Professional Documents
Culture Documents
Introduksyon
Sa pag-usad ng panahon, hindi lang wikang Filipino ang nagbago kundi pati na rin ang
mga nakagawiang kulturang Pilipino. Sa paglaganap ng modernisadong
panahon, onti-onting napalitan at naglaho ang mga nakagawiang kultura ng
bansang Pilipinas dahil ito sa pagtangkilik ng mga mamamayang Pilipino sa
ibang kultura ng ibang bansa. Dahil nga sa pagpasok ng globalisasyon sa
bansang Pilipinas ay nagkaroon ito ng epekto sa bansa. Isa sa hamon ngayon ng
globalisasyon ay nagaganap sa larangan ng edukasyon, kaya’t noong taong
2016 unang inumpisahan ang pagpapatupad ng K to 12 Kurikulum sa mga
pribado at pampublikong paaralan sa bansa. Ang pagbabagong ito ay ang
pagdaragdag ng dalawang taon sa sekondarya, kung kaya’t nagkaroon ng Grade
11 at 12. Pagkatapos dumaan ng mag-aaral sa anim na taon sa elementarya ay
kasunod nito ang anim pang taon sa sekondarya bago tuluyang makatungtong sa
tersyarya. Ang pangunahing layunin ng K to 12 Kurikulum ay maihanda ang mga
mag-aaral sa corporate world, kung kaya’t sa kanilang pagtatapos ng Grade 12
ay maaari na silang makapagtrabaho. Samantala, kung pinili naman ng mga
mag-aaral na ipagpatuloy pa ang kanilang pag-aaral ay layunin din ng kurikulum
na ito na mabigyan ng sapat na panahon, kaalaman, at karanasan ang mga mag-
aaral patungkol sa kursong kanilang kukunin sa kolehiyo. Ang pagdaragdag ng
dalawang taon sa sekondarya ay maraming naidulot hindi lamang sa paaralan,
bagkus sa buong bansa. Kung kaya’t maraming mga guro, mag-aaral, at
institusyon ang bumatikos sa desisyong ginawa ng CHED. Ngunit sinasabi ng
CHED na ang kanilang layunin lamang sa ginawang pagtatanggal ay upang
maiwasan ang pag-uulit ng dalawang asignatura. Batay sa CHED itinuturo na sa
sekondarya, itinuturo pa sa kolehiyo na halos pareho lamang ang nilalaman ng
mga aralin. Sa nilabas na kadahilanan ng CHED ay marami pa rin ang umapela,
at ninanais na muling pag-aralan ang nasabing pagtatanggal. Ani nga ni Tanggol
Wika Spokesperson San Juan, D. (2019, ulat ni Babao, J., 2019), na may
negatibong epekto kung mawawala sa kolehiyo ang pag- aaral ng Filipino at
Panitikan. Sa kadahilanang sa kolehiyo mas pinapalawak ang iba’t ibang
konsepto at nilalaman ng dalawang asignatura. Halimbawa na rito ang pag-aaral
ng mga dulog ng wika. Sa sekondarya, tinatalakay lamang kung ano ang mga
kahulugan nito, ngunit sa tersyarya ay tinatalakay kung bakit at paano nagkaroon
ng mga ganitong uri ng mga dulog. Kung atin lamang pag-aralan at susuriin nang
mabuti magkaibang-magkaiba ang nilalaman ng mga pag-aaral sa sekondarya at
tersyarya sa asignaturang Filipino at Panitikan. Ngunit kung ito’y magpapatuloy
ay maaaring magdulot ito ng pagbabago hindi lamang sa Sistema ng ating
edukasyon bagkus maging sa ating kulturang Pilipino at sa globalisasyon. Kung
kaya naman nais ng mga mananaliksik na pag-aralan ang mga magiging
posibleng epekto sa kulturang Pilipino at globaslisasyon kung tuluyan ng
napasinayaan ang pagtatangal ng asignaturang Filipino at Panitikan sa bansa.
Ang pag-aaral ay mula sa mga persepsyon ng mga piling guro at mag-aaral
(ikaapat na taon) sa College of Arts and Letters, College of Education, College of
Governance and Public Policy, College of Tourism and Hospitality Management,
at Grade 12 mula sa Higher School ng UMak sa Unibersidad ng Makati.
Ang asignaturang Filipino ang nagbibigay kaalaman sa mga mag-aaral ukol sa ating
wika at panitikan. Nililinang nito ang apat na makrong kasanayan na humuhubog
sa ating kasanayang wika. Lumilinang ito sa kasanayan sa pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, pagsulat at pag-iisip sa Filipino. Kasabay ng pag-usad ng panahon,
hindi lamang wikang Filipino ang nagbago kundi pati na rin mismo ang mga
nakagawiang kulturang Pilipino. Dahil dito, sa paglipas ng panahon, onti-onti ang
iba sa atin ay tila nakalimot na sa tunay na identidad ng ating bansa. Ngayon, isa
sa hamon ng mga pagbabagong nagaganap sa pag-usad ng panahon ay ang
ating edukasyon na kung saan ipinatanggal na nga sa antas ng kolehiyo ang
pag-aaral ng asignaturang Filipino at Panitikan. Kamakailan lamang ay ipinag-
utos ng Korte Suprema sa Commission on Higher Education (CHED) ang
pagtanggal ng mga asignaturang Wika at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo na
tinatawag na CHED Memorandum Order (CMO) No. 20 Series of 2013 (Paz, J.,
2019). Kung kaya’t kaakibat ng pagsabog ng balitang ito umani ito ng iba’t ibang
reaksyon at opinyon mula sa kabataan hanggang sa mga guro at ahensya ng
mga tanggol wika. Pahayag nga ni Ampil, R. (2018, sanaysay ni De la Cruz, J.,
2018), sa isang panayam sa Varsitarian, “Paano pa mapapahalagahan ng mga
bata kung ang mismong mga nakaupo sa gobyerno ang siyang nagtatanggal nito
at nagbabalewala?”. Ayon nga sa pahayag na ito, malaking hamon talaga ang
pagtatanggal ng Wika at Panitikan sa kolehiyo dahil paano nga naman tunay na
mapahahalagan ng mga bata ang sariling atin kung ang mismong sariling
gobyerno natin ang pumupuksa sa mga asignaturang ito sa edukasyon.
Samantala, ayon kina Constantino P. at Atienza M. (2017, sanaysay ni
Daypuyart, R., 2017), “Ang wika ay mahalagang kasangkapan sa pag-unlad ng
kapwa indibidwal at bansa.”, sa pahayag na ito, sinasabing kung ginagamit natin
ang ating iisang wika ay magkakaroon tayo ng kaunlaran sa ating sariling bansa
ngunit papaano natin mapapaunlad ang sariling atin kung tayo rin mismo ang
sumisira sa ganitong ideyolohiya. Sa kabilang banda, ayon sa CHED, (2019,
sanaysay ni Gatchalian, W., 2019), itinuturo naman na sa elementarya hanggang
senior high school ang mga nasabing asignatura kaya may kalayaang tanggalin
na ito sa kurikulum ng kolehiyo, dadagdag pa nga ni Vitriolo, J. (2017, sanaysay
ni Jap, A., 2017), punong tagapamahala ng komisyon sa mas mataas na
edukasyon, "Ang pag-aaral ng Filipino, nandoon na sa senior high school, kung
titingnan natin, kalahati ng general education, dinownload sa K-12.", base sa
pahayag, marahil isa nga sa mga rason kung bakit tuluyang tinatanggal ang pag-
aaral ng wikang Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay dahil sa pagrebisa ng
kurikulum ng edukasyon na kung saan inililipat na ang mga asignaturang ito sa
mas mababang antas. Giit nga ni Geronimo, J. (2019, ulat ni De Dios, K., 2019),
bagama’t ipinauubaya ng CHED sa mga kolehiyo at unibersidad ang
pagpapatupad ng kautusan, malabo pa ring panatalihin ng mga ito ang nabanggit
na asignatura. Dahil nga sa nais makipagsabayan ng bansa sa nagaganap na
globalisasyon ay mas nabibigyang pansin ngayon ang ibang asignatura kumpara
sa asignaturang Filipino at Panitikan. Ngunit para kay Din, R. (2017, ulat nina
Gamalindo, A., & Sanchez, R., 2017), isang propesor sa kolehiyo na eksperto sa
wikang Filipino, ay hindi sumasang-ayon sa panukalang pagtanggal ng
asignatura sa kolehiyo. Aniya magkakaroon ito ng malaking epekto sa mag-aaral,
unang-una na ang hindi na malalaman ng mga mag-aaral ang wastong paggamit
ng wika at lalong lalala ang hindi nila pagkatuto nito. Pangalawa, sa pagtanggal
ng asignatura sa kolehiyo ay hindi na uunlad pa ang wikang Filipino sapagkat
ito’y nahinto na sa sekondarya pa lamang. Saad nga ni Ampil, R. (2018,
sanaysay ni De la Cruz, J., 2018), “Sa kolehiyo, pinag-uusapan ang
pagdidiskurso, pagbuo ng teorya. Inilalatag at tinuturuan natin ang bata ng
kamalayang maibabahagi niya sa lipunan”. Sa pahayag na ito masasalamin
talaga natin na may malaking dulot talaga ang pag-aaral ng Wika at Filipino sa
kolehiyo dahil sa antas na ito mas malalim ang mga maaaring matutuhan ng mga
estudyante na kung saan hindi naman napag-aaralan sa antas elementarya at
sekondarya. Sa katanuyan, sa akda ni Lucero, K. (2019), inilahad niya na ang
asignaturang Filipino at Panitikan ay importante para sa mga estudyanteng
elementarya, sekondarya, at maging sa kolehiyo dahil dikit ang mga ito sa ating
kultura kaya hindi ito makatarungan na tanggalin. Giit nga ni Gatchalian, W.
(2018, ulat ni Mendez, I., 2018) sa Commission on Higher Education (CHED) na
ibalik ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo dahil binibigyang halaga
ng mga asignaturang ito ang pagpapanatili sa ating wika at kasaysayan. Ngunit
ayon sa desisyon ng Korte Suprema (2019, ulat ni Bangcuyo, N.), layunin nilang
masigurado na ang kukuhaning asignatura ng mga estudyante sa kolehiyo ay
mailalaan sa iba pang larangan na konektado sa kanilang kursong kinuha. Ito rin
ay siyang magbibigay lunas upang hindi na maulit ang mga paksang naituro
noong Grade 1 to 10 hanggang Senior High School. Sa panayam ng Bombo
Radyo Dagupan kay Delima, P. (2019, ulat ni Llanillo, M.R., 2019), komisyoner
sa programa at proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino, sinabi nito na hindi
magandang ideya ang ginawa ng pamahalaan na pag alis ng asignaturang
Filipino sa kurikulum ng mga kolehiyo at unibersidad sa Pilipinas dagdag pa niya
dahil umano sa hakbang na ito, nanganganib ng bumaba ang kalidad ng wikang
pambansa lalo na sa mataas na antas ng edukasyon, giit niya pa na pati ang
mga guro sa kolehiyo ay labis na maaapektuhan sa pagbabagong ito dahil
hanggang senior high na lamang ituturo ang asignaturang ito. Inilahad ni Rizare,
M. (2016), sa paglabas nga ng CHED Memorandum Order No. 20, series of
2013, nagkaisa ang mga guro ng wika at manunulat ng saliksik at panitikang
Filipino na manindigan laban sa polisiya sapagkat isinantabi nito ang pagturo ng
Filipino bilang mahalagang asignatura sa kolehiyo. Sa ulat naman ni Fernandez,
A. (2014), tinutulan ng ilang guro ang desisyon ng Commission on Education
(CHED) na alisin na ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga kolehiyo at
unibersidad sa Pilipinas dahil nga ayon sa grupong Tanggol Wika (2017, ulat ni
Jalandoni, A., 2017), “Higit 10,000 guro sa buong bansa ang maapektuhan kapag
nawala ang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.” Maraming kaguruan ang maaaring
mawalan ng trabaho o hindi naman kaya’y sila ay malilipat ng pagtuturo sa mga
asignaturang hindi naman nila pinagkadalubhasaan na maaaring magdulot ng
ilang kalituhan, na hahantong sa hindi mabisang pagkatuto ng mga mag-aaral.
Teoretikal na Balangkas
Konseptwal na Balangkas
Mungkahing
programa:
• Sarbey- • Pagsusuri at
kwestyuner pag-aanalisa “Puso ko’y
ng mga Pilipino, kaya
• Persepsyon nakalap na Filipino’y
ng mga datos
respondente ibabahagi ko.”
Paglalahad ng Suliranin
a. Globalisasyon
b. Kulturang Pilipino
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang maipakita ang mga posibleng maging epekto sa
kulturang Pilipino at globalisasyon sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino at
Panitikan. Ang makikinabang sa pag-aaral na ito ay una, mga mag-aaral dahil
lalawig ang kanilang kaisipan sa maaaring maging epekto ng nasabing
pagtanggal ng dalawang asignatura. Pangalawa, sa mga guro sa Filipino at
Panitikan, magkakaroon ng mga basehan sa maaaring maging epekto at
solusyon sa pagtanggal ng dalawang asignatura. Pangatlo, ang ahensiya ng
CHED at DepEd, mabubukas sa isipan at mababatid ang mga positibo at
negatibong epekto sa pagtanggal ng asignaturang Filipino at Panitikan.
Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay mga persepsyon lamang ng mga guro at mag-aaral
patungkol sa mga posibleng maging epekto ng pagtanggal ng asignaturang
Filipino at Panitikan sa kulturang Pilipino at globalisasyon. Ang mga respondente
ay nagmula sa ika-apat na taon sa College of Arts and Letters, College of
Education, College of Governance and Public Policy, College of Tourism and
Hospitality Management, at Grade 12 sa Higher School ng Umak sa Unibersidad
ng Makati. Ang mga mananaliksik ay pinili ang mga kolehiyong ito sa
kadahilanang ito ay may kinalaman sa kultura at lenggwahe.
Metodolohiya
Lokal
Ang pag-aaral ay isinagawa sa Unibersidad ng Makati o mas kilala bilang UMak. Ang
mga mananaliksik ay pinili ang unibersidad na ito sa kadahilanang ang UMak
ang kauna-unahang paaralan na nagpatupad ng K to 12 kurikulum sa bansa na
may kinalaman sa pag-aaral.
Respondente
Instrumento ng Pananaliksik
Ang mga datos na nakalap ay inihanda at isinaayos upang maging madali ang
paglalapat ng kaukulang istatika. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng
Descriptive Statistical Analysis na binuo ng mga talaan na nagpakita ng mga
datos na nakalap. Upang makuha ang porsyento ng mga resulta ay gumamit ng
pormulang f/n*100 na kung saan ang f ay ang bilang ng mga tumugon at ang n ay
ang bilang ng respondente sa bawat departamento.
Resulta
Naglalaman ang bahaging ito ng mga resulta ng mga nakalap na datos mula sa
persepsyon ng mga piling guro at mag-aaral na nagmula sa departamento ng
College of Arts and Letters (CAL), College of Education (COE), College of
Governance and Public Policy (CGPP), College of Tourism and Hotel
Management (CTHM) at Higher School ng Umak sa Unibersidad ng Makati.
Makikita rin sa bahaging ito ang pagkakaiba-iba ng persepsyon kung tuluyan
ngang mawawala ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo at ang
kahalagahan ng dalawang asignatura sa mga nabanggit na departamento o
kurso.
Ang bawat kurso ay mayroong iba’t ibang saklaw na asignatura. Ngunit halos lahat ay
dumaraan sa asigntaurang Filipino at Panitikan. Sa talahanayan 1 makikita ang
iba’t ibang saklaw ng asignaturang Filipino at Panitikan na mahalaga sa kani-
kanilang kurso. Sa College of Arts and Letters (CAL) ang apat na makrong
kasanayan at iba’t ibang kultura at panitikan sa loob at labas ng bansa ang
pinakamahalagang saklaw ng dalawang asignatura na kanilang magagamit sa
kanilang kurso. Sa College of Governance and Public Policy (CGPP) naman,
hindi mahalaga ang iba’t ibang teoryang pinagmulan ng wika ngunit lubos nilang
magagamit ang mga tayutay. Sa College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM) naman ay lubos na mahalaga ang apat na makrong kasanayan at ang
paggamit ng mga tayutay. Ngunit hindi ganoon kahalaga sa kanilang kurso ang
iba’t ibang teoryang pinagmulan ng wika, uri at kasaysayan ng panitikan, at
maging ang mga obra maestra. Samantala, sa Higher School ng Umak (HSU)
naman makikita na halos lahat ng saklaw ng dalawang asignatura ay nagagamit
at mahalaga, ngunit ang mga saklaw na ito ay na lubos na mahalaga sa College
of Education (COE) sa kadahilanang halos lahat ay nagagamit nila sa kanilang
kurso. Ang mga saklaw ng dalawang asignatura ay mahalaga sa CAL, COE,
CGPP, CTHM, at HSU ngunit sa iba’t ibang lebel at pamamaraan, depende sa uri
ng gamit na ibinibigay sa kurso.
Kaugalian
Departamento
CAL 0
COE 80%
CGPP 0
CTHM 10%
HSU 10%
Departamento Komunikasyon
CAL 30%
COE 90%
CGPP 40%
CTHM 60%
HSU 10%
Komunikasyon ang nagbibigay daan upang mipahayag natin ang ating saloobin o
opinyon. Sa talahanayan 4 makikita na ang may pinakamalaking porsyento na ay
ang College of Education (COE) na mayroong 90% na bahagdan sapagkat sa
kursong ito ay mahalaga ang pagpapalawig ng wikang Filipino para sa midyum
ng komunikasyon. Samantala, makikitang pagdating sa Higher School ng Umak
(HSU) ay nagkaroon lamang ito ng bahagdang 10%. Base sa talahanayan sa
itaas, masasabing ayon sa persepsyon ng guro at mag-aaral mula sa COE at
CTHM na may mataas na porsyento, isa ang komunikasyon sa pinakamaaaring
maapektuhan sa sa pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan.
Kultura
Departamento
CAL 20%
COE 70%
CGPP 20%
CTHM 20%
HSU 30%
Kultura ang isa sa mga bagay na nagpapakilala sa atin bilang isang Pilipino. Sa
talahanayan 5 makikita na ang may pinakamalaking porsyento na maaring may
pagbabagong magaganap sa kulturang Pilipino ay mapapansin na mula sa
departamento ng College of Education (COE) nagkaroon ng bahagdan na 70% at
ito ay sinundan ng 30% mula sa Higher School of Umak habang ang
departamento mula sa College of Arts and Letters (CAL), College of Governance
and Public Policy at College of Tourism and Hospitality Management (CTHM) ay
nakakuha ng mababang pantay na resulta na may bahagdang 20%. Base sa
talahanayan sa itaas, masasabing ayon sa persepsyon ng guro at mag-aaral
mula sa COE lamang ang nagsasabing ang Kultura ang isa sa mga
maaapektuhan sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino at Panitikan.
Pagiging Makabayan
Departamento
CAL 30%
COE 70%
CGPP 10%
CTHM 40%
HSU 0%
Tradisyon
Departamento
CAL 0%
COE 70%
CGPP 10%
CTHM 10%
HSU 10%
Tradisyon ang isa sa mga salik bilang pagkakakilanlan sa atin bilang isang Pillipino. Sa
talahanayan 7 makikita na ang may pinakamalaking porsyento ay makikita mula
sa departamento ng College of Education (COE) na nagkaroon ng 70% na
bahagadan dahil sa kursong ito ay natatalakay ang iba’t ibang tradisyon kung
kaya’t makikita na malaki ang maaaring pagbabagong magaganap sa salik na ito.
Habang ang College of Governance and Public Policy (CGPP), College of
Tourism and Hospitality Management (CTHM) at Higher School of Umak (HSU)
ay nagkaroon ng pantay na resultang 10%. Samantala nakakuha naman ng
pinakamababang bahagadan na 0% ay ang College of Arts and Letters. Base sa
talahanayan sa itaas, makikitang mula sa 70% ay bumaba ito sa 10%.
Masasabing ayon sa persepsyon ng guro at mag-aaral mula sa COE ang
nagsasabing ang tradisyon ang isa sa maaring magbago sa pagtatanggal ng
asignaturang Filipino at Panitikan.
Departamento Ekonomiya
CAL 10%
COE 50%
CGPP 10%
CTHM 0
HSU 10%
Departamento Politika
CAL 0
COE 40%
CGPP 0
CTHM 10%
HSU 30%
CAL 50%
COE 80%
CGPP 70%
CTHM 50%
HSU 30%
Departamento Trabaho
CAL 40%
COE 70%
CGPP 0
CTHM 50%
HSU 20%
Makikita sa talahanayan 11 ang porsyento ng resulta sa maaaring maging epekto ng
trabaho sa globalisasyon sa pagtatanggal ng asignaturang Filipino at Panitikan
sa kolehiyo na mula sa persepsyon ng mga piling departamento ng Unibersidad
ng Makati. Mapapansin na ang nakakuha ng mataas na porsyento ay ang
departamento ng College of Education (COE) sa kadahilanang kung tuluyan
ngang mawawala ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo ay labis
ngang maaapektuhan nito ang trabaho ng ilang kaguruan na nagsasanay sa
dalawang asignaturang ito. Habang nakakuha naman ng pinakamababang
resulta ay ang departamento ng College of Governance Public Policy.
Departamento Transaksyon
CAL 30%
COE 70%
CGPP 10%
CTHM 40%
HSU 30%
Diskusyon
Rekomendasyon
Mga Sanggunian
Babao, J. (2019, May 7). Pag-alis sa Filipino, panitikan sa kolehiyo muling iaapela.
Retrieved from https://news.abs-cbn.com/news/05/27/19/pag-alis-sa-filipino-
panitikan-sa-kolehiyo-muling-iaapela
Fernandez, A. (2014, June 2014). Dapat bang alisin na ang asignaturang Filipino sa
mga kolehiyo at unibersidad? Retrieved from https://www.gmanetwork.com/
news/news/ulatfilipino/367090/dapat-bang-alisin-na-ang-asignaturang-filipino-
sa-mga-kolehiyo-at-unibersidad/story/
Gatchalian, W. (2019, June 2). Panatilihin ang Filipino subject sa kolehiyo. Retrieved
from https://www.abante.com.ph/panatilihin-ang-filipino-subject-sa-kolehiyo.htm
Jap, A. (2017). Asignaturang Filipino: Dapat na nga bang Alisin sa Kolehiyo? Retrieved
from https://www.launchora.com/story/asignaturang-filipino-dapat-na-nga-bang-
alisin-sa
Lucero, K. (2019). Bakit hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Retrieved from https://agiks1.wordpress.com/2019/01/13/bakit-hindi-dapat-
tanggalin-ang-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo/
Mabaquiao, N. (2007). Globalisasyon, Kultura at Kamalayang Pilipino. Retrived from
h t t p s : / / w w w . a c a d e m i a . e d u / 3 4 2 0 1 2 6 /
Globalisasyon_Kultura_at_Kamalayang_Pilipino
Paz, J. (2019). Ukol sa Wika at Panitikan: búhay at buháy. Retrieved from http://
heraldofilipino.com/ukol-sa-wika-at-panitikan-buhay-at-buhay/
Rizare, M. (2016). Bakit hindi dapat alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo?
Retrieved from https://usapangwika.wordpress.com/2016/11/14/bakit-hindi-
dapat-alisin-ang-asignaturang-filipino-sa-kolehiyo/