You are on page 1of 3

Ang wikang Filipino ba ay atin pang pinahahalagahan? Nabibigyang pansin pa ba ito?

At
kung magiging wasto pa ba ang paggamit ng wikang Filipino ng mga susunod na
henerasyon?

Ito ay ilan lamang sa mga tanong na pumapasok sa ating isipan tuwing tayo ay
nakaririnig ng mga Pilipinong bihasang-bihasa sa pagsasalita ng wikang banyaga.
Humahantong pa nga sa isang pagkakataon na kung saan tayo mismo ang nagiging
banyaga sa sarili nating wika.

Simula noong inaprubahan ni dating pangulong Benigno Aquino III ang programang K-
12, nagkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, bilang tugon sa
napapanahong sistema ng edukasyon sa iba’t ibang bansa. Ito rin ang dahilan kung
bakit kailangan din baguhin at ayusin ang kurikulum para sangayunan ang nararapat na
matutunan ng mga estudyante sa kasalukuyang panahon.

Noong taong 2013, napagdesisyonan ng Commission on Higher Education (CHED) na


magtanggal ng anim na yunit ng Filipino para sa papasok na mag-aaral ng kolehiyo sa
taong 2018. Ang CHED Memorandum Order (CMO) bilang 20 serye 2013 ay
naglalayong gawing 36 yunits ang orihinal na 63 yunits ang General Education
kurikulum para sa kolehiyo na siyang naging sanhi ng pagkakadismaya ng mga ilang
propesor sa Filipino.

Si Dr. Randy Din, isang propesor sa Colegio na eksperto sa wikang Filipino, ay hindi
sumasang-ayon sa panukalang ito. Aniya kung sakaling itiwalag ang asignaturang
Filipino sa kolehiyo ay magkakaroon ng malaking epekto ito sa mga estudyante.

Noong nagdesisyon ang CHED na tanggalin ang asignaturang Filipino, mayroong mga
guro na nagawang ipaglaban ang kalagayan na ito.

Ang Tanggol Wika, isang organisasyon na pinangungunahan ni Dr. David San Juan na
galing sa De La Salle University at iba pang mga guro sa Filipino sa bawat lugar sa
Maynila ay nagtipon upang mapanatili ang Filipino sa pag-aaral sa paparating na mga
estudyante sa kolehiyo.

Ang mga kasapi ng organisasyon ng Tanggol Wika ay agad na nakipag-ugnayan sa


CHED patungkol sa nasabing memorandum. Dito naipagtanggol ng Tanggol Wika ang
sariling atin. Samantala, noong Abril 2015, naghain ng Temporary Restraining Order
(TRO) ang Korte Suprema panandaliang pahintuin ang layunin ng CHED na tanggalin
ang asignaturang Filipino hangga’t wala pang pormal na hatol kung nararapat ba nila
itong isagawa o hindi.

Tuwing Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika kung saan binibigyan natin
ng kahalagahan at pansi hindi lamang ang ating wika pati na rin ang ating pagiging
Pilipino. Dito rin natin inaalala ang ating mga ninuno na nanguna at nagtanggol sa ating
wika. Tulad na lamang ni Jose Rizal, Manuel L. Quezon at marami pang iba.

Magagawa pa rin ba nating maipreserba ang kanilang pinahirapan at ipinaglaban?


Magagawa pa rin ba nating bigyang importansya ang sariling atin kahit ang panahon
ngayon ay mabilis nang nagbabago?
Ang pagtanggol ng ating mga kababayan sa pagpapanatili ng Filipino sa kurikulum ay
isa lamang patunay na tayo ay mayroon paring respeto sa ating kultura at pagmamahal
sa kinagisnang wika na siyang naging parte at humulma ng ating kasaysayan, kultura, at
pagka-Pilipino.

Naninindigan kami na ang wikang Filipino ay buháy na teorya at praktikang


mahalaga sa pagbubuo ng bansa. Naninindigan kaming higit na
mapaglilingkuran namin ang mas malawak na mamamayan gamit ang wikang
Filipino.

Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa


pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang kakayahan
ng mga mag-aaral at mamamayan, anuman ang kanilang kurso, disiplina at
larangan ng pagpapakadalubhasa. Hindi pag-uulit ang pag-aaral ng wika at
panitikan sa kolehiyo, bagkus ay pagpapalawig sa teorya, praktika, at silbi nito
sa pamantasan, bansa, at buhay.

Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan.

Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili – at patuloy


na paunlarin – ang Wikang Filipino at Panitikan bilang mga batayang kurso sa
General Education Curriculum sa kolehiyo.

You might also like