You are on page 1of 1

Sa ating New Schools Division Superintendent-Sir Felizardo A.

Bola ños, sa
ating mga __________, Dr. Lorna R. Medrano, Dr. Minerva C. Caraos, Dr. Catherine V.
Maranan, sa mga guro, mga magulang at mag-aaral na nakasubaybay sa atin ngayon,
isang mapagpalang araw po sa inyong lahat.

Sinasabing ang pagpili ng kurso o karerang tatahakin ay hindi dapat ihalintulad sa


pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon na kapag hindi
mo nakursunadahan ay pupwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay
bawiin ang perang ipinang-bili. Hindi ito maari! Dahil ang oras na iyong nagamit ay alam
naman nating hindi na maibabalik pa kung sakaling magunita mo sa kalagitnaan ng taon
na hindi pala ito ang nais mong kurso. Ipinahihiwatig lamang nito na nararapat na
maging matalino ka sa pagpili ng larangan o karera na iyong tatahakin.

Isang malaking karangalan po para sa akin ang magpahatid ng pasasalamat at


pagkilala sa mga taong nasa likod at naging bahagi ng matagumpay na pagdiriwang ng
Career Guidance Week.

Lubos ang aming pasasalamat kay Mrs. Karen Resurrection sa kanyang


napakahusay na pagbabagi ng kanyang kaalaman tungkol sa matalino at wastong pagpili
ng larangan o karerang papasukin ng ating mga mag-aaral. Gayundin sa mga taong
nagbahagi ng kanilang Success Story na nagbigay inspirasyon at kinapulutan ng aral ng
bawat isa. Kayo ang mga buhay na patunay na walang imposible sa taong may
pagpupunyagi at determinasyon.

Hayaang n’yong kunin ko rin ang pagkakataong ito upang pasalamatan ang
ating Technical Working Group, mula sa Communication and Information Committee
na pinangunahan ni Dr. Marife T. Morcilla, Comimittee on Program na pinamunuan ni
Mrs. Myla Hernandez at syempre sa ating Committee on Documentation na
pinamunuan ni Mrs. Diana Camacho at sa lahat ng kanilang members, maraming-
maraming salamat po sa tulong at suportang ibinigay ninyo upang maisakatuparan
itong programang ito. Higit sa lahat, sa ating dakilang lumikha.
Muli isang mapagpalang araw po at Mabuhay!

You might also like