You are on page 1of 9

;

SORSOGON COLLEGE OF CRIMINOLOGY, INC.


3928 Rizal St., Piot, Sorsogon City
E-mail Address: sorcollgeofcriminology@gmail.com

Pagsulat sa Filipino sa
Piling Larang
Akademik

(Kuwarter 3 - Modyul 2)

Mga Akademikong Sulatin

Inihanda ni:
Bb. CZARINA B. GAÑAS

Inihanda ni:
Bb. CZARINA B. GAÑAS

1
Akademikong Sulatin
Ano nga ba ang akademikong sulatin?
Ayon sa mga eksperto, ang akademikong sulatin ay pormal na sulatin o
akdang isinasagawa sa isang akademikong institusyon o unibersidad sa isang
partikular na larangang akademik. Ito ay itinuturing na intelektuwal na
pagsulat na naglalayong mapalawak at mapataas ang kaalaman hinggil sa
iba’t ibang larangan at paksa. Ito ay para din sa makabuluhang
pagsasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon, at opinyon
base sa manunulat. Ginagamit din ito upang makapagpabatid ng mga
impormasyon at saloobin. Kabilang sa maituturing na mga halimbawa ng
akademikong sulatin ang talumpati, posisyong papel, katitikan ng pulong,
bionote, lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay, pictorial essay,
panukalang proyekto, at abstrak. Bagaman pare-parehong nabibilang sa
akademikong sulatin, ang bawat isa ay may taglay na kanya-kanyang gamit,
layunin, katangian at anyo na nagsisilbing nilang pagkakakilanlan.

Nahahati sa dalawang pangkat ang mga sulating ito. Ang unang pangkat ay
ang mga sulating nangangatwiran at naglalahad na kinabibilangan ito ng:
➢ posisyong papel
➢ talumpati
➢ katitikan ng pulong,
➢ panukalang proyekto
➢ abstrak at
➢ bionote.

Mga sulating nagsasalaysay at naglalarawan naman ang ikalawang pangkat


kung saan nabibilang ang lakbay-sanaysay, replektibong sanaysay at
pictorial essay. Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga akademikong
sulatin?

➢ Ang talumpati ay isang akademikong sulatin na binibigkas sa harap ng mga


tagapakinig. Layunin nitong manghikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay
ng kaalaman o kabatiran at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay nauuri sa
dalawa ayon sa balangkas.

➢ Ang posisyong papel ay naglalayon ding manghikayat sa pamamagitan


ng pangangatwiran. Ito ay sulating naglalahad ng mga katwiran ukol sa
panig sa isang isyu. Naglalaman ito ng malinaw na tindig sa isyu, mga
argumento at pinapatibay ito ng malalakas na ebidensiya. Kinakailangan
dito ang komprehensibong pananaliksik upang makakuha ng mga
patunay na kukumbinsi sa mga mambabasa.

Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng talumpati at posisyong papel?


Nagkakatulad ang talumpati at posisyong papel sa layunin, gamit at
maging sa anyo o estruktura nito. Sa kabilang banda, nagkakaiba sila sa
paraan kung paano ipinababatid ang impormasyon sa pinatutungkulan.

2
➢ Ang katitikan ng pulong naman ay isang akademikong sulatin na
naglalaman ng mahahalagang detalye hinggil sa mga napag-usapan at
napagtibay ng isang partikular na organisasyon. Mahalaga ang rekord na ito
bilang batayan sa susunod na pagpupulong at sa pagsubaybay sa mga
problema at aksyong napagtibay sa pulong. Nakatutulong din ito lalo na sa
mga miyembrong hindi nakadalo bilang kanilang referens. Nakasulat ito sa
paraang obhektibo, tiyak at malinaw.

Ano ang gamit ng pagsulat ng katitikan ng pulong?


Ito ay ginagamit bilang referens ng mga susunod na gaganaping pagpupulong
at pagsubaybay sa mga plano, problema at aksyong napagtibay. Ginagamit
din itong batayan ng mga miyembrong hindi nakadalo sa pulong

➢ Ang bionote ay isang sulatin na naglalayong magbigay ng impormasyon.


Naglalahad ito ng mga kwalipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyonal. Itinatanghal dito ang kanyang mga natamo na
nagsasabing siya ay maalam at may awtoriodad sa larangang kanyang
kinabibilangan. Karaniwang maikli lamang ang nilalaman nito.(isang talata
lamang). Nasusulat ito gamit ang ikatlong panahunan. Madalas itong makita
sa likurang pabalat ng libro na may kasamang larawan ng awtor. Ito ay
nagsisilbing personal profile ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa mga
mambabasa.

Ano ang layunin ng bionote at saan ito madalas na makikita?


Tandaan nating ang layunin ng bionote ay ang magbigay ng personal na
impormasyon tungkol sa kwalipikasyon at kredibilidad ng isang awtor.
Madalas na makikita ito sa likurang pabalat ng aklat na kanyang isinulat.

Isa ring akademikong sulatin na nagpapabatid ang abstrak. Ito ay buod ng


papel-pananaliksik na naglalaman ng kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta
at konklusyon ng pag-aaral. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel
pananaliksik upang mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa
patungkol sa nilalaman nito.

Karaniwang ito ay binubuo lamang ng 200-300 na salita. Simpleng


pangungusap ang ginagamit sa pagsulat. Makikita ito sa unahang bahagi ng
manuskrito.

Ano ang abstrak at ano-anong katangian ang taglay nito? -


Ang abstrak ay buod ng isang papel-pananaliksik. Naglalaman ito ng kaligiran,
layunin, metodolohiya, resulta at konklusyon ng pag-aaral. Simpleng
pangungusap lamang ang ginagamit sa pagsulat at binubuo lamang ng 200-300
na salita.

Ayon kay Besim Nebiu, ang panukalang proyekto ay isang detalyadong


deskripsyon ng mga inihahaing gawaing naglalayong lumutas ng isang
problema o suliranin. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi: ang panimula, katawan

3
at konklusyon. Sa bahaging panimula inilalahad ang rasyonal o ang mga
suliranin, layunin, o motibasyon. Inilalagay naman sa bahaging katawan ang
detalye ng mga kailangang gawin at ang iminumungkahing badyet para sa
mga ito. Samantala, sa bahaging konklusyon inilalahad ang mga benepisyong
maaaring idulot ng proyekto. Naglalaman ito ng mga sumusunod: pamagat,
proponent ng proyekto, kategorya ng proyekto, petsa, rasyonal, deskripsyon ng
proyekto, badyet na
kakailanganin, at ang pakinabang ng proyekto.

Nararapat na ang panukala ay tiyak at realistic kaya naman mahalaga ang


pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad o organisasyong pag-uukulan
nito bilang unang hakbang sa pagsulat. Tinitiyak din sa pagsulat nito na
makumbinsi ang nilalapitang opisina o ahensiyang mag-aapruba ng
panukalang proyekto.

Ano-ano ang mga espisipikong bahagi ng isang panukalang proyekto?


Ang mga espisipikong bahagi ng isang panukalang proyekyo ay:
 pamagat,
 proponent ng proyekto,
 kategorya ng proyekto,
 petsa,
 rasyonal,
 deskripsyon ng proyekto,
 badyet na kakailanganin, at
 ang pakinabang ng proyekto.

Atin ding kilalanin ang mga akademikong sulatin na nagsasalaysay at


naglalarawan. Kabilang dito:

➢ ang lakbay-sanaysay. Ito ay akademikong teksto na nagsasalaysay at


naglalarawan ng mga karanasan ng may-akda sa pinuntahang lugar,
nakasalamuhang tao at pagkain at maging ang kanyang mga naisip at
napagtantong ideya. Tinatawag din itong travel essay o travelogue. Ilan sa mga
katangiang taglay nito ang maayos na daloy ng mga pangyayari, may
malinaw na paglalarawan sa mga lugar, tao at pagkain, gumagamit ng
maraming pandiwa at pang-uri upang maikuwento at mailarawan ang mag
pangyayari, tao at lugar at higit sa lahat may mga ideyang napagtanto ang
awtor sa ginawang paglalakbay. Kadalasan mas personal at impormal ang
pagkakasulat ng lakbay-sanaysay. Layunin ng pagsulat ng lakbay-sanaysay
ang makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo tungkol sa
isang destinasyon.

Sa tingin mo, bakit madalas ay personal at impormal ang pagkakasulat


ng lakbaysanaysay?
Ang lakbay-sanaysay ay madalas na isinusulat sa paraang personal at
impormal pagkat ang isinasalaysay at inilalarawan ng may-akda ay ang
kanyang naging personal na karanasan sa ginawang paglalakbay.

4
Isa ring akademikong sulating nagsasalaysay…
➢ Ang replektibong sanaysay. Nagsasalaysay ito ng mga personal na
karanasan at sinusuri ang naging epekto ng ng mga karanasang iyon sa
manunulat. Layunin nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at
makapagbigay ng inspirasyon sa mambabasa. Maaaring lamanin nito ang
kalakasan ng manunulat at maging ang kanyang kahinaan. Isinasalaysay at
inilalarawan din ng manunulat kung paano napaunlad ang kanyang mga
kalakasan at kung paano niya naman napagtagumpayan o balak
pagtagumpayan ang kanyang mga kahinaan. Katulad ng ibang sulating
akademiko, ang replektibong sanaysay ay may simula, katawan at
konklusyon. Taglay rin nito ang mga katangian ng lakbaysanaysay gaya ng
pagkakaroon ng maayos na daloy ng mga pangyayari, malinaw na
paglalarawan at pagsasalaysay sa mga karanasan, at ang paggamit ng pang-
uri at pandiwa maliban sa pagkakaroon ng malinaw na pagsusuri sa mga
karanasan sa buhay. Itinuturing itong isang personal , mapanuri o kritikal na
sanaysay.

Ano ang isinasalaysay at inilalarawan ng may-akda sa isang


replektibong sanaysay?
Isinasalaysay at inilalarawan sa isang replektibong sanaysay ang naging
personal na karanasan ng may-akda at sinusuri kung ano ang naging
epekto nito sa kanyang sarili.

Bilang panghuli ay ang-


➢ pictorial essay
Isang uri ito ng sulating akademiko na ginagamitan ng may-akda ng mga
litrato na nagbibigay-kulay at kahulugan kaalinsabay ng teksto sa paglalahad
o pagbibigay-diskusyon sa isang isyu o paksa. Ito ay nakasentro lamang sa
iisang tema. Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari gamit
ang mga litrato. Ang mga larawan ang nagsisibing pangunahing
tagapagkuwento samantalang ang teksto ay pansuporta lamang. Ang mga ito
ay inaayos sa paraang kronolohikal upang ipahayag ang mga pangyayari,
damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan.

Ano ang gamit ng pictorial essay?


Ginagamit ang pictorial essay upang ipahayag ang mga pangyayari,
damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na paraan. Tandaan
lamang na ang mga larawan ay nakaayos nang kronolohikal para maging
malinaw ang pagsasalaysay ng mga pangyayari.

5
6
GAWAIN 1
Panuto: Unawain ang mga pahayag sa ibaba at tukuyin ang angkop na
tamang sagot na nasa ibaba.

1. Layunin ng sulating ito na mangatwiran at manghikayat sa pamamagitan


ng malinaw na tindig sa isyu, mga argumento na pinapatibay malalakas na
ebidensiya.

2. Layunin nitong maibahagi sa iba ang naging karanasan at makapagbigay


ng inspirasyon sa mambabasa.

3. Ang sulating ito ay nagiging midyum para makapagpahayag ng saloobin at


magpabatid sa tagapakinig tungkol sa mga napapanahong isyu upang sila ay
hikayatin na gumawa ng nararapat na pagkilos ukol ditto.

4. Ito ay naglalayong lumutas ng isang problema o suliranin.

5. Ito ay ginagamit bilang referens sa mga susunod na gaganaping


pagpupulong at pagsubaybay sa mga plano, problema at aksyong
napagtibay.

6. Layunin nitong magsalaysay at maglarawan ng pangyayari gamit ang mga


litrato.

7. Layunin nitong makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang anggulo


tungkol sa isang destinasyon o pook-pasyalan.

8. Ito ay nagsisilbing personal profile ng isang tao upang ipakilala ang sarili sa
mga mambabasa.

9. Layunin nitong paikliin ang isang buong papel pananaliksik upang


mabigyan ng pangkalahatang ideya ang mambabasa patungkol sa nilalaman
nito.

10. Layunin nitong maidokumento ang lahat ng napag-usapan sa isang


pulong

ABSTRAK LAKBAY-SANAYSAY BIONOTE

TALUMPATI PICTORIAL ESSAY REPLEKTIBONG SANAYSAY

PANUKALANG PROYEKTO POSISYONG PAPEL KATITIKAN NG PULONGH

GAWAIN 2

7
Panuto: Hanapin mula sa word puzzle ang mahiwagang salita sa
direksyong pahalang, pababa o padayagonal na inilalarawan sa bawat
aytem sa ibaba.

1. Madalas itong makita sa likurang pabalat ng aklat. Ano ito?


2. Gumagamit ito ng mga larawan para ipahayag ang mga pangyayari,
damdamin, at mga konsepto. Ano ito?
3. Ito ay binuo lamang ng 200 hanggang 300 na salita. Ano ito?
4. Tinatawag din itong travel essay o travelogue. Ano ito?
5. Isinusulat ito sa paraang madulas bigkasin ang mga salita at may

GAWAIN 3
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at tukuyin kung ito ay
nagsasaad ng wastong impormasyon o hindi. Lagyan ng TAMA kung ito ay
wasto at MALI kung di-wasto.

____________1. Ang lakbay-sanaysay at replektibong sanaysay ay kapwa


gumagamit ng pang-uri at pandiwa sa pagsasalaysay ng mga pangyayari at
karanasan.
____________ 2. Ang isang bionote ay karaniwang isinusulat sa loob lamang
ng dalawang talata.

8
____________ 3. Ang talumpati at posisyong papel ay parehong sulating
nangangatwiran at nagsasalaysay.
____________ 4. Hindi mahalagang maglagay ng badyet na kakailanganin sa
pagsasakatuparan ng inihahaing panukalang proyekyo.
____________ 5. Ginagamit ang imperpektibong aspekto ng pandiwa sa
pagsulat ng isang katitikan ng pulong.

GOODLUCK & KEEP SAFE :)

You might also like