You are on page 1of 15

PAGBASA AT PAGSULAT

SA AKADEMIYA
Mga gawaing pampag-iisip sa akademiya
Akademiya
 Mula sa salitang Pranses na academie, sa Latin na
academia, at sa Griyego na academeia-mula sa Academos,
ang bayaning Griyego kung saan ipinangalan ni Plato ang
hardin.
 Isang institusyon ng kinikilalang iskolar, artista at siyentista
na ang layunin ay isulong, paunlarin, palalimin at
palawakin ang kaalaman at kasanayang pangkaisipan upang
mapanatili ang mataas na pamantayan ng partikular na
larangan.
 Isa itong komunidad ng mga iskolar.
 Ang isang mag-aaral na hinubog ng isang akademiya ay may
kakayahang mag-isip ng kritikal, malikhain at mapanuri
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip
 Ang mapanuring pag-iisip ay ang paggamit ng kaalaman,
kakayahan, pagpapahalaga at talino upang epektibong harapin
ang mga sitwasyon at hamon sa buhay-akademiko at maging sa
mga gawaing di-akademiko.
 Hindi nasasagkaan ng pagiging mapanuri ang pagkamalikhain
ng tao. Nagtutulungan pa nga at nagtatalaban(impluwensiya)
ang dalawang kakayahng ito upang makabuo ng mga
paniniwala sa buhay at pagdedesisyon tulad ng pagpili ng
kurso, karera o negosyo, pagsasagawa ng mga gawain,
pakikipag-ugnayan sa kapwa, at pagkakaroon ng makabuluhan
at makahulugang pamumuhay sa komplikadong mundong ating
ginagalawan.
Malikhain at Mapanuring Pag-iisip

 Ganitongmga katangian ang bumubuo sa isang


malikhain at mapanuring indibidwal. Hindi kailangang
maging henyo o talentado upang maging malikhain.
 Saakademiya, ang mga katangiang ito ay nililinang at
pinapaunlad sa mga mag-aaral. Malaki ang
maitutulong nito upang mapagtagumpayan ang mga
hamon sa kolehiyo, trabaho at araw-araw na
pamumuhay.
Salitang Akademiko
 Akademiko o academic ay mula sa mga wikang Europeo
(Pranses: academique; Medieval Latin: academicus) noong
gitnang bahagi ng ika-16 na siglo.
 May kaugnayan ito sa edukasyon, iskolarsyip, institusyon o
larangan ng pag-aaral na nagbibigay-tuon sa pagbasa,
pagsulat at pag-aaral, kaiba sa praktikal o teknikal na
Gawain. (www.oxforddictionaries.com)
 Isa itong pangngalan na tumutukoy sa tao(halimbawa:
Nagmiting ang mga akademik.)
 Isa rin itong pang-uri na tumutukoy sa gawain (akademikong
aktibidad) at bagay (akademikong usapan at institusyon)
Salitang Akademiko
 Sa akademiya nalilinang ang mga kasanayan at
natututuhan ang mga kaalamang kaugnay ng
larangang pinagkakadalubhasaaan.
 Kasanayan sa pagbasa, pakikinig, pagsasalita,
panonood, at pagsulat ang napauunlad sa
pagsasagawa ng mga gawain sa larangan.
 Analisis, panunuring kritikal, pananaliksik, at
eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
 Ginagabayan ito ng etika, pagpapahalaga,
katotohanan, ebidensiya at balanseng pagsusuri
Akademiko vs. Di-Akademiko
Katangian

Akademiko Di-Akademiko
 Layunin: Magbigay ng  Layunin: Magbigay ng
ideya o impormasyon sariling opinion
 Paraan o batayan ng  Paraan o batayan ng
datos: Obserbasyon, datos: Sariling karanasan,
pananaliksik at pagbasa pamilya at komunidad
 Audience: Iskolar, mag-  Audience: Iba’t ibang
aaral, guro (akademikong publiko
komunidad)
Akademiko vs. Di-Akademiko
Katangian

Akademiko Di-Akademiko
 Organisasyon ng ideya: Planado  Organisasyon ng ideya:
ang ideya, may pagkakasunod- Hindi malinaw ang estruktura;
sunod ang estruktura ng pahayag,
hindi kailangang magkakaugnay
magkakaugnay ang mga ideya
ang ideya
 Pananaw: Obhetibo; hindi
direktang tumutukoy sa tao at  Pananaw: Subhetibo; sariling
damdamin kundi sa mga bagay, opinion, komunidad ang
ideya, facts; nasa pangatlong pagtukoy; tao at damdamin ang
panauhan ang pagkakasulat; hindi tinutukoy; nasa una at
direktang tumutukoy sa tao at pangalawang panauhan ang
damdamin, at hindi gumagamit ng pagkakasulat
pangalawang panauhan
 Pagbasa ng ginagamit na
teksto sa klase
 Pakikinig ng lektyur
 Panonood ng video o
dokumentaryo
Halimbawa ng
 Pagsasalita at
Akademikong pakikipagdiskurso sa
Gawain: loob ng klase o
simposyum
 Pagsulat ng sulatin o
pananaliksik
 Panonood ng pelikula o
video upang maaliw o
magpalipas-oras
 Pakikipag-usap sa
sinuman ukol sa mga
Halimbawa ng Di- paksang di-akademiko
Akademikong  Pagsulat sa isang
Gawain: kaibigan
 Pakikinig sa radio at
pagbasa ng komiks,
magsin o diyaryo
Akademiko vs. Di-Akademiko
Katangian

Akademiko Di-Akademiko
 Pang-eskwelahan,  Ordinaryo, pang-araw-
pangkolehiyo araw
 Pormal at intelektwal  Batay sa mga usapan,
 Cognitive Academic praktikal, personal, at
Language Proficiency impormal
(CALP)  Basic Interpersonal
Communication Skills
(BICS)

Teoryang pangkomunikasyon ni Cummins (1979)


Sagutin Natin:
1. Paano nakatutulong ang pagkamalikhain at mapanuring
pag-iisip sa isang mag-aaral sa senior high school?
2. Isa-isahin ang iba’t ibang gamit ng salitang akademik at
ibigay ang kahulugan nito.
3. Isa-isahin ang mga wikang pinanggalingan o pinagmulan ng
salitang akademik at ipaliwanag ang kahulugan nito.
4. Sa isa hanggang 5 pangungusap, ipaliwanag ang
pagkakaiba ng akademik at di-akademik na gawain.
5. Maaari bang gawin sa loob ng akademiya ang mga gawaing
di-akademiko at ang mga gawaing akademiko sa labas ng
akademiya? Ipaliwanag at magbigay ng halimbawa na
magpapatunay rito.
Akademikong Pagsulat
 Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga
mag-aaral kaya tinatawag itong intelektwal na pagsulat.
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_akademikong_pagsulat
 May layuning maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o pananaliksik na
ginawa. http://myschoolworks.wrodpress.com/category/komunikasyon-
sa-akademikong-pilipino
 Nangangailangan ng mataas na antas ng kasanayan. Kailangang malinang
at mapaunlad ang kritikal na pag-iisip, pagsusuri, paggawa ng sintesis at
pagtataya.
http://tl.ansers.com/Q/ano_ang_kahulugan_ng_akademikong_teksto
 Ito ang ginagamit sa mas mataas na edukasyon o sa kolehiyo
(NewsFields).
Halimbawa ng Akademikong Sulatin:

 Akademikong sanaysay  Rebyu


 Pamanahong papel  Artikulo
 Konseptong papel  Bibliograpiya

 Tesis  Panunuring pampanitikan


 Antolohiya
 Disertasyon
 Pasalitang testimonya
 Abstrak
 Mga tinipong sulatin
 Book report  Eksplikasyon (bahagi ng sulatin
 Pagsasaling wika na nagbibigay ng impormasyon
hal. Terminolohiya)
 aklat
Pagbuo ng Mini-Diksyunaryo
 Maglista ng tatlong kurso na gusto mong pasukin sa
kolehiyo o gawing karera. Pumili lamang ng isang
pinakagusto. Magsaliksik sa libro o internet o magsagawa
ng panayam tungkol dito. Gawin ang mga sumusunod:
1. Gumawa ng isang glosaryo na mayroong 20 salita ng
mga konsepto o terminolohiyang ginagamit sa napiling
larangan.
2. Lagyan ng kahulugan ang bawat aytem.
3. Gawan ng klasipikasyon o paggugrupo ang mga aytem
4. Ibahagi ito sa klase sa pamamagitan ng slide show
presentation.

You might also like