You are on page 1of 11

Lailanie L.

Gonzaga 18-13091

BSED Fil. 2-1

Kurikulum sa Batayang Edukasyon

Sa mga nakalipas na taon, ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay anim na


taon sa Elementarya samantalang apat na taon ang ginugugol sa Sekondarya. Ngunit
kasabay ng nagbabagong panahon ay ang mga reporma sa edukasyon sa ating bansa.
Matatandaan na sinimulang ipatupad ng Kagawaran ng Edukasyon ang K to 12 o
Kindergarden + 12 taon ng basic education noong Hunyo ng taong 2012.

Ano nga ba ang K to 12 basic education program?

Ang K to 12 basic education program ay ang kasalukuyang umiiral na sistema ng


edukasyon sa Pilipinas na pinagtibay ng The Enhanced Basic Education Act of 2013 o
Republic Act No. 10533 na pinirmahan noong ika-15 ng Mayo 2013. Sa nasabing
bagong sistema ng edukasyon, anim na taon ang gugugulin ng isang mag-aaral sa
Elementarya, apat na taon sa tinatawag na Junior High School, at karagdagang
dalawang taon para sa Senior High School.

Ang Universal Kindergarten ay nagsimula noong S.Y. 2011 to 2012. Sinimulan


naman ang pagbabago sa kurikulum ng Grade 1 at Grade 7 (first year ng Junior High
School) noong S.Y. 2012 to 2013 at magpapatuloy na babaguhin ang kurikulum sa mga
susunod na school year. Ang Grade 11 ng Senior High School ay sisimulan sa S.Y.
2016 to 2017 at ang Grade 12 ay sa S.Y. 2017 to 2018. Ang unang batch naman ng
mga high school student na sumailalim sa K to 12 ay makapagtatapos sa Marso ng
taong 2018.

ILLUSTRATION 1 (Source: www.gov.ph)

Sa ilustrasyon na makikita sa itaas, mapapansin na nadagdagan ng dalawang


taon ang nakagisnan nating sistema ng edukasyon. Kung dati, apat na taon na lamang
ang ginugugol ng isang mag-aaral para sa high school ay dinagdagan ito ng dalawang
taon upang mas lalong mapaghandaan ang kolehiyo.
Mula sa Kindergarten hanggang Grade 6 ng Elementarya ay wala namang
nagbago. Ngunit pagsapit ng high school ay nahahati ito sa dalawa: ang Junior High
School (mula Grade 7 hanggang Grade 10) at ang Senior High School (mula Grade 11
hanggang Grade 12). Samakatuwid, inaasahan na nasa 18-taong-gulang na ang isang
mag-aaral bago makatapos ng high school.

ILLUSTRATION 2 (Source: www.gov.ph)

Ayon sa Department of Education, may anim na importanteng dulot (tingnan ang


Illustration 2) ang K to 12 program na mas dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa mga
negatibong dulot ng bagong sistema lalo’t sa mga dagdag na bayarin sa mga paaralan.

Una na rito ay ang pagpapatibay sa Universal Kindergarten o ang


pinakapundasyon ng edukasyon ng mga bata. Bawat bata ay maaaring makapagsimula
makapag-aral sa pamamagitan ng Universal Kindergarten. Sa edad na 5, nagsisimula
na silang matuto ng mga simpleng bagay na makapaghahanda sa kanila para sa
pormal at mas mataas na lebel ng edukasyon.

Lumalabas sa pag-aaral na ang mga bata na nagdaan sa Kindergarten ay mas


nakukumpleto ang buong taon ng pag-aaral hanggang high school kumpara sa mga
hindi sumailalim ditto. Isa rin sa pinakaimportanteng dulot nito ay ang kahandaan ng
isang mag-aaral para sa edukasyon niya sa Elementarya.

Kritikal din ang Kindergarten dahil ang edad 0 hanggang 6 ng isang bata ay
pinaniniwalaang panahon kung saan nag-dedevelop ang kanyang utak ng animnapu
hanggang pitumpung porsyento. Sa panahon ding ito natututunan ng mga mag-aaral
ang alpabeto, mga bilang, hugis, kulay, at iba’t ibang laro, kanta, at sayaw gamit ang
kanilang lingua franca.

Ikalawa sa magandang dulot ng K to 12 ay ang pagbabago sa kurikulum base sa


pangangailangan ng mga mag-aaral. Ang mga gagamiting halimbawa, pagsasanay,
kanta, tula, mga istorya at larawan ay base sa local na kultura, kasaysayan at realidad.
Sa ganitong paraan, mas madaling matututunan ng mga mag-aaral ang aralin gayundin
lalawak ang kanilang pang-unawa sa bawat leksyon. Kasama rin sa kurikulum ang mga
napapanahong isyu tulad ng Disaster Risk Reduction (DRR), Climate Change
Adaptation, at Information and Communication Technology (ICT).

Ikatlo sa mga layunin ng K to 12 ay ang pagiging bihasa ng mga mag-aaral sa


kanilang sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito sa kanilang mga aralin. Layon
nito na mas mapaintindi sa mga mag-aaral ang mga aralin gamit ang kanilang Mother
Tongue o pangunahing wika. Labingdalawang wika ang ginagamit na sa kurikulum
simula S.Y. 2012 to 2013. Kabilang dito ang Bahasa Sug, Bikol, Cebuano, Chabacano,
Hiligaynon, Iloko, Kapampangan, Maguindanaoan, Meranao, Pangasinense, Tagalog,
at Waray. Ang iba pang dayalekto ay gagamitin na rin sa mga susunod na mga taon.

Maliban sa dayalekto, tinuturuan din ang mga mag-aaral ng Ingles at Filipino


simula Grade 1 upang mas lalong maiaplay ang mga ito sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Sa pagsapit naman ng Grade 4 hanggang Grade 6, ginagamit na ang
mga wikang ito bilang “medium of instruction.” At pagdating ng mga taon ng Junior High
School at Senior High School, ito na ang kanilang magiging pangunahing wika na
gagamitin sa lahat ng asignatura.

Sa layuning ito, inaasahan na pagkatapos ng Grade 1 ay nakapagbabasa na ang


bawat mag-aaral gamit ang kanyang sariling wika o dayalekto depende sa lugar na
pinanggalingan. Sa ganitong paraan, ang kanilang Mother Tongue ang magsisilbing
pundasyon upang mas mabilis na matutunan ang mga wikang Filipino at Ingles.

Ikaapat sa layunin ay ang tinatawag na “spiral progression” pagdating sa mga


asignatura na matututunan ng mga mag-aaral mula elementarya hanggang high school.
Sa pamamagitan ng spiral progression, elementarya pa lamang ay maaari nang
matutunan ng mga mag-aaral ang mga asignatura tulad ng Biology, Geometry, Earth
Science, Chemistry, at Algebra. Ang magbabago lamang ay ang lebel o antas ng
leksyon sa mga nasabing asignatura.

Sa kasalukuyang kurikulum ng high school, itinuturo ang Biology sa second year


high school, Chemistry sa third year high school, at Physics sa fourth year high school.
Ngunit sa K to 12, ang mga nasabing asignatura ay ituturo mula Grade 7 hanggang
Grade 10.

Ikalimang aspeto na pinagtutuunan ng pansin ng K to 12 ay ang Senior High


School kung saan inaasahan na mas magiging handa ang bawat mag-aaral sa
anumang larangan na kanilang pipiliin sa kolehiyo.

Pagdating sa Senior High School, maaaring mamili ang mag-aaral kung saan
niya gusto mag-specialize base sa magiging resulta ng aptitude, sa kanyang interes, at
sa kapasidad ng paaralang pinapasukan. Kung anuman ang kanyang mapipili, doon din
ibabase ang mga asignatura na kanyang aaralin sa Grade 11 at Grade 12.
Pitong learning areas ang nasa ilalim ng core curriculum ng Senior High School.
Kabilang dito ang Languages, Literature, Communication, Mathematics, Philosophy,
Natural Sciences, at Social Sciences.

Maaari ring mamili ang mag-aaral ng Senior High School sa tatlong maaari
niyang tahakin na larangan: Academic, Technical-Vocational-Livelihood, at Sports and
Arts. Sa ilalim ng Academic track, maaaring kumuha ng Business, Accountancy,
Management (BAM); Humanities, Education, Social Sciences (HESS); o Science,
Technology, Engineering, Mathematics (STEM). Para mas lalo ring mapili ang larangan
na gustong ipagpatuloy, maaaring magkaroon ng immersion ang mga mag-aaral upang
makita nila ang aktwal na karanasan ng mga nagtatrabaho sa mga nabanggit na
larangan.

Pagkatapos ng Grade 10, maaaring makakuha ang mag-aaral ng tinatawag na


Certificates of Competency (COC) o National Certificate Level I (NC I). Kapag naman
nakatapos ang mag-aaral ng Technical-Vocational-Livelihood sa Grade 12, makukuha
na niya ang National Certificate Level II (NC II) na isa sa mga pinakaimportanteng
sertipikasyon upang mapabilang sa assessment ng Technical Education and Skills
Development Authority o TESDA. Ang NC I at NC II ay maaaring maging daan ng mga
mag-aaral upang makapasok sa larangan ng Agrikultura, Electroniks, at Trade.

Noong S.Y. 2012 to 2013, nasa 33 pampublikong high school, pampublikong


technical-vocational high schools, at higher education institutions (HEIs) na ipinatupad
na ang mga ito sa Grade 11. Isa itong Research and Design program upang masuri ang
iba’t ibang aspeto ng Senior High School bilang preparasyon nito sa kabuuang
implementasyon sa S.Y. 2016 to 2017.

Ikaanim at pinakaimportanteng dulot ng K to 12 sa mga mag-aaral ay ang


pagiging handa nila sa anumang larangan na kanilang gugustuhin pagkatapos ng K to
12 kabilang na ang pakikipagsabayan sa global standard ng edukasyon.

Pagkatapos ng Kindergarten, bagong kurikulum sa elementarya at Junior High


School, at specialized na Senior High School program, inaaasahan ng Department of
Education na ang mga nagsipagtapos na mag-aaral ay handa na sa larangang kanilang
pipiliin – ipagpatuloy man ang edukasyon sa kolehiyo, piliin na magtrabaho agad, o di
kaya naman ay magtayo ng sariling negosyo. Baon nila sa mga larangang ito ang mga
kasanayan sa impormasyon at teknolohiya, media, komunikasyon, at iba pa.
Gonzaga, Lailanie L.

BSED FIL. 2-1 // 18-13091

PANUNURING PAMPANITIKAN
BALANGKAS NG PAGSUSURI

I. Pamagat

Ang Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?

Ni Lualhati Bautista

Ito ay isang nobela na isinulat ng batikang babaeng manunulat na si Lualhati


Bautista. Hinggil ito sa ginaganapang papel ng babae, katulad ng may-akdang si L.
Bautista, sa lipunan ng mga Pilipino na dating pinaiinog lamang ng mga kalalakihan.

Ito ang paksang tinatalakay at inilalahad sa nobelang ito na may 32 kabanata.


Sinasalaysay ng katha ang buhay ni Lea, isang nagtatrabahong ina, may dalawang
anak – isang batang babae at isang batang lalaki – kung kaya’t makikita rito ang
paglalarawan ng pananaw ng lipunan tungkol sa kababaihan, pagiging ina, at ang kung
paano ganapin ng ina ang kaniyang pagiging magulang sa makabagong panahon.

II. May Akda

Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong manunulat.


Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kuwento, pero
nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula.

III. Tauhan

1. Si Lea Bustamante ay isang mapag-aruga at mapagmahal na ina kay Ojie at


Maya. Nagtratrabaho siya sa isang organisasyon na kung saan ipinaglalaban
ang karapatan ng tao o isang human rights organization. Nagkaroon ng
dalawang asawa at matiyagang binubuhay ang kaniyang dalawang anak.
Naniniwala siya na mas mainam na sabihin na agad ang totoo sa mga bata
kaysa malaman pa nito sa iba.
2. Si Raffy ang naging unang asawa ni Lea at iniwan niya nang magkaroon ng
trabaho sa Surigao. Siya ang ama ni Ojie. Bumalik sa Maynila upang makasama
ang kaniyang anak. Mayroon na rin itong asawa at magtatatlong buwan na itong
buntis. Gusto niyang isama si Ojie sa Amerika upang makapiling na niya ito
3. Si Ding naman ang pangalawang asawa ni Lea. Siya ang ama ni Maya. Naging
karamay ni Lea sa mga panahong hindi nabibigay ang nais ni Lea kay Raffy.
Laging naroon sa kaniyang nanay
4. Si Ojie ang panganay na anak ni Lea na nais sanang dalhin ni Raffy sa
Amerika. Kahit na kinaiinisan si Maya ay mahal na mahal niya ito at nais niyang
ipakilala sa kaniyang tatay.
5. Si Maya ang bunsong anak ni Lea. Masayin at madadal . Nanalo ng Ms. Kinder
sa kanilang paaralan.
6. Si Johnny Deogracias ang katrabaho ni Lea at kung minsan ay tumutulong ito
sa kaniya at may nangyari sa kanila. Dinakip siya ng mga pulis at kinasuhan ng
PDA.
7. Si Mrs. Zalamea ang principal ng pinapasukang paaralan ng mga anak ni Lea,
nagalaskahan silang dalawa ng unang magkita at nagakita ng paghanga kay
Lea dahil kayang-kaya ni Leang lumaban sa karapatan ng tao ngunit siya ay
hindi dahil nasa kapahamakan ang kaniyang trabaho kung saka-sakali siyang
lumaban.

IV. Mga Tagpuan

A. Pook

 Sa bahay ni Lea nangyari ang halos lahat ng pangyayari sa nobela.


 Sa mall at karnibal nagkita muling si Lea at Raffy at nagbonding kasama ang
mga bata.
 Sa eskuwelahan nagsimula ang nobela sa paggradwayt ni Maya sa Kinder at
dito rin nagtapos ang nobela sa paggradwayt ni Ojie at ang pagbigay ni Lea ng
talumpati.
 Sa loob ng kuwarto ng principal nagkasagutan si Lea at ni Mrs. Zalamea na
kalaunan ay naging mabuting magkaibigan.
 Sa trabaho ni Lea inilahad sa nobela ang ginagawa ng isang miyembro ng
organisation kung paano nila ipinaglalaban ang karapatan ng bawat tao.
 Manila ang pinanggaganapan ng kuwento sapagkat naisaad dito ang nangyari sa
pagkamatay, paglibing kay Ninoy Aquino at pagprotesta ng mga tao laban sa
gobyerno.

B. Panahon

Ang nobela ay isinulat sa panahon ng Martial Law na kung saan ipinahayag sa


nobela ang patayang nagaganap sa bansa, ang pagpatay kay Aquino sa airport at ang
pagprotesta ng mamamayan.
V. Buod

Ang Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa?

Ni Lualhati Bautista

Nagsimula ang nobela sa pagmamartsa ng magtatapos sa kinder, isa si Maya,


ang anak ni Lea kay Ding ay gragradwayt ng oras ng iyon. Bago simulan ang
pagbibigay ng honors ay may inilatag na isang programa ang paaralan, yung ay ang
Ms. Kinder ’83, kasali si Maya sa mga kalahok. Hindi hinayaan ni Lea na lagyan ng
kahit na anong panretoke sa mukha o kahit lipstick man lang si Maya dahil naniniwala si
Lea na ang ganda ng isang bata ay wala sa mayk-up o kung anong kolorete sa mukha.
Tumulo ang luha ni Lea nang tanghaling Ms. Kinder ang anak, dali-dali niya itong
pinicturan ngunit ubos na ang kaniyang film. Ginawaran din si Maya bilang third honors.
Nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay ni Lea na kung saan ang karamihan sa
kanilang bisita ay mga bata, dumating naman si Pilar sa kanilang bahay at inalok si Lea
na isali si Maya sa contest ng Johnsons Johnsons at iisponsoran nito ang bata ngunit
ayaw na itong isali ni Lea sa kahit na anong contest. Nasa trabaho si Lea nang mga
oras na iyon nang tumawag si Raffy sa kaniya upang sila’y muling magkita at magka-
usap.

Humingi si Raffy ng pabor kung maaaring makasama niya si Ojie, pumayag


naman si Lea at agad na sinabi ito kay Ojie, ngunit hindi sang-ayon dito si Ding,
nagpumilit namang sumama si Maya, at mahigpit na binilinan ito ni Ding na alamin ang
bawat kilos ni Lea at Raffy. Nang magkitang muli ang mag-amang Ojie at Raffy ay
masayang-masaya ang dalawa, pumunta sila sa isang karnibal at doon nagkaroon ng
pagkakataon na magka-usap muli ng masinsinan sina Raffy at Lea, dito na umiyak
nang umiyak si Lea sa paglalabas ng sama ng loob nito kay Raffy, nalaman ni Lea na
mayroon na palang bagong asawa si Raffy at tatlong buwang buntis na ito. Tumira si
Ojie sa kaniyang ama sa loob ng isang buwan at pinayagan naman ito ni Lea ngunit
ayaw itong paalisin ni Ding dahil wala raw makakasama si Maya sa bahay pero wala
nang magagawa pa si Ding.

Nang makabalik na si Ojie sa bahay ni Lea ay nagpatuli naman na ito, bagamang


onse ayos pa lang ay gusto na nitong magpatuli. Nagka-usap muli sina Lea at Raffy at
sinabi ni Raffy na gusto niyang isama si Ojie sa Amerika. Araw na nang pasukan at
sinamahan na ni Lea si Maya sa silid nito, nalito pa ang guro sapagkat akala nito ay De
lara din ang apelyido ni Maya. Nagkaroon ng isang miting ang lahat ng magulang sa
eskuwelahan at nagpakilala ang bawat magulang. Nainis si Lea at nung siya na ang
magsasalita ay sinabi nito na huwag nang sayangin pa ang kanilang oras. Nagbotohan
naman sila ng officers at may isang lalaki doon na laging isinasali ang pangalan ni Lea
sa mga kandidato, muli ay nainis siya at saka nagsalita nang nagsalita. Nang mabasa ni
Lea ang balita ay dali-dali itong pumunta ng kaniyang opisina upang malaman ang
nangyaring pagkamatay ni Ninoy Aquino, laman ito ng balita at libo-libong tao ang
nagprotesta dahil sa nangyari.Natapos na ang unang kuwarter ng pasukan at ibinigay
na sa mga bata ang kanilang report card at dahil sa malalim na pag-iisip ni Lea ay
nagkapalit nang pirma ito sa report card ng mga bata, kaya naman nagbigay siya ng
sulat sa guro nito na kung maaari ay baguhin na lang at magbabayad na lamang siya,
pero ang sabi ng mga guro ng mga bata ay kanilan siyang kausapin ng principal. Nang
magka-usap ang principal at si Lea ay nalaman ng principal ang trabaho ni Lea at
humanga ito sakaniya dahil kaya niyang ipaglaban ang karapatan ng tao.

Naging magkaibigan si Lea si Mrs. Zalamea. Nasa trabaho si Lea nang tumawag
ang kaniyang kapitbahay at ibinalita rito na naospital ang kaniyang mga anak.
Pagdating niya sa ospital ay bukol sa ulo ang natamo ni Ojie at gasgas naman ang kay
Maya, galit na galit na dumating sina Ding at Raffy, nanermon nang nanermon ang
dalawa na para bang siya lahat ang ay kasalanan sa nangyari, dahil din sa galit ni Lea
ay iniwan niya ang mga bata sa kani-kanilang ama. Dahil sa inis ay tinawagan ni Lea si
Johnny ay niyayang manood ng sine, pagkatapos nito ay inalok ni Lea si Johnny na
makipag-anohan sa kaniya, nung una ay ayaw nito pero kalaunan ay pumayag na rin.
Nang makalabas na ng ospital ang kaniyang mga anak ay naghanda siya ng kaunti
upang makabawi sa mga ito dahil sa hindi niya pagdalaw. Pagkaraan naman ng gabi ay
tumawag ang asawa ni Johnny kay Lea at ibinalita rito ang pagkakakulong ni Johnny sa
salang PDA.

Sumapit ang pasko at bagong taon, walang Ding na umuwi sa bahay ni Lea
ngunit nang umuwi ito ay sinabi ni Ding na may asawa na siya at nagpakasal sila noong
pasko, at gusto nitong isama si Maya. Natapos ang nobela sa pagpili ng kaniyang mga
anak na sumama na lamang sa kaniya kaysa sa kanilang mga ama at ang paggradwayt
ni Ojie ng elementarya.

VI. Teoryang Pampanitikan

1. Feminismo- Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ni Lualhati Bautista ay


gumamit ng dulog na Feminismo sapagkat babae ang pangunahing tauhan ng nobela,
ipinakita sa nobela kung gaano katatag si Lea sa mga pagsubok na dumating sa
kaniya, naipakita rin ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang dalawang anak na kung
saan na kahit na may posibilidad na sumama ang kaniyang mga anak sa kani-kanilang
ama pero hinayaan niya pa rin ang mga ito na sila mismo ang pumili at magdesisyon
kung kanino sila sasama. Pinakita rin sa nobela ang pakikipagsabayan ng mga
kababaihan sa mga kalalakihan na kung saan mas pinili ni Lea na kaniyang trabaho
kaysa kay Raffy, naisaad din sa nobela ang mga palaban na kababaihan sa paglalaban
nila sa kanilang karapatan. Naipahayag din ang pagsali ng mga kababaihan sa protesta
laban sa nagaganap na Martial Law sa bansa.
III. Mga Pansin at Puna

A. Sa Tauhan

1. Lea Bustamante- Siya ay maituturing na isang uri ng tauhang lapad sapagkat


mula umpisa ay hindi nagbago ang ugali at pananaw niya sa kaniyang buhay.
Pinakita rin sa nobela kung gaano siya katatag na ina sa kaniyang mga anak.
2. Raffy- Siya ay isang uri ng tauhang lapad dahil hindi nagbago ang pakitungo
nito kay Lea at ang pagmamahal nit okay Ojie, nandoon pa rin ang kaniyang
paglalaban na alagaan na lamang ni Lea ang mga bata kaysa sa magtrabaho
pa ito sa organisasyon.
3. Ding- Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat sa huli ay nagbago ang
kaniyang pag-ibig kay Lea at nagpakasal sa iba.
4. Ojie- Siya ay isang uri ng tauhang bilog sapagkat noong una ay sumusunod ito
kay Lea pero kalaunan ay naging pabaya ito sa pag-aaral at nakita na lamang ni
Lea na nagsusugal ng pool kasama ang matatanda.
5. Maya- Isang uri ng tauhang lapad si Maya dahil hanggang sa huli ay ang
pagmamahal niya kay Lea ang naging dahilan sa pagpili niya rito kaysa sa
pagsama sa kaniya.
6. Johnny Deogracias- Isang uri ng tauhang lapad si Johnny dahil hanggang sa
huli ay hindi nagbago ang kaniyang pananaw at pinaglalaban niya pa rin ang
karapatan ng tao kahit na siya ay nakulong na.
7. Mrs. Zalamea- Isang uri ng tauhang bilog dahil ng unang magkita sila ni Lea at
parang hindi ito gusto si Lea at sa huli ay naging mabuting magkaibigan silang
dalawa.

B. Istilo Ng Awtor

Ang istilong ginamit ng may-akda ay pinaghalo niya ang wikang Ingles at


Filipino. Karamihan sa parte ng kaniyang nobela ay ang kasalukuyang kaganapan ng
mga panahon na iyon. Mas umiiral din ang pagiging ina ng may-akda dahil
mararamdaman ito ng mambabasa sa katauhan ni Lea, na kahit anong mangyari ang
kaniyang anak at sarili pa rin ang kaniyang pipiliin.

C. Galaw ng Pangyayari

Kawil-kawil ang bawat pangyayari may pagkaaksunod-sunod ang mga ideya at


ipinararating sa nobelang ito hindi ka mawawala sa pagkakasuno-sunod at
napakalabong ikaw y mailto sa bawat pangyayari. Ang diyalogo ng bawat tauhan sa
nobela ay makikita sa kanilang edad. Halimbawa na lang nito ay kay Maya na kung
saan makikita ang kainosentehan nito sapagkat tanong ito nang tanong na nangyayari
naman talaga sa ibang batang katulad niya. Si Lea na kung saan ang pananalita niya
ay makikita ang pagiging isang ina nito.

VIII. Bisang Pampanitikan

A. Bisa sa Isip-. Ang nobelang Bata, Bata…Pa’no ka Ginawa ay maituturing kong


isang napakagandang nobela sa panahon ng Martial Law. Bagaman nakapokus ang
nobela sa karapatan ng mga kababaihan sa mundong ibabaw, ipinahayag din sa nobela
ang mga pangyayaring naganap ng Martial Law. Hindi man ganap na isinaad sa nobela
kung sino ang taong nasa likod ng Martial Law, malalaman kaagad na tungkol ito sa
Martial Law sapagkat nabanggit ang pagkamatay ni Ninoy sa airport at ang protesta ng
napakaraming tao. Para saakin, mas mainam pa rin ang magbasa ng mga makalumang
nobela sapagkat may malalaman kang impormasyon tungkol sa nangyari sa lipunan
noong panahon, kaysa sa mga nobelang nababasa ngayon tulad ng sa wattpad, puro
pag-ibig at nakatuon lamang sa tauhan ang kuwento, pero ang nobela talaga ay
naglalaman ng mga pangyayari sa lipunan.

B. Bisa sa Damdamin- Si Lea ay maituturing na kababaihan sa modernong panahon


dahil sa ipinaglalaban niya ang kaniyang karapatan bilang babae sa lipunan. Maraming
parte sa nobela ang isinaad ang pakikipaglaban ni Lea sa karapatan ng bawat tao sa
lipunan, kung gaano kasaklap ang mga nangyayari sa isang pamilyang iniwan ng ama,
o di kaya’y nakulong o pinatay. Kahit pa na babae ang isang tao, makakaya niyang
gawin ang isang bagay kung gugustuhin niya at kaya na nitong makipagsabayan sa
mga kalalakihan, hindi na lamang ito pambahay. Mahirap din ang maging isang ina
sapagkat lahat ay kaniyang ginagawa para lamang sa kaniyang mga anak, si Lea ay
isang halimbawa ng babaeng matapang at mapagmahal. Lahat ng ina ay gagawin ang
ikakabuti sa kanilang anak.

C. Bisa sa Kaasalan- Sa lagay ni Lea na dalawa ang naging anak sa magkaibang


lalaki, hindi na ito bago sa panahon ngayon, mayroon pa nga na iba’t ibang lalaki ang
ama ng isang anak dahil sa kung sino-sino lang ito nagpapaano. Malungkot man isipin
pero ganito na ang nangyayari sa lipunan ngayon, mas pinapairal ang puso kaysa utak.
Sarap bago hirap. Kapag nagbunga ang ginawa, iiyak, pagkatapos kapag hindi
pinanagutan ng lalaki, ipapalaglag ang bata o di kaya ay magsu-sucide.

IX. Aral na Nakapaloob

Ang “Bata, Bata.. Pa’no ka Ginawa” ay isang nobelang isinulat ng batikang


manunulat na si Lualhati Bautista. Tungkol ito sa mga dating Filipinong babae na asawa
lang dapat ng kalalakihan. Napakagandang nobela na kung saan malalaman ang mga
nangyari sa lipunan ng panahong isinulat ito at ang katatagan ng isang ina na may
dalawang anak sa magkaibang lalaki. Gumaganap lamang ang mga babae bilang ina
na gumagawa lamang ng mga gawaing bahay, taga pag-alaga ng mga
pangangailangan ng asawa o kaya ng mga bata, wala silang karapatan at hindi
nararapat na makielam ayon sa nakaugalian hinggil sa paksa at usaping panghanap-
buhay at larangan ng politika. Subalit nabago ang gawi at anyo ng katauhan ng mga
kababaihan sa lipunang kanilang ginagalawan sapagkat nagbago rin ang lipunan.
Nabuksan ang mga pintuan ng tanggapan para sa mga babaeng manggagawa,
nagkaroon ng lugar sa pakikibaka para mapakinggan ang kanilang mga daing hinggil sa
kanilang mga karapatan, na buhay ang kanilang kaisipan na may tinig sila sa loob at
labas man ng tahanan.

X. Mga Mungkahi

A. Sa Lipunan- Sa lipunang ating ginagalawan napaka laki ng nakokontribusyon na


tulong ng mga kababaihan sa ating lipunan, kababaihan ang siyang nag-aaruga sa
kanilang may-bahay at mga anak at mga kababaihan ang nagpapalago an gating
lipunan o bilang ng populasyon. Pahalagahan ang bawat gamit natin sa lipunan.

B. Sa ekonomiya- Ipinapakahulugan ng mga pandaigdigang organisasyon ang "gender


equality" sa mga tuntunin ng mga karapatang pantao, lalo na sa mga karapatan ng
kababaihan, at pagpapaunlad ng ekonomiya. Kung may pagkakapantay- pantay hindi
magkakaroon ng kahit na anumang problema sa pagtingin sa mga kababaihan,
mungkahi ko na mas magiging balnase ang lahat kung kaya nating tumayo sa ating
mga sariling paa.

C.Sa sarili- maging inspirasyon ito sa mga babaihan maging isang matibay na bagay
na tatayo hindi para ikumpara ang sarili sa lakas na meron sa mga kalalakihan. Maging
mabuting tao bilang may dangal sa kababaihan at tumayong produktibo sa lipunan,
huwag magkasilaw at pagpa-api sa kaisipang “babae ka lang”.

You might also like