You are on page 1of 1

Untalan, Angela C.

Grade 12- STEM E

FILIPINO SA PILING LARANG (WEEK 4)


PAGGANAP BLG. 4- Paggawa ng Talumpati

Guro ng Pagbabago

Sa ating pinagpipitaganang punong guro, Sir Jessie Vasquez; mga minamahal at


iginagalang na mga guro; at sa lahat ng bumubuo ng ating institusyon, magandang
araw po! Tunay ng ana ang araw na ito ay natatangi sapagkat pinagkalooban tayo ng
ating Poong Maykapal ng isang pagkakataon na ipagdiwang ang kahalagahan ng mga
taong nagsisilbing tanglaw naming mga mag-aaral, nais kong magbigay ng taos-pusong
papuri sa inyong patuloy na pagtuturo, pagsisilbi, pagtitiyaga, at wagas na paglilingkod
sa kabila ng pabago-bagong panahaon, para lamang kami ay maihanda at magabayan
sa tatahakin naming landas sa buhay. Ako po ay nalulugod na batiin kayo ng isang
mapagpala at makigayang araw ng mga guro!
Hindi makakaila sa mga nagdaang taon na labis na naapektuhan ng pandemya
ang sector ng edukasyon sa ating bansa; na nagbigay ng isang malaking balakid sa
pagpapatuloy nito. Kung kaya, ang pamahalaan ay gumawa at naglungsad ng iba’t
ibang mga panukala at pagbabago sa Sistema upang patuloy na umusad ang
edukasyon. Subalit ang mga pagbabagong ito ay nagbunsod sa napakaraming
problema, kakulangan, at kalituhan sa paraan ng pag-aaral. Napakaraming balakid ang
nakaapekto sa daloy ng edukasyon tulad na lamang ng: kakulangan ng pondo, gamit,
hindi maayos na koneksyon sa interebt, at marami pang iba. Hindi lamang kaming mga
mag-aaral ang naapektuhan niito, kung hindi pati na rin ang ating mga kaguruan. Sa
kabila ng mga malalaking pagsubok na kinakaharap sa bagong Sistema, ang ating mga
kaguruan ang unang sumulong at naghawi ng mga balakid sa daan upang mabigyan
tayong mga mag-aaral ng isang maayos at dekalidad na edukasyon. Bukod sa mga
problemag ito ay pasan-pasan pa rin nila ang kinabukasann ng bawat mag-aaral na
kanilang tinuturuan. Sinisigurado ng ating mga guro na tayong lahat ay maihahatid nila
nang ligtas sa ating paglalakbay sa abot ng kanilang makakaya.
Sa ating paaralan, hindi rin matatawaran ang kabayanihan ng ating mga
kaguruan na bukas-palad na bumisita, nakipagusap, at nakipagtalastasann sa mga
magulang, magulangin, at ang mga mag-aaral. Hindi rin nararapat na kalimutan, ang
mga gurng nagbasa, nagwasto at nagturo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
nakawiwindang na proseso ng modyul, ba lingo-linggo ay nadaragdagan – online man o
tradisyonal. Saludo po kami sa inyong mga guro na kulang na lamang ay gawing
tahanan ang paaralan n amula umaga magpahanggang gabi ay nananahan sa mga
silid-aralan sa gitna ng takot at panganibna dulot ng pandemya ay nagsara ang mga
paaralan para sa kabataan, kayo pong aming mga minamahal na guro ay bukas pa rin
ang puso na magturo sa aming mga mag-aaral, hindi pa rin nanunumbalik ang dating
daloy ng atin paaralan sa lubos na napakaraming aspeto.

You might also like