You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF BUKIDNON
KITAOTAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Kitaotao, Bukidnon

“TALUMPATI”
ANG PANDEMYA NOON AT SA KASALUKUYAN
Ni Caryl Mae M. Bocado

Magandang araw sa aking mga kapwa ko mag-aaral.


Batid kong lahat tayo ay nagsisikap na labanan ang banta ng
pandemya noon pa mang mga nakaraang taon hanggang sa kasalukuyan.
Sa mga nakaraang taon, buwan, araw, napakahalaga ng ating
pakikipagkaisa sa pagtuon sa hamon ng pandemya. Hindi ito lamang basta
isang hamon sa ating lahat, kung hindi ito ay isang pagsubok sa ating
pagkakaisa at pagtitiwala sa bawat isa.
Noong mga nakaraang taon, hindi natin lubos inaasahan ang biglang
pagdating pandemya, Walang sinuman sa atin ang nag akalang magiging
malala ang sitwasyon na kakaharapin ng ating bansa at ng buong mundo.
Ang pagkakaroon ng pandemya ay nagging sanhi ng matinding pagbabago
sa ating mga pamumuhay, sa mga may trabaho, sa ating edukasyon, at lalo
na sa ating kalusugan. Sa panahong ito, sinisikap ng bawat isa na mag-
adjust sa mga pagbabago sa ating mga kalagayan.
Iilan lamang sa ating pinagdaanan noong kasagsagan ng pandemya
ay ang mga: lockdowns at quarantine, upang mapigilan ang pagkalat ng
virus at tayo ay naging limitado sa ating mga galaw; pagkawala ng trabaho,
paglipat ng mga klasroom sa online, at pag apekto at pagsira nito sa ating
mental na kalusugan.
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, hindi tayo sumuko. Nagpakita tayo
ng paninindigan at determinasyon upang malabanan ang pandemya.
Marami sa atin ang nagbigay ng malaking tulong sa ating mga frontliners,
sa mga health workers at nagpapakahirap sa gitna ng banta ng pandemya.
Nakita natin ang kabutihan ng tao sa panahon ng krisis na ito.
Ngayon, habang patuloy tayong nangangalaga ng ating kalusugan at
nagsusumikap na makabalik sa normal na pamumuhay, hindi natin dapat
kalimutan ang mga aral na ating natutunan sa panahon ng pandemya.
Naging halimbawa ito ng kahalagahan ng kahandaan sa mga hindi
inaasahang pangyayari. Nagpakita ito ng kahalagahan ng pagiging maagap
at handa sa anumang posibleng krisis. Ito rin ay nagpakita ng kahalagahan
ng kooperasyon at pakikipagtulungan ng mga tao upang malampasan ang
mga hamon.
Habang patuloy nating binabalik ang normal na pamumuhay,
nakaranas din tayo ng mga pagbabago na mas ikinabuti ng ating mga
Republic of the Philippines
Department of Education
Region X – NORTHERN MINDANAO
DIVISION OF BUKIDNON
KITAOTAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Kitaotao, Bukidnon
kalagayan: mga vaccinations, pagbukas ng mga ekonomiya, pagbabalik ng
mga pisikal na mga klase, at bagong pamumuhay upang tayo ay mamuhay
muli ng normal.
Sa ating mga kamay na rin ang kapakanan ng ating bansa at ng
buong mundo. Kailangan natin magpatuloy sa ating mga pagsisikap upang
tuluyang mapigilan ang pagkalat ng sakit na ito. Kailangan natin magpakita
ng pagkakaisa at pagtitiwala sa bawat isa, dahil lamang sa ganitong paraan
ay malalampasan natin ang hamon na ito. Kaya't patuloy tayong
magtulungan upang labanan ang pandemya, hindi lamang para sa ating
sarili, kundi para sa bawat isa sa atin, para sa ating mga mahal sa buhay,
at para sa ating kinabukasan.
Maraming salamat.

You might also like