You are on page 1of 1

Closing Remarks

Sa aming kapita-pitagang punong guro, Sir Ronan M. Sibbaluca, sa aming

supportive na punong brgy Hon. Brgy. Captain Roderick R. Rodrigo, sa aktibong Sk

President ng ating Brgy, Hon. Merpaul Sacatropez at ang ating mabuting

Sekretarya ng Brgy, Jodellyn o. Morales, sa mga mababait na guro ng Botbotones

Elementary School, mga mag-aaral at mga kapwa ko magulang. Magandang umaga

sa inyong lahat!!!

Ako ay nagagalak sapagkat nandito tayo ngayon upang ganapin ang ating United

Nations na may temang “Pagpapalago ng Pagkakaisa”. Ako ay nagpapasalamat sa

inyong lahat sa inyong pakikiisa upang maging matagumpay, maayos at maganda

ang pagdiriwang na ito. Sa inyong pagpapamalas ng mga magagandang kasuotan

ng ating mga anak ay nagpapakita ng pakikipag-isa sa gawain ng ating paaralan. Isa

rin itong paraan upang tumaas ang self confidence ng ating mga anak na

makakatulong sa paghubog ng kanilang pagtitiwala sa sarili.

Mga kapwa ko magulang, patuloy po nating suportahan ang anumang mga gawain

ng ating mahal na paaralan para sa ikabubuti ng ating mga anak. Muli, salamat sa

inyong walang sawang paggabay at pagsuporta sa mga gawain ng ating paaralan.

Pagpalain po tayong lahat ng Panginoon!

You might also like