You are on page 1of 34

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon I
Sangay ng Ilocos Sur
Bantay, Ilocos Sur

PAKSA: SINTESIS AT
BUOD
SINTESIS

1. Salitang Griyego – syntithenai


(syn=kasama; magkasama; tithenai= ilagay;
sama-samang ilagay.

2. Pilosopiya – bahagi ito ng metodong


diyalektal ni Georg Friedrich Hegel kaugnay
ng pagbuo o katuwiran.
• 3. Tesis o Argumento – iniuugnay
ang antithesis o kontra-argumento,
at, sa huli, ang sintesis o
rekonsilasyon ng mga ideya na
nakapaloob sa naunang dalawa.
Ang buong proseso ay nakabubuo
ng bagong tesis.
4. Pagsulat – ang sintesis ay isang anyo ng
pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling
pamamaraan upang ang sari-saring ideya o
datos mula sa iba’t ibang pinanggalingan
(tao, libro, pananaliksik, at iba pa) ay
mapagsama-sama at mapag-isa tungo sa
isang malinaw na kabuuan o identidad.
Mula sa prosesong ito, kung saan
tumutungo sa sentralisasyon ng mga ideya,
makabubuo ng bagong ideya.
Sa makatuwid, ang sintesis ay
pagsasama-sama ng mga ideya
tungo sa isang pangkalahatang
kabuuan na nangangailangn ng
analisis sa simula (kabuuang
datos, ideya at paksa).
Datos
Ideya

Datos
ANALISIS
Datos
Pangka- Ideya
Datos
Ideya
lahatang Ideya
Ideya

Datos
Datos
Ideya
Ideya

Sintesis
Mahalaga sa sintesis ang organisasyon ng mga ideya dahil
nanggaling ang mga ito sa iba’t ibang batis ng
impormasyon.

Halimbawa:
1. Sa isang interbyu sa isang tao, iba-iba ang itinatanong
ng nag-iinterbyu gaya ng tungkol sa pamilya,
propesyon, opinyon sa paksa, atbp. Kaya iba-ibang
opinyon naman ang maririnig.

2. Sa panel discussion naman, iba-iba ang taong nag-


uusap tungkol sa iisang paksa
Mga Ilang Hakbang at Mungkahi sa Maayos na
Pagbubuo ng Sintesis

1. Introduksyon

Sisimulan sa isang paksang pangungusap na


magbubuod o magtutuon sa pinakapaksa ng teksto.
Banggitin ang mga sumusunod:
a. Pangalan ng may-akda
b. Pamagat
c. Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto,
paksa
2. Katawan

a. Organisahin ang mga ideya upang


mauri kung may nagkakapareho.
Gumawa ng isang Sintesis Grid (halaw
sa 2000 Learning Center, University of
Sydney) upang masigurong maayos at
sistematiko ang daloy ng pagkuha ng
impormasyon
Sintesis Grid (Talk Show sa TV)

Pamagat ng Programa __________________ Network: __________________


Paksa: _______________________________ Petsa: ____________________
Host/s: ___________________________________

Kinapanayam: 1. ____________________________
2. ____________________________
3. ____________________________

Kinapanayam Posisyon Katwiran Komento

Kinapanayam 1

Kinapanayam 2

Kinapanayam 3
Sintesis Grid (Pananaliksik)

Sanggunian Petsa ng Paksa Pangunahing Ideya


May-akda Pagkakalimbag

1.

2.

3.

4.

5.
b. Suriin ang koneksyon ng bawat isa
sa paksa at pangunahing ideya.

c. Simulan sa pangungusap o kataga


ang bawat talata. Naglalahad ang
pangungusap o katagang paksa ng
talata.
d. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-
ibang batis (tao, libro, at iba pa) o iba-ibang
paksa o opinyon sa isang paksa.

e. Gumamit ng angkop na mga transisyon


(halimbawa: gayundin, sa kabilang dako,
gayunman, at iba pa) at paksang pangungusap.
Banggitin din ang pinagkunan (halimbawa: “na
ayon sa Daluyan Journal, Vol. VI, 2009”).
f. Gawing impormatibo ang sintesis. Ipakita
ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng
mga ideya, opinyon, paniniwala, reaksyon,
at iba pa.

g. Huwag maging masalita sa sintesis. Mas


maikli, mas mabuti ngunit may laman,
lalim, at lawak.

h. Maging matapat sa teksto, kinapanayam,


o pinagkunan ng impormasyon.
3. Kongklusyon

Ibuod ang nakitang mga impormasyon


at pangkalahatang koneksyon ng iba-
ibang pinagsamang ideya. Maaaring
magbigay komento dito o kaya’y
magmungkahi (halimabawa: mas
malalim pang pananaliksik, pag-aaral,
obserbasyon, diskusyon, at iba pa
tungkol sa paksa. (Maaaring ang
kongklusyon ay nasa unang bahagi)
a. Introduksyon ng koleksyon ng
mga artikulo sa libro o journal.

b. Report ng pinag-usapan sa talk


show, pulong, komperensiya, o
panel discussion.
c. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan
ng impormasyon o ideya ukol sa isang
paksang may maraming may-akda na
sinangguni para sa sinusulat na tesis o
disertasyon.
d. Report ng dokumentaryo ukol sa isang
paksaa na may iba’t ibang taong
kinapanayam.
e. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang
may-akda kaugnay ng isang partikular na
paksa.
Halimbawa ng dayagram ng isang sintesis
Introduksyon
Paksa
Paksang Pangungusap

Pinagkukunan Pinagkukunan Pinagkukunan


(Batis) (Batis) (Batis)
1 2 3

Katuwiran
(pagkakapareho o pagkakaiba

Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon Ideya o Opinyon

Kongklusyon
Kabuuang Ideya
Mungkahi o Komento
Indibidwal na Gawain

Basahin ang isang halimbawa ng


sulating sintesis.

1. Suriin ang pagkakabalangkas.


2. Alamin kung nailahad lahat ang mga
bahagi.
3. Magbigay ng komento sa nabasa.
4. Ibahagi sa pangkat ang mga napuna.
BUOD

KAHULUGAN
Siksik at pinaikling bersyon ito ng teksto. Ang
teksto ay maaring nakasulat, pinanood, o pinakinggan.
Pinipili rito ang pinakamahalagang ideya at
sumusuportang ideya o datos. Mahalaga kung gayon,
ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga
ideya ng binuod na teksto. Kadalasan, nakatutulong ang
pagbubuod sa paglilinaw sa lohikal at kronolihiya ng
mga ideya lalo na sa mga hindi organisado o
komplikadong paraan ng pagsulat sa teksto.
KAHALAGAHAN

Mahalaga ang pagbubuod sa


pagpapaunlad ng argumento. Hindi tayo
nagbubuod para lang ilahad ang ginawa o
isinulat ng isang may akda. Ginagamit ito
bilang pansuporta sa isang proposisyon o
tesis. Isa rin itong batayan kung paano
binasa ng sumulat ang naturang akda at
kung paano niya naiiugnay sa kanyang
paksa.
KATANGIAN

1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto


kaugnay sa paksa.

2. Hindi inuuulit ang mga salita ng may akda;


bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita.
Isa itong “ muling pagsulat” ng binasang akda
sa maikling salita. Inihahalili sa mga salita ng
may-akda ang mas pangkahalatang termino.

3. Mga ⅓ ng teksto o mas maikli pa dito ang buod.


MGA HAKBANG SA PAGBUBUOD

1. Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang


pahapyaw ang teksto.

2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang


pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang
pangungusap o pinakatema. Tukuyin din ang
mga susing salita ( key words).

3. Pag- ugnay- ugnayin ang mga ideyang ito


upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisasyon ng
teksto. Huwag gumamit ng mga salita o
pangungusap mula sa teksto.

5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa,


at ebidensya.
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal
word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa
mga ideya gaya ng gayumpaman, kung gayon,
samatuwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang
konklusyon, bilang pagwawakas, at iba pa.
7. Huwag magsingit ng opinyon.
8. Sundin ang dayagram sa ibaba.

BUOD
Pangunahing Ideya
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap
Paksang pangungusap
Kongklusyon
Sa pagbubuod naman ng mga:

1. Piksyon
2. Tula
3. Kanta
4. Maikling kuwento at iba pa

Maaaring gumawa muna ng story map o graphic


organizer upang malinawan ang daloy ng pangyayari.
Pagkatapos isulat ang buod sa isang talata kung saan
ilalahad ang pangunahing karakter, at tunggalian at ang
resolusyon ng tunggalian.
Ilang Halimbawa ng Story Map
Tumutulong ang pagbubuod sa pagpapunlad ng
analitikal na pag-iisip na isang mahalagang
kasanayan sa pag- aaral. Sinusuri din ang mga
impormasyon at pinaghihiwalay ang mahalaga sa di-
mahalagang punto, ang ideya sa halimbawa o
ebidensya, ay pinagsasama-sama ang mahahalagang
ideya upang makabuo ng malinaw at mapagbuod na
mga pangungusap na maglalahad ng pangunahing
punto ng teksto.
Halimbawa
ng Story Map
DINAMIKONG GAWAIN
1. Pangkatin sa apat ang grupo.
2. Gumawa ng isang pagbubuod batay sa isang
maikling kuwentong nabasa at naituro na sa mga
mag-aaral sa pamamagitan ng pagpupuno ng mga
detalye sa Story Map na ibibigay ng tagapagsanay
sa seminar. Pagkatapos ay sumulat ng maikling
pagbubuod sa kuwento.
3. Ikikritik ng tagapagsanay ang awtput.
TALASANGGUNIAN
Malagyo, Renante D. , (Mayo 29-31, 2017). Seminar Workshop
sa Piling Larangan ( Filipino) sa K to 12. DMMSU SLUC, Agoo,
La Union.
Inihanda nina:
Gng. Rebecca Viloria, Principal 1-Puro National High School
G. Dan Joseph Vilog, Teacher 2- Tagudin National High School
Bb. Aidalyn Laurente, Teacher 2- Belen National High School

You might also like