You are on page 1of 1

PAMBUNGAD NA PANANALITA

Sa ating kagalang-galang na Schools Division Superintendent, Rhoda T. Razon / sa ating


OIC-OSGD, Gng., Josie C. Palioc / G. Romeo Hipolito, EPS sa Asignaturang Agham / G. Antonio G.
Go, Tagapamasid Pampurok / Gng. ELSA M. MAPANAO, ang ating Punong-Guro/ mga guro/ mga
magulang at panauhin / at sa kapwa ko kamag-aral / MAGANDANG UMAGA PO.

Ngayon / ang pinakamahalagang araw na hinihintay ng bawat mag-aaral / na


nagpapatunay na natapos natin ang unang yugto ng ating pag-aaral / at simula ng panibagong
pakikibaka para sa ating minimithing pangarap / at magandang kinabukasan / mga kapwa kong
magsisipagtapos, lagging tandaan ang mga mabubuting aral na ating natutunan sa kabuuan ng
ating pananatili sa paaralang Sumacab Este / ay ating maging gabay upang higit nating
pahalagahan ang edukasyon, ang susi sa pagtupad ng ating pangarap.

Ang mga kaalaman at kasanayang naituro sa atin ng mga guro ay ating palawakin /
linangin / at pagyamanin. Maraming pang hadlang at balakid ang ating haharapin sa mga susunod
na panahon ang ating pag-aaral / ngunit dapat tayong maging positibo / sa pagharap ng mga
suliraning ito, upang tayo ay magtagumpay sa ating mga gawain.

Ang mga hirap at sakripisyo ng ating mga magulang / mga guro ay maging inspirasyon sa
ating paglalakbay tungo sa ating adhikain at pagiging isang mabuting mamamayan ng ating bansa.
Huwag tayong magpadala o paimpluwensiya sa mga masasamang gawain sa ating paligid, bagkus,
panatilihing bukas ang isip sa mga gawang mabuti, pagpapakumbaba, disiplina at higit sa lahat,
ang paniniwala at pagmamahal sa Diyos sa paggabay sa atin sa araw-araw.

You might also like