You are on page 1of 1

Enabling Task: Replektibong Sanaysay

Tama nga na ang panahon ay patuloy na nag babago, bawat segundo na lumilipas ay
may panibagong nangyayari na nagsisimula sa ating mga sarili patungo sa ating komunidad na
ating kinabibilangan at mas higit sa buong mundo. Tulad ng panahon, tayong mga tao ay
patuloy din nagbabago. Pagbabago sa paraan ng naaayon sa panahon, upang tayo ay mabuhay
ng maayos at masagana. Katulad ng kasalukuyan, ang ating panahon ay nagbigay sa atin ng
matinding pagsubok. Pagsubok na dapat nating harapin upang tayo ay lumakas at matuto.
Dumating ang nakakahawang sakit na COVID-19 na nag resulta sa biglaang pagbabago ng
ating sistema. Ang eskwelahan na dating napupuno ng mga mag-aaral ay kakaunti nalang o
wala na upang maiwasan ang paglawak ng COVID-19. Sa biglaang mga pangyayari, mga guro
at estudyante ay gumawa ng bagong sistema na kahit walang tamang paghahanda ay dapat
isakatuparan parin sapagkat ito lamang ang natatanging paraan upang tayo ay makapag bigay
serbisyo at mag linang ng mga kaalaman sa edukasyon at sa realidad ng buhay. Ang pag-aaral
sa gitna ng pademiya sa panahon ng online class ay nagbigay ng maraming pagsubok, ngunit
dahil sa sikap at tiyaga ng mga mag-aaral at guro, ito din ay nag ukit ng mga importanteng
mensahe, gabay, at kaalaman. Ang pag-aaral sa gitna ng pandemiya sa panahon ng online
class ay hindi malayo sa traditional na pagtuturo sa loob ng mga paaralan dahil ang tunay na
pagkatuto ay nasa kamay nating mga estudyante at sa tulong ng ating mga guro. Huwag
nating ikumpara at magreklamo sa mga negatibong pangyayari bagkus tayo ay kumilos, mag
isip, at makipag konekta sa iba upang tayo ay hindi mahirapan sa mga panahon ng pagsubok at
malampasan natin ito na puno ng kasiyahan at kaalaman na hindi lamang sa asignatura kundi
sa buhay na napaka importante.

You might also like