You are on page 1of 1

Anino ng Sakripisyo

ni Lexis Anne R. Taparan

Magandang araw sa ating mga minamahal na mga graduates! Ngayon, tayo ay nagtitipon
upang magkaisa at ipag-diwang ang isa sa pinakamahalagang yugto ng ating buhay. Ang
pagtatapos ay hindi lamang isang simpleng pagwawakas, ito'y isang simbolo ng ating
matagumpay na paglalakbay tungo sa hinaharap.

Ngayon, kayo ay handa nang sumabak sa mas mataas na hakbang ng inyong pag-aaral.
Ito ang oras na kayo'y magpapasalamat sa inyong mga guro na nagbigay sa inyo ng mga
kaalaman at mga aral na hindi lamang tungkol sa aklat, kundi pati na rin tungkol sa pagmamahal
sa bayan at pagiging mabuting mamamayan, huwag nating kalimutang magpasalamat sa mga
magulang, at mga kaibigan na sumuporta sa ating tagumpay. Sa inyong pagtatapos, huwag
kalimutan ang mga halaga na inyong natutunan. Maging responsable at determinado sa inyong
mga pangarap. Ang elementarya ay unang hakbang lamang, at sa mga darating na taon, mas
marami pa kayong matututunan at mararating. Nawa'y patuloy ninyong pangalagaan ang inyong
pangarap, at maging inspirasyon kayo sa ibang kabataan. Dahil ika nga ni Doktor Jose Rizal,
"Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan".

Congratulations sa inyong lahat, mga graduates! Inyong pakatandaan na ang inyong


tagumpay ay anino ng inyong mga sakripisyo na hindi mawawala sa inyong pagkatao.

You might also like