You are on page 1of 5

Posisyong Papel ng Mataas na Paaralan ng Dr. Juan G.

Nolasco hinggil sa
Ipinatupad na K to 12 Kurikulum sa ating Bansa

PAGPATUPAD NG ENHANCED BASIC EDUCATION O ANG PROGRAMANG K-TO-


12 KURIKULUM SA ATING BANSA: ITO AY DAAN PARA SA POSITIBONG PAG-
UNLAD NG ATING BANSA, GAYON ITO’Y MAY MALAKING MAIBABAHAGI PARA
SA MGA PILIPINONG MAG-AARAL KASABAY NITO ANG PAGTAAAS NG MARKA
NG MGA MAG-AARAL SA ELEMENTARYA AT SEKONDARYA, AT SA LAYUNIN
ITO’Y MAY MALAKING RESPONSIBILIDAD NA IBABAHAGI SA PAG-UNLAD NG
ATING BANSA

Posisyong Papel na nauukol sa DepEd Order No. 43, s 2013 and DepEd Memorandum
No. 99, s. 2013

Pinaninindigan ng Mataas na Paaralan ng Dr. Juan G. Nolasco, Pambansang


Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod sa Filipino (PASATAF),
Samahan ng Linggwistika at Literaturang Pilipino, SSLG Supreme Secondary
Learner Government

Ang tungkulin ng gobyerno na magbigay ng sapat na edukasyon sa mga


mamamayan nito, ng masiguradong napapaunlad ang kalidad ng edukasyong ito batay
sa pangangailangan at mithiing bansa kaya naman maganda ang naisip ng gobyerno
sa pagpapatupad ng k-12 programa sapagkat marami itong magagawa para sa mga
estudyante at pati na rin sa kaunlaran ng bansang Pilipinas ngunit marami paring hindi
sumasang-ayon sa desisyon ng gobyerno sa pagpapatupad nito dahil sa ilang dahilan.
Ang Alliance of Concerned Teachers (ACT), pambansang alyansa ng mga
asosasyon ng mga guro sa bansa, na itinutuon ang programang K-to-12 para sa
internasyunal na pamantayan at pangangailangan. Ngunit hindi raw ito magiging
epektibo at hindi makakatulong sa edukasyon sa partikular at sa bayan sa
pangkalahatan sa kasalukuyan. Ang ibang mga magulang ay hindi rin sumasang-ayon
sapagkat dagdag gastos lamang raw ito sakanila dahil sa dalawang taong idaragdag sa
dating kurikulum ang Basic Education Program at wala namang ipinagbago ang
kurikulum na ito. Marami parin ang tumututol dito kaya aking isinulat ang posisyong
papel naito upang higit na malaman ng mga mambabasa ang mga dahilan kung bakit
mas maganda kung ipapatupad ang K-12 Program.

Una, magiging solusyon ang K-12 sa bumababang marka ng mga mag-aaral sa


elementarya at sekundarya. Sa K-to-12 program, magiging mandatory ang
kindergarten, anim nataon pa rin ang sa elementarya na mula sa Grade 1 hanggang
Grade 6. Apat na taon din sa juniorhigh school na mula sa grade 7 hanggang grade 10
at ang idinagdag na dalawang taon sa seniorhigh school na mula Grade 11 hanggang
12). Ibig sabihin, mas matagal at mas mahahasa pa angmga estudyante sa
kanikanilang asignatura sa eskwelahan. Magiging kalabasan nito ay ang pagkakaroon
ng maraming skilled-worker ang Pilipinas na siya naming makatutulong naman sa unlad
n gating bansa

Saad ng DepEd ang mga nagsisipagtapos sa programang K-12 ay maari nang


ituring namga propesyunal at may mataas na pinag-aaralan. Dahil nga halos lahat nang
bansa sa buong mundo ay 12-years ang basic education system, ang mga Pilipino ay
maaari ng mag-punta sa ibang bansa upang magtrabaho dahil parehas na ang
kurikulum ng Pilipinas sa ibang bansa kung ito man ay mapapatupad. Ito rin ang
nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bayan pararoon makipagsapalaran. Mas
gugustuhin ito ng isang gobyernong walang malikhang trabaho sakanyang mga
mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito sa porma ng mga remittances mula sa
overseas Filipino workers (OFW) alin sunod sa labor export policy nito. Kaya naman
hindi lang mga mag-aaral ng mamamayang Pilipino ang magbebenipisyo dito kundi pati
na rin ang bansa sapagkat dahil nga maaari nang magtayo ng sari-sariling mga
negosyo ang mga nakapagtapos ng hayskul,mas rarami ang mga inhiyero at inhinyera
na siyang makakatulong sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas.

Kaya naman lubos na Pinaninindigan ng Mataas na Paaralan ng Dr. Juan G.


Nolasco, sa pagpatuloy ng programang ito para sa ikabubuti at sa mas magandang
kinabukasan ng mga estudyante gayundin ang pagtaas ng kaunlaran ng Pilipinas. Kaya
naman bilang isang taong sumasang- ayon sa programang ito, ako’y magsasagawa ng
mga hakbanging na kahit papaano’y makatutulong sa pagsang-ayon ng ibang tao sa
pagpapatupad ng programang K to 12.

At isa pa sa mga hakbanging aking gagawin ay ang paggamit ng social media


gaya ng Facebook, Instagram at Twitter sa pagpapahayag ng mga iba’t ibang uri ng
midiya gaya ng bidyo,larawan at iba pa na maaaring magamit upang maghatid ng
mensahe para sa mga makakakita nito na ang pagpapatupad ng K-12 program ay
dapat na maipatupad.

Sa kabuuan, ang Mataas na Paaralan ng Dr. Juan G. Nolasco ay mariing


sumusuporta sa pagsasagawa ng Enhanced Basic Education o K to 12 Kurikulum sa
bansa. Ang kanilang posisyon ay nagtatangi sa potensyal ng programang ito na
magdudulot ng positibong pag-unlad para sa mga Pilipinong mag-aaral at sa bayan
mismo. Binibigyang diin ang pangangailangan ng mas mataas na antas ng edukasyon
upang mapabuti ang kalidad ng trabaho at buhay ng mga mamamayan.

Isa sa mga pangunahing argumento ng paaralan ay ang potensyal na pag-angat


ng marka ng mga mag-aaral, pagpapaunlad ng kasanayan, at paghahanda sa mas
mataas na antas ng edukasyon. Binibigyan importansya ang pagsasagawa ng K to 12
upang makatulong sa pagkakaroon ng mas maraming propesyunal na may mataas na
pinag-aaralan, nagbubukas ng pinto para sa trabaho sa ibang bansa, at nagbibigay
daan sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng skilled workers.

Sa kabila nito, kilala rin ang ilang grupo at mga magulang na hindi sumasang-
ayon sa programang ito. Ang kanilang pangamba ay ukol sa dagdag-gastos at hindi
epektibong implementasyon. Gayunpaman, ang posisyong papel na ito ay naglalayong
linawin ang mga benepisyo at magbigay ng masusing pang-unawa sa layunin ng K to
12 Kurikulum sa pagpapaunlad ng bansa.

Pinagtibay ngayong Nobyembre 29, 2023

Sanggunian:https://www.deped.gov.ph/k-to-12/about/k-to-12-basic-education-
curriculum/
JOHN ROBERT CAPALUNGAN
MS. ANGELICA RANIT
GR 12 (GAS) MAXWELL
TEACHER

You might also like