You are on page 1of 2

LARAWANG

SANAYSAY
IPINASA NI: Divine Amba-an
STEM 12- ELOISA BRIDGE

IPINASA KAY: Gng. Marjorie Ladesla- Moyong


GURO NG PAKSA
“TINIKALANG BUHAY NOONG PANAHON NG PANDEMYA”

Maraming tao ang naapektohan ng pandemya, marami ang nag-alala at


nangamba. Nawaglit sa ating isipan ang ganda ng mundong atin’g
ginagalawan. Hindi maitatangging napakalaki ng naging epekto ng
pandemya sa pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang sulok ng daigdig.
Hinubog ng ating mga karanasan sa panahon ng krisis na ito ang iba’t
ibang aspekto ng ating mga buhay, maging ang paraan kung paano natin
tinitingnan ang mismong pandemya, kabilang ang iba’t ibang sektor ng
lipunan.

Ang sektor ng pamahalaan ay naging doble ang seguridad, naging malimit


ang pagganap ng pagpupulong. Naging bago sakanila ang pagsusuot ng
‘facemask’. Ngunit sa kabila ng patuloy nating pagharap sa hamon ng
pandemya, patuloy din ang ating pamahalaan sa pagbabalangkas ng mga
bagong alituntunin para sa mas maayos at malinaw na pagtugon hinggil sa
pagsubok na dala ng pandemya.

Tinitiyak ng mga tagapamuno ng Simbahang Katolika sa Pilipinas na


mararamdaman ng mga naapektuhan at naghihirap sa malawakang
pangkalusugang pandemya ang presensiya ng Simbahan. Sa gitna ng
dilim at kawalan ng pag-asa dulot ng nakakainip na pamumuno ng
ilang opisyal ng gobyerno. Ang simbahan ay isang lugar kung saan
maaaring maramdaman ng mga tao na kahit papaano ay hindi sila
pinabayaan ng Diyos, nadama na may pag-asa, at buksan ang
kanilang mga puso sa katotohanan na hindi lamang sila nakatutok sa
sinasabi ng iba. Mayroon’g pag-asa at magiging mabuti rin ang
kalagayan sa hinaharap.

Noong nagsimula ang pandemya, maraming paaralan ang nagsarado. Ang


mga nakatataas ay nahirapang magdesisyon kung itutuloy ba ang virtual
learning o hindi, pero sa huli ay napagdesisyunan na rin na isakatuparan
ito. Lalo na't ang edukasyon ay isa sa mga pangunahing pangangailangan
sa buhay ng tao. Dahil sa makabagong teknolohiya ay nagagawa parin
natin ng maayos ang ating pagaaral, hindi man maaaring magkita ng
malapitan ang mga guro at mga estudyante ay nagagawa nitong
ipagpatuloy natin ang ating pagaaral. Hindi nawalan ng trabaho ang ating
ma guro, bumaba ang gastos sa pamamasahe at ang gastos sa pagpunta
sa paaralan.

Sapatuloy na paglaganap ng sakit hindi mapigilang pagdami ng mga nagpopositibo,


ipinatupad ang lockdown atcommunity quarantine upang malimitahan ang mga taong
maaaring lumabas at masagawa ang social distancingna may layong anim na
talampakan o dalawang metro. Dahil din quarantine, ang mga edad 20 pababa at
mgasenior citizen ay hindi na maaaring lumabas sa kani kanilang mga bahay.
Ipinatupad rin ang pagbabakuna, ng buong pamilya laban sa bayrus, para sa ting
katawan ay maging malakas sa paglaban sa bayrus at ang komunidad ay makaisa na
labanan ang pandemya.

You might also like