You are on page 1of 1

Ang ating buhay na nasanay sa apat na sulok ng silid aralan ay iba na ngayon.

Malawak na ang uri ng mundo na ating ginagalawan.

Kaakibat nito ay ang mga malalaking obligasyon at mga responsibilidad na


nakatang na sa ating mga balikat. Dito na natin tunay na maiintindihan ang tunay
na kahulugan ng salitang buhay.

Walang silbi ang lahat ng ating mga parangal at mga gawad na natanggap mula sa
ating pagtatapos kung hindi natin ito lubusang magagamit.

Ang mga diploma at mga matataas na grado ay magsisilbing mga palamuti lamang
kung hindi natin ito magagamit ng may kabuluhan.
Alalahanin natin na sa kabila ng hirap ng ating mga magulang ay pilit nila tayong
iginapang at itinaguyod para lamang makatapos tayo sa ating pag-aaral.
Ang karangalan sa pagtatapos ay regalo natin sa ating mga magulang. Ngunit ang
kapakinabangan ng ating pag-aaral ay para sa ating mga kinabukasan.
Ang pagtatapos sa ating mga kurso ay ang umpisa ng ating unti-unting pagtayo sa
ating mga sariling mga paa.

Umpisa ng pag-abot ng ating mga munti at malalaking pangarap at paghahanda sa


ating mga sarili para sa mapaghamong paglalakbay sa totoong kahulugan ng
buhay.

You might also like