You are on page 1of 4

LESSON PLAN IN FILIPINO 6

I. LAYUNIN
Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksiyon sa isang napakinggang
balita o isyu.
II. NILALAMAN
Paksa: Pagpapahayag ng sariling opinyon o reaksiyon sa napakinggang
balita o isyu
Sanggunian: Manwal ng Guro Pahina 187-190, Alab Filipino pahina 174 -
177
Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, activitity sheets, Manila Paper,
pentel pen, Pandikit
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Attendance Check
Kumusta mga bata? Ang lahat ba ay nandito? Nasa mabuting
kalagayan ba tayo ngayon?
b. Setting of Standards
Bago natin simulan ang ating aralin ngayon tingnang muna
natin ang ating paligid kung handa na ba para sa ating
talakayan.
c. Pagsasanay

Ipakita ang reaksiyon ng iyong mukha sa mga larawang


makikita.

Balik Aralin
Paano ba tayo makakasulat ng isang ulat?
Pagganyak
Pakinggang mabuti ang balita.
Tungkol saan ang balitang iyong napakinggan?
B. Paglalahad ng Layunin sa klase
Ilahad ang buong layunin sa klase upang maintindihan ng
mga bata ang buong talakayan.
Ibigay ang iyong saloobin sa nilalaman ng balita.
Ang tawag sa iyong pahayag ay opinyon.
Ano ang damdamin mo pagkataposmapakinggan ang balita?
Ang tawag sa iyong saloobin ay reaksiyon.
C. Pagpapayamang Gawain
a. Gawain
Pangkatang Gawain: Gawin ang mga nakatalaga sa bawat
pangkat. Ipahayag ang inyong reaksyon o opinyon
Facebook Team – Ibigay ang iyong opinion o reaksiyon tungkol sa
Paggiging aktibo ng mga kabataan ngayon sa social media.
Google Team – Ilahad ang iyong saloobin tungkol sa ating
kinakaharap ngayon na “New Normal of Education”
Youtube Team - Ipahayag mo ang iyong reaksiyon o opinyon tungkol
sa video ng pag-aalsa ng mga tao hinggil sa pagpapatakbo ni
Pangulong Duterte sa ating bansa
PAMANTAYAN
Nilalaman - 15 puntos
Presentasyon - 10 puntos
Kooperasyon - 5 puntos
Kabuuan 30 puntos
b. Pagsusuri
1. Magkaroon ng gallery walk
2. Puntahan ang mga nakadikit na gawain ng ibang pangkat.
3. Basahin ang gawain ng ibang pangkat upang malaman moa
ng kanilang reaksiyon o opinyon sa balitang kanilang
napakinggan.
4. Pagwawasto sa gawain ng bawat pangkat.
c. Paglalahat
Paano natin maipapahayag ang sariling opinion o reaksiyon
ukol sa napakinggan balita o isyu?
d. Paglalapat
Ihayag ang iyong reaksiyon o opinyong tungkol sa RESBAKUNA
na inilunsad ng DOH.
IV. PAGTATAYA
Sagutan ang mga sumusunod at bilugan ang titik ng tamang sagot
1. Ito ay ang iyong sariling palagay, panananaw o saloobin sa isang
napakinggan balita o isyu. Ano ito?
a. balita b. Opinyon c. Paksa
2. Sa isang pag-uusap ng magkaibigan sa isang bagay na walang basihan,
ano ang dapat gawi ng magkakaibigan?
a. Pagsasaliksik sa impormsayon na wasto.
b. Ipagpatuloy ang pag-uusap
c. Iiwan sa ere ang usapan at hayaan na lang ang maling balita ang
kumalat.
3. Kung ikaw ay nasa pagitan ng isang pag-uusap ng iyong mga matalik na
kaibigan at may ibinahagi sa iyo na masamang balita na walang
kumpirmasyon na kung ito ba ay totoo o hindi, ano ang gagawin mo?
4-5. Sa pagbabasa ng isang balita, tama ba o mali na paniniwalaan agad
ang isang balitang nabasa na walang basehan o ebidensya kung saan ito
nanggaling?
RUBRIKS SA PAGSUSULAT

5 4 3 2 1

Nilalaman

 Pagsunod sa uri at anyong hinihingi


 Lawak at lalim ng pagtalakay

Balarila

 Wastong gamit ng salita


 Baybay, bantas, estruktura ng mga pangungusap

Organisasyon

 Lohikal na pagkakaayos/daloy ng mga ideya


 Pagkakaugnay ng mga ideya

5 – Pinakamahusay
4 – Mahusay
3 – Katanggap-tanggap
2 – Mapaghuhusay pa
1 – Nangangailangan pa ng mga pantulong na pagsasanay
V. TAKDANG ARALIN
Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa diksyunaryo at gamitin ito sa
pangugusap.
1. Balita
2. bayani
3. angkan
4. daskol
5. kumpol

You might also like