You are on page 1of 4

School Grade Level V

Teacher Learning FILIPINO


Area
Date & Quarter 1st QUARTER
Time

I.LAYUNIN

A. Pamantayang Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya,


Pangnilalaman kaisipan, karanasan at damdamin.

B. Pamantayan sa Nakasasali sa isang usapan tungkol sa isang paksa


Pagganap

C. Kasanayan sa Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu, o
Pagkatuto (MELC) usapan. (F5PS-ia-j-1)
 Naipapahayag ang sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang
balita, isyu, o usapan.
 Maipahayag ng malinaw at organisado ang sariling opinyon o
reaksyon sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-aargumento
 Maipakita ang respeto sa iba’t-ibang pananaw at magamit ang tamang
tono sa pagsusuri
II. NILALAMAN Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu, o usapan.

III. KAGAMITANG PANGTURO

A. Sanggunian Curriculum Guide, Learners Material Filipino 5


1. Mga Pahina ng Gabay K-12 MELCS Curriculum Guide FILIPINO p.162
ng Guro
Alab Filipino Manwal ng Guro p. 8-11
. 2. Mga Pahina ng Alab Filipino Batayang Aklat p.8
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula sa
portal ng Learning
Resources (LR)
B. Iba pang Kagamitang Laptop, Slide deck, mga larawan, tarpapel
Pangturo

IV.
PAMAMARAAN

Panimula
A) Paghahanda/  Pagbati
Panimulang Gawain
(Ang guro ay magpapakita ng larawan at ang mag-aaral ay
ELICIT ibabahagi ang kanilang reaksyon tungkol dito.)
Panuto: Tingnan ang bawat larawan. Magbigay ng reaksyon gamit
ang sumusunod na emoji.
B) Paglalahad (Ang mga bata ay tahimik sa pakikinig sa pagbasa ng balita.)

(ENGAGE) Pakikinig sa Balita:


Patuloy ang paglobo ng bilang ng mga taong nagpopositibo sa
COVID-19. Sa kabila nito marami pa ring mamamayan ang hindi
sumusunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan ng
DOH. Tila ba hindi nila alintana ang peligrong dulot ng sakit na ito.

Ano ang inyong saloobin tungkol sa balita?


(Ang sagot ng mga bata ay tatawagin natin na opinyon.)

Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin sa isang


napakinggang balita, isyu o usapan.

Ano ang damdamin mo pagkatapos mong basahin ang balita?


(Ang sagot ng mga bata ay tatawagin natin na reaksyon.)

Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,


pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.

C) Pagtatalakay
Ang pagbibigay ng palagay o reaksyon ay isang mabuting kasanayan
(EXPLAIN) dahil naipapahayag natin ang ating sariling saloobin, opinyon, o
pananaw hinggil sa kaisipang inilahad. Sa pagbibigay ng reaksyon ay
maaring sumang-ayon o sumalungat sa ating narinig o nabasang
teksto, isyu, pangyayari o balita. Sikapan lamang maging magalang
upang maiwasan ang makasakit ng damdamin ng ating kapwa.

Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:


 Sa palagay ko
 Sa aking opinyon
 Sa aking pananaw
 Sa tingin ko
 Sa ganang akin
 Para sa akin
 Kung ako ang tatanungin
 Naniniwala ako

Halimbawa:
1. Isyu: paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa
pandemya.
Opinyon:
Para sa akin, hindi dapat na huminto sa pag-aaral ng dahil sa
pandemya sapagkat napakaraming paraan para maituloy ang
edukasyon gaya ng paggamit ng modyul o online classes.

Reaksyon:
Nakakalungkot isipin na maraming mag-aaral ang nahinto sa pag-
aaral dahil sa pandemya.
2. Isyu: maraming estudyante ang napabayaan ang pag-aaral dahil sa
pagkahilig sa paglalaro ng mobile games.

Opinyon:
Naniniwala ako na dapat mas bigyan ng pansin ang pag-aaral
dahil ito ang susi sa pagkakaroon ng magandang buhay.

Reaksyon:
Nakakalungkot isipin na maraming kabataan ang nagpapabaya sa
pag-aaral.

D) Paglalapat ng Pangkatang Gawain


aralin sa pang-araw- Panuto: Ibigay ang inyong Opinyon at Reaksyon.
araw na buhay # 1 Unang pangkat: Pabago-bagong klima sa ngayong panahon
(EXPLORE)
Opinyon
_______________________________________________________

Reaksyon
________________________________________________________

Ikalawang pangkat: Climate Change o Global Warning


Opinyon
________________________________________________________
Reaksyon
________________________________________________________

Ikatlong pangkat: Pagkakaroon ng sore eyes


Opinyon
_______________________________________________________

Reaksyon
________________________________________________________

E) Paglalahat ng Ano ang ibig sabihin ng opinyon?


Aralin

(ELABORATE)
Ano naman ang ibig sabihin ng reaksyon?

Tandaan:
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o reaksyon sa
mga bagay-bagay, igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan ang
hindi pagkakaunawaan

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:


-Unawaing mabuti ang balita, isyu o usapan
-Suriin ang dalawang panig
-maging magalang sa pagpapahayag ng inyong opinyon o reaksyon.
F) Paglalapat # 2 Ipahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa bawat isyu

1.Pinsala ng bagyo sa ibat-ibang lugar ng ating bansa


Ano ang iyong opinyon?

________________________________________________________
Ano ang iyong reaksyon?
2. Laganap na pagbebenta at paggamit ng droga sa ating bansa

Ano ang iyong opinyon?

Ano ang iyong reaksyon?

________________________________________________________

G) Pagtataya Ipahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa pamamagitan ng pagbuo


ng pangngungusap.
(EVALUATION)
1. Paano maiiwasan ang mga aksidente dito sa atin tulad ng aksidente
sa motor.

Ano ang iyong opinyon?


________________________________________________________

Ano ang iyong reaksyon?


________________________________________________________

2. Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.


Ano ang iyong opinyon?
________________________________________________________

Ano ang iyong reaksyon?

H) Karagdagang Takdang Aralin:


Gawain Makinig ng balita sa radio, telebisyon, o internet sa napapanahong
(EXTEND) isyu o usapin sa inyong pamayanan. Pumili lamang ng isa. Ibu-od ang
balita, isyu o usapin na inyong napili at isulat ang inyong opinyon o
reaksyon tungkol dito.
V. REMARKS

VI. REFLECTIONS

You might also like