You are on page 1of 4

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Ipinasa ni: Christian Angelo G. Montigo


Gr. & Section: 12 STEM B MEDUSA

Ipinasa kay: Joann J. Garcia

A. Pagguhit ng Poster

Talumpati

Magandang araw sa inyong lahat, nadito ako upang magbigay liwanag sa sitwsyon
natin ngayong pandemya. Mahigit dalawang taon na tayong namuhay sa ilalim ng tinatawag na
new normal, dahil sa sakit milyun-milyon ang nagkasakit at namamatay, dahil sa pandemya
bilyun-bilyon ang nawalan ng pamumuhay at nagangailangan ng tulong. Ang mga tao sa
pinakamahirap na mga bansa ay malamang matinding pagdurusa ang nararanasan nila sa
mahabang panahon. Ang pandemya ay kumitil ng buhay at nagambala ng mga kabuhayan sa
bawat sulok ng mundo. Binago ng pandemya ang ating mundo, binago rin nito ang lahat: ang
paraan ng pagtatrabaho, ang lawak ng paglalakbay, at ang paraan ng pakikipag-usap, pagtuturo, at
pag-aaral. Mabilis nitong naitaas ang ilang mga industriya — lalo na ang sektor ng teknolohiya —
habang itinutulak ang iba patungo sa pagkabulok. Ngayon ay nakatuon tayo sa pagligtas ng
buhay, pagprotekta sa mga mahihirap at mahina, tinitiyak ang napapanatiling paglago ng
negosyo, at muling pagtatayo sa mas mabuting paraan. Wala pang isang taon ay nakapagawa na
tayo ng bakuno laban sa sakit at ngayon ang sitwasyon ng daigdig ay unit-unti ng nakakarekober
ng maayos. Muli nang binuksan ang mga paaralan, establisyemento, mga palibangan, at negosyo
upang dumaloy muli ang takbo ng lipunan.

B. Pagpapahalaga sa Larawan.

Lahat ay naapektuhan ng pandemya, mayaman man o mahirap, maysakit man o wala,


sa iba’t ibang sulok ng mundo malaki ang pinsala na idinulot ng virus. Ngunit hindi ibig sabihn
na lahat tayo ay magkanya-kanyang iligtas ang sarili, may iba diyan ay tumutulong upang
mailigtas ang buhay ng iba. Iyan ang ipinapakita ng larawan, ang kabutihan ng isang mabuting
tao, ng isang mabuting Pilipino. Ika nga “Lahat tayo ay nasa iisang bangka”, kung hindi tayo
magtulungan, lahat tayo malulubog,
Likas sa ating kultura ang pagiging matulungin at may malasakit sa kapwa nating
Pilipino. Noong hanggang ngayon, likas sa ating dugo ang pagiging matulungin natin at dahil sa
pakikipagtulungan ay umangat ang ating samabayanan. Sa panahon ng pandemya lahat ay
magtulungan upang tayong lahat ay umangat.
C. Pagrekord ng Pagtatalumpati

Nang simulang buksan ang bagong semestre, ako ay napaisip kung kahalintulad lang
ba ang school year ngayon sa mga nagdaang school years, ngunit hindi iyan ang aking nadatnan.
Ngayon imbes sa paaralan mag-aral, nasa bahay na at imbes na aklat na nasa paaralan ang iyong
babasahin, module na ang palagi mong kukunin.
Tinatawag na makabagong edukasyon ( new learning sa Inggles) ang paraan ng pag-
aaral namin ngayong pandemya. May dalawang klase ng makabagong edukasyon ang
isinasagawa ng iba’t ibang paaralan sa saanmang sulok ng bansa. Ang ”online class” at ”modular
learning”. Sa San Juan National High School ang isinasagawang makabagong edukasyon ay ang
”modular learning”, kung saan kami ay nasa bahay lamang at magsasagot ng mga module na
ipinapadala ng paaralan papunta sa mga ”recieving stations” na kadalasan ay nasa baranggay hall
ng bawat baranggay ng lungsod. Sobrang hirap ang nararanasan ko at hindi rin nakakatulong ang
”modular learning” sa aking pag-aaral dahil kinakailangan ko bilang mag-aaral ang interaksyon
ng guro at mag-aaral, interaksyon ng mag-aaral sa kamag-aral niya, internet connection, at school
materials.
Napakahalaga ng edukasyon dahil isa itong susi patungo sa matagumpay na
kinabukasan. Sa edukasyon, makaaahon ang isang indibidwal mula sa kahirapan. Dahil sa
edukasyon may matibay na pundasyon sa kaunlaran ang isang lipunan. Dahil sa edukasyon may
magandang kinabukasan ang isang bansa.
General Phyisics 1

Name: Christian Angelo G. Montigo


12 STEM-B Medusa
Subject Teacher: Maam Genti Bungcaras

GRAVITY

CAR MOVING

PENDULUM MOVING

You might also like