You are on page 1of 3

PANG-ARAW- Pangalan: CARAMORAN RURAL Baitang/ 8

ARAW NA TALA DEVELOPMENT HIGH Antas:


SA PAGTUTURO SCHOOL
Guro: PINKY T. TALION Asignatura: FILIPINO
Petsa/ Oras Nobyembre 23,2019 Markahan: IKATLO

BANGHAY-ARALIN SA PAKITANG-TURO (Makrong Kasanayan sa Pakikinig at Pagsasalita)


I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng
panitikang popular sa kulturang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang
kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness
campaign)
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nabibigyang-reaksiyon ang narinig na opinyon tungkol sa isang isyu
(F8PN-IIIa-c-28)

II. NILALAMAN Pagbibigay-reaksiyon sa narinig na opinyon


III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro pahina 157
2. Mga Pahina sa Kagamitang pahina 147- 153
Pang- Mag-aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk pahina 147- 153
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal
ng Learning Resource
B. Iba Panga Kagamitang Panturo https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/opinyon/
2019/06/27/1929893/editoryal-bahana-naman-dahil-sa-basura

https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/opinyon/2019/08/24/194597
7/editoryalrebyuhin-ang-ra-10592
IV. PAMAARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Ano ang kulturang popular?
ngbagong aralin.
Bakit kailangang pag-aralan ang kulturang popular?

Mayroon akong ipapakitang mga larawan na naglalaman ng iba't ibang


isyu.

Ano ang opinyon mo kaugnay dito?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Ano ang tawag sa inyong ginawang gawain?

Sagot: Ang tawag sa ginawa naming pagbibigay opinyon kaugnay sa


pinag-uusapan ay pagbibigay reaksiyon.

Sa araw na ito ang tatalakayin natin ay pagbibigay reaksiyon sa narinig


na opinyon ng kausap tungkol sa isang isyu

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Ang pagbibigay reaksiyon ay isang kasanayang kailangang malinang
aralin dahil naipapahayag natin ang sariling saloobin, opinyon o pananaw
hinggil sa mga kaisipang inilahad.

Ang pagbibigay reaksiyon ay maaaring sa pamamagitan ng pagsang-


ayon o pagsalungat sa kaisipan ng nagsasalita o kausap. Sikapin lamang
PANG-ARAW- Pangalan: CARAMORAN RURAL Baitang/ 8
ARAW NA TALA DEVELOPMENT HIGH Antas:
SA PAGTUTURO SCHOOL
Guro: PINKY T. TALION Asignatura: FILIPINO
Petsa/ Oras Nobyembre 23,2019 Markahan: IKATLO

na maging magalang upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng


kapwa.

Sanggunian: Landas sa Wika ni Lydia B. Liwanag

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Upang higit ninyong maipakita ang kasanayan sa paagbibigay reaksiyon.
ng bagong kasanayan #1 Subakan ninyong magsagawa ng debate kaugnay sa isang paksa. Narito
ang pamantayan at pamamaraan sa pagsasagawa ng debate.

Pamantayan/Pamamaraan sa isasagawang debate.

Ang temang pagtatalunan ay: “Pabor ba kayo na hindi dapat bigyan ng


takdang aralin ang mga mag-aaral tuwing weekend?”

1. Hahatiin ang klase sa dalawang pangkat.


2. Pipili sa pangkat ng kinatawan upang magsagawa ng toss coin upang
malaman kung anong panig ang sa kanila ay mapupunta.
3. Ang manalo sa toss coin ang may prebelehiyo na pumili ng panig at
kung sino ang mauunang magsasalita.
4. Bibigyan lamang ng 1 minuto ang bawat pangkat sa pagbibigay ng
kanilang punto.
5. Mayroon lamang na 3 pagkakataon ang bawat pangkat sa paglalahad
ng kanilang punto.

(Talakayin kung paano naisagawa ng mga mag-aaral ang pagbibigay


reaksiyon kaugnay sa debateng isinagawa.)

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad Babasahin ng isang mag-aaral ang editorial mula sa pahayagan
ng bagong kasanayan #2 na may paksang “Baha na naman dahil sa basura”
(https://www.philstar.com/pilipino-starngayon/opinyon/2019/06/27/192989
3/editoryal-baha-nanaman-dahil-sa-basura)

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Batay sa binasang editorial kaugnay sa paksang “Baha na naman dahil
Assessment sa basura” magbigay ng reaksiyon hinggil sa ibinigay na opinyon ng may-
akda upang higit na mapalalim ang paksang pinaguusapan.

*Sa pagbibigay ng opinyon, mungkahi, pananaw,saloobin at


paninindigan, gumagamit tayo ng angkop na mga pahayag tulad ng(sa
tingin ko/sa palagay, akala, kung ako ang tatanungin,nararapat lamang,
sa totoo lang,atbp)

Tatawag ako ng mag-aaral na pupunta sa harapan upang siyang


magbigay reaksiyon kaugnay sa opinyon ng may-akda na aking binasa.
(Gabayan ng guro ang pagsasagawa ng gawain)

G. Paglalapat ng aralin sa pangaraw-araw na buhay Paano magiging mabisa ang iyong pagbibigay reaksiyon kaugnay sa
isang paksa o isyu?

H. Paglalahat ng Aralin Kung ikaw ay nakakarinig ng nag-uusap kaugnay sa isang isyu, ano ang
maaari mong gawin? Bakit?

I. Pagtataya ng Aralin Babasahin ng guro ang isang Editoryal (https://www.philstar.com/pilipino-


starngayon/opinyon/2019/08/24/1945977/editoryal-rebyuhin-ang-
ra10592)
Batay sa binasang editoryal kaugnay sa paksang “Rebyuhin ang RA
PANG-ARAW- Pangalan: CARAMORAN RURAL Baitang/ 8
ARAW NA TALA DEVELOPMENT HIGH Antas:
SA PAGTUTURO SCHOOL
Guro: PINKY T. TALION Asignatura: FILIPINO
Petsa/ Oras Nobyembre 23,2019 Markahan: IKATLO

10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA Law)” magbigay ng


reaksiyon hinggil sa ibinigay na opinyon ng may-akda.

Gumagamit ng pang-angkop na mga pahayag tulad ng(sa tingin ko/sa


palagay, akala, kung ako ang tatanungin,nararapat lamang, sa totoo
lang,atbp) Ito ay binubuo ng 1 hanggang 2 talata. Ilagay ang sagot sa
kalahating papel

PAMANTAYAN ISKOR
Pagtalakay sa Paksa 15
Gamit ng Wika 15
KABUUAN 30

J. Takdang- aralin/Karagdagang Gawain Maglista ng sampung salita/lingo na ginagamit sa mundo ng multimedia.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%
sapagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy ng
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyonan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang akin naidibuho
na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:

Bb. PINKY T. TALION


Guro sa Filipino

Nabatid:

CESMENDA A. BORROMEO
Punongguro II

Pinagtibay:

DELFIN I. DE LEON, Ph.D.


Public School District Supervisor (Caramoran)

You might also like