You are on page 1of 2

Kumusta na kaya ang mundo?

Kumusta na ang mga kapwa ko?


Kumusta na kaya ang mga estudyanteng katulad ko?
May nagbago nga kaya sa panahong ito?
Marami ang pinagbago ngayon ng ating mundo,
Sa kabila ng pagbabagong ito patuloy ang paghirap ng mga tao,
Maraming nawasak na pamilya at maraming buhay ang nawala,
Dahil sa kumakalat na pandemya,
Pandemyang kumalat sa iba’t ibang bansa,
Isang kalaban na hindi mahagilap ng mga mata .

Covid-19 ang ipinangalan sa kanya, isang virus na


nagsimula sa Wuhan, sa Tsina,
Taong 2019, buwan ng Disyembre, ipinanganak siya,
Napadpad sa iba’t ibang bansa,
Lumaganap na may epektong malala
Ipinatigil ang operasyon ng iba't ibang establisyamento,
At milyon -milyong katao ang nawalan ng trabaho,
Mahigit isang daang milyon ang kumpirmadong kaso,
At mahigit dalawang milyong buhay ang kinitil ng pandemyang ito.

Mahirap man o mayaman, mapa-bata o matanda, lahat ay maaaring maging biktima,


Kayt lahat ay naging limitado, maraming nagbago simula nang dumating ang salot na ‘to.
Gaya ng pagbaba ng ekonomiya ng ibat ibang bansa,
Marami ang mga taong hindi makauwi sa kani-kanilang pamilya,
’pagkat natatakot na sa pag-uwi, Covid-19 ay dala-dala.
Kaya ang bawat isa ay sumisigaw ng tulong,
Gobyerno ay ang siyang umaksyon.
Sa kanilang posisyon kumakapit ang mga tao sa ganitong sitwasyon,
Umaasa na hindi nila tayo hahayaan at kanilang hihilain sa pag-ahon,
Bukas palad sa pagtulong, kaya’t pagsaludo ay nararapat na sa kanila ay ipukol.

At para hindi na mas kumalat pa, nagsimula ang mga ordinansa,


Isang metrong layo sa bawat isa,
pagsoot ng face mask at face shield ay kailangan na,
At ang mga pagtitipon ay ipinagbawal pa.
Sa simpleng pagsunod ay pinapakita ang pakikiisa,
Pakikiisa sa pagsugpo ng kalabang hindi nakikita,
Sapagkat lahat tayo ay sundalo sa laban ng ating bansa
Sa pagpasok ng pandemya, edukasyon din ay lubhang naapektuhan,
Kaya’t marami ang pagbabagong ginawa,
maraming pinagkaiba sa noon na nahirapan tayong makitugma,
New normal ika nga nila,
Kung dati ang mga studyante pumapasok sa paaralan, ngayon hindi na,
Dahil umuso na ang online class sa maraming bansa,
Kung saan ang pagtuturo ay maari ng isagawa sa tulong ng google meet o zoom
Isang virtual classroom na maaring paglagyan ng mga learning materials o modules.

Pero masasabi na nga ba natin na eto ang solusyon?


Sa preperasyong inihanda para sa edukasyon,
Kahit karamihan sa mga mag-aaral ay hindi kayang maki-ayon,
Mas dumami ang hindi nagpatuloy,
Walang magamit na gadgets at walang internet connection,
Ang iba ay sa ibang bagay nakatuon ang atensyon,
At may nakakasabay nga, pero, sigarado bang naiintindahn nila ang lesson?
Lalo na kung paputol-putol naman ang kominikasyon.
Ngunit dahil nasa pandemya tayo, ito ang pinakaligtas na paraan para maitaguyod ang
edukasyon.

Walang nakakaalam kung hanggang kailan ang ating pakikipaglaban.


Hanggang kailan tayo sasakuping ng kalabang hindi man lang natin nasisilayan?
Hanggang kailan tayo makakatiis sa mga galaw na limitado at maging mga bawal?
At kung kailan tuluyang mamatay ang ipinanganak na walang nagmamahal?
Ngayon na ba, na nagkalat na ang mga bakuna?
O, simula pa lamang ito ng mas matinding gyera?
Sa paglipa ng iba’t ibang bakuna kontra pandemya,
Nakakasigurado nga ba na hindi kalusugan ang nakataya?
Na kaya nitong sugpuin ang kalabang hindi nakikita?
Dahil maraming agam-agam ang hindi mawala-wala.

Kumusta na kaya ang mundo?


Kumusta na ang mga kapwa ko?
Kumusta na kaya ang mga estudyanteng katulad ko?
May nagbago nga kaya sa panahong ito?

You might also like