Professional Documents
Culture Documents
asignaturang Filipino sa
mga kolehiyo at
unibersidad?
Published June 24, 2014 4:23pm
By ni AMANDA FERNANDEZ, GMA News
Binuo nitong Sabado ang "Tanggol Wika," isang alyansang binubuo ng mga
guro at indibidwal na umaalma sa pag-aalis ng asignaturang Filipino.
Inihayag rin ng opisyal na maaaring lumipat ang ilang guro sa senior high
school upang maipagpatuloy ang pagtuturo.
"Sa mga pagtuturo, kung ang worry nila yung mawawalan sila ng gagawin, I'm
sure malilipat ang competencies nila sa pagtuturo sa senior high school," ani
Vitriolo. "Kasi kung titingnan natin, maraming na-download sa senior high
school, halos kalahati. Yung ibang apektado sa college, malamang doon rin
pupunta kasi ganoon nga ang nagiging trend."
Subalit, para kay San Juan, hindi mabuting solusyon ang paglilipat ng mga
guro sa senior high school. Aniya, may posibilidad na bumaba ang suweldo
ng mga ito, kumpara sa kasalukuyang tinatanggap nila.
"Dapat ang importante diyan, maging bihasa ka, mahalin mo, itaguyod at
tangkilikin mo," aniya. Iyong pag-aaral kasi at pagtataguyod, nasa kahit anong
level kasi," paliwanag niya.
"Kung sanay na sanay ka na sa lower years, kung all your life, natuto ka na...
Dapat naka-focus na sa major subjects, professional subjects kasi iyan na
ang specialization, iyan na ang pagtanggap ng mga bagong pamamaraan,
pagdagdag sa kwalipikasyon ng estudyante, lalo kung alam mo na ang
basics," dagdag niya.
Samantala, siniguro rin niyang maaari pa umanong mabago ang utos kapag
natapos na nilang dinggin ang panig ng mga tutol.
Sa kabilang banda, isang kilusan naman ang Tanggol Wika na may paksang “Tomasino
para sa Wikang Filipino at Makabayang Edukasyon” na naglalayong ipaunawa sa lahat ang
kasalukuyang isyung pangwika kaugnay ng K-12.
Inamin rin niya na mula pa noong 1987, wala pang batas na nagtatalaga sa wikang Filipino
na gamitin itong wika ng pagtuturo at ng pagkatuto upang maging isa ang bansa.
“Ang wikang ito ang magbibigay sa atin ng talino, tapang, at lakas na magsisilbing
panimulang-puhunan natin bilang isang bansa,” giit niya.
Ayon naman kay Ramon Guillermo, propesor rin ng Filipino sa UP-Diliman, kung sa tingin
ng mga Pilipino na wikang Ingles talaga ang wikang magsusulong sa ekonomiya ng bansa
at magdudulot ng kaunlaran at kasaganaan sa pamumuhay ng bawat Filipino, dapat noon
pa ma’y maunlad na tayo tulad ng ibang bansa.
“Noon pang 1990’s nagsimulang mag-Ingles ang mga Filipino. Sabi raw, Ingles ang wika
para sa globalisayon, kung gayon, nasaan na ba dapat ang Filipinas ngayon kung matagal
na tayong nag-i-Ingles?” aniya.
“Hindi naging hadlang para sa ibang bansa ang sarili nilang wika upang maging progresibo,
kaya dapat maisip nating mga Filipino na ang wikang Filipino ay hindi dapat maging
sagabal sa pag-unlad,” aniya.
Para naman kay Aurora Batnag, pangulo ng PSLLF, mahalaga na matalos at maunawaan
ng lahat na hindi lamang pakikipagtalastasan ang gamit ng wika sapagkat ang pagkakaisa
at pag-iisa sa damdaming Filipino ang higit na mahalagang tungkulin nito.
“Huwag nating sayangin ang nakamit na tagumpay ng wikang Filipino sa nakalipas na mga
dekada. Patuloy tayong mag-isip, magsulat, maglathala, magsaliksik, makipagtalakayan
gamit ang Filipino sa lahat ng antas ng pagkatuto,” aniya.
Pag-sang-ayon ni Michael David San Juan, propesor ng Filipino sa DLSU, kay Batnag,
ipinahayag niya na sa wikang pambansa lubos na nakikilala ang mga mamamayan na
gumagamit at tumatangkilik dito.
“Ito ang wika ng pambansang diskurso, wika ng mga ordinaryong mamamayan, wika ng
demokratisasyong pampulitika, at obra maestra ng mga wikang rehiyonal sa Filipinas.
Samakatuwid, ito ang salamin ng ating kolektibong identidad,” aniya.