You are on page 1of 1

PANGWAKAS NA PANANALITA

Sa ngalan ng dalawang-daan dalawampu’t siyam na guro ng


Paaralang Elementarya ng Kasiglahan Village isang taos-pusong
pasasalamat ang nais naming ipaabot at iparamdam sa pagtatapos ng
programang ito.

Sa kabuuan ng programa, ating natunghayan ang pinagsamang


lakas, tibay ng loob at paninindigan ng mga magulang, mag-aaral at
lalong-lalo na ang mga guro sa pagsuporta sa mga programa ng ating
paaralan. Ang ating pag-kakaisa, sipag, talino, at pagtutulungan ang
naging tulay upang mapagtagumpayan natin ang mga hamon at pagsubok
na dala ng COVID 19 simula umpisa hanggang wakas ng taong panuruan
2020-2021.

Nawa’y sa pagkakataong ito maging mas bukas ang ating isipan na


ang tiwala at pagbubuklod-buklod at pagkakaisa ang ating naging
sandigan upang malagpasan natin ang bawat hamon ng Edukasyon sa New
Normal. Nasa gitna man tayo ng Pandaigdigang Pandemya tanging
pagmamalasakit pagtutulungan, at tunay na diwa ng bayanihan ang ating
naging kalassag upang mapagtagumpayan ang lahat ng hamong ating
hinarap.

Muli, Maraming Salamat sa inyong pakiki-isa sa ating panapos


Birtwal na SOSA para sa taong panuruan 2020-2021.

Magadang Umaga at Mabuhay po tayong lahat!

You might also like