You are on page 1of 3

I. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Sa ating kagalang-galang at masigasig na punong-guro, Gng. Babylyn M. Lopez, maam, sa ating

butihing Pangulong namamahala Doc. Ronald P.Cabral,sir, sa ating kagalang-galang na ikalawang

pangulong namamahala sa sangay ng Administrasyon at Pinans, G. Rolando P. Cabral,Jr., sir at sa

ating butihing director ng akademya, Gng. Natividad Posadas-Cabral, maam, sa mga masisipag at

masigasig na kapwa ko guro at kawani ng St. Albert the great science Academy, sa mga

mapagmahal na magulang, mag-aaral,bisita, kaibigan, isa pong kaaya-aya at mapagpalang araw sa

ating lahat

Ako si Bb. Shara M. Tupaz, guro mula sa ika-sampung baitang, ang inyong tagapagdaloy ng

palatuntunan.

________________________________________________________________________________

II. Upang pormal na simulan ang ating palatuntunan , mangyari tumayo po ang lahat bilang pagbigay

galang sa ating Pambansang awit ng Pilipinas sa kumpas ni Bb. Kimberly Lomibao,guro mula sa ika-

anim na baitang, na susundan ng pambungad na panalangin sa pamamagitan ng auwdyo-biswal na

presentasyon.

Incase:

Tayo po ay magsitungo para sa panalangin. Panginoon naming tagapagligtas at higit na nakatataas.

Pinupuri ka po namin at pinasasalamatan. Maraming salamat po sa araw na ito, sa paggabay upang

matuloy ang aming programa. Sa mga panauhin at tagapakinig na uunawa sa mga impormasyong

aming ilalahad. Patawad po sa mga kasalanang aming nagagawa sa isip, sa salita at sa gawa,

sinasadya man po o hindi. Hinihiling po namin ang inyong gabay upang maayos na masimulan at

matapos ang aming programa. Nawa po panginoon maging matagumpay ang aming gagawin

ngayong araw at patnubayan niyo po kami ngayon. Kami po ay makapagkumbabang humihiling na

sana ay kalugdan ninyo kami ng inyong presensya at ang programang ito. Ang lahat ng ito ay

hindimatutupad ng wala ang inyong paggabay. Kayo ang naging inspirasyon upang

magingmatagumpay ang aktibidad na ito. Nawa’y bigyan niyo po kami ng malinaw ng pag-iisip upang

matugunan ang lahat ng aming mga tungkulin sa araw na ito. Patuloy niyo po sanang biyayaan ang

aming paaralan/opisina. Ang lahat ng ito ay idinarasal namin samatamis na pangalan ni Hesus,

________________________________________________________________________________
III. Mangyari maupo na po ang lahat. Muli magandang araw sa aming minamahal na magulang!

Salamat sa inyong pagdalo at pakikiisa sa ating oryentasyon sa taong ito. Sa ngalan ng pamunuan

ng paaralan,nais ng St. Albert The Great Science Academy na maging matagumpay ang pagsulong

ng edukasyon ngayong taong panuruan, taong dalawáng libó’t dalawáng pû’t tatló- dalawáng libó’t

dalawáng pû’t apat.

________________________________________________________________________________

IV. Sa sandalling ito, paara lubos nating makilala ang mga guro nagpakadalubhasa sa larangan ng

pagtuturo sa bawat departamento, narito si Gng. Babylyn M. Lopez, ang punong guro ng akademya.

Nagtapos sa kursong Batchelor of Secondary Education Major in English/Unit Earner, Masters of

Arts in Education -English from The National Teachers College, Manila

 1997-2020 - English and Journalism Teacher/ School Paper Adviser/ Student Council

Moderator/English Department Head at Diliman Preparatory School, Metro Manila

 DPS Outstanding Teacher Awardee

 DPS Outstanding Subject Area Coordinator Awardee

 2010-2019 - English Instructor at Diliman College

 Director for Linkages and Partnerships Diliman Educational Corporation year 2019-2020

 Board of Trustee, Diliman Educational Corporation Retirement and Provident Fund year

2015-2020

 November 2021- March 2023- English as Second Language Teacher at

 Skyeng Online English School in Moscow, Russia

Bigyan nating ng mainit at masigabong palakpakan si Gng. Babylyn Lopez.

-Salamat po ma’am.

 Sa pagkakataong ito, para po sa ACADEMIC MATTERS, tinatawagan ko si Bb. Lorna S. Diaz,

para ilahad ang kurikulum. Salubungin natin sya ng mainit na palakpakan.

-Salamat po maam.

 Ngayon naman, sa ating pagpapatuloy narito si Bb. Syrille Anne Valerio guro sa Asignaturang

sipnayan o matematika para ilahad ang proseso sa sistema ng pagmamarka. Bigyan natin ito

ng isang masigabong palakpakan.


-Salmat po maam.

 Bilang magulang nais at hangad natin ang seguridad na ligtas ang ating mga anak sa loob ng

paaralan, kaya naman hingin natin ang presensya ni Bb. Jacquelyn Palisoc ang Officer in-

charge, Guidance and Counseling, para ilahad ang mga patakaran, polisiya, at pamamalakad ng

skwelahan. Salubungin natin sya ng mainit na palakpakan.

-Salamat po sa siksik na inpormasyon maam.

 Sa pagkakataong ito tinatawagan po natin si Bb. Maria Raizel Joy Erero para ilahad ang mga

pasilidad at kagamitan ng skwelahan. Bigyan natin po natin sya ng isang masigabong

palakpakan.

-Salamat po maam.

 Para mapanatiling ligtas at protektado ang ating mga studyante sa loob ng paaralan, narito si Bb.

Kimberly Lomibao guro mula sa ika-anim na baitang, upang ilahad sa atin ang mga hakbang para

sa prebensiyon upang mabawasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit. Salubungin natin

ito ng mainit na palakpakan.

 Sa sandalling ito, tinatawagan ko si Bb. Ma. Jemaica Myrrh Silo para pangunahan tayo sa ating

open forum. Malaya ang bawat isa na ilapit ang mga katanungan at paglilinaw. ….ma’am

Tiyak na higit, siksik,liglig na impormasyon ang ating narinig sa umagang ito para sa mas ikabubuti at

epektibong pagkatuto ng inyong mga anak. Muli salamat sa inyong pakikiisa sa ating Parents and

Students Orientation School Year 2023-2024.

Muli, Ako si Bb. Shara M. Tupaz ang inyong tagapagsalita.

Magandang umaga at mabuhay po tayong lahat!

You might also like