Buo na sa isipan, planado na ang mangyayari Hindi man natin alam ang eksaktong oras O ang eksaktong bilang Ngunit nakita natin ang pagdating nito Nagkasundo rin ang puso at isipan Na sa araw na darating ay makakamtan na ang mga bituin, ang buwan Mahahawakan na ang nag-aalab na araw At ito ang katuparan na hinding-hindi natin makakalimutan.
Parang kailan lang…
Dinig na dinig ko pa ang lagatak ng mga nag-uunahang yapak papunta sa silid-aralan Tanaw na tanaw ko pa ang mga kamay na mahigpit na hinahagkan ang mga papel at aklat Habang ang mga balikat ay pasan-pasan ang mga kagamitang kailangan Parang kailan lang... Noong hindi na maipinta sa ating kagandahan ang pagod, ang hirap, Noong hinihingal pa tayong umakyat sa may hagdan O ang magsalisihan sa napakagandang pasilyo ng ating paaralan.
Parang kailan lang...
Noong mistulang pinagkaitan tayo ng sanlibutan Iyong akala nating dalawang linggong pahinga matapos ang tatlong araw na pagsusulit Ay hindi natin inakalang magiging dalawang taon pala. Dalawang taong ikinulong tayo sa ating mga tahanan Nilimitahan tayo ng kalawakan sa mga bagay-bagay na maaari pa anting mahubog, na maaari pa nating makamtan na maaari pa nating mapag-aralan sa loob ng ating silid-aralan
Parang kailang lang…
Noong aktwal nating naranasan ang pagtuturo Ang pinaka-inaasam-asam na araw Ang maranasang batiin ng mga mag-aaral Ang makita ang mundo na ating pinaghahandaan Ang magtanim ng kaalaman sa mga musmos na isipan.
Parang kailan lang...
Noong naisuot na natin ang medalya na ating pinaghirapan Ang sertipiko na nagpapatunay ng papupursigi Ang gantimpala ng ating apat na taong pagsusumikap Parang kailan lang... Nang maisuot natin ang pinakamagandang kasuotan Ang maglakad sa pinakamahabang pasilyo Ang maghintay para sa ating huling pila Ang masaksihan ang hiwagang dulot ng ating pagtatapos Parang kailan lang... Noong nagsisimula pa lang tayo sa ating pangarap Ang iba’y piniling sumabak agad sa mundo ng paaralan Habang ang iba’y piniling pagtuonan ng pansin Ang lisensyang nais makamtan. Parang kailan lang… Noong tutok na tutok pa tayo sa pag-aaral, Iyong pipiliting aralin at alalahanin ang mga natutuhan Noong hindi pa tayo sigurado sa lahat ng bagay Nangangapa sa kung ano nga ba ang lalabas Sa pinakamahalagang pagsusulit sa ating buhay Mistulang ligaw na sisiw dahil hindi pa natin nakikita Ang sa atin ay nag-iintay.
Parang kailan lang…
Noong nilulukob pa tayo ng pagdududa Na baka hindi natin maipasa at madismaya sila Ilang beses nga ba nating tinanong ang sarili, Kung papasa ba? Kung kakayanin ba? Ilang buntong-hininga na nga ba ang pinakawalan? Ilang mabibigat na tubig sa mga mata na nga ba ang umulan? Ilang kumpyansa na nga ba ang tuluyan ng lumisan? Parang kailan lang... Sinasakal pa tayo ng mundo sa inaasahan nito sa atin, Sinasakal pa natin ang sarili sa mas mataas na mithinn, Kinukulong ang sarili sa loob ng apat na sulok ng takot Pinapakinggan lamang ang musika na nagsasabing hindi ito mangyayari
Pero aminin man natin o hindi
Nakita na natin ang magandang mangyayari At alam kong naramdaman na natin Na naging saksi ang mundo sa tagumpay natin Parang kailan lang… At ngayon, sa wakas, nakamtam na natin Sa wakas naabot na natin ang buwan Hindi na natin kailangan pang makipagsabayan Sa malakas na alon ng pagdududa o Magpaulan sa batikos ng kalawakan Dahil ito na ang katuparan na ating pinakahihintay. Binabati kita dahil narating mo ang kabanatang ito. Malayo pa, marami pang pagliko, marami pang daang mabato Pero ang mahalaga ay malayo na tayo.