disadbentahe ng Programang K to 12

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Ang pinaka layunin ng programa ay pataasin ang kalidad ng edukasyon at


paunlarin pa ang ekonomiya ng bansa at maihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho
kapag ito ay nakapagtapos na ang sekondarya ngunit hindi rin natin maiwasan na iba
iba ang pananaw ng mga tao pagdating sa usaping ito, may magaganda mayroon din
namang masasama. Anu-ano nga ba ang adbentahe at disadbentahe nito?

Unahin natin ang adbentahe ng programang K to 12. Naihahanda ng mga kabataan na


pumasok ng kolehiyo na buo at sapat na kung mag-isip , fully mature kung ito ay
tawagin sa wikang ingles. Sa dalawang taong gugugulin nila sa senior high school
(grade 11 at 12), inaasahang natukoy na nila at alam na nila kung ano nga ba ang
gusto nilang maging sa kinabukasan.Malaking tulong ang mga trak at strands na ini
offer ng programa upang lubusang maintindihan, maunawaan at matukoy nila kung ano
nga ba ang nababagay sa kanila. Maliban diyan, isa pang adbentahe na makukuha ay
kapag nakumpleto nila ang Senior High School at natapos ito, makakakuha sila ng
certificate of competency level 2 basta makompleto lang nila ang requirements ng
TESDA at maaari na silang makakuha ng trabaho ayon sa skills o kasanayan na
natutunan at nahasa nila sa dalawang taon nila sa paaralan.

Sa kabilang banda mayroon din namang disadbentahe ang programa at ito ay


kadalasang paunang reaksyon ng mga taong hindi lubusang naintindihan kung ano nga
ba ang K to 12 at ang layunin nito. Isa sa nakitang adbentahe nito ay ang
karagdagang dalawang taon sa pag-aaral bago makapagtapos ng sekondarya, sa
sitwasyong pampamilyang Pilipino , hindi natin maikakaila na maraming anak ang
kailangan pang tustusan sa pag-aaral ng mga magulang kaya ang karagdagang dalawang
taon sa pag-aaral ay maututuring talagang disadbentahe, matagal na , magastos pa.
Kakulangan din sa kagamitan sa kadahilanang na antala ang pagpapadala ng mga
materyales sa pampublikong paaralan kaya ang nangyayari ay hindi sapat at akma ang
aklat na ginagamit sa bagong kurikulum.

Umaani man ng iba't ibang pananaw hinggil sa naturang isyu, paga-isipin at


unawain na lamang kung ano man ang layunin nito. Hindi naman ito inimplementa ng
basta basta , dumaan ito sa proseso at naipasa. Malawakang pag-unawa at pagsuporta
sa programa ang kinakailangan upang magkaintindihan.Lahat rin naman ito ay para sa
kapakanan at kabutihan ng ating kabataan. Mayroon mang mga adbentahe at
disadbentahe , ang mahalaga ay tinanggap parin ito at patuloy na inuunawa at
patuloy na sinusuportahan.

Ang Makabagong Guro ng 21st Century

You can replace this image with one of your own.

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga guro sa buhay ng mga mag-aaral.


Ang mga guro ang nagsisilbing pangalawang magulang at ang humuhubog sa kung ano at
maging ano man sila sa hinaharap mula pisikal, mental, emosyunal, ispiritwal,
hinuhubog nila ang kanilang kabuuan habang sila ay nag-aaral pa. Mula noon hanggang
ngayon tunay talagang maaasahan ang ating mga guro kaya naman dahil tayo ay nasa
makabagong panahon, pag usbong ng teknolohiya, maraming taon din ang iginugol ng
mga guro upang sila ay makasabay sa teknolohiya at matutunan ito dahil malaking
tulong din ang teknolohiya sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dahil sa sila ay
nakasabay na , ang mga guro ay tinatawag na makabagong guro ng 21st Century. Sinu-
sino nga ba sila?

Ang mga makabagong guro ay may mga kakayahan na nagpapabilang sa kanila sa


pagiging makabagong guro at ito ay ang mga sumusunod: sila ay may mataas na
kakayahan (highly competent), marunong mag kontrol ng emosyon ( emotionally
stable), malikhain,inobatibo,marunong mag-isip ng kritikal (critical thinker),
(problem solver), mayroon din silang komunikatibong kasanayan( communicative
skills), kalakip nito ang pagiging matulungin, kolaboratibo, marunong makisalamuha
sa kapwa at interaktibo. Mayroon din silang impormasyon, media at kasanayan sa
teknolohiya lalo na ngayon na ang mga mag-aaral ay millenial na kaya dapat na
nakakasabay din sila. Bihasa din sila sa biswal at maraming kaalaman , basic,
siyentipiko at bihasa sa teknolohiya ay dapat makita rin sa kanila.Maliban diyan
ang mga makabagong guro ay may life at career skills, kasanayan sa trabaho at
propesyon nito, sila rin ay flexible,madaling makibagay, responsable at nakikitaan
ng pagiging lider, mayroong intiative, may kasanayang sosyal at kultural, sila rin
ay produktibo , may etikal, moral at spiritwal na kaugalian.

Lahat ng naisulat sa itaas ay palatandaan ng isang makabagong guro. Sa haba


haba ng panahon, unti unti ring nagbabago ang mga guro tungo sa ikabubuti,
ikakaunlad ng nakararami. Kung ganito ang mga guro sa 21st century hindi nalalayo
na ang kabataan natin ngayon ay mayroong magandang kinabukasan dahil sa ngayon pa
lamang ay naihahanda ait naihuhubog rin sila ng mga guro natin , mga guro natin na
mga makabago. Mga makabagong guro sa 21st Century.
OBE, Ang Bagong Kurikulum ng Programang K to 12

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Sa mga taong nagdaan, maraming kurikulum din ang ating napagdaanan, katulad na
lamang ng UBD, BEC at RBEC at ngayon na naipasa at naimplementa na ang programang
k to 12, binago na rin ang kurikulum na gagamitin at ito ang OBE.

Ang Outcomes-based Education (OBE) ay isang teoryang edukasyonal na


ibinatay ang bawat bahagi ng sistemang edukasyon sa mga kalabasan (outcomes) nito
batay na rin sa layunin nito. Pagkatapos ng talakayan o pagkatapos ng isang aralin,
inaasahan na ang bawat mag-aaral ay makakamit ang layunin. Walang ispesipikong
istilo ng pagtuturo o pag asess ng OBE, bagkus ang oportunidad, ebalwasyon,
talakayan ay dapat nakakatulong upang makamit ng mga mag-aaral ang spisipikong
kalalabasan ( specified outcome) kaya malaki ang ginagampanang papel ng mga guro sa
pagkuha at paggamit ng mga mag-aaral nito. Sila ang gagabay at magpapaintindi sa
kanila.Maraming bansa narin ang gumagamit ng kurikulum na ito tulad na lamang ng
Australia, South Africa, United States, Hongkong, Malaysia at marami pang iba. At
ngayon , ang bansang Pilipinas na naman ang susubok nito.

Mayroong mga benepisyo ang makukuha sa OBE, isa na diyan ang klaridad o
clarity, ang pokus sa kalabasan ay lumilikha ng malinaw na ekspektasyon kung ano
man ang dapat na makamit pagkatapos ng kurso. Pleksibilidad/Flexibility- dahil
malinaw na ang inaasahang kalabasan, madaling malaman ng mga guro kung paano
bubuuin ang kanilang aralin ayon sa kailangan ng mga mag-aaral.
Pagkukumpara/Comparison- Sa institusyonal na lebel , ikinukumpara ang kanilang
sarili at sinusuri kung ano bang kalabasan ang pareho o kumon na siyang pagtutuunan
ng pangsin upang mas payabungin at paunlarin.At ang panghuli ay Pakikilahok. Ang
pakikilahok ng mga mag-aaral sa mga gawaing pang silid-aralan ang siyang susi ng
OBE. Inaasahan na ang mga mag-aaral ay matututo at lubusan ng nakakaintindi sa
bawat modyul na ibinibigay sa kanila dahil sila ay responsable sa kanilang sariling
pagkatuto.

Sa kurikulum na ito , tanging tagagabay na lamang ang mga guro . 30% na


lamang ang partisipasyon nila habang 70% naman ay nakaatas sa mga mag-aaral . Sil
mismo ang matututo at gagawa ng ayon sa natutunan nila sa tulong ng pagabay ng mga
guro dahil kahit malayang pagkatuto ang ginagawa nila , hindi nawawala ang guro
dahil andiyan parin sila upang mag facilitate. Tunay na maganda ang kurikulum na
OBE dahil natitiyak na ang kalabasan nila ay aplikasyon sa lahat ng natutunan nila
sa buong kurso.

Wikang Filipino : Payabungin , Paunlarin

Ethel O. Adarne June 9, 2017

Sa bawat araw na tayo ay nakikipag usap sa ating kapwa, ginagamit natin


ang sting wika upang tayo ay lubusan pang magkaintindihan. Wikang Filipino ang
pangkalahatang ginagamit sa buong bansa dahil ito rin ang ating wikang pambansa.

Hindi natin maikakaila na kalimitan lamang sa atin ang gumagamit at


nagbibigay halaga sa ating wika . Kadalasan napapahalagan lamang ito kapag
sumasapit na ang buwan ng agosto , dahil ipinagdidiriwang ang buwan ng wika.
Alinsunod sa konstitusyon blg. 1041 na nagsasaad na ipagdidiriwang sa buwan ng
Agosto ang buwan ng wika. Kalakip niyan , pinagtibay rin ng Konstitusyon noong
1987 kung saan nakasaad sa artikulo 14 Seksiyon 6 na "Ang wikang pambansa ng
Pilipinas ay Filipino". Sa tulong ng pangunguna ng Komisyon ng Wikang Filipino
KWF , na siyang nagpapaunlad at nagpapayabong ng ating wika. Kaya sa tuwing buwan
ng wika , maraming gawain ang inilulunsad upang higit na mapagtibay at mapaunlad pa
ang ating wika.

Sa pangkalahatan, Hindi lang dapat ang KWF ang gumawa ng aksiyon bagkus
pati na tayo mga mamamayang Pilipino . Sa paggamit ng ating wikang kinagisnan araw-
araw, pagbibigay pugay at pakikilahok sa mga gawain tuwing buwan ng wika ,
pagpapaunlad , pagpapayabong at paggamit nito sa kahit saang sulok man ng mundo ,
pagpapanatiling Pilipino sa puso, sa isip at sa gawa , sa pagkakaisa ng bawat isa,
mas napapigting ang Wikang Filipino.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Guro

Ethel O. Adarne June 12, 2017

Ang gampanin ng isang guro ay napakahalaga, nakasalalay sa kanila ang pagkahubog


ng isang mag-aaral kaya bilang guro, may nararapat na katangian na siyang
magpapatunay na siya ay isang mabuti at produktibong guro.

Narito ang iilan sa mga katangian ng isang mabuting guro:

1. Matalino- bilang guro, dapat ay mayroon siyang kakayahang mental, sapat o


higit pang kaalaman dahil tungkulin ng guro na magturo at magbahagi ng kaalamang
kanyang nalalaman.

2. May kontrol sa Emosyon- dapat kontrolado ng guro ang emosyong kanyang


ipanapakita, mayroong disiplina sa sarili at mahaba ang pasensya.

3. Mapamaraan- Isa rin sa katangian na dapat taglay ng guro ay ang pagiging


mapamaraan , alam ang pasikot-sikot sa mundong ginagalawan , kasama narin diyan ang
pagiging malikhain, inobatibo at malawak ang pag-iisip.

4. Compassion- mabait, pala-kaibigan, magalang at alam na no man is an island.

5. May positibong pananaw sa buhay- Ang mabuting guro ay marunong balansihin


ang pagkakaiba-iba ng buhay at sinasanay ang positibong bahagi ng kanyang buhay.

6. Refinement- ang wastong galaw/kilos, pananalita at pustura ng isang guro ay


dapat na makita.

7. Kaaya-aya - Ang guro ang pinakamahalagang biswal eyd sa loob ng silid-


aralan kaya nararapat na malinis,maganda ang postura at tindig nito. Ang sinusuot
niya ay nararapat ayon sa kanyang propesyon mula ulo hanggang paa.

8. Lakas ng loob- walang guro na mahiyain, kaya dapat lang na may tiwala sa
sarili at lakas ng loob dahil ang guro ay palaging nakaharap sa kanyang mga mag-
aaral.

Maraming katangian ang mga guro at kung ito ay lalahatin, iilan lamang ito sa
mga katangian na nagpapakita ng isang mabuting guro. Lalo na na ang mga guro ay
isang huwaran sa lahat kaya nararapat na tularan.
Ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE)

Ethel O. Adarne June 12, 2017

Sa pag implementa ng programang K to 12, naipakilala rin ang Mother Tongue-


Based Multilingual Education (MTB-MLE) na kadalasang nagagamit ng kindergarten,
Grade 1,2 at 3 upang suportahan ang layunin na bawat bata ay A-reader at A-writer.
(Every Child A-Reader and A-Writer)

Ang MTB-MLE ay nangangahulugang "first-language-first". Ibig sabihin na sa


pagsisimula ng pag-aaral ay nagsisimula dapat sa mother tongue. Hinihikayat nito
ang aktibong pakikilahok ng mga batang mag-aaral sa proseso ng pagkatuto sa
kadahilanang sila ay nakakaintindi sa kung ano man ang maitatalakay at ang
maitatanong sa kanila. Madali nilang magamit ang kanilang mother tongue o
kinagisnang diyalekto upang higit na maipaliwanag ng maayos, madagdagan ang mga
ideyang naiisip at mabigyan ng bagong konsepto ang mga bagay na alam na nila.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 12 medyor na wika o lingua franca na dapat


gamitin bilang batayan sa pagtuturo at ito ay ang mga sumusunod:

tagalog, chabacano,maranao, cebuano,


bikol,maguindanawon,iloko,kapampangan,tausug,waray,pangasinense at hiligaynon.

Mayroon mang pagbabago at pakikibagay na nagaganap (adjustments) sa pagitan


ng mga guro at mag-aaral dahil hindi ito ang kanilang nakasanayan, bago man sa
kanilang karanasan ngunit ito naman ay matututunan at makakasanayan. Mainam din
itong paraan upang higit na mapalawak at maibahagi ng mag-aaral ang nais ipahayag
na hindi nahihirapan sa wikang gagamitin dahil sa MTB-MLE, malayang makakapag
salita ng tuloy tuloy ayon sa kung ano ang nasa puso at isip niya.

Academic Track ng Senior High School

Ethel O. Adarne June 12, 2017

Ang Senior High School (SHS) ang huling dalawang taon ng programang K to 12 na kung
saan napapabilang ang Grade 11 at 12. Ang dalawang taon na idadagdag ay naglalayong
mahubog ng kaalaman at kasanayan na siyang tutulong na maihanda ang magandang bukas
sa daang tatahakin. Mataas na edukasyon, trabaho at negosyo.

Mayroong mga academic tracks ang Senior High na siyang maghahanda sa mag-aaral
na may planong magpatuloy ng kolehiyo at mayroong apat na strand:

a. ABM- Accountancy, Business at Management

b. STEM- Science,Technology, Engineering at Mathematics

c. HUMSS- Humanities at Social Science

d. GENERAL ACADEMIC

Ang susuno na tatlong track ay humuhubog sa mag-aaral ng kasanayang kailangan


upang makahanap ng trabahonh gusto nila:

ARTS and DESIGN- ang track na ito ay may siyam (9) na asignatura at walo nito ay
nangangailang ng 80 oras bawat semestre.
SPORTS- ang trak na ito ay may siyam(9) na asignatura, kabilang dito ang kaligtasan
(safety) at paunang lunas (first aid), kilusang pantao (human movement), coaching,
Sports Officiating at Sports Leadership.

TVL- ang trak na ito ay may siyam (9) na asignatura (kilala rin bilang TVL track
subjects) at TESDA specialized subjects.

a. Home Economics

b. Agri-Fishery

Nagbubukas ng maraming pagkakataon ang magtapos ng Senior High School il, ilan
dito ay ang pag-apply ng TESDA certificate of competency (COCs) at National
Certificate (NCs) para sa mabuting trabaho, magkaroon ng pagkakataong makakuha ng
kursong pang enterpreneur upang lumawak ang kaalaman sa basic business management
at kasanayan na magagamit sa negosyong gustong itayo pagkatapos ng Senior High at
malaking tulong rin ang mga asignaturang natutunan sa SHS pagdating ng kolehiyo.

Insert blog post title here

You can replace this image with one of your own.

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for
you to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you.

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for
you to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you.

I'm a paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for
you to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you. I'm a
paragraph. Click here to add your own text and edit me. I'm a great place for you
to tell your story and let your visitors know a little more about you.

I like this page (1)


Comments
Click here to write your message

Write your name here


Write your email here
Send me an email when there is a follow up
Add comment
Share this page
Share on Facebook
Share on Twitter
Create a website
Everybody can create a website, it's easy.

Try it for FREE now


This website was created with SimpleSite
Get Your own FREE website. Click here!000701

You might also like