You are on page 1of 4

TAWID BANSANG PAG-AARAL NG

CSSH-ABFIL
FILIPINO
Republic of the Philippines
Fatima, General Santos City
KOLEHIYO NG AGHAM PANLIPUNAN AT HUMANIDADES
DEPARTAMENTO NG FILIPINO
Unang Semestre - Akademikong Taon 2020-2021

PANGALAN: BATCHINITCHA, LORINILLE G. SEKSYON: K30-3


BURLAS, MELANIE P.
NOCELLADO, JAMES LORENZ P.
TAGUPA, MARYCHELL N.
UTTO, NORBAESHIEN W.
PAMAGAT NG GAWAIN: KASALUKUYANG KALAGAYANG PETSA: 06-09-2021
PANGWIKA NG BANSANG PILIPINAS,
SINGAPORE AT HONGKONG

Panuto: Magsaliksik tungkol sa kasalukuyang kalagayang pangwika ng Filipinas,


Singapore at Hong Kong. Ilagay sa talahanayan ang mga impormasyong makakalap.
Pagkatapos, ipaliwanag kung may pagbabago ba o pag-unlad sa mga pagpaplanong
pangwika sa mga nasabing bansa batay sa mga tinalakay ng Group 2.
PILIPINAS SINGAPORE HONGKONG

 Kagawaran ng  Mayroong Bilingual


TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
Edukasyon- Education FILIPINO
Policy na CSSH-ABFIL

Ordinansa bilang naglalayong mahasa ang


74. Isinainstitusyon mga kasanayang pangwika
ito noong 2009 na ng mga mag-aaral sa Ingles
ang gagamitin rin at mother tongue. Nisaad
sa pagtuturo sa sa poisiya na ito ang Ingles
elementarya ang ay ang unang lenggwaheng
Inang wika o gagamitin sa paaralan.
Multilingual Samantala, ang tatlo pang
Language opisyal na wika (Chinese,
Education (MLE). Malay at Tamil) na
itinuturing mga mother
tongue languages o MTLs
ng mga mayoryang
etnikong pangkat sa
Singapore ay ang mga
pangalawang wika sa
paaralan. At ang lahat ng
mga mag-aaral ay
kinakailangan na matuto ng
isang MTL na nakaayon sa
kanilang etnisidad. Ang
polisiyang ito ng Singapore
ay itinuturing na
matagumpay. Naitalang sa
taong 2010, 77% ng
populasyon ng mga
residente ng Singapore,
edad 15 pataas ang
inaangkin na sila’y literado
sa wikang Ingles.
Samantala, 68% naman sa
parehong taon ang
porsyento ng mga
mamamayan na nag-angkin
na sila’y literado sa dalawa
at mahigit pang wika. Sa
taong 2013 naman,
naitalang 89% at 97% ng
mga sekondaryang mag-
aaral ang nakakuha ng
pasadong lebel para sa
wikang Ingles at Chinese
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

Batay sa aming nasaliksik at sa natalakay ni Lydia B. Liwanag. Napag-alaman ng


aming pangkat na ang Bilinggwal na Edukasyon ay nanatili pa rin sa kasalukuyan sa
bansang Singapore. Nakatuon pa rin ang Singapore sa pagbibigay ng pantay-pantay na
pagkakataon sa mga katutubong wika na maging midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan kasama ng Ingles. Ang mga katutubong wika na sinasalita ng mayoryang
pangkat sa bansa nila, ay patuloy na binibigyang halaga. Kasabay pa rin ng hangarin
nila na maituro ang Ingles (unang wika) ay kaakibat at kakambal nito ang paghahangad
din nila na maging matatas at matuto ang kanilang mga mamamayan ng katutubong
wika katulad ng Chinese, Malay at Tamil (ikalawang wika).

Dagdag pa, sa kasalukuyan, nanatiling masigasig ang pamahalaan ng Singapore


para sa pagpapatupad ng pagpaplanong pangwika. Ang Ahensya na nag-iimplementa
ng Patakaran sa Wika sa Edukasyon ay ang Ministri ng Edukasyon pa rin. Binigyan nila
ng tuon ang pag reporma ng kanilang pangwikang kurikulum na naglalayon pa rin sa
mas ikakabuti at ikauunlad ng pagkatuto at paggamit ng Ingles ng mga mamamayan sa
pag-aaral at maging para sa pagpapaunlad din ng kanilang mother tongue languages o
MTLs. Sa bawat taong nakalipas naman, nakitaan ng tagumpay ang Bilingual Education
Policy na naipatupad sa bansang Singapore. Naging bihasa at literado sila sa wikang
Ingles at sa kanilang mga wikang katutubo. Ayon naman kay Leviste, J., (2020), isa
pang alituntuning mayroon ang bansang Singapore, ay ang pagkakaroon ng mother
tongue policy na itinuturing isa sa pinakamahalagang bahagi ng sistemang edukasyon
sa kanilang bansa. Sa pamamagitan ng mother tongue policy, maibabahagi nito ang
kultura o tradisyon ng kasaysayan ng mga Singaporean.

Samakatuwid, kakikitaan ng pag-unlad ang pagpaplanong pangwika sa bansang


Singapore, nanatili at mas pinapaigting pa ang Bilingual Education Policy, naging isa ito
sa mahalagang alituntuning pangwikang polisiya sa kanilang bansa. Kasabay pa na
naging mahalagang alituntuning pangwika ang Mother Tongue Policy. Nagkaroon
naman ng mga reporma ang Ministri ng Edukasyon sa mga pangwikang kurikulum ng
kanilang bansa. Nanatili at umiigting pa ang pag-aaral nila sa wikang Ingles (unang
wika) at Chnese, Malay at Tamil (ikalawang wika). Kung naisaad ni Lydia B. Liwanag na
ang Singapore ay pangalawa sa mga asyanong bansang mahusay sa paggamit ng
wikang Ingles, ayon naman kay Ang, J. (2021), sa kasalukuyan, ang Singapore ay ang
Top 1 sa mga asyanong bansa na may mataas na English Proficiency. Mababanaag na
patuloy na umuulad ang pagiging magaling ng bansang Singapore sa wikang Ingles
subalit nanatili naman kahit papaano ang pagbibigay pa rin nila ng importansiya sa
TAWID BANSANG PAG-AARAL NG
CSSH-ABFIL
FILIPINO

kanilang mga katutubong wika bilang wika ng kanilang edukasyon sa pamamagitan ng


paggabay ng kanilang pamahalaan at maging ng Ministri ng Edukasyon.

Mga Sanggunian:

Ang, J. (2021). “Asian countries with the highest and lowest English
proficiency.” Retrieved June 8, 2021 from
https://www.humanresourcesonline.net/asian-countries-with-the-highest-and-
lowest-english-proficiency.

Canilao, J. et al. (n.d.). “Singapore.” Retrieved June 5, 2021 from


www.scribd.com/presentation/421467763/Singapore

Cheng, I. (2015). “Language Policy in Singapore.” Retrieved June 7, 2021 from


www.legco.gov.hk/research-publicatons/english/essentials-1415ise21-language-
policy-in-singapore.htm

Gonzalez, A. (n.d.). “Ang Kahalagahan ng Wikang Pambansa sa Pagbubuo ng


Kakanyahang Pilipino.” Retrieved June 5, 2021 from Google.com:
https://www.studocu.com/ph/document/far-eastern-university/medical-
technology/lecture-notes/ang-kahalagahan-ng-wikang-pambansa-sa-pagbubuo-
ng-kakanyahang-pilipino/3126408/view

Leviste, J. (2020). “Ang Papel ng Wika sa Pag-unlad ng Bansang Singapore at


Pilipinas.” Retrieved June 5, 2021 from jileviste.medium.com/ang-papel-ng-
wika-sa-pag-unlad-ng-bansang-singapore-at-pilipinas-2baa9c6a3844

You might also like