You are on page 1of 37

K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA?

(ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL


NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Holy Cross College

Akademikong Taon 2019 -2020

(Ikalawang Semestro)

Dalumat ng/sa Filipino

K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA?

(Isang Pananaliksik Hinggil Sa Pagpapanatili O Pagpapatanggal Ng K – 12 Kurikulum Mula Sa Iba’t –

Ibang Pananaw: Guro, Magulang, Mag – Aaral)

(Bachelor of Elementary Education

Bachelor of Science in Development Communication)

Isinumite nina:

Arias, Camille

Guevarra, Ruselle Joy

Manalad, Elisa

Manaloto, Realyn

Paguinto, Reiza Mae Isinumite kay:

Pelayo, Karen Gng. Belen Velasco

Reyes, Jhyra Angel Propesor sa Dalumat ng/sa Filipino

HOLY CROSS COLLEGE 1


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pag-aaral na ito ay kabilang sa isa sa mga dapat isumite para sa kalagitnaang termino

ng ikalawang semestro sa Dalumat ng/sa Filipino. Ang pamanahong papel na ito ay mula sa

Kurso ng Bachelor of Elementary Education at Bachelor of Science in Development

Communicatopn na kasalukuyang kumukuha sa asignaturang Dalumat ng/sa Filipino. Ang mga

sumusunod na pangalan ay ang mga mag-aaral na nakilahok at nakibahagi sa naging pag-aaral na

ito at ipinagtibay ang mga ito ng kani-kanilang mga lagda.

Arias, Camille

Guevarra, Ruselle Joy

Manalad, Elisa

Manaloto, Realyn

Paguinto, Reiza Mae

Pelayo, Karen

Reyes, Jhyra Angel

Ang pag-aaral na ito ay naisumite base sa mismong araw ng katapusan ng pagpasa sa

propesor na siyang nakalagda sa ibaba na mula sa Kagawaran ng Filipino sa Holy Cross College

Sta. Ana, Pampanga. Lahat ng naging proseso sa pagsasagawa ng pag-aaral, paggawa ng

pamanahong papel na ito at iba’t-ibang paraan sa pagsasaliksik ay alinsunod sa gabay at

direksyon na ibinigay ng propesor at ang lagda nito ang nagsisilbing patunay sa naging pagsunod

sa bawat panuto sa paggawa.

Gng. Belen Velesco

Propesor sa Dalumat ng/sa Filipino

HOLY CROSS COLLEGE 2


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Dahon ng Pasasalamat o Pagkilala

Una sa lahat nagpapasamalat ang mga mananaliksik sa Panginoon dahil hindi nila ito

matatapos kung wala ang kanyang patnubay, sa pagbibigay niya ng lakas sa mga panahong

pinanghihinaan sila ng loob at sa pagbigay niya ng kaalaman upang gamitin nila sa kanilang

pananaliksik. Pangalawa, sa kanilang pinakamamahal na magulang na walang sawang sumuporta

sa kanilang pag-aaral at sa pagsuporta sa kanilang pangangailangan lalong lalo na sa problemang

pang-pinansyal. Pangatlo, sa kanilang kagalang-galang at masipag na guro na si Ginang Belen

Velasco sa pag gabay niya at pagbigay ng mga ideya para mapalawak pa nila ang kanilang

kaalaman sa paggawa ng pananaliksik na ito. Gayundin sa kanilang mga kagrupo na naglaan at

nagbuhos ng oras at pagod para matapos ang kanilang pananaliksik. Sa lahat ng mga taong

naging bahagi ng kanilang pananaliksik dahil kung wala sila ay hindi magiging epektibo at

makabuluhan ang pananaliksik na ito. Muli, maraming salamat sa lahat.

HOLY CROSS COLLEGE 3


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Talaan ng Nilalaman

PAMAGITANG PAHINA ………………………………………………………………….....1

Dahon ng Pagpapatibay……………………………………………………………………..2
Dahon ng Pasasalamat………………………………………………………………………3

KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO…………………………………...5

Introduksyon……………………………………………………………………………......6
Layunin ng Pag-aaral…….…………………………………………………………………8
Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………………………..8
Saklaw at Limitasyon………………………………………………………………………10
Depinisyon at Terminilohiya……………………………………………………………….11

KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA……………………..13

KABANATA III: DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK……………………………..15

Disenyo ng Pananaliksik…………………………………………………………….......…16
Respondente……………………………………………………………………………......16
Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………………….....18

KABANATA IV: PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS ………………19

Mga Katanungan sa Sarbey………………………………………………………………...20


Graf 1. Kabuuang Grap Mula sa Pananaliksik………………………………….....…..……22
Kabuuang Talaan ng mga Datos……………………………………………………………23

KABANATA V: LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON …………………………26

Lagom………………………………………………………………………………...........27
Konklusyon………………………………………………………………………………...28
Rekomendasyon……………………………………………………………………………30

MGA PANGHULING PAHINA……………………………………………………….….......31

Listahan ng mga Sanggunian……………………………………………………………….32

PAKIKIPANAYAM KAY PRESIDENT ATTY. DENNIS C. PANGAN………………………….33

Mga Gabay na tanong sa Pakikipanayam……………………………………………………34

HOLY CROSS COLLEGE 4


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KABANATA I:
ANG
SULIRANIN AT
KALIGIRAN
NITO
HOLY CROSS COLLEGE 5
K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

INTRODUKSYON

Ayon sa Department of Education, ang K – 12 ang sagot sa bumabagsak na

kalidad ng edukasyon at ekonomiya ng bansa.

Taong 2012-2013 ay naipatupad at naimplementa na sa lahat ng paaralan sa Pilipinas ang

programang K – 12. Nilalayon nitong pataasin ang kalidad ng edukasyon, paunlarin pa ang

ekonomiya ng bansa at makasunod sa standards ng ibang ibansa, tinatawag nila itong

harmonization lalo pa at tanging ang Pilipinas na lamang sa Asya ang mayroong 10 taon ng

basic education. Ayon kay Ramon Guillermo, Ph.D. (Philippine Studies, UP Departamento ng

Filipino at Panitikan ng Pilipinas), sinasabing napag-iiwanan na ang Pilipinas at nagiging sagabal

sa labor mobility ang kakulangan ng 2 taon, kung kaya ipinatupad ng pamahalaan at ng

Kagawaran ng Edukasyon ang K – 12 Kurikulum. Sa pagpapatupad nito ay naging mandatory

ang pagpasok ng mga bata sa Kindergarten, at ang noong highschool na apat na taon lamang ay

naging anim na, apat na taon sa Junior Highschool (grade 7 – 10) at dalawang taon naman sa

Senior Highschool (grade 11 – 12).

Kaakibat ng pagpapatupad ng pamahalaan sa K – 12 ay ang isa pa nitong layunin na

mas ihanda ang mga kabataan sa pagtatrabaho. Sinasabi nilang nasa wastong gulang (18 taong

gulang) na ang mga kabataan kapag sila’y nakapagtapos na hanggang Senior Highschool at

mayroon na silang sapat na kakayahan upang makakuha ng magandang trabaho, basta

makumpleto nila ang mga kailangan ng Technical Education and Skills Development Authority

at makakuha sila ng certificate of competency level 1. Ayon sa Chairperson ng Commission on

Higher Education na si Patricia Licuanan, ay magiging handa na ang mga estudyanteng

nakapagtapos ng senior highschool sa pagtatrabaho.

HOLY CROSS COLLEGE 6


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Maganda ito, lalo na para sa mga walang panustos para ipagpatuloy ang kanilang

pag-aaral sa kolehiyo. Ngunit nagkaroon ng mga negatibong reaksyon ang ibang mga tao rito.

Sinasabing dahil sa maaari nang makapagtrabaho ang mga kabataan pagkatapos ng senior

highschool ay iilan na lamang ang nanaising magpatuloy at makapagtrabaho ng kolehiyo dahilan

upang babaan ang badyet sa edukasyon. Nitong nakaraang dalawang taon ay ang pagtatapos ng

mga naging unang pangkat ng senior highschool ng K – 12 Kurikulum. Lumitaw na hindi

tinanggap ng mga kompanya ang mga estudyanteng nag-apply ng trabaho sa kanila na

nakapagtapos lamang ng senior highschool dahil hindi pa daw sapat ang naging walumpung oras

(80 hrs) na OJT nila.

Dahil sa mga lumitaw na depekto sa pag-iimplementa ng K – 12 Kurikulum ay

binatikos ito ng iba at mayroong mga nais na ipatanggal na ang K – 12 Kurikulum. Sa

pamanahong papel na ito ay kukuhanin ng mga mananaliksik ang opinyon ng iba’t-ibang panig

mula sa mga gurong nagtuturo ng K – 12, mga magulang na may anak na nakapagtapos at/o

kasalukuyang nag-aaral ng K -12 at mga mag-aaral. Ito ay upang malaman ang kanilang pahayag

at palagay sa pagpapanatili o pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum. Ito rin ay upang matuklasan

ang mga naging epekto ng K – 12 Kurikulum sa mga kabataang nakapagtapos na ng senior

highschool. Para rin masagot ang mga katanungan na pag-eeksperimento lamang ba talaga ang

ginawa ng pamahalaan sa mga naunang pangkat ng senior highschool, at kung dagdag pasanin at

gastusin lamang ba talaga ito sa mga magulang at estudyante.

HOLY CROSS COLLEGE 7


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay mayroong limang layunin na kailangang matugunan at

masagot ng mga mananaliksik sa katapusan ng pamanahong papel na ito.

1. Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang naging epekto ng K – 12 Kurikulum sa

mga naging una nitong pangkat nitong nakalipas na dalawang taon.

2. Upang matukoy ang bilang ng mga sang-ayon sa pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum

3. Upang matukoy ang bilang ng mga sang-ayon sa pagpapanatili ng K – 12 Kurikulum.

4. Upang malaman ang opinyon, pananaw at persepyon ng mga magulang, guro at mag-

aaral tungkol sa pagpapanatili o pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum.

5. Upang mabigyang linaw sa mga mambababasa kung natugunan ba ng K – 12 Kurikulum

ay layunin nitong masagot ang bumabagsak na kalidad ng edukasyon at ekonomiya ng

bansa.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa taong 2012-2013 ipinatupad ang pagkakaroon ng K – 12 Kurikulum sa bansang

Pilipinas. Maraming mag-aaral at kabataan ang hindi mawari ang opinyon hingil sa

pagpapatupad nito. Maraming katanungan ang bawat isa tungkol dito. K-12 nga ba ang sagot sa

kaunlaran ng ating bansa? O, ito ba ay dagdag gastos at taon sa mga mag-aaral? Handa ba ang

gobyerno sa pagpapatupad nito? Marami ba ang sang-ayon na ipatanggal ang K – 12 Kurikulum

HOLY CROSS COLLEGE 8


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

sa bansa? Marami bang sang-ayon sa pag-iimplementa ng K – 12 sa bansa? Maraming tanong

ang pumasok sa mga mag aaral, guro at magulang hingil sa K – 12. Ayon sa CHED, ang isang

mga-aaral na nakapagtapos na ng K – 12 ay handa na upang makapagtrabaho at may nakalaan ng

trabaho para sa kanila. Marami pang dapat tuklasin sa pag-aaral na ito. Ang pag-aaral na ito ay

maaaring maging daan upang malaman ng mambasa kung ano nga ba ang K – 12 at marami nga

bang hindi sang-ayon sa pagpapatupad nito. At dapat na nga bang ipatanggal ito sa ating bansa.

Ginawa ang pananaliksik na ito upang maibahagi sa iba kung ano ang tunay na layunin ng

gobyerno tungkol sa K – 12. Sa limang (5) gabay ng layunin ng paksang ito ay makakatulong sa

mambabasa upang maunawaan at malaman kung ang K – 12 Kurikulum ay dapat bang

ipatanggal o panatilihin at ipagpatuloy pa.

Maraming mga mag-aaral at mga magulang ang unang tumatanggi sa pagbabagong ito.

Para sa mga magulang at mga mag-aaral, dagdag gastos ito dahil tatagal ang ilalagi ng isang bata

sa paaralan. Ang K-12 program ay nahahati sa Kindergarten, Primary Education, Junior High

School, at Senior High School. Sa kabila ng pagpapatupad ng K-12 program ay maraming

katanungan ang gustong masagot ng mga magulang at bawat isa hingil dito. Ano nga ba ang

kabutihang dulot ng bagong sistemang ito? Ano nga ba ang epekto nito sa mga kabataan at

mamayang Pilipino? Ang pag aaral na ito ay susi upang lubos na maintindihan at maunawaan ng

mga mambabasa kung ano ang kahalagahan ng paksang ito.

Para sa mga mag-aaral. Magiging malay sila sa layunin ng K – 12 Kurikulum at kung

ano ang magiging dulot nito sa kanila bilang mag-aaral. Madadagdagan ang kanilang kaalaman

tungkol sa kahandaan ng mga guro sa K – 12 Kurikulum. Magkakaroon sila ng determinasyon sa

pag-aaral dahil sa bagong ideya na kanilang nalaman.

HOLY CROSS COLLEGE 9


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Para sa mga guro. Madadagdagan ang kanilang kaalaman na maaaring makatulong sa

kanilang mga mag-aaral. Maaari rin nila itong maging sanggunian sa isang pamanahong papel.

Para sa mga magulang. Mahalaga ang pag-aaral na ito para lubos na maunawaan ng

mga magulang ang ibig sabihin o ipahiwatig ng K – 12 Kurikulum. Malalaman nila ang

importansya ng K – 12 sa kanilang mga anak.

Para sa ibang mga mananaliksik. Maraming impormasyon ang kanilang makakalap na

maaaring ibahagi sa ibang tao para magsilbing gabay sa kanila. Maaari din silang magkaroon ng

bagong ideya tungkol sa mga bagay-bagay na hindi nila maintindihan.

SAKLAW AT LIMITASYON

Kinakailangan ba talagang tanggalin ang K – 12 Kurikulum? Ano ang dahilan ng

pagpapatanggal dito? Ano ba ang naidulot ng K – 12 Kurikulum sa mga kabataang nakatapos

nito?

Saklaw ng pag-aaral na ito ang dahilan kung bakit ipinatupad ang K – 12 sa bansa

kasama na rin kung natugunan ba ng maayos ang pagpapatupad dito. Kaugnay din nito ang mga

datos na kinalap ng mga mananaliksik gamit ang isang sarbey-kwestyuneyr kung saan

nakapaloob ang mga opinyon ng mga respondente. Ang mga katanungan ay nakatuon sa mga

isyung kinakaharap ng organisasyon na may kaugnayan sa pagpapatanggal at pagpapanatili ng K

– 12 Kurikulum sa ating bansa. Ang respondente ng pagaaral na ito ay nakatuon sa mga

estudyanteng nakapagtapos ng K – 12 at kasalukuyang nag-aaral dito, mga magulang na may

HOLY CROSS COLLEGE 10


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

nakapagtapos ng anak sa K – 12 at mga guro na nagtuturo dito. Binubuo ang sarbey ng

dalawampung (20) katanungang sinasagot ng OO, HINDI, AT PWEDE. Ayon sa DepEd,

ipinatupad ang K – 12 upang pataasin ang kalidad ng edukasyon at upang paunlarin ang

ekonomiya ng bansa ngunit hanggang ngayon ay marami parin ang nagsasabing hindi sapat ang

pondo at hindi handa ang bansa sa pagpapatupad nito. Kung kaya't sa pagaaral na ito ay

sinusubukang makuha ang opinyon ng mga respondente ukol sa pagpapatanggal o pagpapanatili

ng K – 12 Kurikulum. Kinuhanan ng opinyon ng mga mananaliksik ang mga estudyanteng

nakapagtapos ng programa at kanilang mga magulang, gayundin ang mga gurong nagtuturo ng

nasabing programa upang makuha ang kanilang opinyon kung dapat bang ipatanggal ang K-12.

Sa huling parte ng pananaliksik na ito ay nakasaad ang mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik sa pamamagitan ng isang sarbey. Ang pag-aaral na ito ay hindi ginawa upang

isulong ang pagpapatanggal ng K – 12 program sa bansa kundi bigyang linaw ang opinyon ng

mga tao ukol dito.

DEPINISYON AT TERMINOLOHIYA

K – 12 – ito ang programang ipinatupad ng pamahalaan at ang kagawaran ng edukasyon na

naglalayong tulungan ang ating mga kabataan at pantayan ang sistema ng edukasyon, hindi

lamang sa buong Asya kung hindi sa buong mundo.

Pagpapatanggal – paglalayong ‘ialis’ o ‘ibasura’ ang K – 12 Kurikulum.

HOLY CROSS COLLEGE 11


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Pagpapanatili – paglalayong ‘ipagpatuloy’ ang K – 12 Kurikulum.

Guro – isang tao na nagbibigay ng edukasyon para sa mga mag-aaral.

Magulang – nakagisnan, sumusuporta at gumagabay sa kanilang mga anak.

Mag-aaral – sila ang tinuturuan ang mga guro para mas lalong malinang ang kanilang kaalaman.

Gobyerno – isang organisasyon na may kakayahan na gumawa at magpatupad ng batas.

Opinyon – ito ay base sa sariling ideya o pananaw.

Datos – ano mang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.

Deskriptibo – ito ay detalyadong paglalarawan.

Pananaliksik – ito ay naglalayong humanap ng solusyon at ibang impormasyon.

Kurikulum – ito ay Sistema ng edukasyon.

Respondente – isang instrument at malaking tulong sa isang pananaliksik.

Sarbey-Kwestyuner – isang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos.

DepEd – Department of Education.

CHED – Commission on Higher Education.

TESDA – Technical Education and Skills Development Authority.

HOLY CROSS COLLEGE 12


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KABANATA II:
MGA
KAUGNAY NA
PAG-AARAL AT
LITERATURA
HOLY CROSS COLLEGE 13
K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang pag-aaral na ito ay nais tumugon sa mga katanungan ng mga mambabasa ukol sa

tunay na naging kinalabasan ng K – 12 Kurikulum sa mga mag-aaral na nagsipagtapos ng

dagdag na dalawang taon. Sa pananaliksik na ito ay matutugunan rin ang mga katanungan ng

mga mambabasa ukol sa mga magandang naidulot ng K – 12 at kung dapat ba itong ipagpatuloy

o panatilihin. Ang pagsasaliksik na ito ay hindi pinanigan ang magkasalungat na opinyon ukol sa

nasabing pag-aaral sa K – 12 Kurikulum. Marahil alam ng nakararami na ang K – 12 ay dagdag

na dalawang taon sa highschool, na ngayon ay ginawang Senior Highschool (Grade 11 at 12) na

may magandang hangarin sa mga tao at sa bansa mismo. Katulad na lamang ng layunin nitong

maihanda ang mga mag-aaral sa kolehiyo at malinang ang kanilang mga kakayahan para sa

hinaharap kapag sila ay nagtatrabaho na. Isa pang layunin nito ay ang makasabay ang Pilipinas

sa ibang mga bansa sa larangan ng edukasyon at ekonomiya lalo pa’t tanging ang Pilipinas na

lamang sa Asya ang mayroong sampung taon ng basic education. Ayon sa mga eksperto, tama at

maganda ang K – 12 Kurikulum para sa mga mag-aaral ngunit inaamin na ang preparasyon ng

panahon ay kulang upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat kurso sa

iba’t-ibang paaralan kung kaya’t naging negatibo ang pananaw ng mga tao rito.

HOLY CROSS COLLEGE 14


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KABANATA III:
DISENYO AT
PARAAN NG
PANANALIKSIK

HOLY CROSS COLLEGE 15


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong

disenyo kung saan ito ay naglalarawan upang magbigay kahulugan sa imbestigasyon ng isang

paksa. Ang deskriptibong disenyo ay nakapokus sa “ano” ng pag-aaral kaysa sa “bakit” nito. Mas

pinahahalagahan ng disenyong ito ang pananaw o opinyon ng mga respondent ng hindi na sila

tinatanong kung bakit iyon ang kanilang opinyon. Ang deskriptibong disenyo ay sinisugurong

ang mga datos na makakalap mula sa sagot ng mga respondent ay patas at hindi sa paraang gusto

ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng instrumentong sarbey-kwestyuneyr

kung saan sinusukat ang opinyon ng mga tao sa isang paksa ng hindi tinatanong kung bakit iyon

ang naging sagot ng mga respondente. Ang pangunahing dahilan kung bakit deskriptibong

pananaliksik ang ginamit na disenyo ay upang maipakita ang opinyon o saloobin ng mga

respondente ukol sa pagpapatanggal o pagpapanatili sa K – 12 Kurikulum. Ang pag aaral na ito

ay hindi pumanig sa kahit anong pananaw ng mga respondente kung hindi, ito ay naglalayong

magbigay linaw sa napiling paksa.

RESPONDENTE

Ang mga respondenteng kinuha ay ang mga taong may iba’t-ibang responsibilidad

sa buhay. Sampu (10) mula sa mga guro na nagtuturo sa senior high school, sampu (10) sa mga

magulang na mayroong anak na nakapagtapos na ng senior high school at sampu (10) sa mga

mag-aaral na kasalukuyang nasa senior high at nakapagtapos na ng grade 12. Ito ay para

HOLY CROSS COLLEGE 16


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

masiguradong patas ang magiging bawat pananaw ng mga respondente at maging patas ang

makakalap na datos mula sa mga sasagot ng sarbey. Lahat ng mga respondent ay hindi nautusang

sumagot sa paraang gusto ng mga mananaliksik, ito ay base sa kanilang sariling pananaw at

obserbasyon. Ang mga katanungang inihanda ng mga mananaliksik ay tungkol sa mga naging

epekto ng K – 12 Kurikulum sa nakaraang dalawang taon.

Ang mga nakatala sa ibaba ay ang mga pangkat na kinabibilangan ng mga

respondente, ang bilang ng mga napili at dahilan ng pagpili.

 Mag-aaral na nakapagtapos o kasalukuyang nag-aaral ng K – 12 Sampu (10)

(nagmula sa iba’t-ibang paaralan)

 Upang malaman ang kanilang opinyon ukol sa pagpapanatili at/o

pagpapatanggal sa K – 12 Kurikulum at ano ang naging epekto ng K – 12

Kurikulum sa mga mag-aaral na nakapagtapos ng senior high school.

 Mga Magulang Sampu (10)

(may mga anak na nakapagtapos ng senior high school at/o may anak na

kasalukuyang nag-aaral sa senior high school)

 Upang kunin ang kanilang opinyon at obserbasyon bilang magulang na may

pinag-aaral at nakapagtapos na anak sa senior high school.

 Mga Guro Sampu (10)

(nagtuturo sa senior high)

 Upang makuha ang kanilang opinyon ukol sa pagpapanatili at/o

pagpapatanggal sa K – 12 Kurikulum.

HOLY CROSS COLLEGE 17


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay kinabibilangan ng paghahanap ng datos sa mga artikel,

internet, pakikipanayam at sarbey-kwestyuneyr na gagamitin upang makahanap ng mga datos

para sa pananaliksik. Ang mga mananaliksik ay hindi kumapit o dumipende sa isang midyum ng

pananaliksik upang makahanap ng mas maraming datos at magkaroon ng kaalaman upang

maitulong sa paggawa ng pamanahong papel na ito.

Sa paggamit ng artikel, ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga kaalaman ukol sa K –

12 Kurikulum na maaring magamit sa pananaliksik na ito. Ang mga artikel ay naglalaman ng

mga inpormasyon tungkol sa paksang K – 12. Ang mga atikulo ay nagsasaad ng mga

impormasyon ukol sa katunayan o mga pangyayari na kinakasangkutan ng pag aaaral.

Dahil sa makabagong takbo ng panahon, gumamit ang mga mananaliksik ng internet

upang mas mapatibay at lumawak ang kanilang pananaliksik . Sa mga nabasa at nakalap sa

internet ay kanilang inalam at tinimbang kung ano ba dapat ang isasama sa pamanahong papel na

ito.

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga mag-aaral, magulang at guro na may

kinalaman sa K – 12 Kurikulum na bibigyan at kakapanayamin ukol sa gagawing pananaliksik.

Gamit ang sarbey-kwestyuneyr, ipapamahangi at iaabot ito ng mga mananaliksik sa mga

respondente upang malaman ang kanilang sagot o opinyon. Kinapanayaman din ng mga

mananaliksik ang Presidente ng Holy Cross College na si Atty. Dennis C. Pangan upang

malaman ang kanyang opinyon ukol sa pananaliksik. Ang mga nakalap na datos ang magiging

basihan ng grupo upang malaman ang sagot sa pananaliksik na ito.

HOLY CROSS COLLEGE 18


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KABANATA IV:
PRESENTASYON
AT INTER-
PRETASYON NG
MGA DATOS

HOLY CROSS COLLEGE 19


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

MGA KATANUNGAN SA SARBEY

HOLY CROSS COLLEGE

Sta. Lucia, Sta. Ana, Pampanga

K – 12 Kurikulum: Saan Ka Nga Ba?

(Isang pag-aaral hinggil sa pagpapanatili o pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum mula sa

iba’t-ibang pananaw: Guro, Magulang, Mag-aaral)

Pangalan: ___________________________ Propesyon(kung mayroon):______________

Edad: _____________ Magulang Guro Estudyante

Tanong Mga Oo Hindi Pwede

1. Maganda ba ang epketo ng K – 12 sa mga nakapagtapos na?

2. Sang-ayon po ba kayo na ipatanggal ang K – 12?

3. Sa iyong palagay, naging sapat po ba ang pondo ng gobyerno sa


pagpapatupad ng K – 12?
4. Sa tingin po ba ninyo ang pag-implementa sa K – 12 Kurikulum ay
nagkaroon ng dagdag gastos sa mga magulang?

5. Nagkaroon ba ng sapat na kagamitan at pasilidad ang gobyerno sa


pagpapatupad ng K – 12?
6. Kung ikaw ang tatanungin, handa ba ang gobyerno sa pagpapatupad
ng K – 12?
7. Umunlad at lumawak ba ang kaalaman ng mga nakapagtapos ng K –
12?
8. Ayon sa CHED, makakapagtrabaho na ang mga nakapagtapos ng K –
12. Sa iyong obserbasyon nasunod ba ito? Sa iyong palagay, nasunod
ba ang naging plano ng CHED?

HOLY CROSS COLLEGE 20


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

9. Sa iyong opinion, sapat na ba ang naging kaalaman ng mga


nakapagtapos ng K – 12 upang makakuha ng permanenteng trabaho?
10. Hindi ba nahirapang maghanap ng trabaho ang mga nakapagtapos ng
K – 12?
11. Hindi ba nagkaroon ng diskriminasyon ang mga nakapagtapos ng K –
12 sa mga nakapagtapos ng kolehiyo?
12. Nasuportahan ba ng pamahalaan ang mga nakapagtapos ng K – 12 sa
mabilisang paghahanap ng trabaho?
13. Sa iyong palagay, naging sapat baa ng bilang ng mga gurong
nagtuturo ng K – 12?
14. Mayroon bang sapat na kaalaman at kakayahan ang mga kinuhang
guro na nagtuturo ng K – 12 ngayon?
15. Natugunan ba ng K – 12 ang layunin nitong makasabay ang Pilipinas
sa ekonomiya ng ibang bansa at para maging handa ang mga
estudyante sa pagtapak ng kolehiyo?
16. Natugunan ba ng K – 12 program ang sapat na kaalamang
kinakailangan ng isang mag-aaral?
17. Sang-ayon ka ba na ang K – 12 ang sagot sa pag-unlad ng ekonomiya
ng bansa?
18. Nakatulong baa ng pag-implementa ng K – 12 sa ating bansa?

19. Naging dahilan baa ng K – 12 sa pagdami ng mga out of school


youth?
20. Sa iyong palagay, dapat pa bang ipagpatuloy ang K – 12?

HOLY CROSS COLLEGE 21


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

100%

90%

80%

70%

60%

50%

40%

30%

20%

10%

0%
#1 #2 #3 #4 #5 #6 #7 #8 #9 #10 #11 #12 #13 #14 #15 #16 #17 #18 #19 #20

Oo Hindi Pwede

Graf 1. Kabuuang Grap Mula Sa Pananaliksik

Makikita sa grap na ito ang kabuuang sagot ng mga guro, mag-aaral at mga magulang

patungkol sa mga katanungan sa K – 12 Kurikulum. Makikita sa tanong #2 (tignan ang

katanungan sa sarbey sa unang parte) na mas nangibabaw ang sagot ng mga guro, mag-aaral at

mga magulang na hindi sila sang-ayon sa pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum. Mayroon itong

animnapu’t tatlong porsyento (63%) na tumatanggi sa pagpapatanggal ng K – 12. At may

limampu’t pitong porsyento (57%) ng mga respondente ang nagsasabing naging maganda ang

epekto ng K – 12 Kurikulum sa mga mag-aaral na nakapagtapos na nito.

HOLY CROSS COLLEGE 22


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Ngunit kaakibat nito ay may apat na pu’t tatlong porsyento (43%) ang nagsabing hindi

naging sapat ang pondo ng pamahalaan sa pag-iimplementa ng K – 12 Kurikulum at pitumpung

porsyente (70%) ang nagsabing nakadagdag gastos lamang ang pagdagdag ng dalawang taon sa

hayskul sa mga magulang. Samantala, anim na pu’t pitong porsyento (67%) ang nagsasabing

dapat na ipagpatuloy ang K – 12 Kurikulum sa bansa dahil kahit na mayroon itong depekto ay

malaki ang naitutulong ng K – 12 sa mga mag-aaral.

KABUUANG TALAAN NG MGA DATOS


Isinagawa ng mga mananaliksik ang pag-aanalisa ng mga datos sa sarbey sa isang talaan.

Tanong Mga Oo Pwede Hindi Weighted Weighted Descriptive

(3) (2) (1) Value Mean Rating

1. Maganda ba ang epketo ng K – 17 (51) 7 (14) 6 (6) 30 (71) 2.37 Oo


12 sa mga nakapagtapos na?

2. Sang-ayon po ba kayo na 9 (27) 2 (4) 19 (19) 30 (50) 1.67 Pwede


ipatanggal ang K – 12?

3. Sa iyong palagay, naging sapat 8 (24) 8 (16) 14 (14) 30 (54) 1.8 Pwede
po ba ang pondo ng gobyerno sa
pagpapatupad ng K – 12?

4. Sa tingin po ba ninyo ang pag- 21 (63) 4 (8) 5 (5) 30 (76) 2.53 Oo


implementa sa K – 12
Kurikulum ay nagkaroon ng
dagdag gastos sa mga
magulang?

5. Nagkaroon ba ng sapat na 9 (27) 8 (16) 13 (13) 30 (56) 1.87 Pwede


kagamitan at pasilidad ang
gobyerno sa pagpapatupad ng K
– 12?

HOLY CROSS COLLEGE 23


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

6. Kung ikaw ang tatanungin, 12 (36) 7 (14) 11 (11) 30 (61) 2.03 Pwede
handa ba ang gobyerno sa
pagpapatupad ng K – 12?

7. Umunlad at lumawak ba ang 18 (54) 8 (16) 4 (4) 30 (74) 2.47 Oo


kaalaman ng mga nakapagtapos
ng K – 12?

8. Ayon sa CHED, 8 (24) 7 (14) 15 (15) 30 (53) 1.77 Pwede


makakapagtrabaho na ang mga
nakapagtapos ng K – 12. Sa
iyong obserbasyon nasunod ba
ito? Sa iyong palagay, nasunod
ba ang naging plano ng CHED?

9. Sa iyong opinion, sapat na ba 4 (12) 9 (18) 17 (17) 30 (47) 1.57 Hindi


ang naging kaalaman ng mga
nakapagtapos ng K – 12 upang
makakuha ng permanenteng
trabaho?

10. Hindi ba nahirapang maghanap 11 (33) 11 (22) 8 (8) 30 (63) 2.1 Pwede
ng trabaho ang mga
nakapagtapos ng K – 12?

11. Hindi ba nagkaroon ng 6 (18) 10 (20) 14 (14) 30 (52) 1.73 Pwede


diskriminasyon ang mga
nakapagtapos ng K – 12 sa mga
nakapagtapos ng kolehiyo?

12. Nasuportahan ba ng pamahalaan 6 (18) 9 (18) 15 (15) 30 (51) 1.7 Pwede


ang mga nakapagtapos ng K –
12 sa mabilisang paghahanap ng
trabaho?

13. Sa iyong palagay, naging sapat 16 (48) 2 (4) 12 (12) 30 (64) 2.13 Pwede
ba ang bilang ng mga gurong
nagtuturo ng K – 12?

14. Mayroon bang sapat na 15 (45) 9 (18) 6 (6) 30 (69) 2.3 Pwede
kaalaman at kakayahan ang mga
kinuhang guro na nagtuturo ng
K – 12 ngayon?

15. Natugunan ba ng K – 12 ang 10 (30) 10 (20) 10 (10) 30 (60) 2 Pwede


layunin nitong makasabay ang

HOLY CROSS COLLEGE 24


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Pilipinas sa ekonomiya ng ibang


bansa at para maging handa ang
mga estudyante sa pagtapak ng
kolehiyo?

16. Natugunan ba ng K – 12 12 (36) 11 (22) 7 (7) 30 (65) 2.17 Pwede


program ang sapat na
kaalamang kinakailangan ng
isang mag-aaral?

17. Sang-ayon ka ba na ang K – 12 8 (24) 11 (22) 11 (11) 30 (57) 1.9 Pwede


ang sagot sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?

18. Nakatulong ba ang pag- 10 (30) 12 (24) 8 (8) 30 (62) 2.07 Pwede
implementa ng K – 12 sa ating
bansa?

19. Naging dahilan baa ng K – 12 11 (33) 4 (8) 15 (15) 30 (56) 1.87 Pwede
sa pagdami ng mga out of
school youth?

20. Sa iyong palagay, dapat pa bang 20 (60) 2 (4) 8 (8) 30 (72) 2.4 Oo
ipagpatuloy ang K – 12?

Sa talaang ito makikita na halos lahat ng sagot ng mga naging respondente ay nakapaloob

na rating na Oo at Pwede. Mula sa katanungan kung naging maganda ba ang epekto ng K – 12

Kurikulum sa mga mag-aaral pati na sa pagkakaroon ng sapat na kakayahan ng mga gurong

nagtuturo ng K – 12 ay naging positibo ang sagot ng mga respondente. Ngunit sa pagkakaroon

nito ng magandang dulot sa mga mag-aaral ay nagkaroon din ito ng hindi magandang epekto,

katulad na lamang ng hindi pagkakaroon ng sapat na pondo, kagamitan at pasilidad ng

pamahalaan sa pag-iimplementa ng K – 12 Kurikulum at hindi pagkakaroon ng sapat na suporta

ng pamahalaan sa mga nakapagtapos ng K – 12 sa mabilisang paghahanap ng trabaho.

HOLY CROSS COLLEGE 25


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

KABANATA V:
LAGOM,
KONGKLUSYON
AT REKOMEN-
DASYON

HOLY CROSS COLLEGE 26


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

LAGOM

Ang mga sumusunod ay ang mga naging buod ng mga datos na nakalap ng mga

mananaliksik mula sa sarbey-kwestyuneyr.

1. Ang mga guro ay may isandaang porsyento (100%) na hindi sang-ayon sa

pagpapatanggal ng K – 12 Kurikulum sa bansa. Ayon sa mga guro, ang K – 12

Kurikulum ay may magandang naidudulot sa mga mag-aaral lalo na sa pagpapalago at

pagdedebelop ng kanilang mga kaalaman at kakayahan. Hindi man naging buong handa

ang pamahalaan sa pag-iimplementa ng K – 12 Kurikulum ay marami pa rin itong

naidulot na maganda sa mga mag-aaral. Naniniwala ang mga guro na mas mabuting

ayusin at punan na lamang ng pamahalaan ang kakulangan ng K – 12 kaysa tanggalin na

lamang ito.

2. Ang mga magulang ay may limampung porsyentong (50%) sang-ayon sa pagpapanatili

ng K – 12 at ang kalahating limampung porsyento (50%) ay gustong ipatanggal ang K –

12 Kurikulum. Ito ay dahil lumitaw na nahirapan sa pinansyal na gastos ang mga

magulang dahil sa dagdag dalawang taon ng K – 12 Kurikulum.

3. Limampung porsyento (50%) naman sa mga mag-aaral ang nagsasabing dapat

ipagpatuloy ang K – 12 Kurikulum, dalawampung porsyento (20%) naman ang sumagot

na pwede itong ipagpatuloy at tatlumpung porsyento (30%) naman ang hindi sumang-

ayon sa pagpapanatili at pagpapatuloy ng K – 12 Kurikulum. Nagkahati-hati ang opinyon

ng mga mag-aaral sa pagpapatanggal at pagpapanatili ng K – 12 Kurikulum sa bansa

dahil ang iba ay nagsasabing hindi ito nakatulong sa paghahanap ng mabilisang trabaho

at sa pagpapa-unlad ng ekonomiya ng bansa, ngunit may mga nagsabing nakatulong ito

HOLY CROSS COLLEGE 27


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

sa kanila upang mapalawig at mahasa ang kanilang mga kaalaman at kakayahan para sa

kolehiyo at para sa kanilang paghahanda sa trabaho sa hinaharap kung kaya naman sang-

ayon ang iba sa kanila na ipagpatuloy at panatilihin ang K – 12 Kurikulum.

KONKLUSYON

Taong 2012-2013 ay naipatupad ang implementasyon ng K – 12 Kurikulum sa buong

Pilipinas. Nilalayon nitong pataasin ang kalidad ng edukasyon at ekonomiya ng bansa. Layunin

din nitong makasabay sa ibang bansa lalo pa’t ang Pilipinas na lang sa Asya ang may sampung

taon sa basic education. Nais din nitong ihanda ang mga mag-aaral sa hayskul para sa kolehiyo at

hinaharap kung kaya’t nagdagdag sila ng dalawa pang taon sa hayskul na tinatawag na Senior

Highschool ngayon at maaari na ring makakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos ng senior

high.

Sa pag-iimplementa ng K – 12 Kurikulum ay nagkaroon din ito ng mga negatibong

reaksyon sa mga tao. Ang iba ay laban sa pagpapatupad ng K – 12 Kurikulum dahil sinasabi

nilang hindi na mag-aaral o tutuloy sa kolehiyo ang ibang mga mag-aaral dahil mas pipiliin na

lamang nilang magtrabaho na lalo pa ang mga hirap sa buhay at walang pangtustos sa kolehiyo.

Mula sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, lumitaw na naging dagdag gastos sa mga

magulang ang karagdagang dalawang taon sa hayskul. Nagkaroon din ng depekto ang

pagpapatupad ng K -12 Kurikulum tulad ng hindi kahandaan ng gobyerno sa mga kagamitan,

pasilidad pati na sa pondo. Hindi rin nasuportahan ng pamahalaan ang pagbibigay ng trabaho sa

HOLY CROSS COLLEGE 28


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

mga nakapagtapos ng senior high. Lumitaw na nagkaroon ng diskrimasyon sa mga nakapagtapos

ng senior high sa mga nakapagtapos ng kolehiyo pagdating sa paghahanap at pag-aaply ng

trabaho dahil mas pinipili pa rin ng mga kompanya ang mga nagtapos ng kolehiyo mula sa mga

nagtapos ng senior high kahit pa ang mga ito ay nag-immersion o nag-OJT ng walumpung oras

(80 hrs) dahil hindi raw sapat ang walumpung oras na iyon para maihanda at mahasa ang

kakayahan ng mga mag-aaral.

Ngunit sa kabila ng mga negatibong nabanggit ay nagkaroon din ng positibong epekto

ang K – 12 Kurikulum lalo na sa mga mag-aaral. Maraming nagsabing naging maganda ang

epekto ng K – 12 Kurikulum sa mga nakapagtapos ng senior high dahil kumpara sa noong nasa

hayskul sila ay mas nahasa ang kanilang mga kakayahan at ang kanilang mga kaalaman. Sa

tulong ng mga guro sa senior high ay napalawak at napalawig ang kaalaman ng mga mag-aaral

na nakapagtapos dito. Mas naging handa ang mga mag-aaral sa kolehiyo dahil nagkaroon na sila

ng mga paunang kaalaman sa kanilang mga asignatura sa kolehiyo at ang ginawa nilang

immersion noong sila’y nasa senior high ay nakatulong sa kanila upang mahasa ang kanilang

kakayahan pati na ang kanilang mga kumpiyansa sa sarili ay nadebelop din.

Mayroon mang mga negatibong reaksyon at epekto ang K – 12 Kurikulum ay mas

nangibabaw pa rin ang mga magagandang epekto na naidulot ng K – 12 sa mga mag-aaral pati na

sa bansa.

HOLY CROSS COLLEGE 29


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

REKOMENDASYON

Base sa nakuha ng mga mananaliksik, mayroong kalahating porsyento ng mga

respondente ang sang-ayon sa pagpapatanggal ng K – 12 at kalahating porsyento naman ng mga

respondente ang hindi sang-ayon na ipatanggal ito. Kung kaya't sa konklusyon ng mga

mananaliksik mayroong maganda at hindi magandang naidulot ang pagpapatupad ng K – 12 sa

bansa. Ang magandang naidulot nito ay nakasabay ang Pilipinas sa edukasyon ng mga bansang

nakapaligid dito. Naging handa rin ang mga mag-aaral sa kanilang kolehiyo. Ngunit sa ibang

banda ay mayroon din itong masamang naidulot sa aspeto ng pinansyal lalo na sa mga magulang.

Sa pananaliksik ng pag-aaral na ito lumabas na hindi dapat bigyang pansin ang pagapatanggal ng

K – 12 Kurikulum, kundi dapat bigyang pansin ang kung paano punan ang mga kakulangan sa

pagpapalakad nito.

Ang pagdadagdag ng mga makabagong kagamitan tulad ng mga libro, pasilidad, at iba

pang pangangailangan ang magsisilbing una sa dapat matugunan ng gobyerno upang mas maging

epektibo ang pagpapatupad ng K- 12 o karagdagang dalawang taon sa pag-aaral. At para sa mga

susunod na henerasyon na magsisilbing panibagong mananaliksik ay mas paigtingan pa o pag-

aralan ang mga dahilan kung kinakailangan ba talagang tanggalin ang K – 12 Kurikulum sa

bansa o mas makabubuti na ayusin at punan na lang ang mga naging depekto at kakulangan sa

pag-iimplementa nito.

HOLY CROSS COLLEGE 30


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

MGA

PANGHULING

PAHINA

HOLY CROSS COLLEGE 31


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

https://www.youtube.com/watch?v=K3O0U7IXdNM

https://abanteblog.wordpress.com/opinyon-sang-ayon-ka-ba-sa-pagpapatupad-ng-k-12-

curriculum/

https://www.researchgate.net/publication/323334865_Makabayang_Pagsusuri_sa_Kasalukuyang

_Kurikulum_ng_Sistema_ng_Edukasyon_sa_Pilipinas

https://newsinfo.inquirer.net/1116060/kabataan-asks-govt-to-stop-k-12-after-ched-bared-its-

defects#ixzz6ARjoih7R

https://www.scribd.com/doc/247891679/k-12-nakakatulong-nga-ba-docx

https://www.academia.edu/19450310/Buong_Kabanata_2

https://www.academia.edu/31785513/KAHALAGAHAN_NG_PAG_aaral

https://radyo.inquirer.net/32268/pagpapatupad-ng-k-12-program-malaking-hamon-ayon-sa-

ched#ixzz6ARkOlygi

http://k12kurikulum.blogspot.com/2014/09/ano-nga-ba-ang-tunay-na-layunin-ng.html

HOLY CROSS COLLEGE 32


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

Holy Cross College

Akademikong Taon 2019 -2020

(Ikalawang Semestro)

Dalumat ng/sa Filipino

PAKIKIPANAYAM KAY

ATTY. DENNIS C. PANGAN

(Presidente ng Holy Cross College)

Isinumite nina:

Arias, Camille

Guevarra, Ruselle Joy

Manalad, Elisa

Manaloto, Realyn

Paguinto, Reiza Mae

Pelayo, Karen Isinumite kay:

Reyes, Jhyra Angel Gng. Belen Velasco

(Bachelor of Elementary Education Propesor sa Dalumat ng/sa Filipino


Bachelor of Science in Development

Communication)

HOLY CROSS COLLEGE 33


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

GABAY NA TANONG MULA SA PANAYAM

1. Ano po ang opinyon ninyo sa inimplementang K-12?

Ahm, maganda yung K-12 sa ating bansa. Sa totoo lang halos tayo na yung pinaka

huli. Isa sa dalawang bansang huling nag-implementa ng K-12. Ang K-12 ay

makakatulong sa mga bata, kapag sila’y namasukan sa malalaking kumpanya o kaya

mga tinatawag nating multi-nationals o kaya sila ay mag-aabroad. Hindi irerecognize o

papansinin ng malalaking kumpanya sa abroad kung hindi sila K-12. Kasi itong K-12

matagal na ini-implement ito ng mga malalaking eskwelahan, kung saan naririning ninyo

meron silang hanggang grade 7 bago magkolehiyo pero ngayon ito’y pangkalahatan na

malaki ang maitutulong nito dahil hindi mabibigla yung pag-aaral ng mga bata na kung

saan imbis na kukunin nila yung high school ng apat (4) na taon, ito’y magiging anim (6)

na taon.

2. Sa loob po nang lumipas na dalawa’t kalahating taon, sa tingin niyo po magmula nang

umpisahang iimplementa ang K-12 ano po ang naging epekto nito sa mga mag-aaral at sa

mga magulang?

Ah.. Maraming epekto ito, posibleng masabi ng iba positibo at posibleng

negatibo, pero kung titignan mo yung positibo at negatibo mas marami yung positibong

bagay na nagawa ng K-12. Dahil sa K-12 naging handa ang mga bata sa pagpasok nila sa

kolehiyo, kasi habang sila’y nasa grades 11 and 12 meron tayong mga tinatawag na mga

strands na kung saan, kung ikaw ay gustong pumasok sa business merong strand para sa

business, meron tayong tinatawag na general education na kung saan pangkalahatan ang

HOLY CROSS COLLEGE 34


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

iyong pag-aaralan, at kung sa tingin mo para dun ka sa business dun palang sa grades 11

and 12 mararamdaman muna na para dun ka. So, pag pasok mo ng kolehiyo handing-

handa yung nga bata. Ang masakit nga lang medyo humahaba ang pag-aaral ng mga bata,

na kung saan matatapos na sana sa edad na bente (20) ngayon matatapos sa edad na bente

dos (22). Mabigat nga sa mga magulang pero kalaunan masasanay di tayo makakatulong

ito sa mga mag-aaral.

3. Base po sa aming pananaliksik at mga balita mayroon pong bumabatikos at gustong

ipaalis ang K-12. Ano pong masasabi niyo dito? Sang-ayon po ba kayo?

Siguro tignan natin kung sino ang mga bumabatikos, hindi ko na sila babanggitin

pero sila yung mga makabatikos lamang. Ako ang tawag ko sa mga dyan ay ampalaya,

okra, at mga kalabasa na kahit anong pasusumikap ng gobyerno, kung minsan ay meron

parin silang ibinabatikos. Ako binabati ko ang ating pangulo na graduate din sa

eskwelahan na kung saan ako galing sa san beda. Meron silang tinatawag na political

wheel. Nakita ninyo maraming nag-aaral at ang senior high school talagang

pinopondohan ng gobyerno yan, yung ating kolehiyo tertiary education meron tayong

unifast na kung saan minsan may sukli pa ang mga bata. Diba ₱30,000 ang binibigay ng

gobyerno kada sem, ₱60,000 kada taon, at ang binabayaran nila sa holy cross ay

napakamura meron pang sukli, so meron silang magagamit sa kanilang pambaon. So,

maganda itong ginagawa ng gobyerno at magpatuloy yun.

HOLY CROSS COLLEGE 35


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

4. Naniniwala po ba kayo na agad na nakakakuha ng trabaho ang mga nakapagtapos ng

senior high school?

Naniniwala parin ako sa tingin ko kulang parin ang efforts ng gobyerno para

matugunan yung atin tinatawag na unemployment, kung minsan kase ang nakikita kong

kulang ng impormasyon ang gobyerno na kung saan dapat tumututok yung mga bata kase

minsan yung mga bata, sikat yung nursing doon punta kami doon, o anong nangyari lahat

kumuha ng nursing tapos wala nang gustong kumuha ng nursing, nagsara na yung ibang

eskwelahan tapos wala nang demand. Sa tingin ko yung NEDA natin, National Economic

Development Authority, pagplanuhan talaga at sabihin sa mga bata kung ano indemand

na kurso sa mga darating na panahon, kase kung ngayon indemand ang isang kurso for

example ang isang kurso gaya ng HRM possibleng paglampas ng apat na taon hindi

nanaman yan ang uso. Maganda sana yung kurso ng mga bata ay yung nandyan parin

after 4 years, kase natatapos ka after 4 years eh. So sana pag-graduate mo may nakaabang

na trabaho sayo, kase ang gobyerno pinagtuunan ng pansin yun.

5. Alin po ang mas makakakuha ng trabaho yung nakapagtrabaho ng senior high school o

yung nakapagtapos po ng college?

Ako inaadvice ko parin kug hangga’t kaya ng magulang, meron namang binibigay

na hayuda ng gobyerno, kung saan meron tayong tintawag na unifast, ito yung subsidy ng

gobyerno sa tertiary educaton o sa college. Sana papatapusin nila ang kanilang mga anak

sa kolehiyo, kase kung natapos ng kolehiyo yan sa tingin ko may mga matatakbuhang

trabaho yan. Sabi nga nila kung minsan wala talaga, may mga call centers tayo nandyan

HOLY CROSS COLLEGE 36


K – 12 KURIKULUM: SAAN KA NGA BA? (ISANG PANANALIKSIK HINGGIL SA PAGPAPANATILI O PAGPAPATANGGAL
NG K – 12 KURIKULUM MULA SA IBA’T – IBANG PANANAW: GURO, MAGULANG, MAG – AARAL)

at ibang trabaho. Advice ko sa mga mag-aaral kunin nila yung kursong gusto nila, wag

yung gusto ng tita niya, nanay o tatay niya. Eh hindi naman po yung nanay yung mag-

aaral, yung bata. So sana tanungin yung mga bata at yung mga magulang ay maging

bukas ng kainlang isipan kung ano nga ba yung gusto ng bata. Ang hirap kasing pag-

aralan ang isang kursong ayaw mo naman pero kung gustong gusto mo yung kursong yun

ay magsisikap ang bata. Sa tingin ko naman walang kurso hindi mananagumpay kung

pagpupursigihan. So kung gusto mong magteacher talaga ay magpupursigi ang bata wag

mo siya pilitin maging teacher. For example gusto niya maging accountant tapos pinilit

mo siya maging teacher, kase meron kang kilalang pwede niyang pasukan, eh ayaw

naman ng bata yun ay hindi tama sa kanila.

HOLY CROSS COLLEGE 37

You might also like